Ano ang nagpapangiti sa inyo? Sakin, ito...
Simula ng bumalik ako galing ng New Zealand eh sobrang laki ng tinaba ko. Kaya ngayon, bawal ang kanin, kumain ng marami at magpakabondat. So ibig sabihin nito, eh wala munang Sbarro. Pero kapag naiisip ko itong malinamnam na pagkain na ito... To hell with weight loss!!! Mmmmmm... sarap!!!
2. XBOX 360
Pipigilin ko ang sarili ko kasi baka isang mahabang post ang maisulat ko dito para lang sa xbox 360. Kung ngayon ka lang napadpad dito sa blog ko, maikwento ko lang ang maikling anecdote na ito. Simula Hulyo eh nasira yung console ko. Apat na buwan ang hinintay para lang magkaroon ng pera pampaayos lang nito, sabay malalaman ko na may shop sa Ortigas na nag-aayos nito sa halagang P1800, eh ang akala ko noon P6000 ang paayos nito. So ayun, ngayon adik nanaman ako!!! Anim na games nga pala ang binili ko kahapon!!!!
3. BAGONG DAMIT
Seryoso, hindi ako sanay na namimili ng sarili kong damit. Kaya siguro may pagkamanong ang porma ko, eh kasi dati madalas umaasa lang ako sa mga padalang polo ng mga tiyahin ko. Asa ka pang in sila sa bagong style diba. Simula nang malipat ako sa Marikina at nakasama sa ilang mapopormang kaibigan, natuto akong bumili ng damit na sakto lang sa size ko. Kasi sa Amerika, kapag large ang binili mong damit, eh ibig sabihin nun kasing laki mo si Jimmy Santos. Eh hello 5'6 lang ako. Kaya ang saya saya ko kapag nagsusukat ako ng mga magagandang damit... at nabibili ko ito.
4. PUMAPAYAT KA
Gaya ng sinabi ko nung una, pagbalik na pagbalik ko mula NZ ilang buwan na ang nakakaraan, eh lahat na lang ng tao sinabihan akong lumolobo. Kaya simula noon, todo gym at diet ako. Kaya ngayon palakpak tenga ako sa tuwing nasasabihan ako na 'uy ang laki na ng pinayat mo ah.' Isa na ring dahilan kaya mahal na mahal ko ang trabaho ko eh dahil libre dito ang gym, may trainer ka pa. Parang impyerno ang pakiramdam pag naggygym ako, pero sulit naman. Hahahaha
5. SI KRAS
Madaming nagpapangiti sakin na hindi ninyo makikita dito sa listahan na ito dahil sobrang keso!!! Pero dahil wala naman ako masyadong maisip kaya isisingit ko siya dito ngayon. Hindi ko alam ang pangalan niya, kasi wala akong lakas ng loob na makipag-usap sa hindi ko kilala pero siomai, nahuhumaling ako sa kanya. Hindi naman siya tipong kagandahan talaga, pero anlakas ng appeal para sakin. Unang-una nagbubus siya so ibig sabihin, hindi siya high maintenance. Sabay may dimples pa. Hay. (MATAGAL KO NANG SINULAT ITO... WALA NA AKONG KRAS NGAYON!!! ISA NA LANG.. HEHEHE)
6. COMICS
Anim pa lang hirap na ako ah. Oh eto, ang isa sa mga hobbies ko. Hindi nako bumibili ng paisa-isang issue ngayon kasi mahal. So ang ginagawa ko, yung mga trade paperback na ang binibili ko. Huli man ako sa kwentuhan, at least in the know pa rin ako (may internet naman). Pwede ako tumambay sa tindahan ng komiks buong araw nang hindi lumalabas. Tatlo lang naman talaga ang kadalasang pinagkakaabalahan ko, comics, internet at pabango. Noong mga nakaraang buwan, dito lang napupunta ang pera ko. Pero kung mababasa niyo lang ang mga kwentong nilalabas ngayon... di rin mawawala ang ngiti nyo pag nakita niyo ang bida bugbugin ang kalaban niya.
7. END NG TRABAHO
Gaano man ako kasaya sa trabaho ko, wala ng mas sasaya pa para sa akin kapag tapos na ang araw ko. Yung tipong mag-gygym ka na lang bago umuwi. Tapos pag-uwi mo, maglalaro ng konting Fallout 3 bago matulog. Hay. Enough said.
8. MAHABANG TULOG
Dahil ngayong linggo, kulang ako dito ilalagay ko sa mga bagay na nagpapangiti sa akin ang isang mahabang mahabang tulog. Hindi yung tipong di na ako magigising, kasi patay na ako nun. Pero yung kumpletong tulog 8-9 hours ng tulog. Yung may magandang panaginip. Tapos di ka gigisingin sa gitna ng tulog mo para itanong lang kung gising ka (I love you lola!!!). Sobrang ganda ng araw ko kapag may ganitong tulog ako.
9. KAKORNIHAN
Sa totoong buhay hindi ako magaling sa comedic timing. Yung mga joke ko sa mga kaibigan ko eh kadalasang napagkakamalang seryoso. Siguro pag naging stand-up comedian ako wala kayong maririnig sa audience kundi tunog ng mga kuliglig, pero ang hilig kong makinig sa mga korni na jokes. Yung cellphone ko puno ng mga jokes. Tapos kung tumawa ako, parang hindi na sisikat ang buwan mamayang gabi. Ganun ako kababaw.
10. MGA EKSENA SA BUS
Hindi dahil sa manyak ako ha. Pero natatawa ako sa mga eksena ng PDA. Ewan ko ba. Hindi naman ako nalilibugan sa kanila, kaya lang nakakatuwa lang silang tingnan. Tapos maririnig mo isang minuto nagsasabihan ng 'i love you' tapos mamayamaya may maririnig mo na lang nag-aaway na sila. Tapos si lalake yayakapin ng mahigpit si babae, then si babae yayakap din naman, sabay palo sa likod. All that habang pinapanuod mo ang pirated copy ng My Only U, or Quantum of Solace.
Repost lang to. Wala kasing laman ang utak ko ngayon.
***************
Ang isang nagpapangiti sakin eh kung gaano karami ang natutuwa sa bagong estado ko sa buhay. Salamat sa suporta mga kafacebook. Kaya lang medyo OA ang mga reaction. Parang ngayon lang ako nagkasyota!!!
Isang buwan na kami!!! Bukas!!!
25 comments:
Green na green ang post na ito!!! hahahaha
pansin ko nga green ang post mo. green minded ka? hehe
Happy 1st monthsary sa inyo...more monthsary to come
happy monthsary sa inyo parekoy!
sana tuloy tuloy na yan! kampay!
wow! masustansyang post to. green na green! hehe
happy monthsary sa inyo! hihihihi
happy monthsary. sa listahan mo yung end ng trabaho pinakanagpapasaya sa akin.
napangiti ako sa post mong ito hehe :)
uy di ka naman nagsasabi eh may lovelife ka na pala ngaun.
friend ka ba ni dong ho? sisilipin ko ang account mo pag andun ka :) sori may pagka usyosera ako eh.
si kras?
akala ko ba kayo na?
ahhh repost pala...
hehe.. hindi ako nakasunod sa kanya sa dami ng kras na nabanggit mo nuon... kapag nirerecall ko nahihilo ako kung sino sa kanila 'to(si kras).. hehe
ok lang yan.. atleast kapag nawala si kras madami pang magpapangiti sayo..ahehe.jokes.
teka. asan na picture greeting ko parekoy? hehehe
wow happy monthsary sa inyong dalawa, kaibigan!
Tiyak na ang ngiti mo ngayon at abot hanggang tenga : D
madali lang naman palang pangitiin si gillboard. :) kakatuwa. bigla ko tuloy naiisip na simple lang ang buhay. at mga simpleng bagay lang ang magpapasaya sayo (hindi kasama ang xbox. hahaha)
parang lahat nalang ng nagpapasaya sayo nagpapasaya din sakin...same lang naman tayu ng hilig..maliban nalang sa monthsary..pag punta ko diyan sa manila bibili ako ng maraming mraming comics!!!!!!!!!!!!!!
happy monthsary nalang sa kamay ko.
ahahahaa..ang green.
maldito: nakakatamad na kasi mag edit edit kaya hinayaan ko na lang yan kung paano siya originally.
caloy: mababaw lang naman kasi ako, kaya kahit ganyan lang masaya na ako.
aj: welcome sa blog ko!!! balik ka!!
Napapangiti ako sa payslip...
kosa: tingnan ko kung makakahabol ako. sobrang busy talaga. sensya na. promise pag di ko nagawa, babawi ako some other way.
photo cache: yup. friend ako ni dong sa facebook, kaya lang nakaprivate ako. iadd mo na lang ako, tas pakilala ka, kasi nag-iignore ako pag di ko kilala. hehehe. suplado much!!!
soltero: salamat. napangiti rin ako sa kumeno mo.
the dong: di ba. ang saya saya ng pagtatapos ng trabaho. lalo na pag sabado ng umaga.
doc ced: salamat doc.
indecent: oo nga. sana tuluy-tuloy na 'to.
glentot: ako lately, di masyado. sa august pa increase ko. huhuhu
mokong: salamat moks. onga. sana more monthsaries to come!!!
master: konti lang. hehehe
gillboard: oo kukumentohan ko ang kumento ko. di ko siya nabasa nang nirepost ko to. ngayon ko lang narealize sobrang tagal na pala nito. may new zealand at gym pang nababanggit. hehehe
now lang ulit ako napadpad sa blog mo haha at im loving the new lay out,green.
natawa naman ako dun sa mga damit na galing US na malalaki haha,buti nabili ka ng damit mo!
at wow may karelasyon ka na?naku makapag back read na madami ata ako namiss!
umpisa pa lang alam ko nang repost eh nabanggit mo kase yung new zealand eh parang 2008 pa ata yun. heniwei happy anniv sa inyo :-))
Repost ba ito? Haha parang nabasa ko na. Pero ang nagpapangiti sa 'kin eh kapag narereciprocate 'yung feelings ko para sa ibang tao. (Ayown o!)
BAKED ZITI ng Sbarro--- undisputed favorite namin ni Ayah yan! ;)
OT: super green, pinaninindigan mo talagang ikaw si GIBO. LOL
PS 2: Word Verification: nonstic
napapangiti ako kapag humaharap ako sa salamin. napapangiti ako kapag nililipat ng mga kasama ko sa bahay ang channel ng teevee dahil nagsawa na sila sa mga lecheserye. napapangiti ako kapag nakakakain ng shawarma with lotsa garlic sauce. napapangiti rin ako kapag sinasabihan akong pumapayat na daw ako.
happy monthsary sa inyo! \m/
aaaaawwwww!!!!!!!!
hapi pers mantsari po sa inyo manong gilbert at sa iyong sinisinta.
oh ayan, sa iyo na mismo na nanggaling na may pagka-manong ka. hahaha
nyahaha
paminsan kung ano ba yun sobrang babaw, yun pa talaga ang nagpapangiti satin
=)
Wow you have 10. I only have a few.
1. Gaming (Warhammer Online, in particular)
2. Music
3. Books
4. Comics
5. Day offs
6. Gyros
7. Jack Daniel's Old No.7
8. Kettle Cooked Potato Chips
9. Red Horse
10. Batchoy
Yup, that's probably it.
Post a Comment