Mga Sumasampalataya

Jun 30, 2010

CHOOSE ME

Ngayon lang kami nagkita ulit ni Grace mula ng ako'y nagkaroon ng girlfriend. Pero kahit bago pa nun, matagal na rin kaming walang balita sa isa't-isa.

Walang nagbago sa kanya. Maganda pa rin. Balingkinitan. Mapungay ang mga mata. Pulang mga labi. Bakas sa mukha ang lahing Kastilang kanyang pinagmulan.

Niyakap niya ako ng mahigpit, at hinalikan sa pisngi. Parang wala lang. Parang walang nangyari. Parang walang namagitan sa amin.

Naaalala ko ang lambot ng kanyang mga kamay tuwing hinahaplos niya ang aking mukha. Habang minamasahe niya ang aking likod. Naaalala ko lahat. Lahat lahat.

Yung gabing naiwan kaming dalawa sa kanyang bahay nang iniwan kami ng pamilya. Naaalala ko ang ilang minuto naming titigan. Ang mapaglaro niyang mga mata, habang kinakagat ang kanyang labi. Kung paano niya ako hinila papunta sa kanyang kwarto. Ang maiinit niyang mga halik. Sa aking labi. Sa leeg. Sa dibdib. Ang mainit na gabing aming pinagsaluhan.

Hindi pa yata ako tuluyang nakakalimot.

Pero may Cristina na ako.

Nakita ni Grace na lumungkot ang mukha ko. Nadama ba niya kung ano ang naramdaman ko?

Parang sagot sa tanong, binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Lumapit siya at hinaplos ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kanyang kamay, at hinayaan itong mamalagi sa aking mukha ng ilan pang saglit.

"I heard about Cristina," simula niya.

"I'm sorry, Grace," ang tanging sagot ko.

"You could have waited." namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Hindi pwede eh," inilayo ko ang aking tingin. Di ko kayang nakikitang nasasaktan si Grace.

"Why can't you choose me?" tanong niya sa akin.

Tumalikod ako. Pilit tinatago ang lungkot. Pinipigilan ang panginginig sa aking boses.

"Dahil magpinsan tayo Grace. Alam mo yan."

15 comments:

Jepoy said...

swabe ang pag kakasulat, short and sweet. Pwede kang maging script writer alam mo ba yun. Baka ikaw na ang tatalo sa sumulat ng Popoy and Basha :-D

Nagustuhan ko ito talaga, may pinag huhugutan ba 'to? hehehe

bulakbolero.sg said...

nice story gb... \m/ asteeg.

my-so-called-Quest said...

yikes...
i had a 1 week relationship with my malayong kamaganak. when we found out, nakakakilabot. hahaha.

pmm012 said...

ang sakit sa pantog!

NoBenta said...

may kakilala akong magpinsang buo na naging mag-asawa. abnoy ang naging anaka nila.

DRAKE said...

Nice story gill....galengggg!!

Ingat

dong ho said...

nice ending. magaling magaling.

Sonia said...

wow. nice piece. i didn't expect that too much. the ending was a nice surprise.

glentot said...

Incest! yum. Bwahaha

kikilabotz said...

ang galing.. pero true story b ito ?/

prinsesamusang said...

aw! sakit sa ulo!

Ollie said...

Habang binabasa ko, "No way na may ganitong kang personal na kwento, hubad na hubad"

Then nakita ko sa ilalim ng kwento.

Labels: Fiction.

Sus! ;)

kcatwoman said...

wah! iba talaga ang mga kwento mo. laging may supresa sa ending. i 'll read more i hope.

Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng

Raft3r said...

pwede itong pang gma telebabad!
hehe

Nicos said...

whoooaaaahhhh! ang OA ko talaga mag-react..pero whhooahhh talaga!