Mga Sumasampalataya

Jun 25, 2010

MY FAVORITE FICTION

Hinawi ni Laurie ang mahabang buhok niya. God, ang ganda ganda niya!

Magdadalawang oras na kami sa loob ng restaurant. Hindi nauubos ang kwentuhan. Tungkol sa trabaho niya. Mga kalokohan namin noong nag-aaral pa kami. Mga ex niya. Mga lakad ko sa ibang bansa.

Pinapanuod ko si Laurie habang sinusubo niya ang kanyang pagkain. Ang sexy. Nakakaturn-on. Nakakapag-init ng damdamin. Hindi ko pa nararanasan ang ganito, kahit unang date lang namin ngayon.

Ang pula ng mga labi ni Laurie. Mestiza. Nang-aakit ang mga mata. Makinis ang balat. Kahit sinong lalaki mahuhulog talaga sa kanya. Naisip ko ang swerte ko ngayong gabi at ako ang kasama niya.

Ako na isang simpleng lalake lamang. Hindi gwapo. Hindi maganda ang katawan. Buti na lang at malakas ang sense of humor ko. Hindi ako nahirapang magpapansin sa kanya.

"Thank you Franco, I really enjoyed this dinner." sabi ni Laurie.

Matatapos na ba ang gabi? Ayoko pa sana.

"No, thank YOU. I enjoyed your company," sabi ko.

Ngumiti lamang siya.

Gusto ko siya. Nahulog na yata ako sa kanya. Sa isip ko, kailangan kong maging totoo sa kanya. Ayoko na magsinungaling.

"Laurie..."

Nag-iisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Kapag nalaman niya ang totoo maaaring hindi na siya makipagkita sa akin. Baka hindi ko matikman ang kanyang mga labi. Baka hindi ko na mahawakan ang maganda niyang katawan. Baka magalit siya sa akin.

"There's something I have to tell you..." umpisa ko.

Nagtatanong ang mga tingin ni Laurie. Nalilito. Pero ngumiti siya.

"Sige, Franco. Tell me." sabi niya.

Nanlamig ang aking katawan. Tatanggapin niya kaya ang sasabihin ko. Magagalit kaya siya.

Eto na.

"Laurie, I'm married..." bulong ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Laurie. Tumingin siya sa baba. Nagalit yata.

Muling hinawi ni Laurie ang kanyang buhok at tumingin sa akin.

"Trade secret?" sabi niya.

Nilapit ni Laurie ang mukha sa akin, at pinagdikit ang aming mga pisngi. Bumulong siya sa akin...

"Me too," sabay balik sa kanyang pinagkakaupuan.

Bigla akong napangiti.

**************
Wala pa ring maisulat these days. So eto ako at nagrerepost nanaman. Third this month.

Anyway, this is my favorite work of fiction. Medyo bad yung kwento. Pero ang smooth kasi ng daloy ng storya. So ayun.

Hope you enjoy. Or if you've read it before, enjoy it again.

19 comments:

AJ said...

Kaibigan! Di ba pag inlove, inspired magsulat? Hehe

NoBenta said...

ok lang yan, basta inlababo ka ay masaya na kami!

prinsesamusang said...

winner ang kwento mo. alam mo, dahil sayo na hindi mainspire eh ako naman ang nainsipire magshare ng fiction ko. gusto mo iemail ko sayo? nahihiya ako eh haha

Kosa said...

ngayon ko lang 'to nabasa...

kakaiba ka talaga magsulat... parang yung isang kwento mo nun na nagpatumbling sa akin! anu na nga ba title nun? basta yung may ikinasal... tapos sa honeymoon nila eh iba naman pala ang gusto nila..lols (dito ko yata[?] Nabasa yun...)

kcatwoman said...

well kahit repost, ang ganda, misteryoso, kaabang abang ang sususod na mangyayari

Jag said...

i love what is happening in the story hehehe...

Jag said...

i love what is happening in the story hehehe...

jayvie said...

mga taksil!

Photo Cache said...

parang alternate ending ng UP IN THE AIR :D

the donG said...

hahaha... binalik din sayo. sa bulong pa.

Raft3r said...

parang si Marian Rivera si Laurie
hehe

my-so-called-Quest said...

first time ko to mabasa, what can i say? hmmmm... slut! joke,hhehe!

sabi nga sa taas dapat inspired ka sumulat? hehe

Travel vacation said...

a good place that can increase the inspiration for all of us ..

Insurance Quotes said...

thank you for this excellent info, I would like to visit there.

Technology and Informations said...

beautiful, beautiful, interesting ... that's no good at these places .. I like that.

healthy live said...

I like it, and I'm sure everyone would like to place this good, I was eager to visit it for the sake of my family happy.

Finance Business Corner said...

Thank you for everything you have shown to us, you will definitely experience I use to soon come and visit this nice place.

Technology said...

very good, the quality of the natural beauty of incredible ..

bobby said...

really beautiful and very fitting for my soon to visit.