Nagmamadali siyang lumabas at lumapit sa akin.
Hinalikan ako at umupo sa tapat ko. "I'm sorry I'm late, Tracy. Traffic."
"You're always late Ian. You know how important today is..." magsisimula sana akong maglitanya sa mga problema namin sa relasyon namin.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry. I'm here na. We'll talk."
Tinawag niya ang isa sa mga crew ng cafe. "Ako na ang oorder para sa'tin okay? Ate bigyan mo ako isang order ng Dory Fish Fillet, padamihan ng tartar sauce, isang order ng Mongolian Rice and dalawang Mango Shake. Yung pinakamatamis na mangga na meron kayo. Thanks."
Nakuha niya lahat ng gusto ko.
Si Ian, ang boyfriend ko. Di man siya perpekto, pero laging napapangiti niya ako.
-Kaffe Razzo
Tikman ang kapirasong langit.
********************
Maraming nakapunta sa soft launch noong Sabado sa cafe ni Kuya Chinggoy na Kaffe Razzo, ilan lang ang naabutan ko dahil maaga akong dumating doon at may lakad pa ako. Pero hindi tungkol sa akin ang post na ito.
Sabado ng umaga nang sa unang pagkakataon sa linggong nagdaan ay nasira ang diet ko. Bumisita ako sa mumunting coffee shop ni Kuya Edsel sa may Sta. Mesa para tikman ang pagkain sa pinagmamalaki niyang negosyo, ang Kaffe Razzo.
Dory Fish Fillet, iced coffee at mango shake lang ang natikman ko, pero sobrang nabusog ako. Normally, hindi ako kumakain ng isda, pero ang sarap nung kinain ko, lalo na kung isasawsaw mo dun sa house sauce nilang may secret ingredient.
Ang maganda sa lugar na ito, dahil sa target market ng lugar, ay lahat ng pagkaing hinahain nila ay kayang kaya ng bulsa. Kung saan ika'y gagastos ng malaki para sa matabang na kape, sa kanila mas makakatipid ka na, masarap pa siya.
Medyo iniba ko konsepto ng post ko kasi alam ko sa mga susunod na araw eh maraming magsusulat para sa'yo. Naisip ko lang kung sakaling lumaki ang business mo ganito concept ng tv ad mo.
Bukas nga pala ang grand opening ng Kaffe Razzo. Matatagpuan siya sa may Sta Mesa paglampas lang ng SM Centerpoint. Sa pagitan ng UERM Hospital at Caltex Station. Para sa mga techie, libreng Wi Fi ang coffee shop na ito.
Kung gusto niyong malaman ang ilan pang detalye tungkol sa Kaffe Razzo, click niyo ito at ito. Marami pang lalabas sa blogosperyo sa mga susunod na araw.
Salamat Kuya Edsel at good luck sa iyong business!!!
30 comments:
bro, salamat... salamat... sa iyong pagpapaunlak sa aking imbitasyon...
ang ganda ng bagong bihis ng iyong bahay... :)
wow new look and i love green! Hehe : )
Hihi salamat sa link... AT ano kaya ang secret ingredient na yun parang nakakatakot ah...
ang sosyal ng bagong look! parang nasa condo lang! ang ganda. hehe.
akala ko fiction pa din yung baba. ay ang shonga ko. :p
nice new look!
lalo na akong naiinggit at 'di ko pa mapuntahan ang bagong tambayan ng mga bloggers na magpapataob sa starbucks!
mukhang masarap at affordable nga ang mga matitikman sa kapirasong langit. \m/
nyahahaha ako ng na on diet NAPASUBO din eh..
ang sarap kasi ng mga bloggers...
ay ng pagkain pala heheheheehe
Kuya Anton tagged me also with the pics. Haha, na-inggit tuloy ako. Idk Kuya Chinggoy and that's my ultimate task now, to keep in touch with him. Para may libre akong Dory Fish Fillet every weekends. Haha!
I hope makadaan ka rin sa blog ko. ^^
pumunta ka rin pala. i was at the sort of after party sa moa. haha
bagong layout din si GB! :D
may pang diet ba dyan sa Kaffe Razo?
doc ced: hmmm... may mga fruit shakes dun, kung ayaw mo ng mabigat sa tyan.
nyl: ako, pumunta nung umaga... til hapon lang kasi may lakad after..
.poot: wala naman ako sa picture na yun... di ko na sila anton naabutan. but in any case welcome sa blog ko.
yj: masarap ba yung mga bloggers? hehehe
nobenta: affordable talaga. yaan mo pagbalik mo ng pinas, palibre ka kay chingoy!!
jayvie: di.. pinapractice ko lang magconceptualize ng tvc... hahaha
glentot: alam ko actually kung ano, pero pag sinabi ko.. di na secret... hehehe
ahmer: salamat. i'm green minded kasi. hehehe
chingoy: at salamat din sa paanyaya, nakalibreng chibog ako nung sabado. yung project ha, wag kakalimutan.. hehe
Ka inggit... Nice home :)
pag inlove, naiiba ang layout eh? Ü
ayun o! feed me...nung napag-usapan nyo ;)
PS. salamat pala sa pag-link. teka ano ba ito, bloggers event para sa marketing ng kaffe razzo? hahaha ang husay ni kuya edsel o! :p
at talagang me segway pa na ganun, creative. hehe. Di ka na namin naabutan...masyado ka kasing busy---madaming lakad pag weekeneds. hehe
btw--I like your new template. gives readers this cosmopolitan feel.
so ikaw pala ang umorder ng mango shake na nakakatakam. mukhang good choice. kakagulat naman ang new design ng blog mo. di na sheep.
hindi ka rin kuamakain ng isda?
hehe
May food review na, may commercial idea pa. Ang ganda naman ng post na ito.
all around hehehe
kakatuwa naman tong post na to.
Nice one sna makapasyal ako sa Kaffee Razzo! hilig ko rin kasi tumambay sa coffee shops!
nag diversify ka ah. pwede pang sideline ah, advertising :) and conceptualizing.
liking the new template.
hmmm. malapit lang ako dito ah. mapasyalan nga minsan. :)
pamela: sige punta ka, tas sabihin mo nabasa mo mula sa blog ko, para masabi naman na effective tong post ko. hahaha
photo cache: di naman masyado. gusto ko lang maiba, para di naman masayang yung pinag-aralan ko noong kolehiyo ako.
dorm boy: bisitahin mo kung minsan. welcome nga pala sa blog ko. balik ka!!
the dong: salamat!!!
jaypee: parang dishwashing liquid lang. hehehe
ayie: maraming salamat at welcome sa blog ko! balik ka!! hehehe
raft3r: ganun ka din ba? sa tingin ko ikaw nga nawawala kong kuya!!! hehehe ampon lang daw kasi ako..
reviewer: eksperimento lang. nakita ko kasi may something new ang blogger.. nawawala nga yung gusto kong template. hay
anton: cosmopolitan? parang inuming pambabae lang... hehehe
kuya jon: sabi ni kuya edsel, padalhan mo daw ako ng sample ng nagawa mo na, para magka idea ako kung tungkol saan ang ishare ko. hehehe
chyng: nung pebrero, di naman ako inlove noon pero nagbago layout ko... hehehe
roanne: thanks.
ako na lang ba ang hindi nagpupunta sa coffee shop na ire?
Post a Comment