Mga Sumasampalataya

Jun 16, 2010

KWENTONG KABATAAN: SALBAHENG BATA IRE

Kung ikaw ay medyo kagaya ko ang edad na nasa late 20s (honest ako, bakit ba), kadalasan mapapareminisce ka talaga sa mga araw kung kailan medyo pinakamaligaya ka. Di yung mga moments mo ng 'honey' mo, kundi yung kabataan mo.

Madalas masarap balik-balikan ang nakaraan. Noong simple ang pamumuhay. Hindi ka depressed dahil single ka o nabasted ka o matanda ka na at wala ka pang asawa. Hindi ka namumroblema sa pera. Hindi mahalagang wala kang sex life. At hindi atat ang mga magulang mo na palayasin ka sa bahay nila dahil magtetrenta ka na sa kanila ka pa rin nakatira.

Hindi ako yun. Hindi lahat.

Pero kahit na masaya itong mga bagay na 'to balik-balikan, sadyang mayroong tayong mga kagaguhan na nais nating ibaon sa limot dahil sadyang hindi ito magaganda. Konti lang yung sa akin.

ANG TEORYA NG NINE LIVES
Aminin mo, noong bata ka ganito ka rin. Kapag mayroon kayong nakikitang pusa / kuting sa bahay o sa kalsada pinagtitripan ninyo ito.

Ganoon kami noong bata kami. Sinusubukan namin patunayan ang kasabihan na ang mga pusa ay may siyam na buhay.

Ang ginagawa namin iniitsa namin sa pader, sa bubong, sa puno, sa sasakyan, para subukan kung masusurvive nga nila ito. Ang siste, may konsensya pa rin kami kahit bata pa kami. Walong beses lang namin itong ginagawa, kasi baka pag sa pangsiyam na beses, eh matuluyan ito. Naaawa pa rin kami kahit papaano.

KLEPTO
Noong bata ako, dahil nag-iisa akong anak ay medyo salbahe ako. Inggitero.

Ako noon ang paboritong pamangkin ng tita ko na naninirahan sa US. Kaya pag umuuwi siya dati madalas ako may pinakamagagarang mga pasalubong. Pinakamaraming laruan. Pinakamalaking hati sa bilangan ng chocolates at kung anu-ano pa.

Pampalubag loob sa pinsan ko, one time binigyan siya ng wallet ng asawa ng tita ko. Dun sa lalagyan ng litrato ang nakalakip na picture eh mga dinosaur. Dahil fan ako noon ng Dino Riders, eh nainggit ako.

So isang gabi, habang tulog lahat ng tao sa kwarto, kinuha ko at itinago yung wallet na binigay ng tito ko sa pinsan ko. Hindi ko siya inilabas hanggang matapos ang summer, at yun ang ginawa kong wallet nang magsimula ang pasukan. Kahit kinse pesos lang ang baon ko noon.

MAKAMUNDONG BATA
Naikwento ko na ito noon pa, maaga akong namulat sa kamunduhan. Bago kayo magreact ng bayolente, hindi ako biktima ng child molestation o kung anuman.

Siguro mga pito o walong taong gulang pa lang ako, ay nakapanuod na ako ng porno.

Meron kasi akong mga kapitbahay na bata pa lang eh napapabayaan na ng mga magulang. Kapag bakasyon, tuwing papasok ang nanay at tatay ng kapitbahay namin, ay nireraid namin ang kwarto ng mga magulang nito. Alam nila kung saan nakatago ang mga betamax tape at litratong makamundo ng tatay nila.

Sa kanila ko napanuod ang sex video ni George Estregan at saka ng partner niyang bisaya. Aguy!!! Sa kanila ko rin nakita ang mga black and white na mga litrato ng mga modelo habang ginagawa nila ang mga bagay na gawain ng mag-asawa.

Diring diri pa kami noon. Kasi yung mga babae, hinahayaan lang silang duraan ng mga lalake. At nagtataka kami kung bakit kulay puti ang laway ng mga lalakeng ito. Akala namin bago nila ginawa yung shoot, uminom sila ng madaming gatas.

Actually, di naman talaga panget na alaala ito, naisama ko lang kasi tatanga-tanga kami noon sa mga nakikita namin. Dura?! WTF diba?

**********
Kayo, ano ang mga ayaw niyong balikan na mga alaala ninyo noong bata pa kayo?

17 comments:

Maldito said...

isa lang ang gusto kong balikan...ang ma in-love sa ilalim ng punong mangga...

sabi ni tatay noong una bawal daw maligo ang mga pusa..ahahaha..ako? pinaliguan ko.try lang. jam jam.lols

ayeeee!!kilig ako.lols.

kikilabotz said...

actually wala namang mga bagay na ayaw ko blikan nung medyo bata pa ako. sa totoo lng masarap nga balikan yung mga ganung pangyayari tapos sasabihin mo sa sarili mo..ang laki na ng pinagbago mo

glentot said...

HAHAHA tama boldstar nga ng pene movies noon si George Estregan buti hindi mo napanood yung ke Daria Ramirez LOL

Pamela said...

out of topic.

naks naman. bagong look ang tirahan mo sa blogosperyo. i like it. :)

NoBenta said...

'di mo ba napansin na kahit anong hagis mo sa pusa ay bumabagsak pa rin sila sa kanilang apat na paa? magaling silang mag-balance sa ere!

isa sa mga ibinaon ko sa limot eh ang pagiging inggitero ko sa kapatid kong sumunod sa akin. dahil meyo paborito siya noong dalawa pa lang kami eh pinalabas ko sa kanya na ampon lang siya. 'di namin alam kung sino ang kanyang mga tunay na magulang. hayun, nalaman ni ermats kaya tinorture ako sa palo! pero bestfriends na kami ngayon ni utol.

actually, wala naman akong pinagsisisihan sa mga katarantaduhan ko dati. masarap kasi ang bawal. ngayong may asawa't anak na ako ay natatwa nalang kapag nagre-reminisce!

rakenrol \m/

PABLONG PABLING said...

balik kabataan. gustong gusto ko nagbabasa ng ganitong mga post

Alterjon said...

yung pinapaluhod kami ng nanay ko sa harap ng bahay namen habang may mga dumadaang mga tao at ngumangawa kami nung kapatid ako.

infairness. natawa ako.

jayvie said...

naku dahil din sa Batman Returns kaya nareinforce yung thinking ko na may syam nga na buhay ang pusa. ang tagal bago namatay ni catwoman nun. haha.

hala, porno at that super early age! kaloka :D

Klet Makulet said...

9 lives hahahah 'stig!

Ayokong balik balikan yung mga kalaro ko noong mga 4 years old pa lang ako kasi mga halang ang kaluluwa nila kahit bata pa sila saka may pagkama-L na din kahit babae garsh!!!

caloy said...

hahaha! at talagang sinearch ko pa ang dino riders at George Estregan sa google. hindi ko kasi sila kilala. hahaha!

Photo Cache said...

kami naman isang barkada puro babae magkakapitbahay. isang summer walang magawa napagtripan namin lolo ng klasmeyt naming lalaki na kapitbahay din namin. binabato namin ng maliliit stick tapos tatago kami. tawa kamin ng tawa pag nagmumura sha at hinahanap kung sino bumabato sa kanya.

yan ang kinahihiya kong kalokohan namin.

Kura said...

Hi! just passed by and read your post.Magandang pambungad ha... Natawa naman ako sa kwentong pusa mo.Bata pa lang brutal na. Pero natawa ako kasi bigla kong nakita ang sarili ko sau nun =) makiki-react lang ako sa kwento mo ha.

In fairness konti lang ang forgettable unforgettable moment nung bata ako. May 1 time lang.. Uso pa ang tex. YUng tipong akala mo ikaw na pinaka-mayamang bata sa street nyo pag marami ka nun. may nakita kong kumpol ng tex sa kalsada kinahapunan.. walang tao, ayun, dinakma ko, nasa ilalim pala nun jearbox ng aso. ang mga hinayupak kong kalaro biglang naglabasan at nagtawanan. pakiramdam ko nasa wow mali ako nung mga oras na yun. nakakatawang nakakadiring experience. heheh! Sila ang nagmulat sakin ng salitang "RESBAK". Kung ano man ang iginanti ko, sinigurado kong hindi nila magugustuhan. =)

silentassasin said...

Ang ayaw kong balikan ay ung mga times na inaaway ko mga pinsan ko kapag nag babakasyon sila sa amin.

Chingoy said...

isa sa mga matitinding alaala ng kabataan ko ay noong uanang natikman ko ang Jollibee Champ, sa branch nito sa may Sta. Cruz (o Quiapo ata)...

pakiramdam ko ang yaman yaman ko hehehe

Sendo said...

nakakarelate...madalas akong manguha ng pera sa bulsa ng lola ko para bumili ng coloring books!! haha...at sobra naman akong na-high sa POWER RANGERS fever dahil lahat ng pink blue red green yellow black at white in groups na nkikita ko ay ginagawa kong power ranger toys hahaha (eg. crayons, colored pens, pati playing cards)

my-so-called-Quest said...

gusto kong balikbalikan nung bata ako e kung pano ko binubully si yaya ko. tulad ng nagpapahabol ako sa kanya bago matulog. lol!

kawawa naman ung pinsan mo! haha. di nya hinanap?

Raft3r said...

nyahaha
it's funny kung paano mo napagsama sa iisang post ang pussy at si george estregan
hehe