Mga Sumasampalataya

Feb 24, 2011

29 BAGAY NA HINDI NIYO KAILANGANG MALAMAN PERO ISUSULAT KO PA RIN

1. Dalawang beses ako nakatanggap ng increase ngayong taon. Pero hindi ko naramdaman salamat sa tax. Panalo ang tax. Ang laki laki. Hindi ko naman nararamdaman.

2. Sa sobrang hindi ko maramdaman ang itinaas ng sweldo ko, araw araw na akong nagbabaon ng lunch sa opisina dahil hindi ko na kaya bumili ng thigh part ng chicken ng Mini Stop.

3. Pero sa laki ng tinipid ko sa mga pinaggagawa kong pagbabaon ng pagkain, hindi pa rin ako pumapayat. Kailangan ko pang magsayaw ng madalas yata.

4. Ang una kong trabaho ay bilang isang outbound telemarketer. Nagbebenta ako noon ng linya ng telepono. Scammer ako noon. Pero hindi ako magaling bumenta. Scammer lang talaga.

5. Sentimental akong tao. Lalo na pag kras ko. Kahit na ‘ok’ lang ang text sa akin, kapag may lihim akong pagnanasa sa isang tao, ay tinatago ko. Feeling ko hindi na nila kasi ako itetext ulit. Loser lang.

6. Ang sabi nila, malandi ako online… sa chat o kaya sa text… pero ang totoo niyan, hanggang dun lang ang gawa ko. Tahimik ako sa personal. At hindi ako dapat sineseryoso. Ika nga ni Ternie, dalisay akong tao. Binatang Pilipino talaga.

7. Antukin akong tao. Ang unang oras ko sa trabaho ay ginugugol ko sa pagtulog. Pero after ng first hour, masipag na ako.

8. Hindi ako mahilig umattend ng mga party, kasi isa akong introvert. Pag maraming tao akong kahalubilo, usually nakaupo lang ako sa isang tabi. Kunwari nakikinig. Minsan nagtetext, o kaya naman ay nakabaling ang atensyon sa iisa o dalawang tao lamang. Pero mahilig ako magpaparty.

9. Hindi ako maarte sa pananamit. Nakakadiri man pero minsan kayak o magsuot ng isang t-shirt lang sa isang linggo. Hindi naman kasi ako pawisin at wala akong BO.

10. Sabi nila, ang mga pinanganak ng Pebrero kulang kulang… ano kaya ang kulang sa akin? Hmmmm… Pagkalalaki siguro.

11. Mahilig akong kumanta habang nagtatrabaho. Balladeer nga ang tawag sa akin sa opisina. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero marunong naman ako kumanta. Medyo malamig daw ang boses ko. Wala lang ako sa tono.

12. Isa pang hidden talent ko ay ang pagdodrawing. Kung makikita mo ang mga post-it ko sa opisina, punung-puno ng mga doodles ko. Di ko lang masyado pinapakita kasi baka madiscover ako.

13. Oo. Ilusyonado ako.

14. Alam kong may mga malulungkot. Pero sa mga hindi nakakaalam, taken na po ako. Hindi lang masyado halata.

15. Noong nagbibinatilyo ako, pinangarap kong maging Hollywood action star. Promise, totoo ito.

16. Kaya lang hindi naglaon, nainlove ako sa isa ring action star. Alam ko, ang cheap lang.

17. Hindi ako dancer, pero nahihilig ako ngayon sa pagsayaw dahil sa panunuod ng So You Think You Can Dance.

18. Kung may isang babaeng magpapatuwid sa akin, si Georgina Wilson lang yun. ANG GANDA GANDA NIYA!!! Sana mabasa mo ‘to Georgina. I love you!!! Nagpupuyat ako araw araw makapanuod lang ng Showtime dahil nandun ka!

19. Madami kaming alagang hayop sa bahay. Isang parrot. Anim na aso. Anim na parakeet (dalawa sa kanila bading). Dalawang pato. Noong bata ako, nagkaroon na kami ng mga alagang kuneho, pusa, pagong at isang bulate sa tiyan.

20. Alam kong alam ninyong paborito kong mangolekta ng pabango, pero ang pinakagusto kong pabango sa koleksyon ko ay ang Polo Black ng Ralph Lauren. Amoy upos siya ng yosi na mabango. Lalaking lalaki ang amoy ko pag yun ang inispray ko.

21. Hindi ako iyakin sa totoong buhay, pero pag pinanuod ko na ang Marley and Me, Toy Story 3, My Sister’s Keeper at Hachiko, hindi ninyo ako mapapatigil sa paghagulgol. Hindi iyak ha, hagulgol.

22. Ewan ko ba, pero medyo lapitin ako sa mga magagandang babaeng mahilig magkwento ng mga sex life nila. God’s way of saying, ito ang mga pinalalampas mo!!! Pero strong ako. Di ako papadala sa temptation.

23. Kakatext lang sa akin ni Kasintahan. Kinikilig ako.

24. Mababaw lang akong tao. Promise.

25. Ang hirap mag-isip ng 29 things, wala na nga ako maisip ngayon. Apat na lang!!!

26. Sa totoo lang, natutuwa ang mga magulang ko kapag may pumupunta sa bahay na mga bisita
ko. Hindi kasi sila naniniwala noon na may mga kaibigan ako. Akala nila puros imaginary lang ang mga friends ko.

27. Wala akong balak umalis ng Pilipinas. Minahal ko ang New Zealand noon, I’m sure marami pa akong mamahalin na ibang bansa, pero kuntento na ako sa traffic ng Maynila, sa mga basura, sa kurakot na pamahalaan. I love this country.

28. Positibo akong tao, minsan mababa ang expectations ko. Siguro dahil madalas gusto kong ginugulat ako. Mas maganda kasi yun, kesa nadidisappoint ako.

29. Birthday ko ngayon.

44 comments:

The Gasoline Dude said...

PIBERDEY GIBO! Manlibre ka!

Ako si Yow said...

Wow. Cool. Sabi na birthday mo eh. Akala ko papadating pa lang. Haha. Happy Birthday Sir Gibo. :) Binasa ko to ng solid at natuwa ako. Haha. God bless. :)

Mu[g]en said...

Maligayang kaarawan GiBo. Naku 29 ka na! Enjoy your day!

iurico said...

happy birthday, Gi-----!

KikomaxXx said...

chong happy 29th bday sa iyo..w aheheh

Lakwatsero Ako said...

happy birthday! (kunwari close)

Anonymous said...

oh happy birthday!

rah said...

maligayang bati. happy 29th birthday, pakanton ka naman :)

Napanood ko din yung Hachiko. hehe kakaiyak nga yong aso na yon :)

Kamila said...

parang ang sarap mo naman maging kaibigan..pwede din ba ako magkwento sayo? kaso di ako kagandahan..at hindi ka naman manghihinayang sa pagmumukha ko... ako din..gusto ko ng traffic sa maynila.. :( gusto ko na bumalik

khantotantra said...

Happy-Happy birthday.

Baka kaya madami nagkwekwento ng sex life nila ay para i-chunky check ka lang. wahehehe

my-so-called-Quest said...

happy happy birthday GB.

Xprosaic said...

Happy birthday! hehehe nakikibati... lol

chyngreyes.com said...

woot! effort ang intro! hihi

Haberdey Gilboard!

CalleJuan said...

Happy Birthday Gillboard!

marxtermind said...

Happy Birthday!!! ;)

Jayvie said...

kapag pumupunta kami sa inyo, ang mga dogs nakasalubong agad! afraid! parang mga kamag-anak lang namin haha

sinong action star ang natipuhan mo? haha

geez! onga, i saw Georgina once sa Glorietta, super effortless ang beauty ng muher!

ipost mo naman dito mga drawings mo dali!

songer ka naman talaga eh! grabe, nagkachills kami sa lamig ng boses mo nga eh hehe

anyway! happy birthday ulit! at happy 9mos sa inyo :D

-ssf- said...

happy birthday, party party na!!!

Anthony Carlo said...

Happy 29th birthday Kuya Gibo :)

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whaha reveal kung reveal ha... ehehe happie bday sayo kablog. :D always share the blessing of being positive thinking to others... have a great day :D

Kyle said...

yun naman pala. birthday naman pala. happy birthday sir!

maddeningcrowd said...

sana maging hapi ang birdie mo tonight kasi kelangan niyong magdate ni kasintahan mo. Hindi pwedeng hindi. magtatampo ang bird. Hahahaha.

prinsesamusang said...

hang kyut! happy birthday parekoy! pano mo mararamdaman sahod mo nahawa ka kay denoy na mang hoard ng gadgets? hehe

bulakbolero.sg said...

happy birthday GB.

at ayus un ah. February palang pero twice ka na naincreasan.

Meowfie said...

Wappy Bday pouh

empi said...

Hi, Happy birthday! :D

Jepoy said...

Parati parin ako nah babasa ng post mo at ngayun lang naka comment, pi birthday!!! God bless!!

-=K=- said...

Hey sexy boy, happy Birthday! :) Hehehe! Parang ayaw ko ata maniwala na isa kang binatang Pilipino! LOL.

And ako din naiyak when I watched My Sister's Keeper and Marley & Me. Kaaliw!

San ang handaan?

KristiaMaldita said...

Happy bort day!

madalas sa building namen si Georgina..

sa kabila lang kasi ng office namen patahian nya ng damit..hehe

salbehe said...

Wow! What a list! Happy Birthday!

CheeNee KOKAk said...

happy bdy..:))dapt palitan mo na din yung panagaln ng blog mo..:))

taga-pluto said...

Maligayang Happy Birthday Sir Gibo! San ang kampay?

Rio said...

nagtext si georgina...happy birthday daw:) hehehe..

"Kakatext lang sa akin ni Kasintahan. Kinikilig ako."

>>>> yiheeee!! kinikilig din ako para sau gillboard!.

Kosa said...

pakanton ka naman!

Maligayang Birthday pareko!

JM said...

belated happy beerdey! :)

coldie said...

happy birthday Gillboard! Libre naman diyan! =)

egG. said...

happy birthday po ng belated... :)

gillboard said...

Sa lahat ng bumati sa akin noong kaarawan ko at sa mga humabol, maraming maraming maraming salamat sa inyong lahat!!! I feel loved!!!

coldie: pagbalik mo pinas promise, treat kita. :)

rio: text mo naman georgina, pasabi i love you. lolz

taga-pluto: wala. lang budget. hehehe

kristia: pag nakita mo, pasabi naman, i said hi.

K: walang handaan. next time na lang siguro. la budget.

jepoy: ganun din naman ako. :D

prinsesa: hindi rin. mas magastos yun. di ko kaya mag out of the country. rich kid yun.

kamila: sure!!!

gasul: pagbalik mo, papaparty ako. hehehe

dong ho said...

Kailangan ko pang magsayaw ng madalas yata.>>> astig tapos mahilig pa kumanta sa trabaho. hahaha... pwede ka ata sa isang talent show.

Raft3r said...

i'm back
=)
kamusta birthday?

ako walang tax
lipat na samin
hehe

Lio Loco said...

'yun o. wala na sa pebrerong kalendaryo. unless leap year. hehe. antanda-tanda mo na pala kumpara sakin, kuya gillboard! loljoke!

sabi nila 30 is the new 20. ibig sabihin, magsisimula ka pa lang maging binata. tira nang tira habang mainit pa! a great and fulfilling year ahead, pareng gillboard! pa-shot ka naman. \m/

Klet Makulet said...

Napa OMG ako kasi dahil sa ika-29 ko pa nabasa (syempre pang-finale yun di ba? hahaha) Happy Birthday Gillboard!!!

Masaya ako na nakilala kita ng personal bago ka nag-29 (connect?) ... (syempre para feel na feel yung pag-greet) :P

Jinjiruks said...

27 karin ba?

Photo Cache said...

better late than never itong birthday greetings ko. sana naging masaya ang araw mo.

Anonymous said...

huli man ay nakakahabol rin, belated hapi bday po. ive been reading this blog since 2008 pa ata but this is the first time na magcomment.

actually same tayo nga bday at same din tayo ng preference... hehe


**enrico***