Minsan tinatamaan din ako niyan. Lalo na noon. Nung panahon na feeling ko eh pinagdaraanan ko ang quarter life crisis. Naghahanap ako ng bago. Nagsasawa na sa tulog at trabaho. Kung tutuusin, noon may choice naman ako kung gusto kong lumabas, pwede kong gawin. Pero hindi ko ginagawa. Wala lang. Tamad kasi ako. Sanay sa routine.
Pero nung tumanda ako ng konti naisip kong routine nga tong ginagawa ko. Pero ayos lang. Kung ililipat mo lang ng kaunti ang iyong mga mata at tenga, meron din naman palang maganda sa routine.
- Noong pangmadaling araw pa ang schedule ko, madalas kong makasabay si Monday. Nagkakatinginan. Titigan. Ngitian. Lumalandi siya, pumapatol naman ako. Kahit di kami nagkakilala.
- Ngayon, tuwing Sabado kapag uwian, palagi kong nakikita si sexy na nagjojogging kasama ang kanyang tatay dun sa may Buendia bago umikot ang bus.
- Araw-araw, tuwing umaga pag-uwi ko, ang sumasalubong sakin eh yung cute na estudyante ng STI sa village namin. Napapagastos tuloy ako sa 711 para lang masulyapan ang kanyang maamong mukha.
- Tuwing umaga rin, kasabay ko umuwi yung mestisahing crew ng McDonald's sa village namin.
- Once a week, iba-ibang araw nga lang nakakasabay ko sa bus at FX yung medyo may lahing pasahero na type na type ko talaga. Hay.
- Tuwing dumarating ako sa bahay, lahat ng aso namin pinagkakaguluhan ako. Parang artista lang. Natutuwa ako pag nakikita ko ang mga sabik nilang mukha. Kahit wala akong dalang pagkain.
- Tuwing hapon paggising ko, at pagbukas ng internet, laging mayroong at least isang blogger na magsusulat ng post na nagpapangiti sa akin sa buong araw.
- Tuwing gabi naman, pagdating ko sa opisina, bumubungad sa akin yung kaopisina kong sobrang sexy at crush na crush ko. Pag nakikita ko siya at nginingitian niya ako, nabubuo ang araw ko.
Nakakasawa nga kung minsan ang routine, pero kung titingnan mo sa ibang pananaw tolerable naman ang routine.
***********
Sensya, kailangan kong ngumiti at gulung-gulo ang utak ko ngayon...
19 comments:
minsan naiisip ko din, kaya gusto ko laging meron akong something to look forward. else mababaliw ako!!!
hindi rin naman nakakasawa basta't me aliw ka sa trabaho mo. kumbaga be grateful na lng hehehe. think positive! :)
at sa bawat post mong isinasahinpapawid,
palaging present si Kosa.. umeepal, nagmamagaling at nagmamarunong:D
hehehe.
too many things to be grateful for :)
dami naman inspiresyen ni gillboard! hehehe
buti ka pa.... madaming inspiration. :D
nagsasawa na rin ako minsan sa mga routine ng buhay ko.
chickboy sobra!
ako gusto ko ng routine. kaya lang problema ko, madali rin ako magsawa. iba-ibang routine siguro pwede na :P
wow napaka thankful naman ng post mo. pinakagusto ko yung kapag sinasalubong tayo ng mga laagang pet natin. super sarap sa pakiramdam ng ganun
Ang happiness ba ay isang routine din?hehhee
Ingat parekoy!
kelan kaya ang inspirasyon magle-level up? from crush crush to real life wife or love one na?
yang mga nabanggit mo parekoy ang mga hindi nakakasawang routine!
ansarap ulit-ulitin! lol
nice naman..may tama ka rito kuya..nainspire tuloy ako..hahaha
kala ko pa naman wala na si monday.
dong: wala na siya... di ko na nakikita... namiss ko tuloy si Monday. hay...
superjaid: yan lang naman ang silbi ko sa mundo... mang-inspire... hehehe
homer: totoo... sarap ulit-ulitin...
moks: tanong ko rin yan sa sarili ko... sana ngayong taon.. hehehe
drake: magandang tanong yan. di ko alam ang sagot.. lolz
dabo: onga, kahit hayop lang at least alam mong may nananabik na makita tayo.
kuya jon: ganun din ako... kaya ko sinulat to.. para ipaalala kung ano yung maganda sa routine... hehe
marco: wala rin namang masama sa mga pagbabago.. lalo na kung kailangang gawin na to...
chingoy: di naman... malikot lang talaga mga mata ko... hehehe
kosa: may tama ka... hehehe
mark: yup... positive thinking lang talaga...
chyng: hay totoo minsan sa opisina nababaliw ako sa sobrang routine sa trabaho. buti na lang may nagdadownload ng mga tv series para sakin... hehehe
mukha yatang magiging isa kang magaling na stalker...
alam mo gillboard, sabi ng prof ko sa counselling, at nasabi na rin ng mga tao mula sa ibat ibang walks of life, it's just a matter of perspective. Mas ok rin minsan ang routine kesa maumay sa maraming sorpresa sa buhay. :)
yun ang hindi ko maintindihan... kapag sawa na sa isang bagay na pauli-ulit na ginagawa, sasabihin ng iba, "gawin mo kasi kung ano yung makakapag-pasaya sayo"
eh kapag ginawa mo naman yung bagay na makakapagpasaya sayo ng paulit-ulit, ganun din...
kaya tama... madami namang paraan para i-enjoy ang routine. gaya ng mga nabanggit mo. para lang sexlife na nagiging boring na, kailangan i-spice up... hahahahahaha
@ Dabo.... may pet ka? bwahahahahaha
eh kasi ni-routine mo na yung gusto mo LOL. so this means na we can choose what we can set our minds on nang paulit-ulit. wantusawa.
this inspiring...
thanks,
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~
Post a Comment