Actually repost lang ito. Naisip kong muling ilagay sa blog ko ito dahil medyo matagal na rin since huli akong lumabas sa tunay na date. Wala rin naman kasi. Kahit pa bayaran ko, walang pumapatol... hehehehe. Kelangan ko lang ng refresher, para hindi ako mapahiya kung ako'y lalabas ulit. Kahit hindi pa ako masyado handang makipagdate. Flirt flirt lang muna.
Pero in case dumating ang tamang panahon at ako'y handa na muling sumabak sa pakikipaglandian in person, eto ang aking rules of dating.
WAG PIPILITIN KUNG HINDI TALAGA KAYA
Oo na, matagal ka nang walang sex, este date, at ito ang unang pagkakataon na ikaw ay makakalabas kasama ang isang taong pinagkakagaanan mo ng loob. Pero kung may sakit ka, at kailangan mo talagang magpahinga, eh magpahinga ka. Huwag mong pipilitin ang sarili mo, dahil hindi ito makakabuti para sa inyong dalawa. Number one, kung ikaw yung tipong humahalik sa unang date, yung kasama mo siguradong hindi ka hahalikan nun. Takot lang niyan mahawahan mo, diba? Walang masama na magreschedule (wag lang paabutin ng 3 reschedule). Mas maganda ang kalalabasan ng date niyo kung pareho kayong masigla.
SHOPPING IS NOT EQUAL TO DATE
Unless mahilig din magshopping ang kadate mo (siguro pareho kayong lalake, o babae), hindi magandang date activity ang shopping. Ilang beses ko nang naisulat sa blog na ito, na ang mga lalake hindi gustong umiikot sa loob ng malaking mall para maghanap ng mga bagay na walang kinalaman sa kanila. Kung gusto mong maulit ang date ninyo, manuod na lang kayo ng sine, o gawin mo sa ibang araw ang pamimili ng mga kikay kit, belt at dresses. Dahil kahit ngumingiti sa'yo ang kasama mo. Sa loob-loob nito, hindi na mauulit ang date ninyo. Saka niyo na utuin ang mga lalakeng sumama sa inyo magshopping, pag kayo na.
HINDI MASAMANG MINSAN IKAW NAMAN ANG MAKIKINIG
Rules of Dating ko lang ito, hindi lahat ng sinusulat ko dito ngayon eh mga napansin ko sa lakad ko noong Sabado. Ika nga, naka-generalize ang lahat ng ito. This rule applies sa mga taong self-centered at narcissistic. Huwag naman ganun. Alam ko na kung gusto mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat nang maimpress siya sa'yo. Natural lang yun, walang masama dun. Pero wag naman to the point na palagi na lang ikaw ang nagsasalita. Ipakita mo rin sa kasama mo na interesado ka sa kanya. Tanungin mo siya ng mga hilig niya, kumusta naman ang araw niya, o kaya nama'y tungkol sa pamilya niya. Unless pipi yung kadate mo, hindi maganda na ikaw lang ang nagsasalita.
Pero, hindi rin maganda na palagi lang siya ang pinagkukuwento mo. Yung tipong sa kakatanong mo sa kanya tungkol sa buhay niya, pwede nang ikaw ang sumulat ng liham kasaysayan niya sa Maalaala Mo Kaya. Tapos siya walang alam sa buhay mo. Give and take lang yan.
PATUNAYANG CHIVALRY IS NOT YET DEAD
Ipakita niyo sa mga babae na chivalry is not yet dead. Oo, gusto ng mga makabagong babae na pantay ang turing sa kanila, pero hindi ibig sabihin nun na ayaw na nilang pinagbubuksan sila ng pintuan o kaya nama'y tinutulungang magbuhat ng bag o mga pinamili. Kung magandang first impression ang hanap ninyo, walang kwenta ang mga magagandang kwento ninyo sa sarili niyo kung lumalabas na hindi kayo considerate kapag kinakailangan. Kung sa tingin ng babae ay OA ang ginagawa ninyo, okay lang yan. Maaaring hindi siya yung tipong nakakaappreciate ng effort. Makakahanap rin kayo ng ganun. At least masasabi ninyong sa mga date ninyo eh gentleman kayo... kahit sa totoong buhay eh manyak kayo.
TANDAAN ANG MGA BABAE MADADALDAL
Kung ayaw ninyong maging tampulan ng chismis kung yung kadate ninyo eh nasa circle of people you know, pag may date kayo eh behave lang kayo. Marami akong kaibigang babae, at nagkukuwento talaga sila kapag hindi nila nagustuhan yung nangyari sa lakad nila. Kung nag-enjoy yang mga yan, quiet yan, kunwari di sasabihin, pero pag konting pilit bibigay din. Pero pag badtrip ang lakad ninyo, kahit hindi niyo tanungin idadaldal niyan!!! Kaya mag-ingat kayo, and make sure na lagi kayong best foot forward sa mga date ninyo. Pansinin niyo, pag maganda ang labas ng date niyo (kunwari officemate mo kadate mo), iba ang tingin sa inyo ng mga nasa paligid niyo. Pero pag panget, wala, kuliglig lang ang maririnig mo.

HINDI LANG SA SINEHAN ANG DATE
Kaya siguro wala akong kadate na nagiging syota eh dahil ang date ko noon eh usually sa isang fast food chain at sinehan lang. Pero naman kasi, sa akin, ang mga special dates gaya ng out of town trips o activity type ng date eh kapag in a relationship na kayo. Pero kung gusto mong talagang makakuha ng 1 million pogi points, tumodo effort ka na. Syempre depende rin sa interes ng kadate mo. Alangan naman na dalhin mo siya sa comic convention, eh ikaw lang naman ang mag-eenjoy dun. Alamin mo ang interes ni date, saka ka magplano. Pero kung ang panunuod ng sine ang ikakasaya ng date mo. Bakit pipilitin ang iba, diba? Anyway, ang punto ko eh, minsan dapat ialang-alang din ang kagustuhan ng kadate mo.
14 comments:
maraming salamat sa bati. balik ako mamaya para magkoment sa post mo. work muna ko :)
totoo nga yan parekoy... yong tungkol sa mga babae... sasabihin talaga nila kung di nila gusto ang ka-date. hehehe!
at marami pang mapapansin. :D
gillboard napalkahopeless romantic mo! :))
So ito pala ang tips para maimpress ang mga babae. Hehehe
Naniniwala akong wala yan sa DATE , kundi nasa KA-DATE MO, ngayon kung san nageenjoy yung kadate mo dun mo sya dalhin. Hindi naman siguro masamang magtanong di ba?heheh
Ingat
I'm here =)
bakit may kasamang girl?naguluhan ako bigla tuloy LOL
Galeng ng post... naalala ko tuloy nun nililigawan ko pa lang Esmi ko...
Kailangan din syempre Good hygiene... Kailangan bagong ligo ka, good smelling and japorms ka para ma impress si Girl.
Tama ka sa mga puntos mo... pero huwag kalimutan ang tamang pag galang sa mga babae. ke gusto mo siya o hinde... basta respetuhin.
hahaha... shopping is not equal to date. lagot sa mga ladies.
Shopping is not date ..... Oo naman! ang tawag dun alalay!
tama to. magagamit ng mga sing-gol guys. tska dapat wag naman paasa hehehe.
i think chivalry is dead
matagal na
hehe
agree ako kay raft3r haha
thanks for share... :D
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~
Post a Comment