Mga Sumasampalataya

Mar 25, 2010

BLOG HOPPER

Nitong mga nakalipas na linggo, eh medyo hindi na ako masyadong nakakapag blog hop. Hindi sa tinatamad ako, although medyo nagiging busy na rin naman ako sa trabaho. Pero ang mabigat na dahilan para sa akin kung bakit hindi na ako masyadong nangaangapit-bahay sa iba-ibang blog, eh napansin kong sobrang dami na talaga ng mga blog ngayon.

At sa sobrang dami na, at sa tagal ko na ring nandito sa mundo ng blogosperyo, eh napapansin ko na halos lahat ay pare pareho na lang ng isinusulat.

Natutuwa ako, na itong mundong ito na pinagkakaabalahan ko ay lumalaki. Na maraming tao na ang nawiwiling magsulat at magbasa. Na maraming naglalabas ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan nito. Pero feeling ko dumating na yung punto na wala ng bago.

Bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit. Opinyon ko lang naman ito. Wala akong masamang hangarin dun sa mga papansinin ko. Blog yun ng may-ari at may kalayaan sila na magsulat ng kahit anong gusto nila. Hindi ko rin naman babasagin ang trip niyo.

At hindi rin po ako naghahanap ng gulo. Iisa-isahin ko lang ang mga dahilan kung bakit hindi ako masyadong napapadalas mangapit-bahay sa blogosperyo:

MGA PATAWA
Aaminin ko, ang mga sikat na blog ngayon eh yung mga blog na nakakatawa. Mapa-satire man gaya ng kay Professional Heckler, o mga personal blog na gaya ng kay Xienahgirl. Ang hook ng karamihan sa blog eh ang kanilang komedya. Ngalang, dumadami ito masyado. Na yung iba, nagpapatawa lang para magpapansin. Kahit walang katuturan yung sinusulat nila. Hindi ako nagmamalinis, dahil may mga pagkakataon na ganun din ako. Ang iba lang sa akin, eh may tema mga sinusulat ko. At di ako barubal. Gaya ng sinabi ko, blog nila yan at walang pumipigil sa kanilang magsulat ng gusto nila. Malabo nga lang akong maging suki ng mga ganung panulat.

MGA NAGSASARA
Maraming mahuhusay na manunulat. Hindi man sila sikat. Pero madalas ay makakarelate ka sa kanilang mga inilalathala. Maging ito man ay tungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Pamilya. Trabaho. Kaibigan. Kahit ano pa man. Magsusulat sila, at makikita mo ang sarili mo sa mga sinasabi nila. Yun nga lang, ang iba sa kanila ay may buhay sa labas ng blog nila. Kaya hindi nila ito madalas sulatan, at kung mamalasin pa, magpapaalam sila. Nakakalungkot lang.

WALANG PINAGKAIBA
Dahil sa sobrang dami ng mga blogero't blogera dito, hindi rin maiiwasan na karamihan ay magkakapareho. Ang daming nagpapaka-emo. Marami ding walang ibang alam gawin kung hindi magreklamo. Basahin mo ang blog ng isa, paglipat mo sa iba, ganung ganun din ang kwento nila. Iba lang ang nagsulat. Yung iba naman, unti-unti nang iniiwan ang pagsusulat para ang kanilang blog ay gawing photoblog. Again, wala akong nakikitang masama dun. Nanghihinayang lang ako dun sa mga magagaling na magsulat.

HINDI NA MAKARELATE
Di ko alam kung sadyang tumatanda na ako, o bumabata ang mga nagsusulat dito, pero karamihan sa mga nababasa ko, medyo hindi na ako nakakarelate. Minsan kasi, yung iba tungkol sa gimik nila. Sa usapan ng barkada. Meron pang iba na sobrang nosebleed magsulat. Tagalog na nga, di mo pa maintindihan. Mga 5 years ago nang madiskubre ko itong mundong ito, ang mga nababasa ko tungkol sa kwento ng buhay ng mga manunulat. Panliligaw. Away sa opisina. Mga kwentong pangkaraniwan. Ngayon, merong tungkol sa sex life nila. Mga kalokohan nila. Mga pinag-aaralan sa eskwela. Mga bagay na kadalasan, ang hirap paniwalaan.

Hindi na ako masyadong aktibo sa blogosperyo. Sabihin nating nalipasan ng panahon. Mahirap din pala pag lumalaki na ang mundong ito.

Pero natutuwa ako na yung mga paborito kong binabasa eh buhay pa rin. At yung iba, kahit di ko pa nakikita eh mas lalo kong nakikilala.

*********************
PS

Isang malaking favor naman. Sana po ay samahan ninyo akong magdasal para sa mabilis na paggaling ng lola ng isa sa mga matalik kong kaibigan dito sa blogosperyo na si Domjullian. Nasa ospital siya noong Lunes pa. Alam kong marami sa inyo dito ang malakas kay Bro.

Salamat.

28 comments:

Skron said...

Where does my blog fit in the 4 categories that you mentioned? the 3rd or the 4th?

Stone-Cold Angel said...

Napansin mo din pala yun. Kahit medyo bata pa ako sa blogosperyo eh, halos ganon din ang tingin ko.

Pero ang maganda dun marami tayong pagpipilian. kun walang kwenta para sa akin ang isang blog, naghahanap uli ako ng bago. Medyo ubos oras nga lang...

Sa tingin ko, medyo guilty ako sa lahat categories.

Chyng said...

pinaka-ayoko ng drama sa blog. yan for sure icclose ko agad. hihi

yung mga bata ng author di ko gets ang sinusulat. matanda na din ba ko? Ü

glentot said...

Malay mo, same rin sila ng iniisip sa blog mo hehehe... Either positive or negative... Just saying... Pero totoo lahat ng sinabi mo...

EngrMoks said...

Oops! Guilty!!!

an_indecent_mind said...

madami mang bago, di pa rin natin maiwasan balik balikan yung mga kwartong tumatak na sa ating isipan.

kagaya na rin ng gillboard, patuloy mang nangunguluntoy (lol) sa di pagpaparamdam, nanatiling isa sa mga astig na blog na aking sinusundan..

Oman said...

tama. kaya pag talaga limited lang time ko magblog-hop eh inuuna ko ang mga worthy na blog tulad ng sayo. :)

DRAKE said...

Depende kasi yan kung ang blog mo ay para sa reader o para sa sarili mo.

Kung gusto mo ng maraming fans, medyo magiging pleaser ka. Kung para mailabas ang sarili mong damdamin medyo asahan mo konti lang ang babasa ng sinulat mo.

Sa huli tayo lang makakasagot kung para saan ba ang blog mo. Kung para sa readers o para sa iyo.

Kumbaga kung saan ka masaya dun ka.

Ingat

The Gasoline Dude™ said...

Ako din hindi na din masyadong nakakapag-bloghop. Sobrang pili lang. Andami din kasing trabaho. :(

Pero natutuwa naman ako kasi kahit hindi ako nakakapag-bloghop eh meron pa din namang mga nagbabasa ng blog ko. Minsan kasi kaya lang nagba-bloghop eh para lang i-return 'yung favor. Gets?

gege said...

pasok ako sa madrama!!!

:PPP

citybuoy said...

gets ko to. haha i think ang sipag kasi natin magikot-ikot.

i think on a good day, u get a good mix of all types para di nakakaumay.

gillboard said...

nyl: true.. on a good day.. ganun nga.. pero madalas kasi wala.. hehehe

gege: wala akong pinatatamaan in particular... wag kayong aamin.. hehehe

gillboard said...

alex: HAPPY BIRTHDAY!!!

Minsan kasi kaya lang nagba-bloghop eh para lang i-return 'yung favor.
-AMEN...

drake: di lang siguro ako sanay na merong mga blog na para sa mambabasa... kelangan nang lawakan ang pag-iisip.

gillboard said...

lawstude: naku.. salamat, kahit hindi ako masyadong sang-ayon na worthy tong blog ko... pero maraming salamat!!!

indecent mind: isa ka pa... salamat din... at pasensya kung bihira na lang makakumento.. medyo busy lang talaga... pero pag may update ka naman... lagi pa rin akong bumibisita sayo.. hehehe

gillboard said...

moks: photoblogger!! hahaha.. ayus lang... gaya ng sabi ko.. la namang basagan ng trip tong post na to.. hehe

glentot: kaya nga may disclaimer agad ako... nirerespeto ko opinyon ng mga tao... hehehe

chyng: di naman sa matanda siguro... di lang tayo nakakasabay sa uso ngayon... pero tama ka... isa pang ayoko masyado eh yung laging problemado..

gillboard said...

SCA: yun na lang ha... medyo mahaba kasi pangalan mo... hehehe... di naman... ayos nga blog mo.. refreshing... kaw lang kilala kong nagbigay tribute sa mga kontrabida.. hehehe

skron: nah. your blog's cool. i get my video game updates (even if you don't do console games) from your site... i just don't get to comment very often though...

John Ahmer said...

Pasok ata ako sa panglumang category' hehe : D ay wala palang panlima' haha

domjullian said...

big thanks Gil. Lola's recovering a bit but still in ICU.

jayvie said...

naku po, tinamaan yata ako sa isa sa mga nabanggit. anyway, paborito ko pa rin basahin blog mo hehe. belated happy birthday nga pala, kahit lampas isang buwan na ang nakalipas. at nga pala, nanuod ako ng miss you like crazy kasi nabasa ko review mo haha.

Pamela said...

hello gillboard!

napansin ko din ang mga napansin mo. actually, guilty pa nga ako sa iba mong puna.

kahit ako minsan napapaisip ako kung may katuturan ba ang pinagsasabi ko, pero at the end of the day, sabi mo nga, blog ko naman to so ang gustong magbasa, go; ang ayaw, di wag. hahahaha.

ang importante, we got to share something, and perhaps inspire or influence other people. kasi depende din naman sa nagbabasa yun diba? malay ba natin, kung sa isa trashy ang tingin sa post mo, we'll never know yung isa sa sulok eh nakakarelate na at gandang-ganda pala sa same post mo, diba?

anyway, ang haba na ng sinabi ko. parang wala ng sense. hahaha. hanggang sa muli.:)

Unknown said...

nakiblog hop na rin dito! :D

Random Student said...

ang cute ng avatar ni vonfire... back to the topic: you are a lot wiser for being here ahead of the others. newbies can use your list to determine ano na ang direksyon ng personal virtual space nila. amazingly, i get the most satsifaction when i discover a blog na halos walang nagbabasa or nagko-comment when I get to read some of their posts and they seem to speak to me profoundly.

aajao said...

gibo, bilib nga ako sa blog network mo. ako rin, konti na lang blogs na nababasa ko :( time changes, our lifestyle changes. everything changes. but there are some things that will remain forever :)

escape said...

i shortlisted the blogs that i visit because of the limited time that i have. truth is havent been able to visit some of the popular blogs lately but at least i get to visit blogs of the ones who also visit my blog.

gillboard said...

the dong: pareho tayo.. i visit the people who visits me.. kahit yung hindi... di ko na nga lang makumentohan lahat...

kuya jon: kaw ang pinakamalaking pinagbago... mula nang unang makita ko blog mo... ngayon may asawa't anak ka na... but you still blog... some things won't change... hehehe

gillboard said...

random student: welcome back!!! dun sa blog na sinasabi mo... masaya nga talagang makakita ng ganun... dahil bibihira na lang siya ngayon.

vonfire: welcome sa blog ko...

pamela: hindi naman... it makes sense naman. and totoo naman sinabi mo... depende sa tao kung paano nila titingnan ang isang blog post... parang kagandahan lang yan... it'sin the eyes of the beholder...

gillboard said...

jayvie: hehehe... better late than never... salamat!!!

domjullian: sana tuluyan nang makarecover si lola mo... lam ko naman she's surrounded by people who loves her...

ahmer: yaan mo... gagawa ako ng panlima... maghahanap ako kapintasan sa blog mo... hahahaha... biro lang ahmer!!!

Raft3r said...

di ako makavlog hop kasi ang bagal ng smart bro
bow

btw, how's your friend?
hope ok na sya