Mga Sumasampalataya

Mar 7, 2010

LOLO

Tahimik akong nakaupo sa tabi ng aking lolo.

Nagkakahiyaan.

Matagal na kasing hindi nagkikita.

Hindi alam kung ano ang sasabihin sa isa't-isa. Nakaupo. Magkatabi.

"Kumusta ka na hijo? Kumusta ang trabaho mo? Balita ko eh napromote ka raw." pangiti niyang tanong sa akin.

"Okay lang po. Nag-eenjoy naman po ako sa trabaho." sagot ko.

"Wala ka pang girlfriend?" pabirong tanong ng matanda.

Ngiti lang ang sinagot ko. "Di po ako kasing talas ninyo," wika ko. "Sabi ni mama, matinik daw kayo sa chicks."

Tumawa ng malakas si Lolo. Tawa ng tawa. Kinabahan ako baka atakihin sa puso ang matanda. "Sabi ba ng nanay mo yun? Di totoo yun. Sa lola mo lang ako laging nakatingin. Wala ng iba."

Tumawa din ako. Alam kong hindi totoo yung sinabi ni lolo. Mukha siyang matinik sa mga babae noong kabataan niya. Nilagay ni lolo ang kanyang daliri sa kanyang labi. Parang nagsasabing wag mong ikukwento sa ibang tao. Tumungo lang ako. Sikreto naming maglolo.

"Buti po at dumalaw kayo lolo. Namiss po kayo nina mama."

"Namiss ko din naman kayo. Ang tagal kong hindi kayo nakikita. Noong huli kitang nakita, sanggol ka pa lang noon. Naaalala ko ilang buwan ka pa lang ata nun, binabalance kita sa isang kamay. Pinapagalitan ako ng nanay mo nun. Natatakot na mahulog kita."

"Hanggang ngayon po, si mama matatakutin pa rin. Magtrenta na ako, ayaw pa rin akong pabayaan."

"Hahaha. Parang lola mo."

Tahimik muli. Tumayo ang lolo. Lumakad papalayo sa akin. "Tara apo, samahan mo ako sa baba. Malungkot kasi doon. Wala dun ang lola mo eh."

Nag-isip ako kung susunod ba ako. Sasamahan ko ba si lolo? Gusto ko siyang makilala pa. Gaya nga ng sabi niya, bata pa ako noong huli kaming nagkita.

Tumayo na ako nang marinig ko ang nanay ko na tumatawag sa akin.

"Wag kang sasama sa lolo mo!!!" paulit-ulit na sigaw ni mama. Nagsisimula na siyang lumuha. Umiyak. Pero hindi ko makita.

Hanggang sa maramdaman kong yakap yakap niya ako.

Binuka ko ang aking mga mata. Nasa harap ko ang lumuluha kong ina. "Ma?"

Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Iyak siya ng iyak. "Wag kang sasama sa lolo mo ha. Wag mo kaming iiwan anak. Dito ka lang. Hindi mo pa oras. Marami ka pang gagawin dito. Wag kang sasama sa lolo mo."

Niyakap ko si mama ng mahigpit.

"Gusto ni lolo akong sumama sa baba." binanggit ko. Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Masamang tao ang lolo mo. Wag na wag kang sasama sa kanya ha."

"Opo."

12 comments:

an_indecent_mind said...

sa "baba"?? awwww!! honga naman! kung sa "taas" man lang sana! hehe!

nice story ser!

Kosa said...

Panalo.
nadala ako dun!
akala ko may mga Pogi points akong makakalap...ammmf

Mokong™ said...

tol gumawa ka ng libro collection ng mga fictions mo..patok din yan tol extra income...malay mo sumikat ka lalo at makahanap ng mapapangasawa dahil sila na hahabol sa kasikatan mo... hahaha

Chingoy said...

hahaha... una kong tiningnan ang label: "fiction"

galeng mo gillboard!

The Scud said...

astig ka tlg magsulat ng fiction. idol!

the donG said...

hahaha... mas maganda to pag may drawing. hahaha... pwede na sa komiks.

glentot said...

Susme minsan na lang makita si Lolo ipapahamak ka pa hehehehe

aajao said...

pwede ka talagang writer, gibo! ;)

ako true story... sinasama ako ng lolo ko. pero sa "taas" :D

Mark Ian said...

yung first part kala ko totoo. d pala haha. titignan ko na yung labels next time. :P

Lawstude said...

ang galing. idol.

Jepoy said...

Ang galeng kinalabutan ako... Napaka convincing talaga...

7a'faR said...

great post...


abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~