Mga Sumasampalataya

Mar 21, 2010

KWENTONG KASAL

Kahapon ay kinasal ang unang pares sa barkada namin. Sa totoo lang, nagulat ako na siya ang nauna, dahil nung magkakasama pa kami sa apartment, for a time, siya lang ang single. Pero, ika nga ang tadhana ay iba maglaro. Inunahan niya kaming lahat. At ngayon malapit na rin siyang maging tatay. Kahit papaano, feeling ko may pag-asa talaga ako... hehehe

Kaya bilang tribute sa bagong kasal, magkukwento ako ng mga kwentong kasal. Matagal tagal na rin akong hindi nagsusulat ng mga kwentong Gillboard. Namiss ko lang.

KASAL 1
Marami-rami na akong nagampanan sa kasal... ring bearer, coin bearer, bisita, abay, at taga sindi ng kandila. Pero ang pinakahindi ko makakalimutan ay yung isang kasal kung saan ako'y naging isang Best Man. Lalong lalo na dahil hindi ko kilala yung groom.

Nasa kolehiyo pa lang ako nun. At isang gabi, pag-uwi ko galing pasok, lahat ng kamag-anak ng groom ay hinihintay ako. Ambush. Sabi nila biglaan yung kasal dahil nabuntis ni groom si bride. Biglaan lahat, kaya minadali rin yung paghahanda sa kasal. Sa pamilya ni groom inihanda na nila lahat... except nakalimutan nilang may best man pa pala... at dahil nasa probinsya lahat ng kaibigan ni groom, ako na lang yung choice nila. Dahil best friend ng pamilya nila yung nanay at tatay ko...

Ako naman, dahil naambush na... wala nang choice kundi umoo. Ginampanan ko naman ng maayos ang role ko bilang best man... pero malay ko ba na pagdating ng reception, kelangan kong gumawa ng toast. Ano ba naman ang alam ko dun? Hindi ko naman kilala si groom!!!

Pawis na pawis, at walang maisip... ang tanging nasabi ko lang. "Cheers sa bagong kasal na sina Mr. and Mrs. Fernandez!!!"

Fernando ang apelyido nila.

KASAL 2
Gaya ng sinabi ko... nakapag-abay na rin ako. Pero yung kasal na yon, medyo weird.

Nakarinig na siguro kayo ng kasal na di natuloy dahil di sumipot si bride o si groom... pero yung kasal na yun... ang hindi sumipot... yung PARI!!!

Pero hindi yun yung weird part... kapitbahay namin yung kinasal... sa una... di ko naiintindihan nung una kasi hayskul pa lang ako noon...

Noong una, parang normal lang... nagmartsa kami... lahat ng ginagawa sa kasal sa umpisa, ginawa namin... pero pagdating sa altar... walang nangyayari, kasi nga walang pari. Halos isang oras din kami naghintay... hindi naman umiiyak si bride or walang dramang nagaganap.. pero walang nangyayari.. bigla na lang, sinabi samin ng kapitbahay na tumuloy na lang daw kami sa reception.

Nagtataka, sige umoo na lang kami. At tumuloy sa reception. Ang mas nakakapagtaka... sa reception, lahat ng tao kumocongratulate sa mag-asawa na parang kinasal nga. Ako ngumiti lang. Sa reception, tuloy pa rin yung program. May cutting of cake... kalapati... basta lahat-lahat ng ginagawa sa reception, ginawa nila... toast.. at lahat ng tao eh masaya... in fairness, dahil mayaman yung pamilya ng kapitbahay ko... sobrang sarap at sosyal ng pagkain...

Nakapagtataka lang talaga yun. Walang pari, pero parang ayus lang sa kanila. Parang walang nangyari.

Or may kasal na nangyari na hindi namin namamalayan. Hmmmm...

KASAL 3
Eto ata ang pinakapaborito kong kasal. Kasal ng pinsan ko mga 3 years ago.

Sobrang bonggang bongga dahil parehong US navy soldiers yung kinasal. Parehong mayaman. At dahil parehong stateside sila, yung buong angkan nila umuwi ng Pilipinas.

At dito sa bahay namin silang lahat nakatira. Dito ata nagsimula akong tumaba. Paano ba naman araw-araw parang fiesta sa bahay namin. ANG DAMING PAGKAIN!!! At dahil nga maraming balikbayan, ang dami kong nahalbat na bagong tshirt, chocolate, at kung anu-anong pasalubong.

Nakilala ko rin ang ilan sa aming mga kamag-anak na hindi ko alam nageexist. Dun ko narealize ang dami ko palang pinsan na hot!!! Ngalang, masama ang incest. Hay.

At eto pa. Dito lang ako nakaranas ng Wedding Rehearsal. Yung parang sa mga American movies. Ang sosyal diba!!! Panalo. Dun sa dinner, akala ko nga may kakanta ng Say A Little Prayer. At sa Manila Hotel pa nakatulog yung iba. Hay.

Yung kasal, normal lang. Walang masyadong drama na naganap. Actually, walang kwento sa kasal mismo. Dun sa pre-wedding lang. Ang saya kasi. Hehehe

26 comments:

EngrMoks said...

At kelan ka naman tol ikakasal? ring bearer ako ha!

DRAKE said...

Yup kelan nga yungn kasal mo!hehehe

Pero ang unang tanong dyan kung sino muna ang papakasalan mo?heheh

Ingat

aajao said...

hahaha tawa ako ng tawa sa kasal 1 na kwento. puma-punchline talaga yung ending :P

sa kasal mo, malamang imbitado ang blogosperyo. di ko man nagawa yun nung kinasal ako siguro ikaw kakayanin mo :D

gillboard said...

at kasal ko talaga ang pinaguusapan!!! hahaha

wala pa nga akong syota... kasal kasal na agad...

hay

ENS said...

pwede man na namiss mo lang magkwento...
o dahil sa may kakatapos pa lang na kasal...
pero sigurado... napaisip ka na din... kung kailan ang honeymoon mo... i mean... kasal mo...

an_indecent_mind said...

kelan kaya kasal mo naman ang mababasa dito? wehehe! nang-aatat lang!

wanderingcommuter said...

sana may US navy dina kong kamag anak! nyahahaha

Kosa said...

huh?
ayaw mo bang makasal parekoy?
Para kaseng inuusog mo...lols

chingoy, the great chef wannabe said...

usapang kasal na rin lang...

e kelan ba ang kasal ni gilbert da pogi?

;)

gillboard said...

chingoy: ang tanong kelang ba ako magkakasyota... yun muna...

kosa: gusto naman... pero bago ko isipin yan unahin muna ang magkasyota...

gillboard said...

ewwik: seryoso masaya yun!!! nakakatuwa pag mayaman ang kinakasal... hay

indecent mind: darating din tayo dyan... pag may nagpauto...

ens: naku... di ko sya pinuproblema... gaya ng sabi ko... syota muna... hehehe

domjullian said...

screw weddings. nyahahahaha!

Chyng said...

honest to goodness question: naiinggit ka kahit konti sa mga kinakasal?

escape said...

Nakarinig na siguro kayo ng kasal na di natuloy dahil di sumipot si bride o si groom... pero yung kasal na yun... ang hindi sumipot... yung PARI!!!>>> kakatakot naman to. hehehe... dapat pala naka check in na rin ang mga pari.

glentot said...

Natawa naman ako nang malakas sa blooper mo as the best man bwahaha napaghahalatang hindi kakilala...

Stone-Cold Angel said...

Ako me nakakainis pero masayang experience sa kasal ko. Ikwento ko na lang sa mga susunod ng mga posts ko.

Good post. Lumandi ka na para magkasyota ka na. hehehe! =)

eMPi said...

weird nga yong kasal # 3...

andaming pagkain pag ganyan okasyon... hehehe... lalo na yong cake... sarap tikman. :D

gillboard said...

marco: naku... ang cake ang paborito kong pagkain sa kasal!!! more than yung buppet!!! hehehe

stone cold: haha buti naman at hindi mo rin ako tinatanong kung kelan kasal ko... hehehe.. malandi na nga ako... wala lang pumapatol...

gillboard said...

glentot: hindi na nga ako tumatanggap ng best man duties pag di ko kilala.. hehehe

chyng: naiinggit? hindi naman... ayus lang... naiinggit ako sa may date sa reception... hehehe

domjullian: may nasesense akong bitterness... hehehe

John Ahmer said...

Naku 6x na lage ako anf nkkakuha ng garter!
I love the color of your theme!

Jag said...

Malapit n din ikasal ang tropa ko hehehe...

Baka sa kasal 4 sariling wedding story mo na ehehehe...

A-Z-3-L said...

same question..

ikaw kelan?

ngayon lng ulit napadalaw.. at ang ganda ng kulay dito... magsingkulay sila ng utak mo :) jokeness!

Raft3r said...

i hate weddings
nyahaha

gillboard said...

raft3r: magkakasundo kayo ni domjullian... hehehe

azel: welcome back!!! tagal mo ring di nakakabisita... hehehe...

same sagot... ewan... hahaha

gillboard said...

jag: sana magdilang anghel ka... hehehe

ahmer: salamat. baka ibig sabihin niyan malapit na malapit ka nang ikasal... or gusto mo lang naglalagay ng garter sa mga chicks.. hehehe.. wink wink

7a'faR said...

salamat gill...



abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~