Ako aminado ako na ako'y 23 anyos na ngayon... Medyo bata at medyo sariwa pa... Pero ibang-iba na... nagsusulat ako sa tagalog kasi, iniisip ko na medyo mas madali kong maihahayag ang aking mga saluobin kapag naisulat ko ito sa wikang aking kinalakihan...
At speaking of kinalakihan, etong aking itatala ngayon (napakalalim ba?!) ay tungkol sa aking kabataan... Kung kayong mga nakakabasa nito ay kasing-edad ko, baka makarelate kayo sa mga isinusulat ko... kasi gaya ko, lumaki din kayo noong huling taon ng dekada otsenta at mga unang taon ng dekada nobenta (80s at 90s sa mga di masyadong matatas sa wikang filipino)...
Noong bata pa ako...
- paborito naming mga laro ay monkey monkey, langit lupa, patintero, block 123 (o cops and robbers), dr quack quack, taguan (sa ilalim ng buwan), bahay-bahayan, at ang sarili niyong version ng takeshi's castle...
- matatapos lang ang laro niyo kapag naririnig niyo nang sumisitsit ang nanay niyo... para matulog sa hapon o kumain ng tanghalian...
- cool ka kung meron ka ng mga sumusunod: family computer na may built in na 101 games, game and watch, mga sticker books ng ghostbusters, tom and jerry, care bears at spider-man
- nagsuot ka ng cross colors na shorts... habang sumasayaw ng howgee...
- pinaiyak ka ni princess sarah, pero nainis ka kay cedie... naawa ka sa aso ni melo, at naaliw ka sa kakulitan ni maria at pamily von trapp...
- nakakarelate ka kapag naririnig mo ito: shigishigi makashigi luwa
- alam mo ang step at bawat pose ni mask rider black... at nagagawa mo ang mga hand gesticulations ng bioman...
- nagbabasa ka ng funny komiks at nainis ka dahil di mo alam kung nabuhay ang force one animax
- ayaw mong magsimba kapag linggo ng hapon dahil hindi mo mapapanood sina ultraman at magmaman
- hindi uso ang magic cards... kundi ang mga pekeng superhero cards ang ginagamit niyo sa paglalaro ng teks...
- kilala mo sina enteng kabisote, ina magenta, fey, aiza, prinsipe k, pipoy at bale ng ok ka fairy ko
- ang mga sexy star noon ay sina rita avila, sheila ysrael, gretchen baretto at cesar montano
- memorize mo ang anak ng pasig, paraiso, da coconut song ng smokey mountain
- dapat meron kang laruan ng teenage mutant ninja turtles, gi joe, dino riders, transformers, ghostbusters, thundercats, he-man at she-ra...
- inabutan mo si judiel at ang milagro ng dancing sun...
- matinding magkaribal noon ang minute burger at burger machine... Makakapal pa ang mga patties at buns ng mga burgers nila...
- napanuod mo sa regal presents ang kokak ni rachel lobangco...
- pinabili mo sa magulang mo ang mga betamax ng beauty and the beast, lion king at aladdin
- ang laman ng palayok na binabasag ay mga serg chocolate, at goya...
- may lamang mga laruan ang milo, ovaltine sustagen at may kasama pang gameboard na yari sa papel...
- naadik ka sa mga libreng laruan ng cheezums at chickadees (yung kamay na dumidikit sa dingding na shape ng kamay, etc.)
Hehe... ang kabataan nga naman noon... Napakasimple ng buhay...
2 comments:
whoa!!!
Naalala ko tuloy si Bob Ong...
Basahin mo yung mga obra niya. Yun ay kung hindi mo pa nababasa. Mura na, maaaliw ka rin, makakatulong ka pa sa kapwa (most of the royalties go to charity).
-ABNKKBSNPLAKO
-Bakit Baligtad Magbasa Ang Pinoy
-Ang Paboritong Libro Ni Hudas
-Alamat ng Gubat
Nakakarelate ako. XP
Post a Comment