Dahil siguro napapansin ni Chyng na hindi nako masyadong aktibo sa blogosperyo nitong mga nakalipas na mga buwan, eh naisipan akong bigyan ng assignment. Medyo marami-rami na rin akong nakikitang mga post na gaya nito sa paglilibut-libot ko. Magsisilbi ata itong paraan para makita ulit ng mga mambabasa ang ilang mga post na karapat-dapat na mabasa ng mga walang magawa kundi makibalita sa buhay ng ibang tao.
Pasensya na kung wala akong link-link mula sa pinanggalingan nitong proyekto na ito at kung hindi ko na itatag yung ibang mga kapwa ko blogero. Busy kasi ako sa trabaho.
Anyway, simulan na natin 'to.
MOST BEAUTIFUL POST
Kwentong Ondoy
Kung meron akong isang post na ipagmamalaki ko, ito na siguro yun. Inspirado akong magsulat lalo na nang makabasa ako ng isang post tungkol sa kanyang karanasan noong bagyo mga 2 taon na ang nakakaraan. Naisip kong gawan ito ng kwento. Hindi ko inakala na maraming maaantig dun sa kwentong sinulat ko. At mas lalo akong nagulat na maraming nag-akalang totoong kwento ko ito. Sa totoo lang, hindi kami binaha nung dumating si Ondoy. Ni di man lang pumasok sa gate namin yung tubig. Gusto ko lang noon magkaroon ng maikukwento noong panahon na iyon.
MOST POPULAR POST
Para Dumami Ang Blog Hits Mo
Kung paramihan ng hits ang pagbabasehan, masasabi kong Ang Kwento Ng Gabi ang may pinakamaraming nagdaan. Ito ay nakita ko nang ipinaskil sa iba pang mga blog. Pero hindi siya para sakin ang pinakapopular. Ang basehan ko nito ay kung gaano karami ang naging mga malalaman na kumento ang dumating sa post na iyon. Basta nagsulat ako tungkol sa pagsusulat o pagbablog, medyo marami ang nagbabasa nito. Pero sa lahat ng blogging post ko, ito ang may pinakamaraming response. Hindi ito seryosong post. Sa ingles ito'y isa lamang satire. Pero mukhang merong mga sumeryoso sa mga pinagsususulat ko.
MOST CONTROVERSIAL POST
Epic Fail: Mga Kwentong Kamunduhan
Alam naman ng karamihan na ang dalawang blog ko ay wholesome. Na hindi ako nagsusulat ng mga kalaswaan para sumikat di gaya ng ilan-ilan dyan. Kaya marami ang nagulat ng isang araw ay nagpost ako ng aking mga kwentong kamunduhan. Di naman talaga ito kwentong aabot sa punto ng "kamunduhan" kaya nga may Epic Fail. Pero hindi ito yung tipo ng post na manggagaling sa isang manunulat na kagaya ko.
MOST HELPFUL POST
Anong Gusto Ng Mga Lalake
Naipaskil ko ito noong mga panahon na baguhan pa lang ako, at ang nais ay sumikat sa blogosperyo. Noong mga panahon na feelingero ako at nagpapaka-Joe D'Mango. Di ko alam kung sa totoo ay helpful nga ito, pero pag sinisilip ko kasi minsan kung paano napapadpad dito ang mga galing sa Google, ang mga inquiries nila ay "Paano Ako Magugustuhan ng Lalake." "Anong Gusto ng Lalake" "Type ng Lalake". In fairness naman sa post na ito, medyo sang-ayon naman sa mga sinabi ko ang mga nagkukumento tungkol dito.
A POST WHOSE SUCCESS SURPRISED YOU
Travel With Jaja
Noong mga panahon na baguhan pa lang ako, ito yung unang post ko na nagkaroon ng pinakamaraming kumento. Ito ang dahilan kung bakit noon ako ay nagkaroon ng tag for Featured Friend. Siguro hindi naman ako dapat magtataka kasi isang magandang dalaga ang fineature ko. Dito yata nagsimula akong magkaroon ng mga regular na mambabasang maton. At noong mga panahong iyon, sobrang saya ko na na may napapapadpad at napapadalas sa aking tahanan.
A POST YOU FEEL DIDN'T GET THE ATTENTION IT DESERVED
Pop Culture
Ito ay iisa lamang sa mga post na kung ako ay masusunod ay sana napapansin. Sa mga post na ganito lumalabas kung sino ako. Isang geek na mahilig sa pop culture. Dito ko pinupromote ang mga paborito kong palabas sa telebisyon. Pelikula. Video games. Alam kong ang karamihan ng mga tao ay walang panahon sa mga ganito dahil may iba silang pinagkakaabalahan. Hindi naman lahat ay makukumbinsi natin na gustuhin ang hilig natin. Pero nararamdaman ko ang tunay na saya sa pagiging isang blogger tuwing merong nagsasabi na "nabasa ko sa blog mo nung prinomote mo yung Game Of Thrones o Walking Dead... tapos nung napanuod ko, tama ka astig nga."
THE POST YOU ARE MOST PROUD OF
Bulalakaw
Marami akong post na maipagmamalaki ko. Yung nga lang mga post na pinaplagiarize ng isang blogger dyan hanggang ngayon, kahit walang paalam sakin, the fact na ninanais niyang angkinin yung mga sulat ko ay nakakapagpataba na ng puso. Ibig sabihin meron akong mga sinusulat na may sense. Pero itong post na ito, isang kwentong kathang-isip lamang ay natutuwa ako. Isang araw kasi, may nagkwento sakin na nagkalat sa opisina nila ang sinulat kong ito. May naglink sa facebook ng post ko. At nakakatuwa pa yung mga kumento nila. Naiintindihan ko kahit Cebuano yung mga kumento. Ito ba ang pinakamagandang naisulat ko? Hindi naman siguro. Pero yung the fact na alam mong umiikot sa labas ng blog mo yung gawa mo, that's something to be proud of.
Di nako magtatag. Pasensya na Chyng ha. Alam mo naman na hindi ako ma-tag na blogger. Gusto ko lang magsulat. Kung gusto niyong sumali sa proyektong ito. Go lang. Ang sarap balikan ng mga post nating may laman.
14 comments:
napaisip ako... antagal ko nang blogger. lately, hindi ako gaanong nakakapag-update. pero sana, "malaman" pa rin ang mga (bibihirang)entries ko..
gaga! pinili kita (kahit alam kong madaming magtatampo) kasi ayokong among travel bloggers lang umikot yung 7Links. at sympre madami ka kasing readers. ikaw na!!! =)
re: pop culture
only watched a few episodes of big bang. apparently, conversation's too convoluted and high-falutin' to get me glued to my seat. i have a copy of the hunger games trilogy. unfortunately, i have yet to read any of them. so much to read, so little time. caught the hp flue but am now done with it. sigh.
re: kwentong ondoy
nasan na nga ba 'ko nung kasagsagan ng ondoy? di ko na ata maalala. ah teka...nagrereview pala ko nun para sa board exam. taenang 'yun, perstaym ko maranasang lumusong nang lampas-bewang sa baha ng espana. o_O
re: para dumami ang blog hits mo
napansin ko rin na madalas sa mga blogs, hits at dami ng comments ang labanan. kahit pa sabaw 'yung sinulat, basta maraming two-cents' shit, sikat! hindi naman sa mayabang ako o anupaman pero pag nabasa ko ang isang blog tapos walang kakwenta-kwenta naman ang laman, kahit pa isang libo ang comments niya, hindi ko na binabalikan. ba't pa 'ko magbabasa kung wala namang kwenta? sa kaniya na ang 10,000 followers at 10 million comments niya. :D
re: epic fail: mga kwentong sex
hahaha! nakakatawa naman 'tong mga kwentong sex mo, pre. epic fail nga talaga. lakas ng lafftrip ko dun sa "nangingisay na 'ko!" bwahahahaha! naimagine ko rin siyang nakapasok na ang daliri niya (o baka dildo pa nga) sa pekpek niya tapos biglang nangisay. mwahahahaha!
re: anong gusto ng mga lalake
bull's eye, pre! eto rin ang mga qualities na hinahanap ko sa isang babae at nahanap ko na kay dude. hihihi! pero idadagdag ko 'yung pagiging thoughtful ng babae. 'yung tipong ipaparamdam niya sa'yong ikaw lang ang lalake sa buhay niya at wala nang iba pa.
re: travel with jaja
hindi nga pang-call center 'tong chikababe na fren mo, ser. pang-flight attendant nga. hehe. at nagulat ako dun sa pinakahuling picture. ikaw ba 'yung kasama niya? kala ko anonymous ka rin. haha!
re: bulalakaw
parang pocketbook romances lang o. hehe. nice! pero hindi ako naniniwalang kathang-isip lang 'to. may pinaghugutan 'to malamang. at may pinaglapatan ng mga characters sa teleserye ng totoong buhay. XD
May tag din ako nyan. Tinatamad lang gawin dahil sa 7 links. At dahil ginawa mo to na walang link, title lang, gagawin ko din na ganito, edi ako na ang gayagaya.
Awww. Gusto ko sanang gumaya pero di ko rin pala masyadong nabibisita ang blog ko. :(
parang di ko pa yata nabasa yung trael with jaja na post.
mabasa nga.
i like your post tungkol sa walking dead
isa sa dahilan kung bakit ko sya binili sa bluray ay dahil sa mga raves mo
hehe
denoy: may dahilan naman yung mga raves ko. maganda kasi talaga siya. napanuod mo na?
dong: makakasundo mo si jaja. pareho kayong jetsetter. :D
moks: may mga links naman.
lio: ikaw na ang pinakapaborito kong commentor sa blog ko. at nityaga mo talagang basahin lahat ng nakalink sa post na ito.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!
acrylique: di mo naman kailangang isa-isahin. i'm sure alam mo naman lahat ng post mo na tumatak sa iyo.
chyng: di kaya ako sikat. eto naman. pero salamat sa tag. ang saya balikan lahat ng post kong feeling ko may katuturan. :)
kuya jon: ako na nagsasabi sa'yo. sobrang malaman pa rin ang mga panulat mo. di ka makakarating sa trabaho mo ngayon kung walang laman ang mga ginagawa mo.
Post a Comment