Mabilisang post dahil wala akong maisip isulat nitong mga nakaraang araw.
- Medyo nabubuo ang araw ko nitong mga nakalipas na araw. Marami-rami na rin kasi ang nagsasabi na pumapayat ako. After 6 months, ngayon pa lang natutupad ang nag-iisang goal ko ngayong taon, ang mabawasan ng timbang. As of writing 15 pounds na ang nawawala sa akin. Sana magtuluy-tuloy na 'to. Kaya ko naman pala kahit di ako sumali sa The Biggest Loser. Naiinggit kasi ako pag napapanuod ko na ang laki ng nababawas sa mga contestant dun sa palabas.
- Dahil nadelay kami sa flight noong pumunta kami sa Boracay nung isang buwan. Nagkaroon kami ng libreng round trip flight sa kahit anong lugar sa bansa. Kaya sa Setyembre o Oktubre, kami ng barkada ko ay magtutungo sa Camiguin!!! Kung meron kayong mairerekumendang murang matitirahan at gagawin, pashare naman. Alam kong madaming travel bloggers dito.
- Konting rant lang. Madalas ko ngayon napapanuod sa tv ang trailer ng bagong pelikula ni Melai na Pureza Queen of the Riles. Di ko alam kung sino ang nag-approve ng pelikulang ito, pero ang tanong ay bakit?! BAKIT?! Gusto ko si Melai. Pero hindi sa kanya bagay umarte. Walang maski anong eksena sa trailer ang nakakatawa. Hindi siya nakakatuwa. Good luck na lang sa pelikula niya.
- Napaisip ako habang nagsusulat nito. Ang hirap palang mag-update kung wala naman masyadong nangyayaring bago sa buhay mo. Medyo status quo na ako ngayon. Ang nagbago lang ay mas napapadalas na kami magkita ni Kasintahan ngayon dahil medyo pareho na kami ng pinagsisilbihang kumpanya ngayon. Medyo, dahil Pilipinas ang pinagsisilbihan niya, habang Estados Unidos naman ang sa akin.
- Kahapon ay nagtungo kami ni Kasintahan sa Manila Ocean Park para iclaim ang libre kong tickets na nakuha ko mula sa kumpanya noong Pasko. Marami akong nakuhang litrato, at napagtanto ko na medyo mahusay pala akong kumuha ng mga litrato. Photographer noon ang tito ko, kaya naturuan niya ako. Naisip ko tuloy na kailangan kong magkaroon ng DSLR. Kaya ngayon, yan na ang project ko. O HDTV. O treadmill. Teka, ang dami ko pala gustong bilhin.
- Medyo marami-rami na pala akong dinadownload ngayon. Sa palagay ko mabilis mapupuno ang 500Gb na hard drive ko dahil puros tv shows lang ang pinaglalalagay ko. Falling Sky, Franklin and Bash, Necessary Roughness, Wilfred, True Blood at Suits ang mga pinapanuod ko. Saka na ako magrereview ng bawat show, pero lahat sila ay maganda at nakakaadik.
14 comments:
I'd like to think na masaya ka. :) and you know, sometimes, mahirap magblog pag masaya. Sa theory ko (walang basis) may direct proportion yon. hehe.
mahirap nga mag-update sa blog pag walang masyadong happenings. parang gusto mong isulat kaso very average lang kaya di mo na itutuloy ang wento.
ayus yung free tickets kasi nadelay yung flight
wow..pareho tayo ng mga pinapanood...franklin and bash, suits, true blood..try watching Shameless din, it's really good, it's with WIlliam H Macy & Emmy Rossum :)
sa lahat ng series na binanggit nyo, ung franklin and bash saka suits lang napapanood ko.
maganda ung suits :) may kwento. ung f&b, parang the defenders lang pero mas maganda ung the defenders.
try nyo po White Collar, maganda din :)
sorry sa earlier deleted post. nadoble kc. nakaOM kaya hirap magpost.
penge 'kong true blood! haha! ikaw na ang gala. ikaw na ang inlababo. ikaw na ang shutterbug. ikaw na ang pumayat na hindi sumama sa the biggest loser. lol!
namiss ko tumambay dito. \m/
Good luck, gillboard! :)
pls help me lose weight too, dati 110lbs lang ako, ngayong 116lbs na!! it cant beeee!!!
and come to think of it, hindi nga nakakatawa si melai. nakakatuwa, yes. pero wala syang punchlines na mala-eugene o vice.
camiguin?? think twice hehe goodluck.
Photographer noon ang tito ko, kaya naturuan niya ako. Naisip ko tuloy na kailangan kong magkaroon ng DSLR.>> yun ang astig! sana nga makabili ka na. at sigurado dami ang aabang sa mga kuha mo.
Eh yan ba ang walang nangyayari sa buhay? HAHA. Gusto ko din magkwento ng ganyan. Eh boring buhay ko, wala tuloy malabas. haha
define status quo
hehe
ang dami mong nga nakwento sa post na ito
tapos sasabihin wala masayadong happening
nood ka temptation island
panalo yon
nandon si marian, eh
nyahaha
With the latest two episodes of Wilfred on my watch list, I definitely follow it since there is not too much to follow these days when most of the series I watch like Fringe and The Big Bang Theory and Downton Abbey and Whitechapel are on a season break. I will try to see more of what you are up to. Thanks.
try mo din GAME OF THRONES, hbo yan. kakatapos lang ng first season, maganda. feeling LOTR ang atmosphere.
2 new posts ko
sa isa ka lang comment
balik ka sakin
nyahaha
Post a Comment