Mga Sumasampalataya

May 21, 2009

EPIC FAIL: MGA KWENTONG $3X

BABALA:
Ang mga mababasa ninyo eh hindi yung karaniwang mababasa ninyo sa tahanan kong ito. Ngunit kahit tungkol sa s-e-x etong post na ito, wag din kayo mag-expect na kayo eh matuturn-on sa mga susunod na kwento. Ipapaliwanag ko mamaya...

PARA NAMAN SA MGA NAKAKABASA NITO NA KILALA AKO SA PERSONAL:
Sarilinin niyo na lang ang mga mababasa ninyo, wag niyo na ipagkalat sa iba ang mga nakasaad dito. Wag niyo rin ipapabasa sa mga bata ito, dahil hindi naman ito talaga pambata. At kung kayo naman eh mga pamangkin/pinsan ko, sa akin na lang kayo magtanong tungkol sa nabasa niyo at wag sa magulang niyo. Baka isumbong pa ako ng mga iyon sa magulang ko... hehehe

Ayun, sa mga hindi pa nakakaalam may sex life din naman ako. Hindi nga lang siya aktibo nitong mga nakalipas na mga buwan, pero panakanaka eh meron naman. Di ko naman ilalabas dito lahat ng kwentong ganun sa buhay ko... sa totoo lang naniniwala akong a true gentleman does not kiss and tell. Pero dahil kakwento kwento ang mga isusulat ko, bilang paggalang sa kasabihan na iyon, eh hindi ako magbabanggit ng mga pangalan. Kasi, maski ako, di ko na rin maalala yung pangalan ng ibang ikukwento ko dito.

Pero kung kwentong $3X naman pala ang isusulat ko, bakit naman Epic Fail ang titulo? Di naman kasi ito tungkol sa mga conquest ko. Yung mga ganun, sarilinin ko na lang yun. Or sa ibang pagkakataon na lang. Ang mga sumusunod eh mga karanasan kong ayaw ko nang balikan dahil sila'y epic fail talaga. Nakakahiya mang aminin, meron akong mga di kanais nais na mga karanasan!!!

BAKIT HINDI AKO NAG-UUWI NG MGA KALARO SA BAHAY
Sa buong buhay ko, dalawang beses pa lang ako nag-uwi ng kalaro sa aming tahanan. Ayoko talagang mag-uwi ng mga ganun dahil una, mga pakialamero ang ilang mga kapitbahay namin. Baka isumbong pa ako sa nanay at tatay ko na gumagawa ako ng milagro sa bahay nila pag wala sila. Pangalawa, ito ang kwento...

Nasa kolehiyo pa ako nung nag-uwi ako ng bisitang gusto ko sa bahay namin. Pagkatapos kong pakainin ang bisita, eh naisip naming magkulong sa kwarto. Noong mga panahon na iyon, sa lumang bahay pa ako nakatira. So kwarto ko eh nasa baba, di katulad ngayon na nasa 2nd floor.

Ngayon, gumagawa na kami ng kalokohan ng aking kaibigan nun. Medyo enjoy, kasi pareho naman naming gusto ang isa't isa. So sa kalagitnaan ng aming paglalaro, napatingin ako sa taas, sa bintana namin, kung saan nakita ko ang lola ko, na nanlalaki ang mga mata habang pinapanuod kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tagal naming nagkatitigan ng lola ko, at nang marealize niya na alam ko na ginagawa niya, sinabi niya "nagtatanggal lang ako ng mga sinampay!" sabay alis.

Nanghina ako, at medyo nawala sa mood. Patay ako nito. So tinapos namin agad ang larong sinimulan namin. Pag-alis ng kaibigan ko, ang sama ng tingin ng lola ko sa amin. Hindi naman siya nagsumbong, pero sapat nang naging dahilan para sa akin yun na di na mag-uwi ng mga kalaro sa bahay.

BAKIT HINDI AKO NAADIK SA PHONE $3X
Hindi ko talaga makita ang point ng SOP. Siguro di pa lang ako nakakakausap ng taong magaling dito, pero hindi rin naman ako interesado. Dalawang beses ko pa lang tinangkang gawin yun. Yung una, hindi naman talaga ako kasali. Uso pa noon ang 3 way calling, so pinakinggan ko lang ang kaklase ko na pagtripan yung nililigawan niya sa phone. Di ako naturn-on.

Tapos yung pangalawa, noong panahon na iyon, eh medyo in heat na ako talaga. Pero wala akong makita na gustong lumabas at makipagkita. Meron isa na sabi niya, gusto niya sa phone lang. Dahil kelangan ko nang maglabas ng init, sige pinatulan ko. Tinawagan ko siya. Ayos naman, maganda ang boses, parang kolehiyala. Magaling mang-akit sa telepono.

So medyo nag-init talaga ako. Ayan na, nagtatanggal na daw siya ng suot niya, gayahin ko daw. Tapos dinedescribe niya kung ano daw ang mga gagawin niya sa akin. Sabay halinghing. Shet, ang galing, talagang may tumayo sa akin. Kaya lang bigla siyang humirit...

"Shet, nangingisay ako!"

Ano daw?! Sabi ko sa sarili ko, tangina ang nangingisay diba mga epileptic lang yun. So yun yung naimagine ko. Sobra talaga akong natawa. As in ang lakas ng tawa ko. Parang biglang nawala ang libog sa katawan ko sa katatawa. Tinanong niya kung bakit daw ako tawa ng tawa. Di ko masagot kasi, hindi ako makahinga sa kakahalakhak.

Ayun binagsakan ako ng telepono.

BAKIT DI AKO NAKIKIPAG-EYEBALL KUNG KANI-KANINO
May panahon sa buhay ko na medyo natuwa ako sa mga chatroom sa cable. Marami akong naging karanasan dun na gusto kong balik-balikan, pero meron din namang mangilan-ngilan na sobra talagang sablay.

Wala akong trabaho nun at gising pa ng madaling araw. Meron ako nakitang isang magandang mensahe sa tv na nakakaaliw, at medyo nakakaturn on din. So tinext ko yung number niya. Nakakaaliw siya katext, kasi medyo pabibo pero in a way may pagkasophisticated.

So hiningi ko yung number niya sa bahay. At nang tawagan ko, namangha ako sa nakausap ko. Shet, ang ganda ng boses. Parang ang talino niya magsalita. Tsaka maiimagine mo talaga na maganda hitsura niya dun sa maririnig mo. Two days later, inaya niya ako sa apartment niya, kasi wala daw yung roommate niya.

Ako tong si boy libog, punta naman. Malapit lang naman sa amin. Bumaba ako sa harap ng bahay nila, at nang pagbuksan ako ng gate, nagulat ako dun sa humarap sa akin. Pota, ang ganda talaga ng boses niya. Nang magpaulan ang Diyos ng magagandang boses, nasa front and center siya. Pero nang magpaulan naman ang Panginoon ng iba pang magaganda sa mundo, umalis na siya.

Sabi ko shet, mapapasubo ako dito. Pero wala naman ako magagawa, andun na ako, binuksan na ang gate, tatalikod pa ba ako? So dun sa kwarto, wala na akong saplot, pero walang tumatayo. Tangina iniwan ako ng libog ko sa gate pa lang. Wala talaga, pinaglaruan na niya, tinikman, di talaga nagalit.

After talaga ng limang minuto, hinugot ko't nagbihis ako.

"It's not going to work. Sorry." Sabay layas. Tyempo paglabas na paglabas ko ng gate, biglang umulan ng malakas. Tigang na nga ako, basang basa pa ng ulan.

BAKIT LAGI NA AKONG MAY BAON SA BAG KO
Peak ng pagkaadik ko sa chat sa tv, may nakilala akong matinong kachat. At dahil smart na ako nung mga panahon na yon, tiningnan ko muna sa friendster ang hitsura nito. Ayos. Panalo, at kahit papaano, eh nagustuhan din niya ako.

Pareho kaming walang lugar na mapaglalaruan nung nagkita kami, so napagdesisyunan naming magpunta na lang sa Eurotel. Pumayag naman siya na maghati kami sa babayaran para sa 12 oras na pagstay namin dun.

So holding hands na kami, paakyat pa lang. Mararamdaman mo sa higpit ng pagpisil niya sa kamay ko na medyo nag-iinit na din siya. So pagpasok pa lang namin sa kwarto, walang anu ano eh torrid na halikan agad ang drama naming dalawa. Parang eksena sa pelikula. Aliw talaga, sabi ko sa sarili ko ngayon ko lang to magagawa. Shet, tapos nang makita namin yung channel list sa tabi ng kama, merong channel na puros bold lang ang palabas. Tangina game on!!!

Ang haba ng foreplay naming dalawa. Halikan dito. Dilaan dun. Mapaghahalatang init na init kami sa isa't isa. Pero nung nasa kama na kami...

"You have protection?"

"Ano?" tanong ko.

"Condom?"

"Wala. Di na natin kelangan nun. Ilalabas ko na lang pag malapit na." sabi ko.

"No. I don't do it without protection."

Tangina!!! Hindi ako bumili. Wala akong dala. Tiningnan ko yung paligid namin wala. Tawagan ko daw reception, baka meron sila, sabi sakin. Sabi ko ayoko at nakakahiya. Eh tinatamad naman akong bumaba, at ayaw din naman niya.

Para naman masulit ang binayad namin sa hotel, dun na lang kami pareho natulog. May unan sa pagitan naming dalawa.

**********

May limang buwan na rin akong tagtuyot, pero di naman ako naghahanap. Kaya pa naman ng kanang kamay ko. Napagtandaan ko na rin ata ang mga one night stand. Parang ang gusto ko naman ngayon eh kapag gagawa ako ng mga ganito, eh sa isang tao na lang. Para wala na ring mga epic fail moments na gaya ng nasa itaas.

Hanap na lang ako ng fuck buddy!!!

27 comments:

Chyng said...

(applause)
thanks for sharing these. ibang gilbert ang nakilala ko ngayon. naloka ko sa lola mo. pati ako nanlamig eh. :D

gillboard said...

hahaha.. minsan lang to.. baka di na maulit.. pag naisumbong ako... bahala na!!!

Dhianz said...

kuya u need a friend w/ benefits... =) wehe... ayos sa kwento ahh.... next time u do it w/ someone dat u really love... kc mas special 'un.. naks... alam koh? lolz... ingatz. Godbless! -di

Kosa said...

sa dami ng kwento parekoy eh di ko alam kung saan ako magkukumento..

nakaka-gulat lang talaga madalas yung mga kapitbahay na masyadong machismax.. at mapalad ka sa Lola mo dahil nanahimik at hindi ka na-chismis..lol

SA phONE S3X HINDIko pa din nasusubukan yun! at siguro hindi ko magugustuhan yun...lols

haaaaaa? nakikipag-eyeball ka tapos para dun lang? lols daanin mo nalang sa ligaw -ligaw parekoy.. yung talagang gusto mo at yung alam mong safe ka..hehehe

hindi daw si boy libog ohh? lols pero andaming kwento...hahaha
si "medyo" boy libog lang? lols
peace;)

gillboard said...

dhianz: meron naman akong mga kwentong ganun.. di ko nga lang isusulat dito... kasi syempre special yun...

kosa: di ko naman dineny na mataas ang libido ko.. di ko lang nilalabas dito... hehe

Badong said...

woah! Panalo at refreshing tong post na to, 'nangisay' ako sa kakatawa. Haha!

MarcoPaolo said...

Talagang nangisay parekoy ah... hahaha!


ayos ang mga kwento mo!

yoshke said...

"Sabi ko sa sarili ko, tangina ang nangingisay diba mga epileptic lang yun. So yun yung naimagine ko. Sobra talaga akong natawa."

Wahahaha. tawa ako ng tawa dito tsaka dun sa natulog na lang kayo. ANTAMAD LANG, haha, at nakakahiya ngaaa. Never pa ko nakakita ng loob ng motel, ehehe.

Haha, sex post talaga eh, no?

DRAKE said...

ahahahah, talagang kinuwento ang mga sexcapade nya!!! Astig. Well, ganun talaga medyo ienjoy mo lang muna ang kalibugan mo. Medyo hinay hinay lang kasi mahirap na ngayon kasi baka mahawa ka ng ibat ibang sakit.
Akala ko dati nagkatulo ako dahil sa ganyan. Yun pala nasobrahan lang, hehehe.
Pre wala akong masabi kundi "IBA KA BRO"

Knox Galen said...

Parekoy napahanga mo ako sa kuwento mo. Yaan mo, kapag nag-fence sitting ulit ako tapos nahulog ako sa kabilang bakod, IKAW ang reference sa entry ko. Ahahaha.

Kosa said...

ahhhh hindi ba? lols

sige sana makahanap ka nung hinahanap mo parekoy...

EǝʞsuǝJ said...

haha..

asteeg..
di nmn kaya dahil sa SOP eh napulupot yung chord ng telepono sa leeg nung grl tapos nakuryente kaya sbi nia "nangingisay" sya?hahah...

tamang tama yung taytel..

at tama rin yung sabi ni Dhianz..
:)
gudlak pre..:D

multong bakla said...

ibang klase ka tlga gill! haha. . ganitong ganito ang mga gusto cong mabasa. . totoong totoo at nakakaaliw. .

naaliw din aco dun sa pangingisay ng kaSOP mo. . ganun kalakas ang karisma mo? nakakangisay? hahaha. .

dapat talaga lagi kang may baong plastic labo. . para laging safe. . hehe. . alam co na ngayon kung gaano ka daring ang may-ari ng blog na to:D

MkSurf8 said...

coolness si lola!

gillboard said...

badong: hehehe salamat

marco: seryoso yun... tawa talaga ako ng tawa nung sinabi niya yun!!!

gillboard said...

yoshke: honga... ngayon ko lang narealize, ang tamad ko nga talaga... i suck.

drake: bata pa naman ako nung mga panahon na yun... mas mature nako ngayon.. kaya nga tagal nako tigang.. hahaha

gillboard said...

knox galen: sige.. kahit di ko naintindihan.. hahaha

kosa: wala naman akong hinahanap ngayon... steady lang... hehe

gillboard said...

jen: di naman ako naghahanap.. pero salamat pa rin.. siguro nga kaya siya nangisay eh napulupot leeg niya sa phone chord. lolz

multong bakla: di naman ako ganun ka daring... ngayon lang to.. di ko alam kung mauulit pa yung mga ganitong panulat... salamat!!!

mksurf8: ganyan talaga ang lola ko... makakagawa rin siguro ako isang buong post tungkol sa lola ko... hehehe

poging (ilo)CANO said...

hahahaha...natuwa ako..

medyo adventurous siya...

daanin na lang kay mariang palad...lolz..

xoxo krisler xoxo said...

it needs someone brave to write something like that!!..ayos gill =)

PUSANG-gala said...

naku naku---parental guidance pala to---di pwede sakin--lol.

at me warning pa---haha.

buti nalng pakiaalamero mga kapitbahay mo---kung nagkataon pala naging motel na bahay mo sa dami ng nauwi mong kalaro------love the term---kalaro---hoooottt!!!lol

Myk2ts said...

magaling na magaling. malaking puso ang inilagay sa kuwentong ito. palakpakan!

YanaH said...

nakakawindang si lola dear mo! hahahahaha
this is another side of the gilbert we know dito sa blog hehehe..
oist!
may utang ka pa saken ha... hehehehe

gillboard said...

ilocano: dun na nga lang.. no choice... hahaha

krisler: di ako ganun kabrave... restrained pa yang post na yan.. hehehe

gillboard said...

pusang gala: eto ba yung ala ka masabi? hehehe

myk2ts: di naman pero salamat..

yanah: onga eh... sensya na... busy ng kaunti. di ka rin naman pwede nung nagtagaytay kami last weekend...

pogingpayatot said...

awwwww! my freakin virgin eyes! hehehe. ayos yan. tama ang naisip mo. dapat laging may kapote. tingnan mo, inabutan ka pa ng ulan.

pero maganda nga, stick-to-one. tanggalin mo, tapos stick it again, paulit-ulit lang =)

gillboard said...

ronan: hahahhaa