Mga Sumasampalataya

Dec 16, 2010

BULALAKAW

Dec. 15, 2009 22:52:28
Nakatitig sa kalangitan si Aubrey. Pinagmamasdan ang kagandahan ng mga bituin.

Isang bulalakaw.

Pumikit si Aubrey. “Sana akin na lang si Eric,” tahimik niyang hiling.

Dec. 16, 2009
Nakatitig si Aubrey habang kumakain ang kaibigang si Eric. Nakikinig habang maingay na hinihigop ang sabaw. Nakangiti sa mga kwento ng kasama kahit hindi naiintindihan ang sinasabi nito.

Matutupad kaya ang kanyang hiling?

Parang narinig ang kanyang katanungan, tumingin sa kanya ang kaibigan. Kinindatan si Aubrey. Napangiti ang dalaga.

Jan. 18, 2010
Tahimik na nagtatrabaho ang dalaga.

Umupo sa kanyang mesa ang kaibigan.

“Ano ang gagawin mo mamaya?” tanong ng binata.

“Wala naman, what’s on your mind?”

Naglabas ng dalawang ticket si Eric, “concert mamaya ng barkada ko. Gusto mo sumama? Wala akong date?”

“Sure,” sagot ni Aubrey.

Jan. 19, 2010
Sabay umuwi sina Aubrey at Eric.

Magkahawak sila ng kamay.

Feb. 14 , 2010
Dumating si Aubrey sa opisina at nagulat sa isang dosenang pulang rosas na nakapatong sa lamesa.

Galing sa mahal niyang binata.

Apr. 02, 2010
Mahigpit na niyakap ni Aubrey si Eric. Huling araw ng binata sa kumpanyang tinatrabahuan nila. Nakatanggap ito ng mas maayos na trabaho sa isang malaking kumpanya.

Mahigpit ang yakap ng dalaga.

Mamimiss niya si Eric.

Mahal na niya ito.

Hinalikan siya sa pisngi.

“I will still see you,” sabi ni Eric, habang pinupunasan ang mga luha ni Aubrey.

May 1, 2010
“I’m sorry. Can’t make it tonight. Busy with work.” Text ni Eric kay Aubrey.

Sep. 30, 2010
Muling nakita ni Aubrey si Eric habang naglalakad sa mall.

Mag-isa ang binata sa isang mamahaling kainan.

Lumapit ang dalaga upang kamustahin ang lalaking kanyang minimithi.

“Hi,” bati niya.

“Aubrey,” gulat na sagot ni Eric. Niyakap ng binata ang dalaga. “It’s been a long time. Kumusta ka na?”

“I’m good. Namiss kita.”

Ngiti lang ang sagot ni Eric.

“Hi.” Tinig ng isang babae mula sa likod ni Aubrey. Isang magandang dalaga.

Tumayo si Eric mula sa kanyang upuan, nilapitan ang dalaga at hinalikan sa labi.

“Lisa, si Aubrey. Dati kong katrabaho. Aubrey, Lisa… girlfriend ko.”

Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. Nagmamadaling nagpaalam.

Lumuluhang natulog si Aubrey.

“Hindi na ako naniniwala sa mga falling star.”

Dec. 15, 2009 22:52:26
“I wish to find my true love,” tahimik na bulong ni Lisa nang makakita ng isang bulalakaw.

**********
Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakagawa ng kwentong kathang isip.

18 comments:

KikomaxXx said...

ten Thumbs up... ganda.. parang cycle lang... hahahah gets ko ang logic.. dalawang humiling isa lang ang matutupad.. wahehehe

The Gasoline Dude said...

WAH! Dapat pala eh humiling na ako sa bulalakaw ngayon pa lang. LOL!

Yffar said...

Nahuli si Aubrey ng 2 seconds. Naiba siguro ang takbo ng istorya kung naunahan ni Aubrey si Lisa. XD

importante talaga ang bawat segundo ng buhay.

Ako si Yow said...

Napawow na lang ako nung huli. Haha. Ang porma. Naguluhan pa ako bakit si Lisa ang humihiling nung huli? Bute napansin ko yung date at time. Sobrang astig. Haha. Like!

my-so-called-Quest said...

ay! sabay tingin sa labas. makawish nga rin muna. hehehe

pero seryoso, sulat ka pa ng ganyan. tagal na ding wala gb. :D

Maldito said...

weh? kathang isip daw....totoo to e..ahahaa...joke..

naawa ako kay aubrey.....ang landi landi kasi....hindi man lang muna nag clarify...chos.yun lang..

Chingoy said...

mas malakas ang powers ni lisa ehhehe

Axl Powerhouse Production Inc, said...

yun oh... galing.... kala ko ervic... eric pala heheheh :D

bulakbolero.sg said...

nice1. swerte naman nung lalake. 2 pa ang humiling para sa kanya. tsk.

-ssf- said...

2 segundo lang naknam naman oh haha

oi, mishu too!!! :)

melovesflying said...

Ang galing ng pagkakasulat mo. :)

Btw, I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

Raft3r said...

aubrey + eric = survivor celebrity rp edition
hehe

Chyng said...

nafocus ako sa date, yung 2nd - Dec16 2010.. dapat yata 2009 yun.. hehe nangealam.. =)

pero nice one! keep it coming!

Photo Cache said...

sa akin lang naman, walang kathang isip - lahat ng istorya may ugat sa tunay na buhay.

maligayang pasko.

Jayvie said...

ay ay! una-unahan pala yun hihi. mas mabilis ang mata ni lisa maka-ispat ng bulalakaw hihi. :D

Tsina said...

Hehehe.Hindi na ako naniniwala sa falling star.

Galing. =)

Lio Loco said...

dec. 15, 2009 22:52:24

eric: sana pagkaguluhan ako ng dalawang chiching na patay na patay sakin. XD

Dorm Boy said...

Waaaaaaaa me naalala ako sa bulalakaw na yan!!! Hmmmm makapag star gazing nga ngayong gabi at maghihintay ako ng bulalakaw... Wish su wish!!!