Mga Sumasampalataya

Feb 6, 2011

DAHIL MALAPIT NA ANG ARAW NI KUPIDO

Dahil malapit na ang araw ng mga puso, naisip kong magsulat ng tungkol sa pag-ibig. Para ito sa mga taong nagturo sa akin kung paano nga ba magmahal. Repost muli dahil wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.

Sila ang mga humubog sa pagkatao ko. Ang nagturo sakin kung paano ba ang maging kalahati sa isang pares. Ang mga minahal ko... at sa huli, ang nagpasakit sa ulo ko.

SI UNA
Nabanggit ko siya sa isa sa mga posts ko ngayong taon. Si Una, o si Love ang pinakauna ko. 3rd year hayskul ako noon, at ilang buwan lang kami nagkasama.

Alala ko, una naming LQ ay dahil sa payong. Tatanga-tanga talaga ako dun sa mga kumplikadong payong, yung tinitiklop at maliliit. Hanggang ngayon, di talaga ako marunong mag-ayos ng ganoong klase ng payong. Sanay ako dun sa isang pindutan lang bumubukas na. Anyway, one time lumabas kami on a date na tag-ulan. Dahil nga di ako marunong gumamit ng payong, nasira ko yung dala-dala niya. Syempre dahil kasalanan ko kaya wala kaming payong, bumili ako ng bago para palitan ito.

Inaway niya ako kasi yung binili ko eh yung parang sa mga bumbay. Yung mahabang itim na payong na hindi natitiklop. Galit na galit si Love nun kasi nga nakakahiyang dalhin yung payong na yun, kikay pa man din siya. 3 araw niyang di sinasagot yung telepono nun pag numero ko ang lumalabas sa caller id nila.

Hindi iyon ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nag-college na siya nung sumunod na taon, kaya naisip niya na mas makakabuti sa amin na iexplore pa ang mundo ng hindi magkasama.

YUNG DALAWANG BUWAN LANG...
Etong pangalawa eh kaibigan ng kaklase ko sa kolehiyo. Naging kami sa telepono din. Maganda daw kasi boses ko. Akala niya it will translate pati sa totoong buhay... joke.

Sa dalawang buwan na naging kami. 2 beses lang kami lumabas. Text at usapan sa telepono lang kami palagi. Yung una naming pagkikita, para lalo naming makilala yun isa't-isa. Yung pangalawa, eh para tapusin na yung relasyon namin sa telepono.

Sweet naman siya. Matalino. Marami akong natutunan. Kaya lang masyadong seryoso sa buhay. Puros aral lang ang ginagawa kaya nga dalawang beses lang kami nagkita. Tapos tuwing weekend lagi pa siyang umuuwi sa probinsya para makasama yung pamilya niya. Kaya siguro napagod din ako, dahil nga parang wala namang patutunguhan yung kung ano man meron kami kasi di naman kami nagkikita.

YUNG BATA
Ewan ko ba kung bakit ako pumatol sa sobrang mas bata pa sakin. Feeling ko kung hindi ko tinapos yung 1 buwan naming relasyon eh ginawa akong sugar daddy nito.

Mantakin mo, di ko lang nabigyan ng regalo nung monthsary namin, eh sinabihan ba naman akong hindi ako marunong magmahal!!! Tama ba yon? Siya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga mas bata sakin. Ayaw ko ng mga masyadong nagpapababy. Nakakainis. May pinagbabagayan yan. Di nagwowork sakin yung nagpapouty lips para lang pagbigyan sa mga gusto. At ayaw ko yung laging nagtatantrums pag di nasusunod ang gusto.

(Nilunok ko rin yung sinabi ko noon na ayaw ko sa bata... si kasintahan halos siyam na taon din ang tanda ko sa kanya.)

SI DOC
Isang linggo lang naging kami ni doc. Ang hirap kasi pag wala talagang oras para sa isa't-isa. Si Doc laging on call. Yung nag-iisang date namin, kelangan pang maputol kasi nakalimutan niya meron pala siyang buntis na pasyente na magpapacheck-up.

Masaya sana yun kung nagkatuluyan kami kasi pwede nakong hindi magtrabaho nun!!! Kaya lang, di talaga pwede eh. Feeling ko lagi ko lang siyang aawayin dahil wala siyang magiging oras para sa akin. Parang mas malala pa yun sa long distance relationship kasi alam mong nandyan lang siya pero hindi pa kami nagkikita.

Ang gusto pa niya sana eh pupuntahan ko siya palagi sa ospital. Di ko gusto yun. Gaya ng sabi ko, ayaw kong nagpupunta ng mga ospital, dahil nadedepress ako. Tsaka madirihin ako... Pero ibang kwento naman iyon.

SI OPISMEYT
Siya ang dahilan kung bakit hinding-hindi ako sa ngayon maghahanap ng karelasyon na katrabaho ko. Isang malaking sakit sa ulo ang magkaroon ng karelasyon na katrabaho mo.

Masaya kasi merong mga moments na nakakatakot, at ayaw mong mahuli kayo dahil baka pareho kayong masesante. Medyo malambing siya at makulit.

Ang problema lang, grabe magselos. Pinagseselosan lahat ng nilalapitan ko. Laging naghihinala pag nagiging mabait ako sa isang tao. Laging nagsasabi na katawan lang niya ang hinahabol ko (in fairness sa kanya sexy siya).

Isa't kalahating buwan lang kami. Pero parang ayaw ko nang gumawa ng ganyan ulit. Nakakatakot. Masaya, pero malaking sakit talaga sa ulo.

SI JOY
Ahh... si Joy. Hindi naging kami. Pero siya yung nag-iisang tao na hanggang ngayon siguro eh hindi mawala-wala sa isip ko. Siya yung taong sinulatan ko ng Goodbye Letter.

Talagang halos mabaliw ako dahil nadepress ako nung aminin ko sa kanya yung gusto ko sa kanya, tapos hanggang kaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ituring sa akin. Tapos tuwing nawawala siya sa isip ko, nagtetext siya. O kaya nagsesend ng message sa ym.

Siya lang yung talagang iniyakan ko. Hanggang ngayon siguro, kahit sabihin ko pang okay na ako, eh paminsan-minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko. At naglalaro sa utak ko kung ano kaya ang mangyayari sa amin kung sakali mang naging kami. O kaya kung nakipagkita ako, noong araw na niyaya niya akong makipag-date.

17 comments:

eMPi said...

mahirap nga yong walang oras para sa isa't isa dahil sa propesyon ng kapareha. hehe... Happy valentine's day in advance. :D


happy birthday mo rin di ba? :D

Anonymous said...

babasahin ko yung goodbye letter para kay Joy. =)

claudiopoi said...

haha. hindi din ako marunong tumiklop ng maliit na payong! apir tayo jan. hehe :)

Yffar'sWorld said...

wow, ang dami mo palang naging kasintahan. may nakilala din aking duktora noon, binasted ako, hehehe. XD pangarap ko kasi noon na magkasyota na doktor para madali lang kumuha ng medcert pag umabsent ako sa trabaho. XD

wanderingcommuter said...

buti na lang talaga i dont shit on the plate i eat. hehehe

Anonymous said...

hmmp marami pa talaga akong kanin na kakainin,. hahaha

Anonymous said...

ang ganda sir... dami nyo napalang napagdaanan...

Kamila said...

more... nakaka-intriga buhay mo... kung may umalis..sureness may dadating din ulit... ang hirap naman nung malapit kayo pero di nagkikita ni doc dahil busy siya... lol.. pero mahirap din mag long distance ah

domjullian said...

bat wala si xxx?

Anonymous said...

just keep walking as there's no turning back.

escape said...

Inaway niya ako kasi yung binili ko eh yung parang sa mga bumbay. Yung mahabang itim na payong na hindi natitiklop.>>> kulit nga naman. itim pa talaga.

CheeNee said...

pansin ko lang paikli ng paikli yung months..gang sa si joy,, di naging kayo..:)

wala man lang tumagal ng taon..hehehe..:)

ayos:))

Anonymous said...

alam mo kung anong napagtanto ko sa blog post mo na 'to, pre? 'yun eh ang katotohanang napaka-ampaw ko pala kumpara sa napakaraming karanasan mo sa pag-ibig. parang namkyaw ka lang ng sandosenang kobre-kama sa divisoria o. ikaw na, ikaw na ang chickboy! XD

kung hei fat choi! at hapee balemtayms in adbans! kita-kita na lang sa pulang gusali. loljoke!

Spiral Prince said...

sa hinaba haba ba naman ng prosesyon, kay kasintahan ka pala liligaya. :3

Jayvie said...

siguro ang duktor ay para lang sa bum noh?

o kaya ang duktor ay para lang sa kapwa duktor?

hmmm...

Chyng said...

o edi ikaw na madaming love affair! hhmmpp!!!

Raft3r said...

nagbibilang
=P
tsk, tsk