Mga Sumasampalataya

Feb 10, 2011

KWENTONG COMMUTE

May nangyari kanina sa aking pagcocommute kaya medyo nabasag yung pagkakaroon ko ng writer’s block. Okay naman ako. Hindi ako napahamak. Hindi naman masama yung nasaksihan ko kanina. Pero karapatdapat lang siyang ikwento.

Tahimik yung fx na sinasakyan ko. Halos lahat ng pasahero maliban sa akin tulog. Sinusulyap sulyap ko kasi yung nasa harap ko. Cute kasi. Pero hindi siya yung kwento.

Yung ikukwento ko eh tungkol dun sa mamang nakasakay sa gitna.

Ang himbing himbing ng tulog ni kuya. Sa sobrang lalim, eh feeling ko lumampas siya dahil nung naalimpungatan siya bigla itong napasigaw.

“Baragadumbadumbum!!”

Nagulat kami lahat. Pero si manong fx driver hindi, “bababa?”

“Para!” sabi ulit nung mama.

Wala lang. Weird.

**********
Napareminisce tuloy ako sa lahat ng epic fails ko sa buhay commute.

Sigurado ako, nakasakay na kayo sa fx driver na lahat na lang ng taong madadaanan hinihintuan, kahit di pinapara.

One time last year, napasakay ako sa ganun. E hindi yata napansin ni manong drayber na yung hinintuan niya, special child na naging taong grasa. At sakto dun siya umupo sa likuran kung saan ako nakaupo tsaka yung cute na kasabay ko.

Nung una, sakin siya tumabi. Pero dahil madirihin ako, lumalayo talaga ako sa kanya sabay may pandidiring face. Dahil nakakatakot naman talaga si ate. Madaming galis, tapos gustong kunin yung ear phones ko. Kaya kahit malaki akong tao, nagsusumiksik ako dun sa gilid ko.

Nagsawa siya sa akin, dahil mas cute sa akin yung katapat ko kaya dun naman siya tumabi. Hindi naman siya lumalandi, pero kinakalabit niya si kuya. Sabay bukaka. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, pero pag bumubukaka siya ng legs, nakikita ko kuyukot niya.

Pag may pumapara sa fx namin at sakto sa likod uupo, pag bukas niya ng pinto at nakita si ateng special child, nagmamadali itong umalis at lumipat ng sasakyan. Hindi rin naman kami makalipat dahil puno yung sinakyan namin, at di kami makaalis dahil nakapagbayad na kami.

Yun ang pinakamahabang 30 minuto sa buong buhay ko.

**********
Sa bus hindi talaga maiiwasan na may makasabay kang weirdo. May lasing. May nagpepray-over. May namamalimos. May magnanakaw. At merong nananantsing.

Hindi ako gwapo. Hindi rin ako obvious na kakaiba. Pero one time talaga, pinursue ako ng isang bading sa bus. Nung una kinalabit niya ako, so okay naman. Friendly naman ako so pinansin ko. Tsaka kahit papano naman di naman mukhang holdaper si kuya. Mas mukha pa akong mandurukot sa kanya.

Kinakausap niya talaga ako with matching touch touch sa braso. Ang cute ko daw. Sarap yakapin. So ako naman medyo nagpauto. Tinanong niya kung bababa ako sa binababaan niya. Sabi ko hindi. Sa Baclaran ako, sa LRT siya. Niyaya niya akong magbreakfast, pero tumanggi ako. Hindi ako cheap na pumapatol sa nangangalabit sa bus. Hiningi niya number at pangalan ko. Nanghula ako ng mga number. Ibibigay ko sana number ng kinaasaran kong tao, kaya lang di ko memorize eh.

**********
Nakasabay ko siya ulit noong isang linggo. At kahit may balbas na ako at kamukha ko si Grissom ng CSI, namukhaan pa rin niya ako. Pagpasok ko ng bus at pagkita sa kanya ay mega ngiti siya sa akin. Hindi ko pinansin.

At talagang tinabihan niya ako. Pero dahil nasa tamang katinuan ako, wala lang. Alam ko tinititigan niya ako, kasi sa gilid ng mata ko nakikita ko yung ulo niya nakaanggulo sa akin. Kinalabit niya ako one time sa aking love handle. Tiningnan ko siya ng masama. Sabay growl parang aso.

Pero hindi parin lumipat ang beauty ni kuya. Persistent. Talagang tinititigan lang ako. Buti na lang may music ako. Kanta kanta lang hanggang bumaba siya sa may LRT.

Ang creepy ni kuya sa totoo lang. Parang loser. Pero ang lakas ng loob niya ha. Pano pa kaya kung naging basag-ulo ako. Baka nasaksak ko yun. O kaya nagkaroon ng bus bombing part 3.

**********
O siya, yan na muna ang kwento ko. Kayo, ano mga weird o unforgettable moments niyo sa pagcocommute?

35 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Ikaw na ang heartthrob sa mga dingbads. Haha.

Ako naman, sa jeep ko naranasan. Nakaupo ako sa harap katabi ni Mamang Driver. Naka-red 'yung stop light kaya nakahinto kami. Nakatulog ata si Manong Driver habang naghihintay. Nag-green na 'yung ilaw hindi pa din siya gumigising. Ayun, ginising ko. Pasaway lang si Manong Driver.

khantotantra said...

wakokokok. habulin ka pala sir. :p

nakakatakot naman yung ride ninyo sa fx. question, talagang pinasakay ni manong fx yun sa sasakyan nia? grabe, for the sake of maisakay lang

naunahan ako ni gas dude sa base. :p

the scud said...

may kwento din akong ganyan. nakasakay kami sa taxi magpipinsan sa edsa. dahil matrapik, mabagal umusad ang sasakyan. si manong nakatulog. ginising ko pa. buti di napansin ng mga pinsan. baka nag-alburuto na mga yun. hehe.

Maldito said...

at dahil dito, nadagdagan ang takot ko na pumunta ng manila at sumakay ng bus...marami kasi akong nababasang kwento na maraming hold upon sa bus...grrrrrrrr...

natawa ako dun sa bus bombing 3...binomba mo na sana ng sobra sobra ang pagmumukha ni kuya...persistent eh. ahahaha..eh malay mo? soulmate kayo? give him a chance naman! to naman.ang damot!ahahahhaa..

coldie said...

Nabasa ko lang, ang creepy e.

Eto kwento ng kapatid ko. She was riding a jeep pa-Tayuman. Late at night na, almost 12. Dalawa na lang silang pasahero, the other is a nurse in her 20's. My sister is seated at the back of the driver and the nurse malapit sa pinto, fast asleep. May sumakay na matandang babae, umupo siya parallel to the nurse. A few minutes after, napansin ng sis ko na di mapakali yung matanda. At the next stop, nag-para yung matanda, sinasama yung kapatid ko. Ang sabi, "Diba dito ka na? Tara, bumaba na tayo." Sumama yung kapatid ko, pagbaba nila at pagka-alis ng jeep sabi nung matanda, "Di mo ba napansin? Yung nurse patay na, may saksak sa tagiliran!"

Carlo said...

madalas lang ako mapa-away sa fx kasi agawan kung san nakatutok ung aircon. haha lalo pag bulok ung fx

Ewan said...

echosera ka naman coldie

nanakot pa.. parang text message lang :)

Vajarl said...

Hindi ko nagets yung baragadumbadumbum. Hoho.

Ako lagi kong sinisilip pag may katabi akong gwapo. Minsan nga pinipilit ko pa na matabi saken. Ako na ag malande. Pero sa totoong buhay, mahinhin ako. Teka bat kung ano ano na she share ko? Haha.

Ang tawag ko non sa mga Jeep at FX na hinto ng hinto eh mga hampaslupang sagigilid. Palagi kaseng nasa gilid. Nakakairita. Lalo na pag ma le late na. Walang pakundangang hampaslupa. Kumakain ng relief. Kumakain ng kangkong.

Mabilisan na pala ang kalakaran ngayon. May nangyayare ng kalabitan sa bus! Haha. Pero ako mismo, matatakot ako ng bonggang bongga sa mga ganyan. Baka nga hindi ko pa kausapin, tas magsusumbong ako sa kundoktor na parang 3 years old. Pero minsan ta try ko ren yang pag growl na parang aso. Lavet.

Marami akong weird at unforgettable moments sa pag commute. Kaso mala haba ng chapter sa nobela na ata ang komento ko. Kung tutuusin eh first time kong mag comment dito. Magkalat ba? Haha. Goodmorning Gillboard!

Kamila said...

lol... ang saya saya naman ng mga karanasan mo sa pagcocommute... pero ang weirdo ni kuya na kinilabit ka.. parang stalker naman yun.. adik lang.

Spiral Prince said...

minsan din nakaka-asar yung makatulog yung katabi mo tapos gagawin kapang unan. :O

my-so-called-Quest said...

ikaw na habulin. nakoooo. hehehe

wala akong moment kasi mukha akong holdaper. hehe

goyo said...

Iba talaga ang mga bading kapag nangate. Haha. Pero kung saken nangyari at may kasama akong tropa, sasabay kami magbreakfast sabay sibat at busog. Hehehe. Utakan lang..

Pero kapag mag-isa. Sa chix lang ako sumasama.

Dil said...

masarap talagang mag commute dahil ang daming kwentong nangyayari hehe.. kaya pag malalayong byahe tulad ng baguio or galera gustong gusto kong mag commute.

daan ka din sa blog ko. kung ok sayo xlinks. salamat!

Jayvie said...

meron akong naging jowa na nakilala ko lang sa jeep. wahahaha. ang landi hahaha

ay creepy nga si bus stalker. anong bus yan? charot! hahaha :D

egG. said...

makikicomment...

natakot ako dun sa comment nung isa yung nurse eh me saksak sa gilid... grabe... @_@

-----

at grabe ung bakla ah.. dapat talaga minsan maging suplado tayo... hahaha :D

KristiaMaldita said...

Hmm.. nanatuwa naman yung mga experience mo..

marami talagang ganyan sa pagcocommute marami rin akong unforgettable experience sa pag cocommute..

E yung may umutot kaya sa loob ng aircon bus keri mo?! haha

any ways..

pa follow lang :)

like your post :))

YOW said...

Tawa ako ng tawa sa baragadumbadumbum. HAHA. Shet! Naimagine ko kasi yung eksena. Alam ko yang experience mo dahil kapag nasa Manila kami eh FX din ang sasakyan namin pauwi din ng Pque o papuntang Baclaran.

Shet, kung ako siguro kinakalabit, napahiya na siya. Masama kasi ugali ko. Nyahahaha. Joke lang/

Anonymous said...

hahaha... chong ikaw na gwapo.. wahehehe...

hmm mabuti nalang at wala pang FX sa davao.. hahaha

escape said...

Hindi naman siya lumalandi, pero kinakalabit niya si kuya. Sabay bukaka. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, pero pag bumubukaka siya ng legs, nakikita ko kuyukot niya.>>> kakaiba yan. hahaha... delikado ang mga ganyan.

Neneng Kilabot said...

natawa naman ako sa..

“Baragadumbadumbum!!” ni manong..

haha ang haba kasi.. ala lang... iniimajin ko tatay ko na sinsigaw yan.. ahahahah

gillboard said...

neneng: kung imagine pa lang nakakatawa na, mas nakakatawa sa totoong buhay. hehehe

dong ho: delikado talaga. nakakatakot mahawa sa mga galis ni ate.

kikomaxx: di nga ako gwapo. lapitin lang. :P

yow: naku, di kita kakalabitin. hehehe

gillboard said...

kristia: thank you. i like you too. welcome sa blog ko!!

egg: suplado na ako nun. yun nga first impression sakin ng mga tao, pero persistent si kuya.

jayvie: nakakasabay ko siya pag nauwi ako ng 730. di ko alam kung saan siya sumasakay, basta bus na pabaclaran na dumadaan ng ayala.

dencio: sure sure. nakita ko blog mo, and i like. welcome sa gillboard!! balik ka!

gillboard said...

goyo: may kundisyon ka pala. ako wala talaga. katakot mga ganun. tsaka taken na ako. yun yun. hehehe

ced: di kaya. kumpara naman sakin, mas mukha ako holdaper kesa sayo.

prince: sakin okay lang kung cute. meron gumanyan sakin sa bus dati. kinilig ako. hahaha. malandi lang!

kamila: di siya stalker. naghahanap lang siguro ng booking.

gillboard said...

vajarl: pwede mo na ipost yang comment mo. maraming salamat sa pagbisita. welcome sa aking blog!!

ewan: ikr. welcome sa aking blog!

carlo: ay ako din. hindi ako madamot sa aircon kaya hindi dapat ipagdamot yun. lalo na kung di pa nagbabayad!!!

coldie: nakakatakot naman yung kwento mo. parang gusto kitang ihug! hahaha

gillboard said...

maldito: di naman. sa awa ng diyos di pa ako nadudukutan sa bus. ayaw ko din mangyari yun.

scud: kakainis talaga mga antukin na taxi driver. tapos ang lakas ng loob humingi ng dagdag.

kanthotantra: di naman siguro. iba yata yung pasasakayin niya. pero si ateng grasa yung sumakay. di ko nailock yung pinto kasi.

gasul: speaking of which, naganyan na taxi ko dati. inararo namin yung pink fence ng mmda noon.

Rico De Buco said...

baragadumbadumbum.. hahaha parang napopossess lng ah hehehe..

sakin nman sa lrt..ung ktbi ko dti nung papunta ako ng trinoma, knikiskis ung thod sa thod ko.. gusto ko sanang supalpalin at sbhing kua fungi na yan hahaha

ginawa ko lumipat nlng ako ng ibng upuan hehehe

Ruselle said...

fuck talaga dun sa mga fx of jeep na humihinto sa lahat ng taong nakatayo sa gilid ng kalye kahit di naman pumapara.. hay.. hehe

Ruselle said...

my word verification is 'diespers' soooo cryptic..hahaha

Photo Cache said...

ako nga ang pangit2 ko eh hinipuan sa legs dito sa bus sa san francisco, ang takot ko eh bagong salta pa naman ako noon - promding promdi :)

FerBert said...

Kaya pala 'di ka masyadong nag-sasalita 'nung nagkita tayo noong nakaraang taon kasi mukha akong madumi. LOL

Kura said...

hahha! ang kulit ng kwento mo. lalo na yung special child na taong grasa. baby oil. chaka yung driver na ginagawang parking lot ang highway. madalas yan.

makiki share na rin.. one time may nakasakay din ako sa FX. nung bababa ba ko, ewan ko ba kung bakit "Babay po!" ang nasabi ko imbes na "Para!". feeling close. lol! hate ko din yung halos nakakain ko na ang buhok ng katabi ko sa jip. kala mo nasa rejoice commercial lang

Yj said...

alam mo bang ako ang tinutukoy mong loser na nagyaya sayo ng breakfast?

charing

ahahahahahaha OMG da galising-bukaka girl sa FX.... i swear hihimatayin ako pag nakasabay ko yan.

Dorm Boy said...

Ang dami ko ring experiences sa pagcommute pero d ko maikwento sa dami need to check kung ano ang mga bloggable hehehe! Oras na raw para bumili ng kotse para d ka magcommute! hgehehehe!

Anonymous said...

"Ang creepy ni kuya sa totoo lang. Parang loser."

- masyado kang honest. hahaha!

ako dati, nakasakay ako ng jip, halos alas dose na non, galing akong skul. may dalawang binatilyong sumabit sa jip na sinasakyan ko. bumaba pagdating ng lagro. pag baba nila, sabay hatak sa shoulder bag ko. parang tanga lang yung dalawang kuya, nakipaghatakan saken ng makailang ulit, sila ang gumive-up. nakakainis yung mga kasama ko sa jip, puro lalake ren, nakatingin lang saken. mga tao talaga.

Raft3r said...

hindi na ko magkwento ng commuter tales ko
wala naman maniniwalang nako-commute ako, eh
nyahaah