Mga Sumasampalataya

Feb 2, 2011

UPDATED SA SHOWBIZ HAPPENINGS

Hindi ito tungkol sa showbiz. Hindi naman talaga ako updated sa showbiz happenings. Matagal na nang huli akong nanuod ng Showbiz Lingo at S-Files.

Wala lang akong maisip na maisulat. Walang kwentang post. Update ko lang kayo sa buhay ko. Kunwari interesado kayo.

**********
Pebrero na. Buwan ng mga kulang-kulang. Ibig sabihin malapit na ang kaarawan ko. Hindi ako manghihingi ng picture greeting. Di kasi ako nagpapadala pag may nanghihingi. Iba rin naman kasi ang gusto ko.

Gusto ko regalo talaga.

Joke.

Half meant.

I-like niyo na lang pala yung Readers Community ko. Sapat nang regalo para sakin yun.

**********
Sa aking palagay meron akong lahing intsik. Lagi akong sinuswerte tuwing Chinese New Year.

Katulad kanina, bumaba na.

Bumaba na ang papel na nagsasabing ako'y naglevel up ulit sa aking trabaho.

Nakakatuwa lang.

Pwede nang mag-apply sa iba.

Joke ulit.

Not half meant.

**********
Malapit na pala ang araw ng mga puso. 12 days na lang. May mga date na ba kayo? May nahanap na kayong kapalit sa bumasted sa inyo nung isang linggo? May kalandian na ba kayo sa chatroom? Ipinagluto niyo na ba yung pinupormahan ninyo?

Ako wala. Bawal muna lumabas. Wala na kasing pera.

Pero pwede rin siguro kami magpunta ng Manila Ocean Park. Kasi may libre akong 2 tickets para sa lahat ng attractions nila. Pamasko ng aking butihing gasolinahan.

Sa mga sumagot ng no sa mga tanong ko, wag kayo malulungkot. Masarap maging single.

Gawain ko dati, pag Valentine's Day, dinuduro ko yung mga may kadate at pinagtatawanan. Wala lang. Bitter. Hehehe

**********
Kung Hei Fat Choi sa mga Kapatid nating singkit!!!

29 comments:

The Gasoline Dude said...

Uyyy special mention ako! ("Ipinagluto niyo na ba yung pinupormahan ninyo?") LOL!

Ako si Yow said...

Heppy Chinese New Year Sir Gibo. TAMA! Ngayon na lang me mag-valentine's day na singgol. Pero masaya naman. HAHA. Lalabas ata kami ng mga kaibigan ko para mukha kaming tanga. Haha. Eh di hindi ko na pala madadaan sa please at pagmamakaawa na pahingi ng picture greeting? Kahit first and last time ko na gagawin to? Kahit nakaluhod at umiiyak ng dugo na ako magmakaawa? Hahaha.

Pamela said...

dun nalang ako sa happy chinese new year. wag na sa usapang puso. hahaha. (parang bitter lang eh. :D)

Jag said...

congrats at nag level up k n sa wrk!

sh*t n valentoinks n yan!sana d n nauso yan! lol...mas bitter...lol...

mots said...

mamatay na ang may ka-date. lalao na ang magsusuot ng pula.

hapi bortdie.

Neneng Kilabot said...

haha parang bitter lang si ser mots!


natawa ko sa ang pebrero ay buwan ng mga kulang2.. kasi totoo daw yan.. haha

happy chinese new year! :)

KikomaxXx said...

hahaha.. asus di ako naniniwala sa valentines2 na yan... bitter... hahaha

Maldito said...

may valentines pala? ano yun?

ahahahahahaha.......isama mo ako sa single lists diyan..leche.

weh ano ngayun?ahahhaha....bahalang walang date..may kajerjer naman....

joke.ahahahhaa....ayeee..magdadate sila...picture picture! ahahhaa

CheeNee KOKAk said...

bakit mga bitter kayo sa valentines/???...

pakshet naman yang valentines na yan nauso pa..pucha!!asar!!!ano ba yun? nakakain ba yun??hahaha

padaan kuya gillboard ang happy chinese new year din..

Anonymous said...

kung hei fat choi gboard..hehe. ikaw na ang may kadate at may libreng dalawang ticket. hehe

happy bday

-kikilabotz

RHYCKZ said...

sabi ng nanay ko bago ako isilang, monthly ay may pinalilihian siya, at nung buwan daw ng FEBRUARY sa ampalaya siya naglihi.... kaya sa HEYPI CHINESE NE' YERR na lang din ako...(bitter talaga eh noh!) hahahaha

joke lang din!!!

No half meant din... :)

ingat kuya...

HOMER said...

Advance happy birthday! :) pacanton ka naman hehhee! :D

Kung Hei Fat Choi! :)

iprovoked said...

Hey Sir Gibo, advance happy bertdey! And congrats sa new promotion ha! ang sagot ko sa tanong mo ay NO. So, gudlak sa baleyntays, for now, ill spend it with my family. Happy parin dabah!? :D

my-so-called-Quest said...

congrats sa promotion and advance happy birthday. ikaw na ang maswerte. pahiram naman ng pusa na kumakaway. hehe

Jayvie said...

S Files at Showbiz Lingo ba kamo?! sooooo 90's hahahaha

yay! congrats Gil!!!!!!! :D

Axl Powerhouse Production Inc, said...

Ni hao ma!! Xin Nian Kuai Le,kung hei fat choi..

advance happie bday and congrats :D

Kamila said...

Wala man lang mayayakap ngayong balentayms.. lungkoootttt!!!! :(

Sean said...

congrats sa promotion at kung hei fat choi din sa iyo.

empi said...

Congrats!

Kung Hei Fat Choi!

Happy Birthday!

Apir sa kulang kulang. :D

Carlo said...

congrats at happy birthday at happy valentine's at kung hei fat choi!
4 in 1 greeting yan ha. hehe.

-ssf- said...

yehey kinect partey na!!! happy birthday!!!

claudiopoi said...

happy chinese new year gillboard! :))

SMV! samahan ng mga malalamig ang valentines! literal ng dahil sa letcheng weather! grrrrr!

tara05angelee said...

haha.. love this blog.. Pero HAppy valentines day! love ur blogs po.. Hindi naman acu bitter pero pa-epal lang dito.. :)

Chingoy said...

hahaha... pumiyok agad si Gasul! :D

hapi puso day!

emmanuelmateo said...

wla nmang masama if single ka dba.2lad ko.maging tau na lng hehe joke!!!

Athena said...

grabe naman kulang kulang tlga. hehehhe.
ok lang yan kahit single ka..
ang valentine para nmn sa lahat..
be happy...

-=K=- said...

Ako walang date sa V-day! Onga ganun nalang din gagawen ko, manduduro ako at manlalait ng couples na nagdedeyt! Bwahahahhaa!

Congrats sa promotion mo ha? :) Libre! Libre! Libre!

Happy CNY to you too!

Ikaw na! Ikaw na ang may ka-date sa Ocean Park! Hehe

athena said...

hello just droppin by sa site...

Raft3r said...

congratulations!!!

malapit lang ako sa manila ocean park
=P