Mga Sumasampalataya

Feb 12, 2011

DESPERATE MUCH (EDITED)

Taong 2000.

Bago lang ako nagkacellphone.

Walang katext. At adik sa text channel sa cable.

At ilang araw bago mag araw ng mga puso may nakilala.

Kakulitan sa text. Kalandian. Kapalitan ng mga pangarap. Mga pangako.

Tapos isang araw bago magValentine's Day, nagyaya siya makipagdate.

Magkita na raw kami nang matuloy na ang mga nabitawang salita.

Na makapagyakapan.

Makapaghalikan.

Makapagniig.

At dahil bata. Desperado. At gustong makilala ang taong kalandian.

Ako'y umoo.

Araw ng mga puso.

Galing kolehiyo.

Pormang porma.

Nagspray ng paboritong pabango.

Handa na.

Naghihintay na daw siya sa 711 sa kanto ng katabi naming village.

Umalis nako.

Pagdating ko siya'y aking nakita.

Nakapula. Tight fit jeans.

May hearts sa t-shirt.

At ang kapal kapal ng foundation.

Natakot ako.

Nagkita kami sa mata.

Nginitian niya ako.

Nginitian ko siya.

Tapos...

Nilagpasan siya.

Pinatay ang cellphone.

Sumakay ng jeep. Bumaba sa kabilang kanto.

Tumawid at sumakay ulit ng jeep pauwi.

Puchang balentayms yan.

Ang sakit sa singit.

********************
Hindi ko alam kung nahack yung account ko. Kanina hindi ko mabuksan yung blog ko. Nawala daw siya. Ayos na naman. Nakakalog-in na ako. Nagpalit ng password.

Pero ang problema ngayon, hindi ako makapasok ng dashboard ko. So hindi ko mabuksan yung links ng mga sinusundan kong blog na hindi ko nilink.

May makakatulong kaya sa akin?

22 comments:

Vajarl said...

Dito ko lang ata masasabi na na try ko ren yang chat chat sa TV. Yung lumalabas yung text sa TV? Tuwang tuwa ako non.

Hindi ako nakikipag flirt. Kahit sa chat suplado ata ako. Tinutuloy ko lang kase iba yung feeling na nakikita mo yung text mo sa TV. Lalo na pag naiiba yung font color. Teka, nasabe ko bang mga 14 years old ako non? Haha.

Bwahahaha. Foundation day kuya! Pumupuso puso shirt pa. Lavet.

The Gasoline Dude™ said...

Hahaha! Hearts na T-Shirt talaga? Ampf.

Anonymous said...

hahaha... so ibig sabihin pangit? wahehhe

Ruselle said...

lol..cute. you're so funny! hahaha.. ano kulay ng heart kung pula t-shirt nya? :P

Ruselle said...

is it too much if i ask you to add me to your blogroll? hehe.. and my cryptic word verifier is hysily.. wtf.. hahaha

Ruselle said...

last nalang, i'll share this link on my facebook wall.. thanks.. nakakatawa lang.. :P

Maldito said...

Whats wrong with a heart shirt and too much foundation?

kunwari dw inosente ako....nako. excited lang ata yun na makita ka...kaya hindi niya na namalayan na parang cake na yung mukha sa kakalagay ng foundation. ahahaha

wahahhahahaha...

khantotantra said...

baka malabo paningin at malabo ang salamin kaya di nia napansin na nasobrahan po. Or baka foundation day lang talaga ang balentayms sa kanya. :D

sayang sir yung pabango. :p

my-so-called-Quest said...

amazingballs.ibang kalse ka talaga GB. hahaha

Kamila said...

anong TV chat ka dati? Ako din..wit wit... FUSE tsaka MORPH.. kung alam mo yun.. pero nakakatawa ka naman.. nyahahah.. naka-foundation much? Fanalow! ahhahahaha

Klet Makulet said...

hahaha naawa naman ako dun sa ka-meet-up ahahaha naghintay sa wala. hahaha

sabagay, baka nga naman magahasa pa :P

FerBert said...

Dumaan din ako diyan sa mga chat channel na nakikita sa cable noon. 'Pag naalala ko 'yun, nandidiri ako sa sarili ko. Haha

Spiral Prince said...

Lesson learned, gillboard. Lesson learned. hahahaha

-=K=- said...

Hahahaha, natawa naman ako dito! Ano ka ba friend bakit ndi mo pinatulan si ate? Pangpalevel-up rin yun! LOL!

Natatawa talaga ko sa mga pinaggagawa mo sa buhay mo! Hehehe, aliw.

Happy Hearts Day sayo :) [at kay ate na naka hearts na shirt]

Chyng said...

omg, BOTH stories are scary!!!

so ano solusyon sa blog mo? i'll die pag nahack ang blog ko! hehe

Raft3r said...

hala
madali dala maa-hack ang blogger
tignan mo ako
hehe

YOW said...

Ang sakit nga sa ulo at sa kili-kili. Haha. Parang sa BF 7/11 pa ata. Di ba katabi lang yung ng Gatchalian? Haha.

Photo Cache said...

yan na nga ba kinakatakot ko sa blind date eh, kaya iwas ako noon.

Jayvie said...

waaaaaaaaah gigi grande ka pala eh! gigiero hahaha :D wawa naman si ate, nag-effort pa naman sya magfoundation! hahaha

escape said...

delikado talaga pag ganun. pero kung minsan kailangan masubukan.

baka glitch lang ng blogspot kasi naalala ko parang naranasan ko na rin yan.

nomadicmillionmonks said...

hahaha. ako naman sa sunchat D'mall dati. kaso ang lilibog ng tao dun. takot ako. haha

Nakakatuwa naman blog mo :P

Mang Poldo Bolero said...

ayos na sana e. hahaha.. kaso sablay sa foundation?