BLACK SWAN
Maganda. Nakakaintriga. Naging straight ako kina Natalie Portman at Mila Kunis.
THE KING’S SPEECH
Ang galing ni Colin Firth bilang si King George VI. Pero maganda yung movie. Hindi nga lang daw accurate sabi ng mga historian.
THE GREEN HORNET
Naging bading ulit ako dahil kay Kato.
AMERICAN IDOL
Pampatulog. Nakakaantok!
JUNIOR MASTER CHEF AUSTRALIA
Ang bagong palabas sa telebisyon na kinababaliwan ko. Pero hindi yata siya bago.
FEBRUARY 24
Kaarawan ko. Sana batiin niyo ako sa araw na ito. Walang party. Wala akong pera.
REGALO
Hindi ako manghihingi ng regalo sa inyo. Sumali na lang kayo sa reader’s community ko. Nagiging interactive naman siya kahit papaano.
BUWIS
Dahil napromote ako noong nakaraang buwan, nagkaroon ako ng increase. Sa buwis lang napunta lahat iyon. Hindi ko maramdaman.
CHARICE
Parang yumayabang. Ewan ko lang. Parang hindi na siya masyadong nakakatuwa.
MANO PO: A MOTHER’S LOVE
Gigil na gigil ako sa asar habang pinapanood sa Cinema One. Pero tinapos ko pa ring panoorin. Ako ang may hawak ng remote control.
SELECTA ICE CREAM REESE’S PIECES
Pinakamasarap na ice cream sa Pilipinas na nakain ko. Yum. Pero wala paring tatalo sa ice cream ng New Zealand.
SIOPAO BOLA BOLA
Kinaaadikan kong pagkain ng 711 ngayon.
AMBER’S PICHI PICHI
Kinecrave ko. Pero dahil walang pera, kailangan maghintay ng aking kaarawan bago makatikim ulit nito.
BALITA
Sign of aging: nagiging interesado sa mga balita. Hindi naman ako ganito dati!!! Feeling ko pagtungtong ko ng trenta magiging isa ako dun sa mga tumatawag sa radio balita para magbigay ng mga walang kwenta kong opinyon.
POKER
Isang araw napanaginipan ko na magaling akong maglaro nito. Parang naiintindihan ko na kung paano ito laruin salamat sa panaginip ko. Tsaka sa Chinese film na Poker King.
ROSAS
May natanggap akong rosas noong Araw ng mga Puso. Kinilig ako. Galing siya sa kumpanya naming. Hangsweet!!! Oo sarcastic ako. Sana pinera na lang nila.
JACKET
Itong kumpanyang pinagsisilbihan ko ang pinakamahal ko sa lahat ng pinagtrabahuan ko. Nakaka-apat na jacket, isang polo shirt at isang gym bag na ako sa kanila. Haylabet! Di na ito sarcastic. Mababaw lang talaga ako.
BAON
Dahil nga walang kwenta ang sinahod ko noong Balentayms, at sa dinami na rin ng aking bayarin at utang, nagsimula nanaman akong magdala ng baon na pagkain sa opisina. Tocino. Yum. Parang grade school lang!!!
BLACKBERRY
Buti na lang at may bago akong phone. Pinuno ko ito ng mga kanta. Kailangan ko siya sa trabaho dahil saksakan ng ingay sa nilipatan kong lugar. Parang palengke lang. Nakakapikon. Ang sarap lang pasabugin. One time big time lang. Kung pwede lang talaga.
TULOG
Dahil malamig lamig pa rin ang panahon ngayon, napapasarap madalas ang tulog ko. Sa sobrang dalas ay hindi ko na nasasagot ang mga tawag ni Kasintahan. Kaya ang laki ng tampo niya sa akin noong Valentine’s Weekend. Sad lang. Pero okay na kami. Bilang ganti, di niya pupuntahan ang birthday party ko. Quits lang.
25 comments:
di ko pa napapanood black swan. yung green hornet, astig si kato dahil mas muka syang bida kesa sa bida talaga. :D
advance happy bday sir :D
Add mo ko sa BBM! Nagagandahan ako sa American Idol ngayon. Mas nakakaantok 'yung last season.
I agree with you on charice, medyo nga parang hindi na siya yung dati. Siguro it comes with fame talaga. Pero she's always been confident. She knows where she wants to go.
Black Swan. Nakakatakot, nakakapanibago. Galing magballet. Sobrang payat niya. Ganda. naapreciate ko, pero parang bitin ang ending.
advance happy birthday, gillboard! :)
saan ba ako dapat magcomment.. hahaha... Ikaw na ang Big time. wahehhe...
this was a funny post. parang kebs lang, pero funny.:-)
later na ako mag-greet. :-D
maganda talaga ang black swan.crush ko nga si kunis eh...leche siya.ahahaha..type na type. shit siya.ahaha....nangigil?
yung green hornet hindi ko pinanood kasi sabi ng roomate ko pangit daw. si hindi nalang. aahehee...
sabi mo wala kang party..bakit hindi aatend si bf?ahhehh.
mayaman..blackberry na..iwaqn ko ba..hindi talaga ako nagagandahan sa bb...mas nagagandahan ako sa htc..
as if naman my opinion will matter 2 u. ahahhaa
at hindi ko pa rin napapanuod yang black swan at king's speech. i know loser lang. hahaha
advance heypibirthday. :D
ay bakit wala si John Doe :(
Bwahahahaha. Si Natalie Portman lang ang kilala ko na uber ganda at uber talino pa. Nakakairita lang.
Google ko nga yang Kato na yan. Sinong artista yan? And I stopped watching American Idol last season. I thought Kara DioGuardi was annoying and now that Simon's gone everything will be craptalk. Lalo na si stupid Randy eh nandon pa.
February 23 naman ang start ng bagong Cycle ng ANTM. Wulalang. At gusto ko ng Blackberrrrry or iPhone!
nagtweet si Charice, wag mo daw sya pakealaman! hehe
wahahaha bakit ka asar sa Mano Po ni Sharon at Heart! sa sinehan ko pa yun pinanuod at naiyak ako hahaha :D
makikibati lang ng advance happy bday ^_^
Parang wala lang..
pero nakakaaliw!!
yumayabang si Charice kasi my Bago syang movie-- "Kokey II" haha!!
Ok lang mahilig sa Balita..
grade 5 lang ako mahilg na ko dun..hehe
advance happy birthday phowwzzz :)
ang bilis nga..maganda ba talaga Black Swan...baka panuorin ko din.. at feeling ko matagal ng mayabang si Charice... nagbabait baitan lang parang si sarah geronimo..pero feeling ko mabait talaga si sarah geronimo
fave ko rin ang siopao ng 711 yung asado nga lang hehehe =)
dun ako sa balita at sa rosas
una, di naman siguro yung pang-AM talaga yung papakinggan mo, okay lang naman kung CNN o kaya ANC ang papanoorin mo. sosyal pa din (parang sinabi ko na ding hindi sosyal ang AM wehehehe)
Yung sa rosas, buti ka pa nga meron kahit sa company lang pero mas maganda nga kung pera na lang hahaha o kaya naman kay kasintahan galing :P
advance happy birthday,Gillboard:)
may selecta reese's ice cream na ba nung umuwi ako??? bat hindi ko alam... nalungkot ako sa post na 'to :(
happy bday gillboard! :)
masarap po talaga ang New Zealand ice cream, lalo na ung flavor na HOKEY POKEY! LOVE IT! I totally agree with you on that! at talagang napa comment ako for the first time dahil dito. hehehe......thank you po.
amber's pichi pichi: lagi naming kinakain sa office dahil malapit lang kami sa ambers pasong tamo makati.. hahaha..
pinanood ko ang black swan, simula pa lang inantok na ako. ewan ko ba. siguro dahil sa di ko tipo ang tema ng pelikula or masyado lang akong nagaasume ng exciting scene. hehe
blackswan is really a good movie! the best!
bakit kja nanghihingi ng regalo?
sabi dito sapat na ang sumali sa readers' community mo
hehe
Post a Comment