Late 80's - Ano ang gusto mo maging paglaki mo?
1994 - Kelan ka gagraduate ng high school?
1997 - May girlfriend ka na?
1999 - Anong kukunin mong course sa college?
2003 - Saan ka magtatrabaho?
2005 - Magkano ang sweldo mo?
2006 - Kailan mo ipapakilala yung girlfriend mo?
2007 - Kailan ka mag-aasawa?
2008 - Kailan ka mag-aasawa?
2009 - Kailan ka mag-aasawa?
2010 - Kailan mo bibigyan ng apo yang nanay at tatay mo?
***************
Ngayon lang yata ako naging masaya dahil Pasko. I mean yung talagang masaya. Syempre kasi I spent Christmas Day kasama si Kasintahan.
Nagmall-hopping kami para manuod ng pelikula ni AiAi. Kaya lang either puno, sarado or hindi palabas sa sinehan. Nakalimang mall din yata kami nun. Glorietta at Greenbelt (puno), Robinson's Galleria (di kasali sa MMFF), Shangr La (sarado) at nag-end up kami sa SM Sucat (di palabas). Nag-aksaya lang ng pantaxi.
Nanood naman kami ng Dalaw. Predictable. Pero okay naman siya.
***************
Noong isang araw, kachat ko ang Tita ko sa Facebook.
Tita: O Gillboard, kelan ka mag-aasawa?
Gillboard: Naku, matagal pa po.
Tita: Wag ganyan, baka mapag-iwanan ka niyan.
GB: Tita, lalake naman po ako, wala akong hinahabol na oras.
GB: Tsaka masaya naman po ako ngayon.
Tita: Kailan ka pa magkakaanak niyan?
Tita: Gusto mo pag-40 ka na?
Tita: Paano pag 20 na yung anak mo, ilang taon ka na nun?
Tita: 60?
Tita: Baka di mo na maalagaan yang anak mo. Sige ka.
GB: Eh tita, kayo po, kailan kayo mag-aasawa? :)
Tita: is offline
Ang saya lang. Nakalimutan niya atang wala din siyang asawa. Well, nagmana lang ata ako sa kanya. Lesbian kasi siya.
***************
Oo nga pala, sa Jan. 6-11 wala akong magulang (magbabakasyon sila ng Lola ko sa Bohol at Cebu). Gusto ni Kasintahan magparty ako sa bahay sa January 8 Saturday. Sa Parañaque. May sasama kaya sa inyo? SSF at Jayvie, automatically invited kayo!!! Mandatory ang pagsama!!!
31 comments:
LOL! Natawa ako sa chat niyo ng Tita mo. At ayown o, me partey! :)
parang asar talo si tita. haha!
bakit kaya ang pagaasawa e parang quiz bee? dapat may time limit? bawal na bang magasawa pag matanda na? saka dapat pag bibigyan ng apo ang magulang dapat inoorasan din? bat kaya nagalit ang nanay ko nung nagka-apo sya sakin kagad ng maaga? lol
enjoy sa partey partey!! =D
I like your Tita. Hehe. As for me, I'm in the stage where many ask if I have a girlfriend. What I tell them is, "Gastos lang ang mag girlfriend." I dunno if they believe sa aking palusot.
"Tita: is offline" ahhahah! panalo! natuwa ako dun. korek walang deadline pag lalaki. yung iba nga nag-iihi na sa salwal, nakakapangasawa pa rin e.
gusto ko ang "concerness" ng tita mo.
pero she is "forgetfulness" toink..
Your Tita is funny. How ironic of her. Anyway,you may want to find her a date for a change. Christmas gift mo na rin sa kanya. :)
I am in the stage now wherein they would ask - kailan ka magaasawa? First year ko ito. I'll be expecting that same question next year during our family reunion.
Parehos tayo. Palagi na lang ako tinatanong ng mga tiyahin ko kung kailan akong mag a-asawa.
party!!!
makikiraan po sa dati kong tambayan :P
nag grow na up pala ang writer nito,hehe!
hahah tama ba yung mandatory... hahha... pero wotwot party2 na...
Natawa ako sa chat niyo ni Tita mo. Haha. Bara kung bara. Anu ka ngayon? Haha. Taga dito ka po ba sa Paranaque? Saan dito?
wahaha...hangkulet ni Tita...ay naku sawa narin ako sa tanong na yan at sana magsawa narin sila kakatanong sakin
aba aba at mandatory talaga ha!!! bawal umabsent?:P oo, basta darating ako ;)
maldito! pati tita mo tinalo mo ng pangaalaska mo. hahahahah! adik!
at wow house party! gatecrash time! haha
whaha ang kulit nito....
Tita: Baka di mo na maalagaan yang anak mo. Sige ka.
GB: Eh tita, kayo po, kailan kayo mag-aasawa? :)
Tita: is offline
whahahah pasaway kang bata heheh :D
hahaha kasi naman RPG Metanoia na lang panuorin inyo. Panget daw yung kay Ai ai =))
waahhh ano ba yang party na iyan XD what time ba?
bad ka. hahahaha.
reading your chat with your tita made my day. hahaha!
di na ko magtatanong kasi baka mag-off line din ako haha.
have a great party gb and heres hoping for more blessings in 2011.
lawstude: punta ka kuya lawstude. sa pque lang. Happy holidays!!!
kuya jon: yun naman ang hangarin ko. buohin ang araw ng mga mambabasa ko. :)
bob: di kaya ako bad. good boy kaya ako!!!
boris: sa hapon pa naman. may time pa pag lumuwas ka. dali!!! kahit samin ka na makitulog. hehehe
axl: di naman ako pasaway. may point naman ako.
doc ced: hoy doc, punta ka ha!!!
ssf: oo. kayong dalawa ni jayvie, mandatory ang attendance. or else. :P
yow: sa may gatchalian lang ako. punta ka samin sa 8. :D
batman: sama ka?! minsan lang ako magganito. hehehe
sugar: welcome back. balik balik lang ulit. :D
denoy: tara, sama ka?
skron: nakakasawa di ba? hayst
MI: masasanay ka din. di ko na hahanapan ng asawa tita ko, may girlfriend na yun. hehehe
master: exactly. hahaha
kura: totoo yan. ganyan kapitbahay namin dati. 45 years ang tanda niya sa kanyang asawang bago. hehehe
xall perce: nagsawa na ako sa sagot na yan. ang sakin ngayon, masarap maging binata. tsaka di na uso yung kasal kasal. hehehe
rainbow box: sa babae lang yun. kasi sila yung may hinahabol na oras. sa lalake, wala lang. sa mga kamag-anak lang issue yang pagpapakasal.
gasul: invited ka gasul!!! dali, uwi ka dito sa pinas next week!!! hehehe
hahaha ayos si tita biglang nagoffline..happy happy habang wala ang mom at dad..partee partee!
My mom doesn't really nag me about it. Although she keeps on repeatedly reminding me to take care of myself so when I have my own kids, I'd be able to look after them when they grow up. But I know, deep beneath her chiding and subtle hints, that my mom somewhat knows. There are never any discussions of having a wife, just of having grandchildren.
Sama ako. It's been a while. I need me some social interaction. Maybe this year I'll stop living under a rock. Hehe.
hapi nu yir.
napagdaanan ko din yang kakasawang tanong na yan. ang sagot ko lagi jan - bukas na lang ako magaasawa, busy pa ako ngayon eh :)
ay syempre present kami dyan ng moret. pwede mo kaming gawing hosts kung bet mo hahahaha
ay may tita rin kaming single! ireto kaya namin ni moret sa tita mo? hihi
jayvie: pwede. magandang idea yan. hahaha. hmmm. pag-isipan ko yung tungkol sa tita ko. :D
photocache: magandang sagot yan. hehehe
red the mod: sure. the more the manier. hehehe. let me know kung seryoso ka. :)
superjaid: yup yup. sama ka?
kulet ni tita. giving her a dose of her own medicine eh no? lol.
hindi ko na napanood ang super inday
=(
Post a Comment