Noong nakaraang mga taon, meron akong pakulo dito na tinatawag kong, Battle of the Sexes. Dito pinagsasabong ko kung sino nga ba ang mas magaling, ang mga babae o ang mga lalake? Marami akong natutunan noon, lalo na sa sarili ko. Kung gaano ako kababaw, at kung gaano kadami ang hindi ko nalalaman tungkol sa buhay.
Tutal bagong taon na at bagong henerasyon na ngayon ng mga manunulat ang nagkalat sa world wide web, naisip ko, kung may nagbago nga ba sa paningin ng mga tao tungkol sa ilang aspeto ng mundo. Unahin natin ang blogging.
Nagmature na nga ba ang mga manunulat? Sino ang mas magaling, mga babaeng bloggers o mga lalakeng bloggers?
LALAKENG BLOGGERS:
PROS
- Maraming blog na sulat ng mga lalake ang masarap basahin kasi relevant. Maraming makabayan, pero magaan basahin, hindi nakakatamad.
- Karamihan sa mga lalakeng blogger eh creative. Kanya-kanyang gimik sa pagsusulat na hindi nakakasawang balikan.
- Kapag ang lalakeng blogger nagsulat ng post na may puso, talagang maaapektuhan ka. Rare lang ang lalakeng nagsusulat ng may puso.
- Ang lalake kapag nagsusulat, madalas KISS (Keep It Short and Sweet).
- Madalas ang mga blog ng mga lalake nakakatawa. Pantanggal stress.
CONS:
- Ang kaso lang, ang daming blog na naglipana na clone ni Bob Ong.
- Pag nakakahanap ka ng mga nag-aaway sa blogosperyo... madalas ito'y sa pagitan ng dalawang lalakeng bloggers.
- Hindi mo alam kung sinong lalakeng blogger ang tunay na lalake.
- Ang daming blog ng mga lalake, walang kwenta... ginagawa lang ang blog na business.
- Mga lalakeng blogger ang nagkakalat ng mga tag na post. Minsan wala ring kwenta.
- Kapag ang lalakeng blogger nag-emo, mas malala pa sa mga babae. Yung tipong iaannounce na sila ay suicidal. Eh ang babaw lang naman ng dahilan ng pagiging emo nila.
BABAENG BLOGERS:
PROS:
- Ang mga babaeng blogger, pag nagsusulat nararamdaman mo talaga ang mga emosyon nila.
- Napakacreative ng mga babaeng bloggers, lalo na sa paggawa ng mga tula.
- Hindi man marami, pero kapag ang isang babaeng blogger nagpatawa. Iba. Kakaiba ang comedic timing ng babaeng blogger.
- Marami kang matututunan sa paghandle ng mga relasyon mula sa mga babaeng blogger.
- Generally, ang mga babae, pag nagbablog dahil alam mong matalino sila, at ang mga sinusulat nila, it makes sense. Naiintindihan mo ang punto nila.
CONS:
- Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!! Ang haba.
- Kung gusto mong madepress, magbasa ka ng blog ng babae, dahil madalas puros reklamo o problema ang sinusulat nila.
- Kung lalakeng blogger ka, mahihirapan kang makarelate sa ibang blog ng babae, dahil puros kakikayan lang ang nakasulat sa mga blog nila.
- Maraming nanay na blogger na ginagawang business ang blog nila. Magpopost ng mga picture ng anak nila, tapos yung sunod na post, yung binebenta nila.
- Kung ang mga lalake ang nagkakalat ng mga tags, ang mga babae kadalasan ang gumagawa nito.
O ayan, general observation ko lang yan. Agree kayo? Disagree? Ipaalam ninyo. Discuss.
29 comments:
Kapag ang lalakeng blogger nag-emo, mas malala pa sa mga babae.>>> hahaha...
tama ka dami ngang gumagaya sa mga gawa ni bob ong.
- Maraming nanay na blogger na ginagawang business ang blog nila. Magpopost ng mga picture ng anak nila, tapos yung sunod na post, yung binebenta nila.
Buti di pa ako nakaka-encounter ng ganito!
reblog mo ito i think... weee.. pero hahaha agree ako dito.. wahehehe... bias naman ako masyado..
Kasalukuyang inaayos ko ang mga subscriptions ko sa Goggle Reader nang makita ko na meron kang bagong post. Hehehe. :)
Mas marami akong nababasahang blogs ng mga lalake kesa sa babae na gusto ko. Tama ka, minsan kapag mag-blog ang mga babae sobrang haba tapos ang hirap maka-relate tapos kung saan-saan napupunta ang usapan tapos puro kakikayan tapos puro reklamo sa boypren at mga lalake in general. LOL!
Madami ngang Bob Ong clones ngayon, pero nakakatawa pa din namang basahin ang mga posts nila.
buti na lang nakailag ako at hindi ako tinamaan. lol
Repost ito. Haha. Nabasa ko na ito dati nung nagback read ako sa mga battle of the sexes mo. Tama ba? O magkamukha lang ng points. Haha.
bakit walang baklang blogger? haha
parehong magaling :)
pero tama ka regarding sa pagpopos ng may puso. apir. hehe
Repost?
Sa totoo lang madami din akong natututunan sa mga pinopost mong ganyan. Pinilipit kong paikliin ang blog ko pero minsan ang hirap talaga kasi nga madaldal ako hahaha
(comment na nga lang ang haba pa :P )
isa lang masasabi.. observant heheh :D
pero honestly totoo nga yun.. lalo na pag emo-emo part na sa post heheh :D
si ssf ang benchmark ko pag patungkol sa babaeng bloggers. at yang babaeng yan (kung babae man syang matatawag) eh hanep talaga ang comedic timing kahit kailan hahaha :D
natawa ako sa lalaki ang mahilig mag-tag at babae ang mahilig sumagot sa mga tags! nyahahaha!
sa pahabaan ng post, wala talagang tatalo sa mga babae! lol
an_indecent_mind
p.s. sir, yung anonymousessss EB natin with other bloggers.. email mo ko, an_indecent_mind@yahoo.com
i soo agree!hahaha ganun naman ata talga ang mga babae eh madadaldal..honestly mas trip kong basahin ang blog ng mga lalaki, light lang kasi..hahaha di tulad ng blog ko hahaha
aray! tinamaan ako. pero hindi ko na sasabihin kung alin ang nakatama. haha! \m/
hmmm since may mga babae at lalaki.. bt wlang bakla at tomboy.. hehhee. i think much more interesting sila. hihihi.. nkikidaan lng po..
base sa obserbasyon ko, mas maraming lalaking bloggers na malalim at malaman magsulat. XD
Madalas nga sa babaeng blogger ay puro kaemohan, meron akong nababasa na parang sya lang ang may karapatang magdrama sa buong mundo dahil sa boplaks nyang lablayp. Kaibigan ko sya. Hahaha!
Off topic: Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nong mabasa ko ang koment mo sa blog ko! Sayang hindi ka umabot sa raffle ko, kung nakasali ka sana gagawa ako ng paraan para manalo ka. :D
natawa ako dun sa mga nanay na nagbablog na nagbebenta lang ng kung anu ano. haha. buti pala at hindi ako ganun. blogging actually serves as an outlet for me kasi bilang corp comm writer, hindi tungkol sa akin ang sinusulat ko sa opisina kaya itong blogging naman e tungkol sa buhay ko, mga obserbasyon at opinyon tungkol sa buhay.
palagay ko, mas maraming magagaling sumulat na mga lalaki kasi mas maraming lalaki din ang nasa blogroll ko na gusto ko basahin. ewan ko kung baket.
Good points. I agree na ang pinakanakakatamad na basahin na blog eh yung blog na ang primary purpose ay advertisement. Yung tipong, gusto lang nila na iclick mo ung mga links nila, so parang incidental nalang yung creativity nila or art nila. Pero I have nothing against them really. That's their style. And meron din naman sigurong mga tao, na gusto ng maraming ads kasi marami silang pera na pangbili. It's just a matter of taste siguro.
Narealise ko din, na yung ibang writers kulang sa skills. Pero, ok lang sakin yon. babasahin ko parin ang blog nila, as long as merong kwento at mula sa puso :) - May ads, incidentally, may kwento.
no comment nlang ako dito..wahhahahaa...baka kasi makahanap na naman ng away dahil sa mga sasabihin ko..wahahhaa..
pero tama ka..ang emo emo ng mga girls e...lols. peace y'all..
hindi naman si bob ong ang basehan ng pagpapatawa.andiyan din naman si eugene domingo..ahahha
in fairness...mas marami ang binabasa ko na mga lalaking bloggers..light read lang kasi.
I couldn't agree more! :]
bien: thank you.
maldito: ang haba ng no comment mo maldits. welcome back, tagal mong nawala!!!
rah: naku, kung grammatical ang pagbabasehan, kahit tagalog marami ngang sablay dyan. ang binabasa ko eh yung punto na nais nilang sabihin.
marami din namang effective na ganun. :)
kaye: para sakin, mas magaan kasi silang basahin. makukulit. bibihira ang babaeng ganun.
salbehe: honga. sayang. gusto ko pa sana sumali. pero magpopost pa din ako ng mga hiling ko ngayong pasko. next year na lang ulit salbe. :D
yffar: tama. kung may time lang ako, maghahanap ako ng iba pang babaeng bloggers na mahusay magsulat.
athena: promise, sa totoo lang, wala pa akong nababasang lesbian blog. may kilala ka ba? welcome to my blog!!!
lio loco: eto naman, wala naman akong pinatatamaan sa post kong ito. :)
superjaid: naku, umamin ka naman. di naman ako nagfifish ng mga bloggers na nabanggit ko. hehehe
indecent: uy. gusto ko yan. mag-oorganize ka ba? sige, email kita this weekend. medyo busy lang ngayon. :D
jayvie: naku, si ssf. rising star nga ng wordpress yan. kaya exception siya sa mga cons ng babaeng bloggers. :P
axl: :)
klet: wala namang masama sa mahabang post. blog mo yun. pwede mong isulat kung ano ang nais mong isulat. :)
doc ced: ano nga bang nasabi ko dun ulit? hehehe
shenanigans: para sa isang blog ko yung mga observations ko dun. marami ako nun. hanapin mo na lang. hehehe
yow: yup. tama ka. repost lang ako ng repost pag walang laman ang utak ko. :)
ewwik: asus. wala naman ako pinatatamaan. obserbasyon lang. hehehe
gasul: wala namang masama sa bob ong clones. at saka oo nga, ang hirap makarelate sa ibang post ng mga babae.
kikomaxx: anong bias mo? spill!!!
spiral prince: okay lang naman. business nila yan. hayaan na natin. para sa anak din nila yun. :)
dong ho: well, mahusay naman siya magsulat... dati. :)
Who is bob ong?
Dahil karamihan ng readers ko ay tsiks, sa kanila ako kakampi
Hehe
Post a Comment