Mga Sumasampalataya

Dec 29, 2010

LAGLAGAN NA

Tutal naman hindi lahat ng nagbabasa nito ay nakakakilala sa akin sa personal, naisip kong ilaglag ang sarili ko. Wala lang. Tutal kilala niyo na naman halos ang buong pagkatao ko, at malamang nabasa na ninyo halos lahat ng ililista ko. Isang bagsakan na lang, ilalaglag ko na ang sarili ko dito.

Tamad kasi ako magcompose ng post, kaya pinagtiyagaan kong magbackread at kunin lahat ng kalaglag-laglag na mga rebelasyon ko sa blog na ito.
  • Noong bata ako, boses babae akong kumanta. Children's Choir ako at soprano noon. Pero nakick-out ako pagdating ng Grade 5, kasi naging baritone na.
  • Sinubukan ko makipagflirt sa babae nitong taon sa may Starbucks. Nilayuan niya ako, di pa man din ako nagsisimula.
  • Minsan na akong inindian ng mga kadate ko. Ang sakit sa ego.
  • Na-ban ako sa isang building sa Makati. Meron kasi akong naapplyan dati na Marketing job daw (pero ang trabaho talaga ay maglibot sa mga building sa Makati para mag-offer ng discount cards sa isang kainan). Nahuli kami ng guard, kaya kinunan kami ng pichur at naban doon. Di ko tinanggap yung trabaho.
  • Para magpa-impress sa mga kaibigan noon, sinabi kong pinsan ko si Carlos Agassi. Looking back, bad decision kasi jologs siya. Kahit ngayon pag naaalala ko, nandidiri ako sa pinaggagagawa ko.
  • Noong bata ulit ako, may pagkapatay-gutom at klepto ako. Ninanakawan ko ng tikim yung ulam ng kapitbahay ko pag hindi sila nakatingin.
  • Noong single pa ako, pag wala talaga akong magawa, nagdadial pa rin ako ng random numbers sa telepono (hindi cellphone). Umaasang magkakaroon ng kaphonepal. One time, may nadial akong may caller id. Tinawagan ako't nagbantang isusumbong daw ako sa tito niyang NBI.
  • Bobo talaga ako sa Math. Noong Grade 5 ako, kailangan ko pa ng tutor para maintindihan kung paano magconvert ng fraction sa decimals. Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan.
  • Noong bata pa ako, may pagbabadya na ako sa aking preference. Naaalala kong nagkukwento ang nanay ko na hilig ko daw isuot noon ang bra niya.
  • Nasipa ko yung nurse ko noong nagpatuli ako.

Tama na yan. Wala na talaga akong kahihiyan. Pero, nakakahiya man, lahat yan kailangan pagdaanan para makarating kung nasaan ako ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kataas ang balahibo ko habang sinusulat ang post na ito. Wala na ata akong maipapamukha dito.

Kayo naman, may ilalaglag ba kayo sa sarili niyo?

29 comments:

Unknown said...

At nilaglag talaga ang sarili! More! More! Natawa naman ako sa Carlos Agassi part. :p

escape said...

hahaha... kulit naman lagi ng post dito.

Nasipa ko yung nurse ko noong nagpatuli ako.>>> malamang kung may bllog siya ngayon na blog niya rin ito. hahaha...

Noong single pa ako, pag wala talaga akong magawa, nagdadial pa rin ako ng random numbers sa telepono >>> hahaha... ako sa text lang.

James - M.I. said...

You're so funny. :) You made me smile.

my-so-called-Quest said...

natawa ako sa bra GB! hahahaha
kasya ba? ahehehe


ilalaglag? nagkahernia ako! ayan! hahaha

Axl Powerhouse Network said...

wahha ang kulit.... more pa more hehehehe :D

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

ahahahah. natawa ko dito infairness!

try ko din ilaglag ang sarili ko on my own supladong way.

hihihi. abangan mo yan Kuya Gillboard!

The Gasoline Dude™ said...

Hahaha Gibo Tells All? LOL!

Klet Makulet said...

Hahaha nakakatuwa naman lalo na yung pagsuot ng bra ng nanay mo. Sana may kasunod pa yung nakalista. I'm sure as you look back, natatawa ka na lang. :)

Anonymous said...

hahaha chong pwede ba nakawan ang pagkain sa pamamagitan ng pagtitig... wahehehe... sa susunod ako din hahaha...

Mugen said...

Masarap talagang ilaglag ang sarili lalo pa't alam mo ng nagbago ang lahat.

Parang ako.

Nung elementary, isang linggo bago ako maligo.

Ngayon nakakatagal na lang ako ng one day. Wahahahaha!

Jayvie said...

ayun pala eh! bra ni mudang ang target! ako naman nun, lipstick hahaha :D

YOW said...

Natawa ako sa pagkakaban mo sa isang building at muntik pang pagkakahuli ng NBI dahil sa kagustuhang makipagphonepal. Haha. Pambihira. Ako din biglang nahiya. Haha.

Blakrabit said...

Haha! Natawa ako sa pagnakaw ng tikim sa ulam ng kapit bahay! ROTFLMAO! Pero di ko gets kung anong dahilan ng pagkakahuli mo sa isang building hehe

Rah said...

hehehe, lahat naman ng tao may bloopers. :) yung sexuality continuum naman yan, preference din. basta kung doon ka masaya. Different strokes for different folks.

NoBenta said...

wow parekoy, ito ang post ng mga lalakeng may bayag!! astig ka. wala pa akong nakikilalang nanlaglag ng sarili.

blogenroll \m/

The Princess Boy said...

Hahaha.. natawa ako dun sa bra. :D

ako naman mine make apan nung bata pa ako. :D

Chyng said...

Hahahaha
My share...
Nung college ako, 3.00 ako sa accounting. Shet, ang bobo ko!

May pagka-manang ako, mahawakan lang ng manliligaw ang dulo ng daliri ko, nagffreakout ako! (parang hindi bagay kasi hobby ko magtwo piece pero old fashioned ako sa totoong buhay) ^-^

Kamila said...

hahahaha.. x') panalo..!!! Sobra.. ay.. excuse me.. masyado lang natuwa sa blog mo.... bagong tuli.. este bagong follower..

Superjaid said...

more more!hehehe try ko ring gumawa ng ganitong post kaso nakakatamad kasing magback read gaya ng ginawa mo or magisip ng mga nangyari ng nakaraan hehehe

Nimmy said...

ang kulit kuya! more more!!!!! :)

gillboard said...

nimmy: no more na!!! no more!!! lolz

superjaid: sige, hintayin kong di ka tamarin magback read. dapat mas madami kang gawin sakin. hehehe

kamila: welcome sa aking munting tahanan. balik lang ng balik. :D

gillboard said...

chyng: more pa!!! more!! more!!! :P

nielz: di pwede sakin yun. only child. nabugbog ako kung sakali. hahaha

nobenta: salamat po. astig talaga ako. lolz

gillboard said...

rah: true. walang basagan ng trip. thanks rah. :)

blakrabit: bawal kasi magsolicit ng walang pahintulot sa mga buildings. yung supposedly was the marketing job. kaya ayun. huli. hehehe.. or huhuhu

yow: naku, kung basa mo pa lang nahihiya ka na, paano pa ako?! lolz

gillboard said...

jayvie: di naglilipstick si nanay. hahaha

mugen: ay, yun ang di ko kaya, ang di maligo. lumalagkit kasi ako. hahaha

kikomaxx: daya mo, dapat ikaw ang nilaglag mo, di ang nanay mo. hehehe

gillboard said...

klet: yeah, nakakatawang balikan, pero tama na siguro muna 'to. hehehe wala na akong mukhang maihahaharap nito in the future. lolz

gasul: yup. dapat pala to dun sa isa kong blog. hehehe

anthonycarlo: aabangan ko yan. wag mo tagalan. :D

gillboard said...

axl: salamat. hehe

doc ced: ewwww. hernia. ewww. lolz. ano yung hernia?

MI: thank you. smile some more. :)

gillboard said...

dong ho: di ko natry sa text. parang ewan ko... kakatakot text... kahit sino lang kasi may cellphone nowadays. lolz

xall: high school days yun. ayaw ko nang balikan. hahaha

Raft3r said...

nyahaha
ang sakit ng tyan ko kakatawa dito

masarap ilaglag sa sarili
yun kaya blog ko sa araw-araw na lang
hehe