Mga Sumasampalataya

Dec 4, 2010

2010 REPORT CARD

Mangunguna na akong magpost ng year end report card ko. Ayokong makisabay sa ibang magsusulat ng ganito towards the end of the year. Gusto ko ako nangunguna, para di gaya-gaya.

Last year, around this time din ako nagpost ng katulad na artikulo. Sa tingin ko naman, medyo pasado ako this year.

Tingnan natin.

CAREER 85% (2009 - 80%)
Noong isang taon, lumipat ako ng Operating Unit, at nanibago sa pagbabalik call center schedule na kinamuhian ko noong 2003. Sa awa ng Diyos, nakapagadjust na yung katawan ko sa ganitong pamumuhay.

Pero ang dahilan kung bakit tumaas ng bahagya ang score ko dito sa aspeto ng buhay ko ngayong taon ay dahil napromote ako. Unofficially, dalawang beses ako napromote ngayong taon. Pero officially isa lang. Kaya di pa masyadong kanais-nais ang sweldo ko hanggang ngayon.

Lumipat ako ng team, gitna ng taon at bago na ang aking mga responsibilidad. Leaning towards IT ang trabaho ko. Masakit sa ulo. Pero magandang training ground, kung sakaling naisin kong lumipat ng ibang trabaho. Kaakit-akit na ngayon ang CV ko.

Madaming isyu. Hindi naman mawawala sa trabaho yan. Pero ang iniisip ko na lang,may binubungang maganda naman lahat ng ginagawa ko. Kailangan lang talagang habaan ang pasensya ko.

SOCIAL LIFE 79% (2009 – 75%)
In fairness, kahit panggabi na ako ngayon, medyo mas nakaparty naman ako ngayon. Nasusulit lahat ng leave na kinukuha ko sa trabaho di gaya ng dati.

Hindi ko masyadong tinaasan ang grado ko dito, kasi ang nakakalungkot ay kahit may pagkagimikero ako this year, eh hindi ko masyadong nakikita yung barkada ko. May sari-sarili na talaga kaming mga buhay, at mahirap nang magschedule ng mga meet-ups di gaya dati. Tumatanda na talaga kami. Hay.

Anyway, marami na rin akong bagong kaibigan. Dahil nga palipat-lipat na ako ng team (parang pokpok lang ako sa opisina), nakakakilala ng mga bagong teammates. At swerteng gimikero ang bago kong mga kasama. Nakakakain kami sa labas. Nood ng sine. At for the first time, sasama na ako this year sa Christmas Party ng kumpanya. Pitong taon na akong nagtatrabaho, ngayon pa lang akong makakadalo sa isang company Christmas Party (nakapagregister na kasi ako, at may fine pag di ka dumalo).

Meron pang isang dahilan, kaya tumaas ang grado ko sa Social Life. Pero sa ibang kategorya ko na ipapaliwanag.

LOVE LIFE 100% (2009 – 76%)
Hindi ko nanaman siguro kailangang ipaliwanag kung bakit pasado at with flying colors pa ang marka ko dito sa kategoryang ito, ano?

Kinikilig ako. Hihihihi.

Yuck. Ang cheesy.

BLOG LIFE 96% (2009 – 90%)
In fairness sa Gillboard, ngayong 2010 hindi ako nag blog hiatus. Hindi ko rin naman kayang panindigan yun kung sakaling mag-announce nanaman ako na titigil magsulat. Tuwing ginagawa ko yun, lalo lang akong sinisipag magsulat. Tapos ngayong mga araw, dalawang blog pa ang minemaintain ko at pareho silang aktibo. Siguro naman, sapat nang dahilan yun para itaas ang score ko.

At isa pang dahilan kaya mataas ang grado ko dito ay ngayong taon, sangkaterbang mga bloggers ang nakilala ko ng personal. Finally.

Limang taon na akong nagsusulat at nagbabasa sa mundong ito kaya tama lang siguro na makakilala naman ako ng mga naging kaibigan ko dito.

Ngayong taon nakakilala ako ng mahigit 30 bloggers. Sina Ternie, Xtian, Maxwell, Lukayo, Johnny Cursive, Mark, Sensei Jery, Citybuoy, Kane, Darc Diarist, Popoy Inosentes, Chingoy, Ahmer, Gasoline Dude, Wandering Tsinelas, Scud, Jepoy, Maldito, Dorm Boy, Efbee, Beero, Bulagspot, Lethalverses, Sosyalera, RF, Boris at noong Miyerkules, si Raft3r.

Sigurado ako, sa susunod na taon, marami pa akong makikilala.

Dalawang magkaibang mundo ang pinagsusulatan ko, at nakakatuwang marami akong nakilala at tumanggap sa akin sa dalawang mundong ito. Ngayon, masasabi ko nang marami na akong hindi lang online friends, kundi real life friends pa.

Ang mga meet-ups na ito din ang dahilan kung bakit tumaas ang Social Life score ko.

SAVINGS 70% (2009 – 70%)
Wala yatang pag-asa na tumaas ito. Ang hirap talagang mag-ipon.

Subconsciously siguro, iniisip ko hindi naman ako magkakaroon ng pamilya kaya wala akong pinag-iipunan. O sadyang maluho lang talaga ako.

Ngayong taon, nakabili ako ng Playstation 3. Medyo cute na Philips mp3 player na nasira kaagad. Kinumpleto ko ang buong series na The Walking Dead. Bilang tulong na rin sa isang kaibigan, binili ko sa kanya ang binenta niyang sapatos at relos, kahit alam kong tinubuan niya ito ng slight.

At syempre pa, magastos makipagdate. Pero since mahal ko naman siya, sulit naman yun.

Tatanggapin ko na lang siguro na matagal pa bago tumaas ang score ko dito.

HEALTH 70% (2009 – n/a)
Hindi talaga lahat binibigay ni Lord. Marami man akong nakuhang magaganda ngayong taon, meron pa ring ipagkakait sa akin.

Ngayong taon, nagkamigraine ako. Nilagnat. Nagkaroon ng kidney stones. At muntik magkadengue.

Ang healthy healthy ko!!! Kaya hindi ako pumapayat eh.

AVERAGE 83.33% (2009 – 78.2%)
**********
Pasado ako ngayong taon. Pero hindi naman dapat magrelax relax. Yung mga bagsak kong marka, eh bagsak talaga. Susubukan kong itaas ang grado sa mga ito sa 2011.

Sana makatulong ang planner na nakuha ko sa Starbucks kanina. Wala lang. Excited.

Kayo, ano grade niyo ngayong 2010?

22 comments:

MkSurf8 said...

congrats! gagayahin kita pero gawin ko sya last week of Dec. hehet

Shenanigans said...

taga APS ka ba?

Spiral Prince said...

pasado! congrats, gillboard!

Anonymous said...

wow, pwede! mag-focus ka din sa health kuya Gibo, okay? Please! and I hope to meet you soon din, in real life.. More power! :]

Photo Cache said...

aba bagong konsepto itong blog post mo.

pumasa ka pala. mas mataas grade mo sa akin pagdating sa savings :)

Klet Makulet said...

Congratulations!!! Lumelevel up ka na! hehehe Sayang may 70 ka, di ka pwedeng honor student :P

the scud said...

ayos. dami mo na na-meet na bloggers! ako konti pa lang. low-profile pa rin. wehehe.

happy weekend!

ahmer said...

Ninong, ang impt eh masaya ka : )

chingoy, the great chef wannabe said...

for me, despite the challenges, id say LIFE HAS BEEN GREAT THIS YEAR...

so glad to have met you GB! :)

Superjaid said...

wow buti ka pa kuya may savings ako as in wala hahaha anyway..i think ok namana ng naging life mo this year..tsaka happy ka naman sa lovelife mo di ba?tsaka may mga nameet ka pang blog friends..^^

Anonymous said...

witwitwiw,... buti pasado naman.. wahehehe

Diamond R said...

pasado. that is great yon ang importante

saM said...

Aliw ang dami mo na nameet :) plus 100% lovelife?! San ka pa. Wish i was that Blessed :)

YOW said...

Dapat pala ginagraduhan. Haha, Di ko pa alam. Madami akong naging zero sa panahon buong taon ayoko na din ata malaman? Baka higit sa palakol makuha ko. Haha.

-ssf- said...

hay naku, di ko ginegradan kasi alam kong bagsak ako sa lovelife at savings "Subconsciously siguro, iniisip ko hindi naman ako magkakaroon ng pamilya kaya wala akong pinag-iipunan. O sadyang maluho lang talaga ako." -parang ganyan din ang rason ko haha

Raft3r said...

Mahirap talaga mag-ipon kasi masarap gumastos. Hehe

Jayvie said...

bibigyan kita ng 110% na marka sa lovelife! hahaha

Dorm Boy said...

Nakakatuwa naman nakasama ako sa listahan ng mga bago mong nakilala this year! Ikinararangal ko rin makilala kau at iba pang mga blogspot bloggers. Sige gagawa din ako ng sarili kong scorecard... pahiram ng mga category mo hehhee!

Oman said...

yes naman. 100% sa lovelife. about the rest eh here is hoping for a better 2011 lalo na sa health.

grade ko? teka di ko pa nacocompute.

escape said...

hahaha... cheesy! parang kailangan ko din yatang graduhin pinag gagawa ko.

Axl Powerhouse Network said...

yun oh..... naks pasadong pasado lahat oh.. congrats sa imo :D

Anonymous said...

okay 'to ah. kung ako sigurado ang magmamarka sa sarili ko ngayong 2010, pasado rin. kasi 100% din ang ilalagay ko sa aspetong love life. XD