Mga Sumasampalataya

Oct 25, 2009

LOLA

Alas sais ng umaga regular akong kumakain sa McDonald's sa kanto ng village namin.

Semi-suki ako ng kainan na ito dahil walang nagluluto sa bahay namin tuwing umaga. Pagdating ko mula trabaho sa umaga, nakahilata pa sa kama ang aking mga magulang. Alas-diyes na ang mga ito kung gumising.

Habang nag-aalmusal, dumating ang isang pares ng mag-ina. Matatanda na sila. Yung anak, maaaring nasa edad kwarenta na, habang ang nanay na akay-akay ay maaaring nasa sitenta na. Matanda na si lola at mukhang tuwang-tuwa ginawa para sa kanya ng anak.

"Oh ayan nanay ha. Kakain na tayo sa McDonald's! Alam ko gustung-gusto mo dito! Masaya ka ba nay?"

"Aba syempre naman hijo! Sayang di kasama si Ria."

"Nay natutulog pa po si Ria. Uuwian na lang natin ng pagkain yung apo niyo ha." paliwanag ng anak.

Hindi magkahawig ang mag-ina sa isip-isip ko. Mukhang may kaya ang lalake, habang mukhang nanggaling sa hirap ang ina. Mistisuhin ang anak na lalake habang morena naman ang ina. Bakas sa mukha ng ale na marami siyang pinagdaanan.

Umupo ang mag-ina sa lamesa sa aking tabi.

"Sandali lang nay ha. Mag-oorder lang ako. Gusto niyo po ng burger diba?"

"Salamat anak ha." ang sagot ng matanda.

At iniwan ang ina sa mesa. Ngumiti ako sa matanda habang sinisipsip ang orange juice sa aking baso.

"Ang bait niya 'no?" tanong sa akin ni lola.

"Opo." ang sago ko.

"Asawa siya ng anak ko. Kaya lang iniwan na niya kami. Kasama na niya ang tatay niya sa langit." nagbigay lamang ako ng isang malungkot na ngiti. Patuloy lamang ako sa pagkain ng aking almusal. Hinahayaan magkwento ang matanda.

Ilang saglit pa ay dumating na ang anak. "Eto nanay ha. Eto ang burger. Kumain na muna po kayo ha. Pupunta lang ako sa drugstore. Bibili lang po ako ng gamot para sa presyon ko ha. Diyan lang muna po kayo."

Dala-dala ang pagkaing marahil ay para sa kanyang anak. Nagmamadaling umalis ang lalake.

"Hijo," kalabit sa akin ng nanay, "samahan mo muna ako dito ha habang hindi pa dumarating ang anak ko ha?"

"Sige po lola." sabi ko.

"Alam mo si Andy mabait na bata yan," kanyang panimula habang nginunguya ang kanyang Sausage Muffin, "noong bagong magkasintahan sila ng anak ko hindi talaga ako boto sa kanya. Ayaw ko talaga sa kanya noon pero nagpursige siya para tanggapin ko siya. Nag-iisang anak ko lang kasi yung anak ko."

Nakikinig lang ako sa matanda. Malapit nang maubos ang pagkain ko. Pero dahil nangako akong sasamahan siya inisip kong bagalan na lang ang pagkain. Malapit lang naman yung drugstore, di siguro magtatagal yung Andy.

Pinakinggan ko ang mga kwento ni lola. Kung paano niya pinahirapan ang lalake habang nanliligaw pa ito sa anak. Na kahit madalas hindi magkasundo ang dalawa ay minahal pa rin ito ng manugang. Iba talaga ang gusto ng nanay para sa anak pero dahil nakita niyang mahal talaga niya ang manliligaw, tinanggap na din niya.

Marami pang kwento ang matanda at naubos na ang pagkain namin pero hindi pa dumarating si Andy.

"Lola, taga saan po ba kayo?" tanong ko.

"Naku. Malayo hijo. Hindi ako sanay sa Maynila. Taga Capiz talaga ako. Kung saan kami dito sa Maynila hindi ko alam. Basta mahaba yung biyahe namin kanina."

Bigla akong kinabahan. Ayokong maging malisyoso pero pinagdasal ko na sana mali yung iniisip ko. Sana mahaba lang ang pila sa drugstore. Tumingin ako sa relo ko. Halos isang oras ko na rin palang kasama si Lola.

Hindi ko naman siya pwedeng samahan ng matagal dahil inaantok na rin ako.

"Nay." buntong hininga ko. "kailangan ko na pong umuwi. Baka hanapin po ako ng magulang ko." paalam ko sa matanda.

Nalungkot si nanay. Naramdaman din niya siguro yung nararamdaman ko. Yung kaba. Gustuhin ko mang samahan si lola pero kailangan ko nang umalis. Iiwan na naman ang matanda.

Nilapitan ko yung isang crew ng kainan para mabantayan ang matanda. Pinakilala ko siya kay lola para samahan ito habang hinihintay ang manugang.

"Nanay, aalis na po ako. Malapit na po siguro bumalik si Andy. Medyo malayo po dito yung drugstore. Pasensya na po ha."

Hindi na nakikinig si Lola. Nakatingin lang sa pinagbalutan ng kanyang kinain.

Hindi ko maiwasang hindi tingnan si lola habang palabas ako. Parang nababasag ang puso ko sa bawat hakbang palayo sa kanya.

Sana mali ako. Sana balikan siya.

*************
Naisip ko lang kahapon, hindi lahat ng kumakain sa McDonald's masaya.

39 comments:

Anonymous said...

Binalikan kaya siya? Sana. Ang sama naman nun ung iniwan lang na nagiisa yung matanda. Bigla na naman akong nalungkot.

RHYCKZ said...

kinabahan din naman daw ako dun ah...
i have the same story before nung college ako, buti n lang kamo at binalika nya yung nanay nya after half an hour, sa may bandang UN yun...
yun din ang akala ko noon, kala ko lahat masaya ang mga kumakain sa mcdo or sa jobee, minsan sa likod ng mga ngiti at may mga agam-agam ang nananaig.

by the way nice story of yours dude.

A-Z-3-L said...

sana nga balikan...

baka marecruit pa si lola... sa maynila pa naman daming masasamang elementong pangkalawakan! lolz!

pero maganda ang fiction na to... sana may katuloy!

Joel said...

totoo ba to gill? shit yung andy na yun.. eh malapit nga lang ang mercury sa mcdo uh, (sa evacom ba to?) anyways, medyo sumakit ang puso ko dito sa kwento mo, sana kathang isip lang tong entry na to dahil nakakaawa talaga yung matanda.

Jepoy said...

Naku nakakaawa naman si Lola Sana lang talaga hindi sya Mananananggal diba sa Capiz sila galing?! Jowk. Pero sana nga balikan sya ni Andy para happily ever after and ending ng entry mo *Sigh*

EngrMoks said...

Fiction o totoo man..nakakalungkot bashin... maawain kasi ako sa mga matatanda...

DRAKE said...

Maganda ang kwento bro! Medyo siguro may konting kulang lang sa huli. Medyo parang butin ang emosyon! Siguro lagyan pa ng konti pang rekado sa huli para mas may maiwan sa mambabasa. Pero maganda ang kwento!

Magaling ka palang magsulat ng fictional story eh!pwede.

Ingat

Moyie G said...

Ayos maganda ang istorya na ito..pwede ka mag-write para sa telebisyon o pelikula. Akala ko magiging Horror ang thema bandang katapusan kasi may elementong taga Capiz ang matanda.Nice one.

gege said...

hala???
totoo po ba?
nako!
saan po bang branch ito?
(hehe...sana kathang isip lang 'to.)
haist.
close po ako sa mga lolo at lola ko ee, kaya feeling ko kabonding ko lang mga ganung edad...
madalas akong nakakaka-usap ng mga lolo at lola sa jeep, natutuwa ako kapag naririnig ko yung...
"salamat hija..."
namimiss ko lolo at lola ko.

nice!nice!

naniniwala ako na hindi na katulad ng dati ang pagpapahalaga natin sa mga nakatatanda, which is super nakakalungkot, nakakadisapoint...

sa kanila nanggaling lahat ng meron tayo...

love this! :P

Myk2ts said...

cryers. i thought creepy yung kwento sa una. it made me cry knowing na maraming mga matatanda sa atin ang ganito ang nangyayari. sad :(


nice story you got :)

escape said...

astig! buti at sinulat mo to kasi dami na kasing kung minsan mga bagay na hindi natin napapansin pag dali na tayong ginagawa.

taympers said...

sana di totoo. :(

Pamela said...

magandang kwento. you know how to keep your readers curious of the possible ending of the story. since open ended and story mo, kung ako ang magkocontinue ng kwento, i would make sure that that Andy would come back.

anyway, tama ka, hindi lahat ng kumakaim sa kahit anong fast food chains o restaurant ay masaya. mas kadalasan nga, malungkot ang mga tao dun.

:)

John Ahmer said...

Near Perfect ang kwento mo ha, Iniisip ko tuloy kung ano na nangyari kay lola' At sana nasa mabuti syang kalagayan ngayon kung saan nman sya naroroon.
Ill include her in my prayers...

Lorie said...

totoo po ba to? sumakit naman yung dibdib ko sa story.

Msg Sent said...

mmmm kaduda duda nadenggoy na ko dati ng kwentong aso he-he. tutoo ba?! tutoo ba 'to?!

NOAH said...

waa..sad if iniwan talaga si lola..=(

ung lola ko kasi na close ko, namatay na when i was still in high school..fiction lang eto diba?

Badong said...

aw, fudge. tae, nakakaiyak. honestly, nasabi ko na sa blog ko to, na may soft side talaga ako sa mga nanay. lalo pa tong si lola.

eMPi said...

oo nga... hindi lahat ng kumakain sa mcdo, masaya. katulad sa nangyari sayo sa mcdo... napakalungkot na kwento.

Dhianz said...

anyareh kuyah? binalikan bah syah?... hmmmzzz....baka naman nde tlgah nya manugang 'ung guy... probably nakilala lang nya sa labas at dahil naawa ditoh eh pinakain nya na lang sa mcdo... at ganon den siguro nangyari sa kanyah... kinukuwentuhan sya ni lola 'bout sa family nyah.

neweiz ingatz lagi kuya Gilbert. Godbless! -di

gillboard said...

@everyone: salamat po sa inyong mga kumento...

ito po ay gawa-gawa ko lamang. di ko yata kayang isulat ng ganito yung istorya kung totoong nangyari 'to.

malamang magwawala ako sa galit kung may Andy na gumawa ng ganyan.

Iriz said...

kathang isip pero parang totoo, naawa ako. nalungkot para sa matanda.ayoko nang isipin kc ang totoo, nangyayari talaga to.

an_indecent_mind said...

fiction pero tingin ko pwedeng managyari sa totoong buhay... kung yun ngang mga bata nagagawang iwan ng mga magulang, yun pa kayang matatanda di magawang iwanan ng mga anak?

kakaawa naman if ganun no? maiisip mo na lang, naging masama ba silang magulang o nagpalaki lang sila ng masamang anak?

nice story brod!

Kosa said...

nakakadala.

parang totoong totoo..

oo naman...
hindi lahat ng kumakain sa mcdo ay masaya... karamihan gutom..lols

mr.nightcrawler said...

nakakalungkot naman to... sana nga binalikan siya. nakaka-awa naman si lola. sana kung ayaw na niya alagaan, sana man lang iniwan na lang siya sa home for the aged man lang para atleast maalagaan. di ko lubos maisip na may mga tao palang ganito...

Chyng said...

sadness.. yet beautifully written. heartbreaking but true.

John Ahmer said...

Nice Story, Gillboard! : )

MysLykeMeeh said...

Fiction? Hope yeah!

A very nice story.

Raft3r said...

parang napanood ko na ito sa commercial, ah
hehe

great story, btw

ayoko kona sa mcdo
i ate there for 4 straight days
aaargh...

pewro wala akong nakita lola don, ha
hehe

Anonymous said...

dude, ang lungkot ng story mo. curse andy kung di na siya bumalik para sa lola na yun. grabe, naaawa ako sa nanay. lola's boy kasi ako kaya nasasaktan ako sa nangyari...

The Scud said...

sana nga binalikan siya ni son-in-law. hindi ka na ba bumalik at nagtanong sa mcdo crew?

UtakMunggo said...

buti nalang tiningnan ko yung label na fiction. kinabahan ako habang binabasa ko yung ending. loko ka talagang kinabahan ako. ayoko ng mga eksenang ganito, kasi ayaw ko ng mga taong umaapi sa mga walang laban, tulad ng matatanda at mga maliliit na bata.

modernonglapis said...

sa aking fiction world, binalikan siya nung anak niya, nakonsensya dahil naalala niyang hindi dapat malungkot sa mcdo. yun nga lang, nung pauwi na sila, ibinaba niya ito sa home for the aged.

tutulo na ang luha ko ng makita kong fiction. may nangyayari nga kayang ganito?

Random Student said...

the scud, fiction lang yan ni gillboard hehe candidate ata sa MORE awards nyahahhaa!

Anonymous said...

Ang bigat naman sa dibdib nitong kwento na 'to.

May nangyayari kayang ganito sa totoong buhay?

Anonymous said...

i think sa lahat ng mga entry na kathang-isip mo lang, ito na ang pinaka-paborito ko. maiksi, simple, pero malalim. ang galing. :)

Tiano said...

Nakahinga din ako ng malalim.. hayz.. kala ko totoo

7a'faR said...

nice post...
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~

yhmrah said...

aray!! kung ako yun hindi ko iiwan nanay ko