Mga Sumasampalataya

Oct 29, 2009

KWENTONG HALLOWEEN

Ang sabi nila doon sa lote na kinatatayuan ng bahay namin may nakatirang ilang mga espiritung hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang liwanag. Paano, napakatahimik sa bahay namin, lalo na pag wala ako sa bahay. Binubuksan lang ng nanay ko ang tv kapag Wowowee na o kaya nama'y Big Brother Uber na yung palabas.

Sabi ng may "third eye" na napapadaan sa amin, meron daw matandang lalake sa harap ng bintana ng lumang bahay namin. Minsan daw merong bata na nakaupo doon sa may terrace sa ikatlong palapag ng bagong bahay namin. Tapos kung saan saan pa.

Paminsan-minsan, kapag ako'y umaakyat na patungo ko sa kwarto, makakaaninag ako ng babae sa may pintuan ng banyo. O kaya'y makikita ko sa gilid ng mata ko minsa'y may batang nakaupo sa hagdanan namin. Maaaring guni-guni lang ng pagod kong mata kakacomputer ang nakikita ko. Pero dahil tatlo lang kami ng mga magulang ko sa bahay kaya hindi na ako nagtatanong kung ano yun. Baka tabihan pa ako sa pagtulog ko.

*************

Nagsimula akong makaramdam noong bata pa ako.

Noong buhay pa ang pinsan ko, madalas siyang nanggugulat. Tatalon sa kama namin sabay mangingiliti. Mang-aasar lang. Namatay siya dahil nahulog sa condo unit na tinitirahan nila ng kapatid niya.

Ilang araw makalipas nang siya ay ilibing, madalas na siyang nagpaparamdam. Minsan, habang nanunuod ako ng tv, bigla na lang lulubog ang kama ko, na para bang may tumalon. Tapos, minsan habang pinipilit kong matulog, bigla na lang parang may tumatabi sa akin. Hindi ko nakikita, pero alam kong yun yung kuya ko, nagbabantay sakin.

**********

Bakasyon noong hayskul ako, at nagbababad sa telepono nang hatinggabi. Kausap ko ang kaklase ko, at nakikibalita sa mga kaganapan sa buhay-buhay nito.

Dahil hindi naman talaga ako makwento, tahimik lang ako na nakikinig sa mga pinuntahan ng kaibigan nang nagdaang linggo.

Gising na gising pa ako, at mulat sa lahat ng nangyayari sa paligid nang biglang hindi lang iisa ang naririnig kong nagsasalita. Sa kabilang tenga ko, may bumubulong ng kung anu-ano na hindi ko naiintindihan. Nanginig ako, at nabagsak ang telepono. Walang tao sa paligid.

Nang itanong ko sa kaklase kung may narinig siya, wala raw. Baka daw nakatulog lang ako. Pero alam kong gising na gising ako.

**********

Isang linggo pa lang akong natutulog sa bagong kwarto ko sa bagong bahay namin. Isang gabi, nanaginip ako ng masama.

Pilit kong ginigising ang sarili ko. Alam kong gising na ako, ang kulang na lang ay imulat ang mata, pero hindi ko magawa. Nararamdaman kong may nakapatong sa akin at pinipigilan akong bumangon at gumising. Alam kong madilim, pero may naaaninagan akong anino ng bata na hinihila ang mga paa at kamay kong pataas. Pero nakaupo siya sa dibdib ko. Naririnig ko yung
batang tumatawa.

Nagsimula akong magdasal ng Ama Namin. Ang bigat ng mata ko, pero salamat sa Diyos, naibuka ko ito.

Malakas ang bentilador, at malamig ang panahon, pero basang-basa ako ng pawis.

**********

Sa kwarto ng Tita ko madalas ako matulog kapag tag-init dahil yun lang yung kwartong may aircon.

Minsan, nagigising ako ng madaling araw dahil maingay sa labas ng bintana ko. Ang harap ng kwarto nila ay terrace.

Madalas akong nakakarinig ng mga batang naghahabulan sa labas ng bintana namin. Ni minsan, eh inisip kong kapitbahay lang ang mga ito, dahil kahit bakasyon, walang matinong bata ang maglalaro ng habulan alasdos ng madaling araw.

Hindi na ako bumabangon, at pinapatugtog ko na lang ang radyo ng telepono ko nang hindi na marinig ang mga bata sa labas ng bahay ko.

**********

Hindi ako nakakakita ng multo, at ni minsan hindi ko pinapangarap na makakita nito. Wala akong balak. Wala akong lakas-ng-loob. Pero minsan, sa gilid ng mata ko, may nakikita akong mga aninong gumagalaw, kahit ako lang mag-isa sa bahay.

Sabihin man nating hindi ako naniniwala sa mga multo, sadyang meron talagang mga bagay na magbibigay ng dahilan upang tayo ay magdalawang-isip.
Happy Halloween!!!

29 comments:

gillboard said...

kung mukhang nabasa niyo na tong post na 'to eh marahil dahil repost lang ito... dinagdagan ko lang ng opening... hehehe

AL Kapawn said...

Eto gawin mo pag nakakita ka ng multo.. huliin mo tapos ilagay mo sa loob ng container.. ibenta mo sa peryahan, pagkakakitaan yun.. yayaman ka dun perekoy.

Dhianz said...

dapat nagkuwento ka kuyah nang tlgang scary.. 'ung tipong tatayo ang balahibo moh sa katawan.. eniweiz.. don't really believe on it.. but at d' same time i think it exist.. or maybe it juz merely imagination... so 'unz... laterz... not a big fan of halloween... pero sige.. happy halloween... Godbless! -di

Chyng said...

pang MGB! :D

eMPi said...

kakatakot naman yon... wala rin akong balak nga makakita ng multo.

Anonymous said...

ako may mga karanasan na din. sobra lang nakakatakot

Leoj said...

uhm, happy ba talaga kapag halloween? :D

tagal ko na rin hindi nakapagcomment dito. hehe.

wanderingcommuter said...

anak ng...

mag isa lang ako ngayon sa bahay! argh!!!

Eben said...

spooky!

icka said...

awoo.

nakakatakot naman kahit ako wala rin akong balak makakita

DRAKE said...

bro wag kang gaanong magpapanood ng mga Japanese Horror movies!hehehe

Ingat

MysLykeMeeh said...

hala...when Halloween comes....white lady will appears.

Anonymous said...

I don't believe in ghosts... I've never seen one. And i believe they are just the products of our imagination.

escape said...

naniniwala ako sa mga multo pero wala pa akong nakikita tulad sa mga kwento mo dito. pero alam kong meron talaga kasi dami ko ng kwentong narinig.

Anonymous said...

waahhh... kailangan ba talagang nakakatakot ang tema pag halloween? pwede naman cute ang halloween eh tulad nito >>> http://wp.me/pSjc-oS

EngrMoks said...

"To see is to believe"...
puro paramdam lang naman ang sa akin...
Pero baka guni guni ko lang yun!

Advance Happy Halloween parekoy!

Anonymous said...

Buti na lang wala akong ganitong experience.
Baka ikamatay ko kapag may naencounter akong ganito.

Happy Halloween!

Kosa said...

sus.
puro guniguni lng yan!

wala ng multo sa mga panahon ngayon.

pero kung totoo man yan, as long as hindi nmn sila nananakit physically wala kang dapat ikatakot

Joel said...

wui kuya gill, wala namang takutan hehe

UtakMunggo said...

eh teka muna pwede balik na lang ako bukas para may kasama ako dito sa baba at maliwanag ang sikat ng araw.

okatokat. gabi na kasi dito.

hahaha

NYOG said...

wahahaha... creepy
NYOG | Not Your Ordinary Guy

UtakMunggo said...

oo nga nabasa ko na to dati pero katakot pa rin. lalo na yung sa teleponong may nagbubulong na di mo maintindihan.

Klet Makulet said...

noon gusto ko mabuksan ang 3rd eye ko. ngayon ayoko na. Pero di ko alam kung bukas na nga pero ayokong magentertain ng kahit na ano. Mahirap na.

bampiraako said...

Namiss ko tuloy ang MGB special tuwing Halloween..

Happy Halloween Parekoy!

Ghost Hunting tayo. haha

ch!e said...

tumayo balahibo ko sa ano...sa kwan.. haha

ako rin, i hav similar experiences. ewan ko. baka nga guni-guni ko lang...pero i believe na meron talagang evil spirits.

hapi fiesta!




fiesta ng mga patay! hehe

DRAKE said...

bro maraming salamat sa bati ha!

Ingat lagi!

Maligayang araw ng mga patay!

Raft3r said...

i see dead people

pero di naman on a regular basis
search mo yun sakin yun multong nakita ko sa marshall islands

panalo yon
hehe

panalo ang trip ko sa sementeryo
busog sa dami ng fishball na kinain ko
hehe

7a'faR said...

halloween, the great tradition...



abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~

Brokenhearted said...

Waaaaaaaaaaaaaaa,,,,mumu