Mga Sumasampalataya

Oct 9, 2009

KWENTONG FX

Aaminin ko, may pagkatarantado ako. Actually, tarantado talaga ako. At dahil madalas akong walang magawa sa buhay, lahat pinagtitripan ko. Pati mga kasabay ko sa FX. Nakikichismis sa usapan ng buhay nila (lalo na kung nagyayabang yung kasabay ko). Meron ding mga nakakasabay kung saan magtataka ka sa mga desisyon nila sa buhay, at mapapaisip ka talaga.

Paano ko ba naman makakalimutan ang fx eh dun ko nakilala si Monday (actually hindi ko siya nakilala... nakakasabay lang). Hindi ko na siya nakakasabay ngayon. Pero alam kong sa PBCom Tower siya nagtatrabaho.

So ang mga susunod na kwento ay ang mga nararanasan ko bilang commuter at suki ng mga manong fx driver mula baclaran hanggang samin o vice versa.

MICRO MINISKIRT GIRL
Dito ako nagtataka sa mga babae. Hindi naman sa lahat. Pero meron kasing hindi mo alam kung hindi sila nag-iisip o wala lang sila talagang choice. Una kong nakasabay si micro miniskirt girl sa fx mga dalawang linggo na ang nakakaraan. Doon siya sa likod ng sasakyan naupo, kahit na maluwang pa ang gitna at harapan (pero naintindihan ko kung bakit sa likod siya umupo dahil medyo extra large ang mga nakaupo sa harapan tsaka kasi nakita niya ako pumuwesto sa likod... hehehe). Anyway, saktong sa tapat ko siya umupo, at lo and behold, sa hindi sinasadyang pagkakataon, eh naaninagan ko ang isang bagay na hindi ko dapat maaninagan.

Maganda si Micro Miniskirt Girl. May pagka Maja Salvador kapag kulot ang hitsura. Maganda ang hubog ng katawan at medyo malaki ang hinaharap. Sa madaling salita, nakakali...maganda siya talaga.

Ang bitbit lang niya noon eh isang mahabang wallet at cellphone, kaya wala siya talagang maipantatakip dun sa dapat takpan. Pero kapag ganun naman, hindi siya dapat bumubukaka kasi mga lalake nasa harap niya. Yung isa pa mukhang DOM (hindi ako yon!!!).

Nakasabay ko nanaman siya kanina, at surprise surprise, nakamicro mini nanaman siya. At kung nung unang beses, puti ang naaninagan ko, kanina naman ay pink. Di ko alam kung nananadya siyang bumukaka dahil nasa tapat niya ako nakaupo. Di ko rin naman siya masisisi. Magkakakuliti talaga ako nito.

SI INDIANA JONES
Noong isang gabi, meron akong nakasabay sa fx na lalake. Syempre dahil nga pakialamero talaga ako, nakichismis ako sa kinukwento niya. Normally, ang mga driver yung madaldal, pero sa pagkakataong ito, yung lalake yung maingay. Hindi nga nagsasalita yung driver, at naaaninag ko sa salamin na natutulog yung babae sa tabi niya.

Anyway ulit. Parang word vomit, nagdadaldal siya ng mga bagay na hindi naman sa kanya tinatanong. "I'm an archaeologist sa UK. Alam mo yon, yung sa London?"

"Lumabas na ako one time sa BBC. Alam mo yun, yung channel na parang CNN ng Europe?"

"Yung tatay ko kasi archaeologist din, kaya sinusundan ko siya. Interesting din kasi trabaho niya."

"Divorce sila ng mama ko. Alam mo yun, yung hiwalay na?"

"May anak ako sa ex ko. Pero ayaw niya ipakilala sa akin."

Teka. Sa isip isip ko, parang pamilyar sa akin 'tong kwentong ito ah. Nag-isip ako ng isang minuto at alas, kilala ko yun. Kwento ni Indiana Jones yung buhay niya!!! Tang-ina, kasabay ko sa FX si Indiana Jones!!! Shet, parang boses bakla siya!!!

*************
Marami pa akong maikukwento sa inyo. Yung dalawang construction worker na naghoholding hands, yung magsyotang taglibog, yung tulog na baboy na nagbabaha ang laway at yung aleng nakaaway ko sa sasakyan. Pero sa susunod na. Para marami akong maisulat dito sa blog na ito.

28 comments:

Mac Callister said...

hehe ganyan din ako minsan,pero naman di mo talaga maiiwasan di sila mapakinggan kasi wala ka choice kundi marinig sila!LOL

ACRYLIQUE said...

Haha. Ilan na kaya kuliti mo? :)

Baka bakla talaga si Indiana Jones. :)

ENS said...

hindi ako pala fx pag nasa maynila ako... pala mrt and/or lrt ako... pero kung tama ang iniisip ko sa magsyotang taglibog meron na din ako nakasabay na ganyan, at ang di ko makakalimutan ang kumakanta ng nobody na lalaking lalaking tingnan...

eMPi said...

ayos na ayos... aabangan ko ang mga kwentong fx mo parekoy!

naiirita ako pag maingay ang katabi ko o ang isang pasahero... lalo na pag may kausap sa phone na halos dinig ng buong pasahero ang pinag-uusapan, hehehe!

Unknown said...

Dami ko din nakakasabay na walang ginawa kundi hilahin ng hilahin ang skirt nila para hindi masilipan.Kung ayaw nila masilipan mag jeans sila!

EngrMoks said...

tayi ko pa ang mga susunod mong mga kabanata

The Green Man said...

Mahahalintulad ko tuloy ang FX sa buhay ng tao... ang dami mong makikilala, makikita at ma-e-expirience.

Tamang - tama, FX ang sasakyan ko mamaya pauntang Pasay para makipag kita sa kaibigan ko :-D

Salamat,
TGM

P.S.
Bisitahin mo naman ako...

Anonymous said...

kakainis nga minsan sa fx o kahit sa jip o mrt. alam mo 'yung magbabarkada na sabay sabay na sumakay. tawanan ng tawanan, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan na sumabay sa pagtawa nila. kakahiya lang kase.

Anonymous said...

Nice!
Nakakamiss na sumakay sa FX.
Hintayin ko yung iba mo pang Kwenetong FX! =o)

Meeya Cruz said...

badtrip nga yung mga hambog sa fx, yung talagang nagyayabang kasi alam niyang pinakikinggan sya ng mga nakasakay!

nakakabadtrip din yung halos gawin kang sofa sa pamatay na pagsandal sayo, halos mabaliko na mga laman-loob ko sa pagdagan sa akin!

Superjaid said...

wahaha gawain ko rin to..di naman kasi maiwasan..^__^ normal na ata to sa ating lahat..hahaha

Ira said...

Nakakainis yung mga tulad ni Indiana Jones! Sarap sakalin! Hehe

Joel said...

naku naman, mabuti na lang at hindi ko natyetyempuhang makasabay sa fx tong si gill, malamang naikwento nya na din ako ahahaha. madalas naman na tulog lang din ako sa sasakyan eh, pero hindi tulo laway ahehe

DRAKE said...

Pre alam mo bang hiring ngayon sa ABS-CBN? Bat di mo subukang mag-apply dun pre! Naghahanap sila ng kapalit ni.........BOY ABUNDA! hehhehe Joke lang pre.

ako pag nasa FX ako ginagawan ko sila ng kwento para silang mga karakter ko ng aking komiks.hehhehe

escape said...

sana meron ding mga jedis sa fx. hehehe...

Raft3r said...

yun naka-micromini, 16 yo din sya?
nyahaha

happy weekend, gillboard!

Random Student said...

Nadala na ko hehe, tutoo na sana mga kwento mo or mala-katha na naman ng isip? Anyway, baka uniporme lang ni micromini skirt girl yung lagi nyang suot. Baboy na naglalaway? Naku, nakasakay ka na ba ng baboy na naglalangis (grrrr)?

gillboard said...

random student: tingnan mo lang tags, pag kwento series totoo yun. pag fiction, di totoo. hehehe

raft3r: matanda na yung nakamicro mini. siguro mga 23-25 age range nun.

dong: paanong jedi? hmmmm...

drake: di ako ganun kasipag. hinahayaan ko lang sila magkwento ng buhay nila. minsan pag tulog na tulog pinipichuran ko... hehehe

kheed: kung alam ko naman na fellow blogger, di ko ibubuko. siguro pwede, pero di ko papangalanan... hehehe

gillboard said...

ira: salamat sa pagbisita... onga, sarap sakalin ni indiana jones.. hehe

superjaid: hehe.. honga... malas lang nila blogger yung nakasabay nila... blogger na walang maisulat..

meeya: ayus lang sakin gawing sandalan lalo na kung cute yung nakasandal.. hehehe

green man: napakalalim naman!!! hehehe

timberboy: salamat. siguro rich kid ka... di nag fx... kotse lang...

xtian: onga... pagbarkada nakasabay mo, minsan nakaka-OP...

gillboard said...

moks: hehe... yaan mo malapit na... hehehe

chuck: mga babae nga naman... no?

marco: naku kung maingay sa cellphone yung tao... tinititigan ko talaga ng masama... hehehe

ens: naku, ayaw na ayaw ko ng mrt... lalo na paghapon... magkukwento rin ako ng mga kwentong mrt/lrt ko...

acrylique: dalawang beses lang naman... tsaka di ko sinasadya yun... siya yung nagbubuyangyang ng kanyang something eh... hehehe

mac: totoo...

Klet Makulet said...

kamukha niya si maja salvador pag kulog ang mukha? <=== paano kaya yung kulot na mukha? wheheheheh

ch!e said...

hmmm...sobrang cheesy naman ung dalwang construction worker na naghoholding hands haha...aabangan ko kwento mo. :)

aajao said...

naku buti na lang hindi kita nakakasabay sa FX. baka magkaro'n ka rin ng kwento sa akin... si jon tulog! :P

gillboard said...

aajao: kuya jon, unless tulo laway ka kung matulog, di kita ibubuko... hehehe

ch!e: naku, kung alam mo lang yung kwento... pero sige, abangan mo na lang.

klet: sensya na, bobo ako sa wika at panitikan... ang ibig kong sabihin, yung hitsura ni MSG eh parang Maja Salvador na kulot.

Chyng said...

and opcors, how can I forget. ang manong driver na nag-eexhibition habang nagddriver. yuck! ayoko tuloy iabot yung bayad ko dahil baka mahawakan ko yung kamay nya.. kadiri.

Boris said...

oh? sa makati ka pala nagttrabaho hehehe baka makita pala kita XD

hahaha nakakalibog? XD

wow ganda naman ng kwento series mo. kwento pa gilbert!!! :)

Anonymous said...

Ako naman iba ang sideline ko its freelancing, at least may mga projects ako hehheheh

http://top5freelancesites.blogspot.com/

7a'faR said...

great post..
thanks


abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~