Sa isang buwan ay magcecelebrate na itong blog ko ng kanyang ikaapat na kaarawan. 4 years old na ito. Matanda na. Mature na. Pero yung may-ari hindi pa rin... konti lang.
Halos 400 na rin ang naisusulat ko dito. Sa tingin ko noon kaya ko muntik na itong bitawan ay nasabi ko na ang lahat. Hindi pa rin pala. Natutunan ko, habang ikaw ay nabubuhay araw-araw may matututunan kang bago. At habang may natutunan ka, meron kang maisusulat. Meron kang maikukwento.
Mag-aapat na taon na ang blog na ito, pero kahit na ganoon, mayroon pa ring mga bagay na hindi ninyo mababasa dito. Mga bagay na hindi ko gagawin sa mundo ng blogosperyo. Unang-una dahil sumusunod ako sa blog etiquette. At pangalawa, maraming nakakakilala sakin sa tunay na buhay na nagbabasa ng blog na ito.
Kaya ngayon, ililista ko dito ang mga bagay na hinding hindi ko gagawin at hinding hindi ninyo mababasa dito.
MGA KWENTONG KAMUNDUHAN
Rated General Patronage ang blog kong ito. Kaya corny man ay hindi talaga ako magsusulat ng mga post tungkol sa aking mga karanasan bilang isang lalakeng makamundo. May naisulat na akong noon tungkol dito, pero yung mga kwentong iyon ay mga kwentong kapupulutan ng aral. Gaya ng huwag makikipag eyeball kung kani-kanino lang. Huli na yun, at marami atang nagtataasan ng kilay nang mabasa nila yung sinulat ko na yun. Basta ang dapat niyo lang tandaan, hindi ako magsusulat ng mga makamundong post hindi dahil walang aksyon na nagaganap sa buhay ko (meron naman paminsan minsan)... pero dahil gentleman ako. Hehehe
PULITIKA
Unang-una, wala akong karapatan magreklamo sa gobyerno, kahit na gaano kakurakot pa ito. Hindi pa ako bumoboto. Tsaka wala naman akong masasabi tungkol dito. Sa ngayon, wala rin naman akong pakialam. Hindi ako maopinyon pagdating sa mga pulitikal na topic. At ayoko rin namang magpanggap na may alam, dahil wala rin naman. Magmumukha lang akong tanga. Siguro pagnakaboto na ako.
BLOGWAR
Hinding hindi ako mang-aaway sa kapwa ko blogero. Kung hindi sang-ayon sa opinyon ko ang isang tao, ayos lang. Karapatan nila iyon. Hindi ako mag a-unfollow ng isang blogger dahil hindi ko nagustuhan ang sinulat nitong kumento sa isang post ko. Hindi ako mapipikon sa opinyon sa akin ng mga mambabasa, dahil kahit papano laitero din naman ako. Madali lang naman ang dapat gawin kapag hindi ko nagustuhan ang mga pinagsasabi ng isang tao, wag balikan ang blog niya. Tapos. Di ako magpapalaki ng issue, pasisikatin ko lang yung taong yon. Ika nga, make love not war. Pero if I make love, di ko isusulat iyon.
KALALIMAN
Aaminin ko, mababaw na tao lang ako. At ako yung tipo ng mambabasa na gusto ko naiintindihan ko ang binabasa ko sa unang basa nito. Ayokong dumudugo ang ilong ko, nagbabasa lang ako ng kwentong ligawan. Ayoko rin namang pinahihirapan ang mga dumadaan dito. Tsaka sa totoo lang, di ako malalim mag-isip. Mukha akong palaging nag-iisip, pero sa totoo lang nagspace out lang ang utak ko.
Yan lang naiisip ko ngayon. Ayoko naman magdagdag pa ng iba, kasi pag dinagdagan ko, baka wala na akong maisulat dito. Mahirap na, ayoko na magpaalam ulit, baka wala nang maniwala.
31 comments:
haha tinamaan ako dun sa ayoko ng magpaalam ulit at baka wala ng maniwala haha..
kelan mo ba tol iaannounce yung new blogsite mo? o mananatili ka na dito? haha! Tagal mo ng nagpaalam "OMEGA" post pa yun tol ah...
aba, happy 4th birthday sa blog mo...
wala ba ditong kwentong kamunduhan??? teka...teka... maghahalungkat ako! lolz!
Ganito, sa pagsusulat dapat hindi ka napapagod, hindi ka nawawalan ng topic na ididiscuss, hindi ako naniniwala sa writer's block, pero katamaran oo. Dahil naniniwala ako na maraming bagay na pwedeng ikuwento. Bawat araw may mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo. Siguro nasa paraan lang ito kung paano mo ikukuwento. Tandaan mo wala sa topic yan, nasa paraan yan ng paglalahad. Kaya kahit gaano pa kaboring ang isang topic pwede mong gawing exciting sa pagkukuwento. Ika nga sa sex, nasa performance yan at wala sa laki at haba ng ano mo.
Ganun bro, maraming bagay na pwedeng ikuwento, nasa iyo yun kung paano mo gagawing interesante ang bawat topic mo.
Ingat!
gusto ko sanang mag greet ng advance happy anniversary... kaya lang parang ang lungkot ng ending ng post... pero happy anniversary pa din...
p.s.
paalala: minsan pag sinabi mong hindi mo gagawin, ginagawa mo... pero minsan naman di mo talaga nagagawa... lets see... (ito ay anticipation hindi accusation)
4 years ka na pala nag blo-blog..ang galing. Gusto sabihen na masarap basahin un mga posts mo,yun lang walang halong sipsip.hehe
isa yun sa pinakakakatakutan ko sa buhay blogero ko... ang may mapadpad sa mundong ito na nakakakilala sa akin sa teleserye ng totoong buhay...
congrats...
napakahabang apat na taon!
parang hndi ko makakayang abutin yun... nagsasawa na din kase ako sa walang kwenta kong blog.
oy... 4 years old na pala itong blog na ito... tagal na pala ah... sana aabot din ang blog ko sa naabot mo ngayon.
May punto ka sa mga listahin ng hinding hindi gagawin....
Happy bday kay GILLBOARD! :)
marco: next month pa naman, pero salamat!!!
kosa: di naman walang kwenta blog mo... kung napapagod ka magsulat, pahinga lang muna... wag masyado magstress sa blog, di dapat pinipilit yan...
moyie: salamat po.. di mo nako boss.. hehe
ens: kaya yang tatlo na yan andyan, kasi yan sigurado akong di ko pagbabalakang gawin...
drake: tama ka, at ganyan din ang paniniwala ko sa pagbablog... nasa content yan...
azel: isa pa lang nasusulat kong ganyan... yung Epic Fail... hehehe
moks: di ko na siguro iaannounce yun... mas madalas na ako magsulat dun kasi mga personal na bagay nakasulat dun... eto, mga once a week lang, pero i'll try to make sure na ayos ang mga nakasulat dito... hehehe... although merong mga mambabasa dito na naliligaw dun... mag-ikot ikot ka lang sa blogosperyo... baka makilala mo sulat ko..
kheed: hehehe... siguro sa ngayon, pag wala na talaga akong maisusulat siguradong goodbye na yun... pero kaya pa naman.
Wow... Malapit na pala ang anniv ng blog mo!
Congrats!
life goes on...
amen. abangan ang susunod na kabanata...
congrats mamehn. haha
tomato cafe: thanks thanks!!!
random student: sure balik balik lang... hehehe
boying: totoo...
timberboy: yep.. less than a month.. salamat!!!
aba! aba! congrachuleyshons! re dun sa bago mng blog, naligaw na ba ko dun?
nakakatuwa ngang basahin ang blog mo eh. sa mga nagsasabi na ang kanilang blog ay "personal blog", yung sa yo ang isa sa masasabi kong talagang "personal blog". at sa pagsapit ng blog mo sa kaniyang ika-apat na matagumpay na pag-iral, aplikable pa rin ang blog motto natin:
"we write to express, not to impress."
advanced happy anniBLOGsary!
*cheers*
wow! magaapat na taon na? sana ganun umabot din blog ko ng ganun katagal.
ummmm saan ang party? XD
kamunduhan - check
pulitika - check
kalaliman- semi check
blogwar na lang hindi ko nagagawa. gusto mo mag away tayo para may magawa ko na to? lol
happy bday sa blog mo!
wow happy birthday! ibang klase 4 years! hardcore ka gilboard!
wow apat na taon!ang galing! sana umabot din ako ng ganyang katagal! congratulations!
prinsesa & theo: salamat!!!
efbee: kokeymonster!!! welcome back sa pagbablog!!!
kuya jon: mantra ko yan sa pagbablog!!! have you to thank for that... salamat!
boris: dito sa parañaque, may party ako!!! join ka? hehehe
badong: naku, di ko alam kung naligaw ka na ba dun... meron akong mga kilala na napadaan na, pero di ako nakilala...
nosebleed den kaya minsan ang post moh? ahehe... lolz... pero i always love readin' here... besides readable ang font sa page moh... eh yung d' way nagn pagkakasulat moh nagn mga entries moh... interesting laging basahin... like u said.. somethin' na kapupulutan nang aral.... pero funny... saken... walang sa aking real life na nakakaalam na may blog akoh... and wala akong balak ipaalam sa kanilah kc nemen... masikreto akong tao.. and dehinz koh feel na binabasa nilah iniisip koh.... pero kahit ganon there's are things pa ren na nde koh sinasabi sa blog... limited pa ren... merong pa reng stuff na still juz between meeh and God.. naks.. kaya naman totally separate ang mga taong nameet koh here sa real life people dat i know... dmeng sinabi eh noh... ahehe.. ingatz lagi kuya Gilbert... advance happy bday sa blog moh.... 4 yrs. na syah... dehinz pa matanda kuyah... toddler pa lang.. ahehe... laterz.. Godbless! -di
ahh sometimes dehinz koh lang trip magkuwento sa blog koh... or naman sometimes pag nagkuwento naman akoh eh to d' max naman... pati akoh napapagod magkuwento.. haha.. 'la lang.. hiniritz lang... i'm outie =)
Beterano ka pala sa blogging.. 4 years ka ng walang sawa na nambobola.. he he he jowk.
ako 4 na rin... 4 weeks na sa susunod na buwan..
wow
four years
four is my favorite number
four also means death in chinese numerology
what's the point of this comment?
wala lang
gusto lang kita batiin
way to go, gillboard!
rock on
raft3r: salamat sa pagbati!!!
alkapon: di ako marunong mambola.. tsaka di pa ako beterano... marami pa ditong mas matanda pa sakin... di lang halata kasi kinoclose tapos nagbubukas ng bagong blog... hehehe
dhianz: parang bipolar ka nga eh.. to the extremes... hehehe.. di ako kaya nagsusulat ng nosebleed na post...
huwaw... congratulations sa iyoooo!!! hay matagal tagal na din, gill. mukhang ang tanda na natin dito. hahahaha!
Celebrate na natin ang kaarawan ng bahay mo! Padulas naman ng konting alak :-D
minsan kahit gusto mong sabihin eh di mo talaga masasabi kahit na feel na feel mo nang i-blog kasi madaming dahilan. Kaw na lang nakakaalam. :P Happy Bertdey! :P
nice post..
thanks,
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~
Post a Comment