Mga Sumasampalataya

Jul 11, 2009

THE INITIATIVE

Nakasabay ko nanaman kahapon si Monday. Unang-una hindi ko inaasahan na mangyayari yun kasi late na rin ng hapon nang umuwi ako. Magkatapat kami ng upuan dun sa likuran ng fx nakasakay. Kaming dalawa lang.

Iba yung naramdaman ko kahapon. Iba yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil kasabay ko siyang umuwi o dahil high blood nanaman ako. Pero sobrang sumikip yung dibdib ko.

Hindi kami nagkakatinginan masyado dahil busy siya sa kakatext kung kanino man. Iniisip ko lahat ng sinasabi ng mga nagbabasa dito. Na hindi siya engaged. Na kelangan ko na siyang makilala dahil malapit na rin naman magbago ang oras ko.

Ewan ko, kung nakita niyo siguro yung mukha ko kahapon.. mukha akong tanga. Contorted kasi mukha ko pag nag-iisip ako ng malalim. Di ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para ipakilala ang sarili ko sa kanya. Parang yung lakas ng loob kong mamik-up ng mga tipo ng mga kaklase ko noong nasa kolehiyo pa ako eh biglang nawala. Pinikit ko yung mata ko...

"Hi." nasabi ko.

Napatingin sa akin si Monday. Di siya sigurado kung siya nga ba yung kausap ko.

"Sorry, I don't do this, pero madalas kasi kitang nakakasabay pauwi. I just wanted to say hi. So hi!" sabay bigay ng awkward na ngiti.

"Okay? Uhmmm... Hello?" sumagot si Monday. Nakangiti.

"Mondays." kabado kong sinabi. "Actually, tuwing Monday, madalas tayo magkasabay."

"Yeah? Familiar ka nga." sabi niya.

"Not that I'm keeping tabs. Di ako stalker. Nagkakataon lang siguro na every Monday, nakakasabay kita. Weird nga kasi Friday ngayon."

Parang nagbago yung tingin niya. Natakot yata. Creepy ata yung pagkakasabi ko.

"I just notice. I'm good with faces kasi. Medyo hindi mabilis nakakalimot."

"Aaah. Okay."

"By the way, I'm Gil ngapala."

Napatigil siya. Nag-iisip kung ibibigay ba niya pangalan niya. "RC." sabi niya.

"Like yung cola?"

Tumawa siya. "Just like yung cola. Hahaha"

Ang ganda niya tumawa. Ang lalim ng dimple niya. In love na yata ako!!!

"Nice to meet you RC." sa isip ko finally may pangalan na rin yung mukhang nakakasabay ko halos linggo linggo.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba yung numero niya. Kasi parang hindi naman siya ganun ka interesado. At mukhang mabilis naman kung kukunin ko ngayon agad. Kakakuha ko pa lang ng pangalan niya. Baka isipin nun creepy stalker talaga ako.

"Uhmm.. RC.. okay lang ba.."

"Gatchalian lang po..." sabi ng isang pasahero.

If You See Kaye, will you tell her that I love her.
And if you see Kaye, let her know I want her back.
-sabi ng mp3 player ko.

Bumalik ako sa realidad. Nakatitig pala ako sa cellphone ni Monday.

Nakatingin siya sa akin. Alam niya na dito ako bababa, mukhang nagtataka bakit di pa rin ako gumagalaw.

Nagmamadali akong gumalaw sa kinauupuan ko para bumaba. Bago ko isara yung pinto, sinabi ko sa kanya "Bye."

Di ako gumalaw at tiningnan ko siya habang umalis yung fx palayo sakin. Tinaas niya mga daliri niya na parang nagpapaalam sakin. Naglakad ako kahapon mula labasan hanggang sa bahay na nakangiti. Kilala niya na nga ako.

************
Napansin ko lang... sa dinami daming beses naming nagkakasabay, ni minsan hindi ko pa naririnig ang boses ni Monday. Ni minsan nga, di ko pa siya nakikitang nagbabayad ng pamasahe. Siguro ginagawa niya yun bago siya bumaba o pagkasakay niya... o wina 1-2-3 niya yung mga fx. Hmmm...

29 comments:

The Scud said...

nice one. sana hindi nya bf katext nya. hehe. at natawa ako sa "Iba yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil kasabay ko siyang umuwi o dahil high blood nanaman ako."

happy weekend!

Chyng said...

sus, kala ko naman!
go kaya mong gawin yan. next time, inom ng pangpatapang! :D

BTW, i think the song is
If You See Kaye
(F U C K)
o dba, kaya nahalata kong najumble mo yung words eh. haha

gillboard said...

scud: mukhang di naman... mukhang inis naman siya...

chyng: nahuli mo... isa sa favorite na kanta ko yan ng The Script.. hehehe

Badong said...

nice! mukang malapit ng maging weekdays ang pangalan ni monday. sana hindi siya na-wirduhan sa nangyari sanyo.

SEAQUEST said...

Wow, at last you got here name RC at naiba na araw nio ha...hehehe..Sabi naman sa iyo eh, one of this day pag pang bampira na oras mo makakasabay mo din cia.

gillboard said...

badong: mukhang hindi naman... sana

seaquest: di ko pa rin po alam yung name niya... inimagine ko lang yan.. hehe

EngrMoks said...

Akala ko pa naman naka 1st move ka na tol... ilusyon lang pala... pero sususbaybayan ko love story nyong dalawa..hahaha!

Nakakamiss yung ganyang stage, yung pa-torpe at mainlove...tali na aksi ako ngayon kaya hindi na pwede..hahaha!

Gudluck sa 1st move mo sa monday, lakas lang ng loob yan, isang boteng RHB lang yan tol...

Joel said...

nice move! mukhang malapit na malapit ng maging close sayo si monday este si rc pala hehe. congrats! lakas ng loob uh

EǝʞsuǝJ said...

hahaha
parang senaryo lang ng isang nagbibinatang hi-skul student..
hehehe...
mabuti naman at "sa wakas" eh nakuha mo na yung pangalan ni Monday...
:)

aabangan ko ang susunod na kabanata..
hehehe

The Pope said...

It was a good start, so prepare for your next move, get her phone number, and we'll be here waiting for positive results.

Kaya mo yan.

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha! Kinilig ako! LOL

DRAKE said...

Style yan gill, ang pagpapaleyt ng bayad! Kasi baka nga naman may manlibre, o di kaya magbabayad na lang sya bago sya bumaba para di na sya makapanlibre ng kakilala, ganun!

Nice mukhang gumaganda na ang lablayp mo ah!kaso nagbago nman ang oras mo! Sayang!

Ingat pre

Drake

jayvie said...

eeeeh! nakilala mo na sya. kinilig naman ako dun Ü

Boris said...

teka if you seek amy ata iyon eh :p

well that's a nice move :) keep it up pa! hmmm... get her number maybe some other day. you were smooth. galing! :)

Boris said...

oh my, I think the song that I featured in my blog today matched what you are feeling right now hehehe...

Kosa said...

inlab ka nga parekoy..
hahaha.. good for you!
atleast eh kilala mo na sya..
alam kong madami pang susunod na kabanata to..

aabangan ko yan!
hehe

ZaiZai said...

yey! I'm sure excited and nervous ka na for this coming monday. hope it goes well :)

gillboard said...

As much as I'm happy that you're supporting me kay Monday..

Hindi ko pa po nakukuha yung pangalan niya.

Ayun lang. salamat.

PABLONG PABLING said...

hahahaha. ginagamit ka lang ni monday. para maka iwas sa mga bagay bagay

baka may tuesday wed thursday friday pa di mo lang napapansin

ACRYLIQUE said...

malay mo every weekdays na kayo magkakasabay . Asteeg ka tol!

Unknown said...

haha. sana may lakas din ako ng loob na mag initiate sa mga nakakasabay!haha. :]]

ORACLE said...

wohooo! congrats parekoy. Ayos! Tama lang yun, dahan dahan lang. Start with genuine friendship. Exciting ito. Kung sakali eh serye na. Ahihihihi.... :)

escape said...

kausapin mo na. kung kasama mo ako malamang kinausap ko na siya.

Kevin said...

Hanga naman ako at may lakas ka ng loob na makipag-usap dyan kay Monday. :) Kung ako yun, lumipas na ang isang taon, wala pa rin akong ginawa.

Napadaan! :D

RJ said...

sa totoo lang pards, binabasa ko itong post mo na nakangiti at humahagikhik. parang kinikilig na virgin. familiar kasi ang feeling dahil ganyan din ako nagsimula kay bachoinkchoink. magmukang ewan. hahaha.

nabitin ako. sana hindi ka muna bumaba at nagpalampas ka na. anyway, antabayanan ko ang kasunod. hehehe. goodluck! =D

Pasyalera said...

Uyyyy, inlove. Ang kulit naman ng kwento mo. Hahaha! :P

whatchamakulitz said...

Mmmm next time kausapin mo na, kaya ko nalaman na di mo pa talaga sya naka2usap kasi sabi mo sa huli ni minsan di mo pa nari2nig boses ni Monday (ayun)....

Bilis bilis ang kilos he he he

Superjaid said...

wooh!kilig kilig!Ü kahit na di naman pala totoo tong post na to,kunin mo na ung number nya, kaya mo yan!go,go,go fight!Ü

Anonymous said...

papalakpak na sana ako kasi finally, kinausap mo na siya. yun pala

but it was just my imagination, running away with me