Mga Sumasampalataya

Jul 16, 2009

REPOST: ANG HANAP NG MGA LALAKE

Medyo naghahibernate ata ang utak ko nitong mga nakaraang araw. Puros Harry Potter na lang ang laman ng utak ko ngayon tsaka yung pinost kong status update sa Facebook (wag kayo mag-alala ikukwento ko yun one of these days). Medyo may kinalaman rin naman kasi ito dun sa mga nangyayari sa buhay ko nitong linggong nagdaan.

Anyway, naisip kong irepost ito, dahil napansin ko na isa ito sa madalas na hinahanap sa google ng mga babaeng clueless yata sa mga hinahanap ng mga lalake.

Habang nag-iisip ako kanina ng magandang topic, nabanggit ng aking katabi na si Denise na magsulat ng mga bagay na nagugustuhan ng mga lalake sa mga babae. Ano bang dapat meron sila para masabi namin na sila ay attractive?

NGUNIT!!! Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan ay kasama na sa mga listahan, pagbigyan naman natin ang mga hindi pinalad. Ang mga ililista ko eh yung mga katangian ng pagkatao na gusto namin sa opposite sex. Yung mga dahilan kung bakit nasasabi nilang LOVE IS BLIND.

O siya sige, ang haba na ng opening ko, simulan na natin ito...

MAY PAGKAMISTERYOSA: Meron kasing mga taong, unang kilala mo pa lang, eh ikukuwento na sayo ang buong life story niya, ang history ng pangalan, ang buong kwento ng mga kanunu-nunuan, at kahit ang kwento ng alaga ng kapitbahay ng pinsan ng aleng nagtitinda ng yosi sa harap ng building ng dati niyang pinagtatrabahuan (whew)... in short chismosa at madaldal. Ayos lang naman ang makwento, pero gusto rin namin na minsan ay gumamit ng detective skills upang makilala ng mabuti ang isang babae. Yung tipong pwede mong gamitan ng Socratic Method para malaman ang mga sikreto nila. Pero siyempre, pagnalaman naming may pagka-serial killer type pala sila... ibang usapan na yan.

BABAENG GAME: Not necessarily sa kama. Ang ibig kong sabihin, eh yung madaling mayaya. Game siya mag-go kart, manuod ng sine, kumain sa labas, magbasketball, kumain sa karinderya, magfishball. Sa madaling-salita eh hindi maarte. Koboy ika nga. Yung pwedeng one of the boys. Ang isa sa hinahanap ng mga lalake sa kanilang magiging girlfriend, eh yung tipong makakasundo ng kanilang mga kabarkada. Kung jologs ang barkada ko, eh jologs din siya. Kung sosyal, eh sosyal din. Hindi yung tipong, kapag kasama ng mga kaibigan namin, eh uupo sa isang tabi. Tapos pag pauwi na kami, saka ako aawayin.

SYEMPRE MABAIT: Nauunawaan namin na once a month, nagbabago pagkatao ninyo, pero kung araw-araw ang ugali mo eh parang lagi kang may tagos, eh isa kang malaking turn-off!!! Masarap maging single, masarap din yung may kapartner ka. Pero, kung ang girlfriend namin, eh hahayaan kaming mamuhay na para bagang single kami, eh nakajackpot kami... Eto ay mga babaeng di dapat pakawalan. Pag sinabi kong, mamuhay parang single, hindi yung tipong mambababae. Ang ibig kong sabihin, yung tipong hahayaan akong sumama sa mga boys night out. Hindi maldita. Papatawarin ka, kung minsang makalimutan mo ang birthday niya o monthsary ninyo. Hindi naman martir o linta. Pero yung tipong bukas ang isipan baga.

APPRECIATIVE: Ang gusto ng lalake eh minsan, napapansin at inaappreciate yung mga magagandang ginagawa namin. Hindi yung puros talak na lang ng mga kabalbalan namin ang naririnig namin. Ang isa pang ayaw namin eh yung kapag nag-aaway, eh iuungkat pa lahat ng kasalanan na nagawa namin noong previous life namin. Yung tipong hindi ko na nga naaalala na nangyari, inuungkat pa rin.

HINDI INSECURE: Siguro, lahat ng away ng magkasintahan, eh nagmumula sa pagiging insecure ng mga kababaihan. Nagseselos kapag tumitingin kami sa mukha (o dede) ng ibang babae. Yung tipong palaging nagtatanong kung tumataba ba sila (hindi cute yun, kung hindi kayo maniniwala sa sagot namin!!!). Iba ang pacute, iba rin ang insecure. At nakakairita ang mga babaeng walang tiwala sa sarili, lalo na kung namimihasa na. Ang sinasabi ko lang, eh kung ikaw ay babaeng confident, mataas ang plus points mo sa amin. Yung tipong, kaya mo kaming pahabulin at kaya mo kaming paglaruan. Madalas, nagiging bobo kami sa mga babaeng ganito, pero okay lang. Gaya nga ng sabi ko, us guys welcome the challenge. Kaya uso ang mga cougar ay dahil sa mga babaeng ganito.

MATALINO: Eto, personal choice ko. Ang gusto ko, eh babaeng kaya makipagsabayan sa mga usapan namin. Yung tipong may laman ang mga sinasabi, at hindi puros hangin lang. Hindi halata, pero tahimik akong tao, pero kapag ang babae, ay napagkwento ako tungkol sa mga bagay-bagay, kung hindi man kami magkatuluyan, eh kinikeep ko siya bilang isang kaibigan. Ayaw ko talaga sa mga bobo, dahil maikli ang pasensya ko. Ayokong kausap yung mga tipong, ang habahaba ng kwento ko, tapos ok lang yung sagot nila tapos change topic agad. Nakakasira ng mood.

Alam kong hindi makikita ang lahat ng ito sa iisang babae lang, pero ang mahalaga eh meron sila kahit at least dalawa o tatlo man lang sa mga katangiang ito, okay na ako. Hindi ko na pakakawalan ang mga ganito.

26 comments:

SEAQUEST said...

beauty and wisdom are seldom to see in one person...Kasi magiging unfair yun sa lahat kung lahat ng maganda na iisang tao lang...kailangan kung magmamahal ka ng isang tao hindi lang yun maganda ang mamahalin mo kanya mas dapat mong unhaing mhalin ang kahinaan nia at kung talagang importante at mahal mo ang isang you should help her/his to change the bad attitude in a good way na hindi kayo magaaway at hindi nio masasaktan ang damdamin ng isat-isa.

MarcoPaolo said...

tama ka, hindi lahat ng katangian na nabanggit dito ay makikita natin sa isang tao. at least isa mga yan ay nasa babaeng matatagpuan mo... :)

EǝʞsuǝJ said...

hahaha
magkakasundo pala tayo...
ang wala nga lang ako jan sa mga bagay na nabanggit mo eh yung pagiging matalino...

tsktsk
rare ang species ng mga babaeng ganyan pare...
lalo na ung HINDI INSECURE...
nyahahaa...

pero ayus yung mga hanap mo sa babae ahh...

asteeg \m/

whatchamakulitz said...

Ok ah it only goes to show na di ka mababaw na tao, ur deep man...(he he he)..

Yupz narinig ko na rin yan sa mga kaibigan kong lalake lalo na yung kasundo ng tropa at hinahayaan sila to hava a "boys night out"..

Mokong™ said...

Yung ilan sa kanila nameet ko na..pero iba pa rin tol yung biglang dating, basta malalaman mo na kung sya na ba talaga o hindi... mababalewala na lahat ng classification mo sa paghahanap once na meet mo na si ms.right...o si ms.perfect! (para sa akin)

Knox Galen said...

Weird pero may nakikita akong application dito parekoy. Thanks!

kuri said...

idagdag ko lang ang mga sumusunod:

1. pagkakaroon ng sense of humor at positivity sa katawan. ung tipong no dull moment. ung kahit malaki ang problema e yakangyaka paring tumawa.

2.ung my angas at palaban. ung hindi ka mag-aalalang iwan dahil alam mong kaya nyang tumayo mag-isa

3. ayoko rin ng masyadong mabait. gusto ko ung may kalokohan din paminsan minsan.

:)

the donG said...

i like the babaeng game. i have a lot of friends who are like that. they enjoy isaw and they enjoy fine dining type. kahit ano basta jologs pero ang gaganda naman ng position sa kumpanya.

astig sila!

DRAKE said...

Ako yung babaeng matalino ang gusto, kasi mahirap magkipag-usap pag puro kakikayan lang ang alam nila.

Ingat
Drake

Kosa said...

para kang naghahanap ng perpektong babae parekoy..lols

tama ka dun, dalawang qualities lang eh ok na... eh paano kung yung nagugustuhan mo ng sobrang sobra eh isa lang ang taglay? lolz

ganun kalufeeeet ang Love! hehe

Klet Makulet said...

bakit ako ang dinedescribe dyan? hahaha joke lang. kahit naman sino aayawan yung masyadong open book ang buhay, yung wlang laman ang pinaguusapan, di marunong magappreciate, laging insecure at parang laging binubulungan ng demonyo sa ugali waheheheh.

Badong said...

ang gusto ko? yung laging game sa lahat ng bagay! pero turn off sakin yung mga aggresive.

HOMER said...

Sometimes what your standard sa isang babae eh di mo talaga makukuha.. Your standards are outweighed by chemistry.

For me turn on sakin yung sensible kausap, although a cliche someone with a good sense of humor. Physical features as long as she is presentable and malinis sa katawan ayus lang!

BTW lagi ko nakakalimutan ilagay ka sa blogroll ko, di tuloy nakakabisita dito hehe! ill put you na nga after commenting.. :)

Chyng said...

uhm, in order ba yan?
yung qualities ko kasi ay in reverse order! chos! :D

agree ako sa APPRECIATIVE at nde INSEKYORA! *winks*

Pasyalera said...

Agree ako sa lahat ng yan. :D Malapit ako sa mga lalake (halos lahat kasi ng mga kaibigan ko at kasama ko sa opisina ay puro mga lalake) at ganyang-ganyan nga ang mga tipo nila sa isang babae.

At malamang kung naging lalaki rin ako, yan din ang mga katangiang hahanapin ko sa isang babae. :D

Pareho tayo, ayoko rin sa taong puro hangin lang ang laman ng utak. Iba pa rin syempre pag matalino (or may should I say, may sense) yung kausap mo.

PS. Natuwa naman ako sa entry na to. Hehe! :P

gillboard said...

pasyalera: salamat sa komento, natuwa rin ako sa post na to... hehehe... pero mahirap talaga ang mga babaeng lobo.. ang ganda tingnan pero hangin lang laman.

chyng: in any order naman yan... pero dapat tanungin natin si Enrico dyan.. lolz

homer: salamat sa pag-add sa blogroll!!! sige... sa weekend i-add din kita...

gillboard said...

badong: wala naman masama sa aggressive.. wag lang masyadong pokpokish sa pagiging aggressive.

klet: di naman siguro... naniniwala pa rin naman ako na everyone is meant for someone...

kosa: kung ako naman... di ko naman magugustuhan ang isang tao kung wala siya nung kahit anong quality dyan...

gillboard said...

drake: mahirap nga makarelate sa usapang kikay... hehehe

dong: pakilala mo naman ako sa mga friends mo.. lolz

kuri: maganda nga yun dinagdag mo.. mahirap din ang babaeng linta.. na di kaya mabuhay pag wala ka... OA yun masyado

gillboard said...

joms: kanino mo naman kaya iaapply yan? hehe

mokong: pero I'm sure si Ms. Right meron maski isa or dalawa dun sa nakaclassify kaya mo siya natawag na ganun, diba?

watchamakulitz: naku, don't let this post fool you... mababaw pa rin ako!!! hahaha

gillboard said...

jenskee: yan ata nahanap ni pogi sayo eh.. tanungin nga natin si b2? hehehe

marco: realistically speaking, mahirap mahanap lahat ng hinahanap sa isang tao.. pero walang masama magkaroon ng ideals..

seaquest: hmmm... may point ka..

jayvie said...

basta wag nagger! hahaha

superjaid said...

Hehe tingin ko kahit magkaroon lahat ang isang babae ng mga katangian na yan, di pa rin sigurado kung mamahalin mo ba talaga sya kasi yung kakaibang attraction talaga ang nakakapagpainlove sa atin eh,hirap iexplain,dapat pala di na ako nagsalita,haha

Pasyalera said...

Meron ka ba dyang "Ang hanap ng mga Babae?" :P

gillboard said...

jayvie: yup... bawal nagger...

superjaid: depende siguro sa babae yan.. hehehe

pasyalera: actually meron ako... will probably repost in the future.. search mo na lang.. hehehe

Pasyalera said...

Oks, oks. Thanks! :D

Anonymous said...

Maniniwala ka ba na lahat ng qualities na yan ay nasa kin? Plus sense of humor and ugaling palaban. Ang wala lang sa akin dyan ay ang tinutukoy na "pagseselos" kapag tumitingin ang partner ko sa ibang mukha/boobs ng babae. Para sa akin, okay lang ang mag appreciate sa ibang kagandahan, pero to see my partner lusting over other women is already enough to hurt my pride. dapat marunong din magpigil sa sarili. That is a sign of respect. Tapos pag sa akin naman may mga nakatitig na mga lalake at nagbubulung-bulungan,umuusok ilong nya. Di ba, unfair yan.
Yung sa pagiging matalino, I can say that Im street smart. At hindi rin ako kikay, pero marunong ako magayos. Marunong din ako kumain ng kwek2x sa kanto at marami din akong alam na kainan na sosyalan na resto. Alam ko kung kelan kailangan maging cowboy at kelan kailangan maging mahinhin. Modesty aside, people tell me that Im pretty and have so much sex appeal. Pero despite all of these, sinira lang ng isang lalake ang buhay ko. Pinaasa at binalewala nya ang pagmamahal ko. Naging tapat naman ako at marami akong sinakripisyo. kaya pagkatapos nun, Hindi na ako naneneryoso ng lalake na alam ko na hindi worth keeping o alam kong manloloko. I am just using them for fun. At marami sa kanila ang naloloko, dahil expected nila na tatanga tanga ako at inosente na maiinlove sa kanila. Well, Im not that innocent. Ibibigay ko lang ang honesty ko sa isang lalake na talagang wlang mga hokus pokus at disente ang paguugali