Mga Sumasampalataya

Jul 20, 2009

ANG HANAP NG MGA BABAE

Dahil nasa gitna ako nga aking bakasyon, naisip kong magrepost ulit. Vacation mode din ang utak ko ngayon.

Hindi ako eksperto pagdating sa mga kababaihan. Siguro, kung ganun nga ako, eh malamang hindi ako single ngayon. Pero dahil, medyo naaliw ako sa pag-aanalisa ng mga gusto ng mga lalake sa mga babae, eh ngayon gusto ko namang isulat kung ano sa tingin ko ang hinahanap ng mga babae sa ating mga lalake.


Ang inyo pong mababasa eh pawang mga opinyon ko lamang, mga sagot ng ilang babaeng katabi ko at mga isinumbat sa akin ng ex ko noong hiniwalayan niya ako. Nasabi ko na ba sa inyo na minsan na akong nasabihan na hindi marunong magmahal? Wala lang, gusto ko lang sabihin. May kwento yun, pero saka na lang.

Gaya ng nakaraan kong post, alisin na natin ang mga obvious na hinahanap ng mga babae, mga pisikal at materyal na bagay. So out na ang guwapo, maganda ang katawan at mayaman.

Gusto ko sana ilagay ito sa 'battle of the sexes' na label, kaya lang wala naman atang papatol. So anyway, ayun... simulan na natin to...

PERSONALIDAD: Mas naniniwala ako kapag babae ang nagsasabi na hindi importante ang looks para sa kanila, kesa sa lalake na nagsasabi nun. Pansin ko ang mga babae eh mahilig sa mga lalakeng malakas ang personalidad. Mapakomedyante, bad boy, o kahit nerdox basta kaya nilang dalhin ang sarili nila, eh ok sa mga babae yun. Maglakad lakad ka sa mall, makikita mo, andaming mahuhusay na mga kababaihan nakikipag holding hands sa mga lalaking mataba, pandak, nakakalbo o panget. Siguro, yung ibang lalake eh ubod ng yaman, pero kadalasan, kapag nakikita mo sila, ang mga babae eh masayang masaya, kahit di kaguwapuhan ang kasama nila. Ang mahalaga kasi, eh napapatawa sila. In short, hindi boring.

SPONTANEOUS: Minsan may mga magsing-irog na matagal na ang relasyon, yung tipong higit sa limang taon nang nagsasama, kulang na lang yung papel para sabihing talagang mag-asawa na sila, pero nagkakahiwalay pa rin. Ang madalas na sinasabing dahilan ng babae eh nagsasawa na sila sa isa't isa. Wala kasing bago. Masyado nang nasanay sa isa't-isa na nakakalimutang minsan kelangan lagyan ng anghang ang kanilang pagsasama. Yung tipo bang, minsan sa isang taon eh lumabas ng Maynila, o kaya nama'y gumawa ng activities kapag may date. Dagdag pogi points sa lalake ang marunong manurpresa ng kanilang girlfriend. Na kahit sampung taon na kayong nagsasama, eh may mga bagay pa rin na noon niyo pa lang magagawa.

MAY EFFORT: Siguro kahanay na ito ng pagiging spontaneous, hanap ng mga babae ang mga lalakeng marunong mag-effort. Ang kaibigan ko, kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, kadalasan ang dahilan ng away na iyon eh wala siyang nakikitang effort sa kanya na iparamdam na mahal niya yung babae. Yung simpleng bigyan siya ng pasalubong kapag may lakad ito sa labas ng Manila o kaya'y paminsan gastusan naman ang mga date nila (yung tipong di na sa Chowking at SM Cinema ang lakad nila). Yung kapag may tampuhan sila, yung lalake yung manunuyo kahit minsan yung babae ang may kasalanan. Siguro, pwede nating isulat dito eh yung lalakeng responsable.

MAGALING SA KAMA: Ang mga babae, tahimik man ang mga yan, sa totoo eh malilibog din yan. Nasa loob ang kulo. Naku, kung naririnig niyo lang ang mga girl talk ng mga yan, kapag hindi sila nasatisfy... kawawang lalake. Dahil nga inherent sa mga babae ang pagiging chismosa, eh kelangan mo talagang magperform sa kama. May kakilala ako na nakipaghiwalay sa asawa at sumama sa tibo dahil yung asawa niya ay hindi siya nasatisfy sa kama (of course, hindi lang yun yung dahilan). Pero mahalaga talaga na kaya mong paligayahin ang isang babae sa kwarto. Guys, minsan hindi masama makinig sa mga girl talk, kasi minsan, tuturuan ka pa ng mga niyan ng technique na ginagawa sa kanila ng partner nila.

MAHABA ANG PASENSYA: Siguro jackpot ang mga babae kung ang nahanap nilang boyfriend eh kaya silang samahan na mag-ikot ikot sa mall ng walang naririnig na reklamo. Bibihira kang makakakita ng lalakeng papayag na magspend ng tatlo hanggang limang oras para samahan ang gelpren na mamili ng damit at sapatos. Tapos wala namang bibilhin. Feeling ko nga ang mga lalakeng kayang gawin yun eh nawiwili ring magsukat ng damit ng babae sa sarili nila. Biro lang po. Ang punto ko, ang lalakeng mga ganito eh mahahaba ang pasensya. Hindi lang naman sa pamimili, makikita ito. Alam naman nating lahat na minsan sa isang buwan, ang mga babae ay
nagiging aswang. So sa mga panahon na sila'y may sungay, dapat kami'y makakapagkumbaba. O kaya naman kapag hormonal. Actually, kahit sa paghingi ng mga desisyon (pabagobago kasi ng isip ang mga babae) kailangan din mahaba ang pisi namin, para walang away.

Alam ko madami pa. Si Bridget Jones nga, ang haba ng listahan. Dagdagan niyo na lang, kapag may naisip kayong bago.

26 comments:

MarcoPaolo said...

hahaha... natawa ako doon sa sinabi mong malilibog din sila... may naalala kasi ako... at tama ka, nakakaaliw pakinggan ang girl talk lalo na kung bastusan... hahahahaha! PEACE :)

EǝʞsuǝJ said...

hindi ko masyado ilalaglag ang sarili ko...

dahil dignidad ko ang nakasalalay dito..
nyahahaha
(gumaganun pa eh nho)....

kagaya nga ng sinabi mo sa post mo nung nakaraan...
(counterpart naman toh)

pag ang lalake eh meron ng alinman sa mga qualities na nabanggit mo dito..(kahit hindilahat), eh dapat maging kuntento ka na..
be thankful ika nga nila..
:D

Mokong™ said...

hahaha... natwa at sang ayon ako sa mga malilibog sila... tama yun... mas malala pa nga sila dahil alam mo na..di tulad nating mga lalaki..nakakapaglabas ng init ng katawan..hahaha! usapang libog na ito ah...

superjaid said...

wahaha natumbok mo lahat ng gusto ko sa lalake kuya..bongang bonga!hahaha Ü

anyways, no comment ako dun sa reaksyon ng mga kapwa blogger..bata pa ako..wala akong alam dyan,hahaha Ü

DRAKE said...

Kulang bat walang gentleman o pagiging maginoo. Gusto kasi ng mga babae na maramdamang babae sila.

Sa totoo yan ang sikreto para mahumaling sa iyo ang mga babae. Pero lahat ng sobra ay masama kaya lagyan mo rin ng "LIBOG", Maginoo pero medyo bastos.Totoo yang linyang yan

ACRYLIQUE said...

Haha. I got all the requirements.

Higit sa lahat mahaba ang aking...pasensya! :)

SEAQUEST said...

Agreed sa 4 sa mga sinabi mo dapat lang naman kasi talga di ba? But ang pinaka importante sa lahat wala dito na gustong gusto ko sa lalaki - Fear in God, kasi pag meron nito siguro namn takot din kayong gumawa ng kalokohan di ba?

The Scud said...

ayos yung magaling sa kama post mo. sadly rated PG kwentuhan ng mga single female friends ko. pero yung may asawa na, nakisasabay sa kwentuhan tungkol sa seks. :D

have a great week!

PABLONG PABLING said...

lab ur post. hahaha.

basta ako okey na sa akin ang "may boobs at magandang mukha"

Mac Callister said...

haha tama ka mga babae di sasabihin na nasasarapan sila pero sa loob loob naman alam mo na malibog LOL!

gillboard said...

mac: yan ang una kong nalaman nang lumabas ako ng all boys school!!! lolz

pablo: salamat... babae naman siguro yung tinutukoy mo na may boobs at magandang mukha? lolz!!!

gillboard said...

scud: have a great week din!!! ako madalas ko kausap yung may mga syota... actually nakikinig lang ako.. hehehe

seaquest: importante din yun.. pero paano kung di siya naniniwala sa Diyos? hmmm..

gillboard said...

acrylique: yun naman talaga ang pinakaimportante... ang mahaba... ang pasensya!!!

drake: yan ang tipo ng lalake ni DJ Alvaro... Maginoo pero medyo bastos.. lolz

gillboard said...

jaid: in time malalaman mo rin yan...

mokong: ganun ba yun... i take your word for it...

gillboard said...

jen: ano ba meron kay pogi ha? hmmmm...

marco: totoo yan marami akong ikinagulat na narinig mula sa kanila...

yoshke said...

haaay, true. dapat marunong mag-surprise.

ako naman, gusto ko knowledgeable talaga. eeheheh. yung kahit saan dalhin ang usapan may nasasabe. :)

jayvie said...

tama, mas marami pa ring babae na mas tinitignan yung personality. mas superficial yata ang mga guys talaga

Boris said...

personality does mean everything. nandun na lahat yun eh.

nagagawa ko namang maging spontaenous at may effort ako sa mga ginagawa ko. i guess kelangan lang sigurong tanggalin yung pride.

magaling sa kama? dapat lang.

sa pasensya? di naman masyado pero mahilig naman akong magshopping eh

SEAQUEST said...

Kung di cia naniniwala sa diyos pwes, hindi na ko interesado pa sa kanya noh, kasi di rin lang kami magkakasundo...hehehe

Pasyalera said...

Nice, andito na rin ang hinahanap ko. Thanks Gillboard! Hehehe!

Hindi Boring at Spontaneous: Agree! Ayoko sa lalaki yung napakawalang kwentang kausap. Merong iba, trying hard magpatawa tapos corny naman. Ayoko ng ganun. Hehe! Kapag ang lalake, napapatawa nako ng natural, may edge na saken yun. :P

May Effort: Check! Hindi nya kailangang mag-effort na bigyan ako ng kung anu anung materyal na bagay. Mas maaapreciate ko pa yung effort nya kung ipaparamdam nya sa akin through his actions.

Magaling Sa Kama: No questions asked. :P

Mahaba Ang Pasensya: At syempre dapat hindi lang yun ang mahaba sa kanya! :P

Jepoy said...

Wow napaka informative! parang Dra Homes ang dating :-P

dylan dimaubusan said...

Gusto ko lang i-ciorrect si Marco, hindi naman "bastusan" ang mga usapang ganun.. May mga panahon na kailangan talagang pag-usapan. Ang mali eh yung itsismis pa sa iba, kasi nga private life yun..

Siguro sa lahat ng sinabi mo ayon ako.. lalo na pagdating sa personalidad.. Yung kayang dalhin ang sarili, may self confidence. KAsi panu nya dadalhin ang kasama nya kung sya sarili nya mismo hindi...

Naaliw ako sa mga taong matindi ang sense of humor, pero nasa lugar.

Siguro idagdag mo na rin yung level of maturity.. Gusto ko kasi mas matured sa akin mag-isip.
;)

gillboard said...

dylan: i think kahit sino naman gusto matured na partner... mapalalake man yan o babae...wag lang masyado sa hitsura... hehe

jepoy: salamat po at medyo nainform ka... di naman to ala dra. holmes... ala dr. love lang.. hehe... di rin.

gillboard said...

pasyalera: para sayo talaga yang post na yan... tsaka wala rin kasi akong maisip na isulat kaya nirepost ko to...

seaquest: pwede naman diba na di naniniwala sa Diyos pero mabait? la lang... dami kasi ako kilalang ganun.

gillboard said...

boris: ladies.. ayan si boris meron mga katangian na hanap niyo... visit niyo siya... hehehe

jayvie: meron akong kaibigan, na ayaw daw niya ng bobo, ng superficial tsaka okay lang panget, pero model ang girlfriend..

yoshke: yup... masarap nga kausap yung mga ganun...

Jason said...

ayoko sumama sa shopping.

pero ang ang babae, kahit magulo kausap, at mahirap intindihin, masarap pa rin mahalin.