Mga Sumasampalataya

Feb 21, 2009

NAGBABAGANG MGA BALITA

Magandang araw, tanghali, hapon at gabi mga kababayan, nakatutok nanaman kayo sa isang nagbabagang edisyon ng GNN: Gillboard News Network. Pagkat si Gillboard ay di pa natutulog.

Sa ulo ng mga nagbabagang mga balita:

GILLBOARD PAPANSIN?
Hindi pa man tumutuntong ang buwan ng Pebrero hindi na tumigil tong batang(?) to sa kadadakdak tungkol sa kaarawan nito. Nakakairita na!!!

Hindi niya alam kung bakit nga ba ganun siya tuwing kaarawan niya. Sa kanyang pakikinayam sa sarili niya, nabanggit nito na hindi naman siya nag-eexpect ng regalo o pambati, dahil alam naman niya na may babati sa kanya. Pero gusto lang niyang dumarating ang araw ng kanyang kaarawan. Kahit wala namang espesyal na nagaganap sa araw na ito, natutuwa siya sa pagdating nito.

"Marahil kasi, ganitong araw ko lang nakakausap ang ilang kaibigan na bumabati sakin, na buong taon eh di ko nararamdaman," pahayag ng bata(?).

At bilang patunay, eto nanaman siya nagsusulat ng tungkol sa kanyang kaarawan.

GILLBOARD SUKO NA BILANG KUPIDO...
Marami-rami na rin ang mga binubugaw ni Gilberto, pero ni isa sa mga nirereto nito, wala pang nagtagumpay. Puros sablay.

Ang huling biktima, ang dalawang naging featured friends nito sa kanyang blog na sina Jaja at Francis. Todo effort ito sa ym sa kakakulit sa dalawa para lumabas kahit bilang magkaibigan. At kahapon, nakumbinsi ang isang binata na iadd sa ym yung dalaga.

Kaso nga lang, kahapon may napadala ng virus na di sinasadya si Francis kay Jaja... Heto yung parang ad na pag kinlick mo eh mahahack yung account mo... Hayun, mukhang malabo nanaman ata na matupad ang pangarap ng binatang maging kupido.

Ayon sa mga nakatatanda, kelangan siguro nitong ayusin ang sariling buhay pag-ibig bago makealam sa buhay pag-ibig ng iba.

AT SA KARUGTONG NA BALITA...
Bagong pasok lang na balita, si Gillboard, mukhang malabo nanaman ang buhay pag-ibig. Matapos ng pre-Valentine's date ng binata, ay mukhang naging matamlay ang pakikipag-usap at text nito sa itinatago sa pangalang "Date."

Nang tanungin ng binata kung bakit medyo nanamlay ata ang pakikipagkwentuhan sa kanyang 'kaibigan,' "busy daw siya sa trabaho ngayon eh. Hectic daw ang schedule ng dalaga nitong mga nakaraang mga araw."

"Hindi rin naman ako umaasa. Sa akin na rin nanggaling, na hanggang kaibigan lang naman muna kami." Ang plastik mga kababayan!!! Isang araw, pinapangako ng bata na ikukuwento niya ang naganap noong labas nila noong Pebrero 13, na sa tingin niya ay nakaapekto sa mga kaganapan ngayon.

AT SA ULAT PANAHON
Nagtataka si Gillboard kung bakit ambilis uminit ng panahon nitong mga nakaraang araw. Dapat ganitong mga araw eh medyo malamig pa ang panahon, pero sobrang taas at init ng sikat ng araw. Parang maaga darating ang tag-init.

"Ang sarap na sigurong magbeach?" wika ng batang tatlong beses na naliligo ngayong araw. "Sa mga ganitong panahon, kulang ang isang bentilador para sakin" dagdag niya.

**********

At nagdaan nanaman ang isang araw ng pagbabalita ukol sa buhay ni Gillboard. Alam niya namang wala kayong pakealam kaya titigil na ito. Hanggang sa susunod na edisyon (kung masusundan pa) ng GNN: Gillboard News Network.

Dahil inaantok na ang nagbabalita.

28 comments:

Kosa said...

ang Lupit parekoy..
astig ang pagkakagawa ahhh

teka, oo tama ka dun sa kupido-kupido..
sabi nga ng matandang kasabihan, hindi mo pwedeng ipamigay ang bagay na wala ka.. lols ganun lang yun!
ikaw nga sabi mong hanggang fren lang si Date tapos mayirereto ka na-----haysssss...

sige sige..aabangan ko nalang yung susunod na edisyon nito(kung meron pa) kung wala na eh di----mag-aabang pa rin ako..hehehe

kitakits

paperdoll said...

ibang klase ang epekto sayo ng antok. . mabisa pa sa purong droga yan ah. . haha tamang balita. . habang binabasa co to nagagaya co ung tono ni ted failon sa utak co. . lol

kelan nga ba ung exact date ng bday mo? ibigay mo rin ung adress mo baka padalhan kita ng pana. . hehe. .

anubeyen? sayang naman at tumamlay na naman ang namamayagpag mong buhay pag ibig. . di bale. . bata ka pa naman(sabi mo!). .

ahmm. . ano pa ba? tag-init na ba? hindi co maramdaman. . giniginaw pa rin aco sa mga panahong to. .hehe. . kailangan na magdiet diet. . summer na naman. . pakitaan na naman ng mga umbok sa katawan. . lol

pasensya na ngayon lang aco nag comment. . daan aco ng daan dito kaso english ung nasa baba. . nanakit ang ulo co pag sinisimulan co basahin. . un lang. . adioz!

yAnaH said...

baka ung pagiging kupido mo sa dalawang pusong estranghero eh hindi na ubra, ano kaya't hayaan mong sila mismo ang makatuklas sa isa't-isa? ahihihihi at sa usapang puso namna ni kupido... hmmmm hindi pa naman din huli ang lahat.. relaks lang.. let nature takes its course... pero kung medyo matagalan.. baka mangailangan din ng kaunting push mula sa panig ni kupido gillboard.. kaya stand by pa alng din..
sa ulat panahon naman.... wala ...wala akong masabi dahil papainit na rin dito. yun lang..
babushki..

Ron Centeno said...

Pre di ko alam meron ka palang part time job. Hirap maging kupido! Masakit sa ulo, pag ok yung situation, ok ka. Pero pag nagkagulo sa you lahat ang sisi.

gillboard said...

kosa: onga, narealize ko din yun. moral of the story ko nga ngayun yon. wag ipamigay sa iba yung wala ka... mula ngayon, manghihingi na lang muna ako... hahaha

paperdoll: sa martes na po ang aking kaarawan... buti ka pa, dala-dalawa ang pag-ibig!!! at buti ka pa di masyadong naiinitan!!!

gillboard said...

yanah: di naman ako nag-eexpect na maging magsyota yung dalawa, dahil sa pagkakaalam ko, di pa sila tuluyang nakakarecover sa kanilang mga natapos na mga relasyon... tama ba, Jaja (yung pasalubong ko, galing Germany, wag kalimutan!!!)

ron: wag naman sana nila akong sisihin, wala naman akong ibang ninanais kundi kaligayahan nilang dalawa... hehehe... ang plastik!!!

Unknown said...

awww. bakit mo nmn naisipang maging kupido?haha..

lupit ng GNN!
intay ko next edisyon! :]]

gillboard said...

wala lang... ewan ko..pati ako tinatanong ko rin yan ngayon eh...

sha lang ako said...

haha.. kulit. :)

ORACLE said...

wahahaha! galing! nakakatuwa naman ito! haaaaay..

ang masasabi ko lang parekoy:

ang buhay ay weather weather lang! lolz!

Anonymous said...

dahil hindi inaantok ang balita. hahaha!

you never run out of creative ways to write. =)

A-Z-3-L said...

aabangan ko ang ulat mo tungkol sa:

"SI GILLBOARD AT ANG KANYANG BAGONG PAGIBIG"

kelan ang bday mo?

EngrMoks said...

Parekoy lupet ahhh!
Natawa ko dun ah!

. said...

Master blogger ka na talaga. Hahaha.

The Scud said...

haha. ayos sa post ah. imaginative! daming babae pa dyan. antay ka lang. di pa magugunaw ang mundo.:-)

Anonymous said...

Ang tindi ng mga balitang yun! Pang headlines!

Naks. Hmm, oo tama,ayusin mo muna buhay mo bago iba..wahe, piz! Sinubukan ko ring maging cupido pero di ko rin bagay, sablay din lahat kaya para sa;kin din ang ayusin mo buhay mo bago pakialamanan ang iba, lolz

Ayus lang kung kaibigan muna kayo, ikaw naman, nawawalan ka ata agad ng pag-asa ye.. Kung yun muna ang gusto nya then why not, basta enjoy every moment with her kung masaya kang kasama sya di ba?..

Epal na naman ang comment ko..Sige, Gill abangan pa namin updates mo..

cheers!

MkSurf8 said...

man, kulit ng post na 'to. pero aliw!

naku wag mo na muna pansinin si Date. hanap ka muna ng Date 2.

gillboard said...

edsie: makulit ba? hehe, salamat sa pagdaan.

oracle: wika nga ni Kuya Kim. Ok lang naman sakin yung minsan eh mabasa ng ulan. Wag lang madalas.

gillboard said...

azel: bukas na po... hehehe. kaya lang wala pa pera, la pa sweldo eh..

mokong: seryoso tong post na to? bakit ka natawa? hehehe

gillboard said...

joms: di naman... la nga kadesign-design tong blog na to eh... experimental writer lang... lolz

scud: di naman ako nagmamadali.. wish ko naman this year, more dates, so okay lang.

gillboard said...

dylan: honga, nagfifeeling agad ako eh, sabi ko naman friends muna... masyado lang siguro akong assumptive... hahaha

mksurf8: Magandang payo yan... subukan kong sundin.. hehehe

PaJAY said...

ayos sa mga banat ang Mr. kupido a...lolz..

susunod na ba sa balita ang isports?..baka dun ayos na buhay pagibig mo....hehehe

ayos dude...

gillboard said...

honga eh.. feeling ko pag nagbalitang sports ako, lalo mabubuhay ang lablayp ko... hahaha

Grace said...

Ok na ring magbalita na palapit na ang kaarawan mo... :)
Miss ko na rin ang beach eh.

Anonymous said...

BEERDAY MO NA BUKAS! PAINOM KA NA! ACO BAHALA SA KWENTO! HAHAHAHA. .

HAPPY BIRTHDAY GILLBOARD! WIWIT!

Eben said...

ibang klase ka talaga gillboard. wish ko lang ganyan din ang epekto ng puyat sa akin.

happy birthday!

Kosa said...

lols... napadalaw..
parekoy, pakiboto naman ang Trip ni Kosa sa Poll na nadito: http://damuhan.blogspot.com

lols..salamat

ENS said...

ei... HAPPY BIRTHDAY...
belated o advance...
either...
sana ay magkaroon ka pa ng marami...