Tatlong-daan na pala ang naipost ko sa loob ng lampas tatlong taon kong pananatili dito sa blogosperyo. Siguro, tama lang na dito ko gawin ang pagpapasalamat at pagpopromote na rin sa lahat ng mga nakilala ko dito sa tambayan ko.
Sa totoo lang, isa pa lang blogger ang talagang nakikilala ko sa personal, pero sabi ko nga, ngayong taon, pipilitin kong makakilala pa ng mas maraming kaibigan. Tutuparin ko yan, by hook or by crook.
Sa loob ng tatlong taon, marami na akong nabasang mga blog, merong malalaim mag-isip, merong sobrang nakakatawa, may baluktot at nakakaasar ang mga pananaw sa buhay, meron din namang nakakahulog ang kasweetan. Enjoy akong basahin lahat yun kasi marami akong natututunan, at higit sa lahat masayang pampalipas oras.
Siguro, uunahin ko na yung una kong nakilala sa blog, although hindi ko pa namimeet ng personal, si Kuya Aajao. Sa kanya ko natutunan yung ipinamamahagi ko sa ibang mga baguhan dito sa blog na "we write to express and not to impress." Almost three years ago na yan. Halos masubaybayan ko ang buhay niyan mula ng magpakasal, at ngayong malapit ng maging daddy. Kuya Jon, marami akong natutunan sa pagbabasa ng blog mo. Good luck senyo ni wifey!!!
Si Paper Tilapia, na una kong nakilala sa personal. Salamat sa pasalubong mo peanut kisses galing Cebu!!! Dahil sa'yo napatunayan kong totoong mga tao ang nasa likod ng mga blog. Lam ko busy ka masyado kaya di ka na madalas magsulat, pero ok lang, halos araw-araw naman kita nakikita dito sa opisina, kaya di rin ako nahuhuli sa balita tungkol sa'yo. Sa'yo ko nalalaman kung may sweldo na... Salamat din dun!!!
Si Joms... Ang husay nitong magsulat. Kahit di ako masyadong nakakarelate sa mga nilalathala niya, eh hanga pa rin ako, kasi nakakadala. Salamat, at kahit dito lang tayo sa blog magkakilala, eh tinuturing mo akong isang kaibigan.
Utakmunggo!!! Alam mo, pag binabasa ko ang mga blog mo, nabubuo ang araw ko... You never failed to make me laugh. Ang galing. Sabi nga ni Sarah Geronimo, 'siguro ang galing mo sa puzzles, kasi nabubuo mo ang araw ko' pag nakikita kong may bago kang update sa blog mo... hehehe.
Lavinia... ang tagal mo nang di bumibisita. Hanggang plurk na lang tayo nagkikita. Pero gayunpaman natutuwa akong nakilala kita. Ang kulit mo kasi, para lang meron akong nakababatang kapatid. Belated Happy Birthday!!!
Efbee... isa ito sa aking mga plurkbuddies. Nagkatrabaho ka lang, di ka na masyadong nagpaparamdam. Layasan mo na yang opisina niyo!!! Joke... Salamat parekoy at isa ka dun sa concerned nung dinala sa ospital yung tatay ko. Di ko malilimot yun.
Chyng!!! Buildingmate!!! One of these days... magkikita rin tayo!!! Isang floor lang ang pagitan natin, pero di talaga tayo magkita-kita... Siguro hindi pa napapanahon... Pero darating din yan.
Pareng Kosa... salamat sa patuloy na pagtatangkilik... ano ba ginawa mo sa blog mo at di ko na siya mabuksan dito sa opisina? Sa bahay ko na lang siya nabubuksan. Pero kahit ganun, napapabilib mo ako sa mga post mo. Madami akong narerealize dahil sa mga sinusulat mo.
Kay RonTuron... salamat sa pagkilala. Di man ako nanalo, okay lang. The fact na may pumansin dito is enough na para sakin na karangalan. Sa March na lang!!! (biro lang...)
Patty Laurel.. Thank you, dahil sa'yo maraming napapadpad sa blog ko galing google. Parang walang mintis, merong tatlo kada linggo. Salamat sa pag-add sakin sa ym kahit di mo ako kilala, siguro nalito ka lang before... pero okay lang.
Sa mga bago kong mga nakilala at nakakakulitan sa plurk, facebook or ym. Salamat din at kahit papaano eh binuksan niyo ang mga private na buhay niyo para mabasa ko. Doc Ced, Gas Dude, Dong-Ho, Meryl, Yoshke, Kuya Kuri, Skron, Teresa, Mikko, Pusang-gala, Dylan, Eben, Dhianz (salamat sa mga comment na kasing-haba ng mga posts ko... I appreciate it!!!), Miong at Dave.
Sa mga bagong kakilala... paano man kayo napadpad dito, eh salamat at naisipan ninyong bumalik-balik kahit minsan walang kwenta mga pinagsususulat ko dito... Mrksurf8, Gravity, Manikang Papel, Scud, Andy Briones, Ron Centeno (salamat sa award/tag one day I'll do it...) Orakulo, PaJay (astig yung caricature mo ng lahat ng bloggers, sana mangyari yun, kahit kalahati man lang ng andun sa drawing mo), Yanah (lapit ka nang umuwi!!!), Mys Lyk Meeh, at Makmak. At syempre sa lahat ng mga nasa blogroll ko.
Salamat din pala sa ibang nakipag ex-link, yung iba sa inyo andito pa rin yung link kahit hanggang ngayon wala pa rin ako sa mga links niyo. Di ako bitter, kasi minsan ginagawa ko rin ito.. hehehe. Pasensya na dun sa di ko nililink... may dahilan yun, pero saka ko na isusulat.
Hindi pa naman ako mawawala sa blogosperyo, sa dami ba naman ng nakikilala ko araw-araw sa tingin ko, lalo pa akong matatagalan sa pagsusulat at pagbabasa ng mga ipopost ng mga tao dito. Hindi nakakasawa. Siguro hindi ako magtatagal ng 3 taon at 300 posts kung wala akong nakikitang bago.
Ang mga tao sa blogosperyo ang mga taong kakulitan ko... at sana'y maging habang buhay na mga kaibigan!!!
32 comments:
maaring kakaiba itong mundong ginagalawan natin dito sa bloggywood(from prof pajay), kakaibang set up.. kakaibang simula..basta kakaiba... PERO..isa rin itong kakaibnag way to have friends.. mga kaibigang makakasama mo.. dadamay sayo hanggang sa dulo..
salamat sa special mention...
kita tayo pagdating ko.. :D
awww... touch lahat ng laman loob ko dun ahhhh...
ganun ba? ambabaw ko nga daw minsan eh.. isang taong walang alam gawin kundi magpaka-engot...
salamat sa pagbibigay ng Puwang sa akin dito sa iyung blog..
sana magkitakita din tayooo
hindi lang dito sa kuta ng kukanikaninongkuta kundi sa personal din..
kitakits pa rin pareko!
diko din alam kung anung nangyayari sa blog ko.. ganunpaman, salamat at nagagawa mo pa rin dumalaw dalaw..
yanah: walang problema!!! lam mo kung san ako mahahanap... sa ym!!! hehehe
kosa: basta ba patuloy ka nagsusulat ng mga bago... talagang dadalaw ako!!! hehehe
Since isang pasasalamat entry ito, sasabihin ko sayo kung paano ko nahanap ang blog mo.
Naghahanap ako ng mga interesadong blog sa pinoyexchange minsan. Nagkataon naman na pinost mo yung link mo roon. Sa hindi ko mapaliwanag na dahilan, naaliw ako. Yung mga entry mo kasi light, tapos magkapareho pa tayo ng generation, tapos makwento ka sa nakaraan mo. Hayun, simula noon, araw araw na kita sinusundan.
Keep on writing. Maniwala ka man o sa hindi, nakikita ko sa iyo si Bob Ong. :D
Joms: Uy... di matanggal tong ngiti sa mukha ko... hehehe... SALAMAT NG MARAMI!!!
salamat gillboard sa libreng plugging ha. lol
kidding aside, malaki rin ang pasasalamat ko sa'yo kasi sunod kay Reign, isa ka sa masugid na tagasubaybay ng mga walang kawenta-wentang pinagsusulat ko.
hayaan mo, minsan 'makakapagkwento' din ako, detalyado pa. ;)
Ang tagal mo na palang blogger...
With 300 posts?! San ka pa?...
Way to go Gill!
Sana di ka rin magsawa and all of us here..
Thanks for sharing your thoughts, stories and wits too. A pleasure to meet you here..
cheers!
Mabuhay Ka!
300 posts! Wow! dami ko pang babalikan. Im sure worth it naman!
Maraming salamat!
eben: hihintayin ko yan...
dylan: naku, konti pa yan.. meron akong mga kilala, kagaya ni Mugen, na isang taong post lang yan.
oracle: kahit wag mo nang balikan yung dati.. la yun kwenta.. rinerepost ko naman yung mga medyo may sense... hehehe
ayan may bago na akong word today... "Bloggywood"...
anyways, dinaig mo si Papa Obama sa speech na un ah.
mabuhay ka! sulat lng ng sulat hangga't may maikukwento.
(wish ko lang.. hindi ka aamin na ALIEN ka din gaya ni SuperG at Oracle)
uy na mention ako! salamat bro. made my day! ;-)
di ko na rin maalala pano ako nag-landing sa blog mo. ang naalala ko lang refreshing ang mga posts mo kasi iba sa mga puro kabadingan na una kong nababasang mga blogs. hehe. kaya naging impluwensya ka rin na pwede ko rin pala isulat yung natira ko pang straight side.
Congrats! ;-) & thanks for reading me too.
hi gill!
I am from The Rainbow Bloggers Philippines and we are inviting you to
visit our website http://www.rainbowbloggers.com
This is a collective effort of several Filipino bloggers located both
here in the Philippines and abroad. We feature articles such as news,
events, and literary genres.
Please patronize our very own LGBT Filipino Blog. Comment on the post
and feel free to express your thoughts and opinions.
If you want to contribute articles, just email us with your Name, Blog URL, Blog Title, and Blog Email to rainbowbloggersphils@ymail.com
You can also add our friendster account:
rainbowbloggersphils@ymail.com
Make it a habit to visit www.rainbowbloggers.com
Thank you and have a nice day!
Yours Truly,
RBP Marketing and Membership Team
May nakita akong MERYL! Hahaha. Salamat din sa iyo. *hugs*
oye...hindi naman may kuenta naman tong blog mo!
Geez...ur so thoughtful! Thanks din--nakakaentertain ka kasing magsulat---talagang galing sa puso! U know!
but op kors! idol yata kita hehe. i'm a fan!
salamat din sayo! =)
Uy, salamat at nabanggit mo pangalan ko sa blog mo. Na-touch ako at naalala mo ako maski baguhan lang ako dito.
More power and keep on writing! :-)
azel: di ako alien.. sa pogi kong 'to?! hehehe
mksurf8: ako naman kasi, kahit ano kaya kong basahin, basta hindi boring at preachy...
kung anuman yung nagdala sayo dito, salamat sa kanya... hehehe
yffar: uhhh... ok... thanks.
meryl: walang anuman... kaplurk at kafacebook kita eh!! hehehe...
lyk meeh: salamat po ng marami... nakakataba ng puso yung palaging pagbalik at pagkumento mo.. hehe
gravity: naku, di ko alam kung deserving ba ako nun, pero ganunpaman, salamat pa rin!!!
andy: no problem... pareho kasi tayong mahilig sa mga pelikula, medyo iba nga lang ang pananaw, pero kanya-kanya naman talagang taste yan. hehehe
abah special mansyon palah akoh d2... touched naman akoh... natawa akoh don ahh.. kasinghaba nang post moh.. lolz.. yeah i guess sometimes... napapadaldal minsan eh.. yeah naalala koh nga yan sinabi moh saken nung bago pa akoh sa blogsphere... "write to express and not to impress"... then that reminds me of wat kuya ronz told me "itz not about the lenght itz about the content"...which reminds me kc akoh usually feeling koh puro lenght pero 'la content.. lolz.. daz all for now.. ur welcome.. Godbless! -di
uy, tats naman ako, first to be mentioned pa *sniff* salamat at kahit paano, binibigyan mo ng oras mo ang mga kwento ko mula nung 03.03.03. tapos na ang 08.08.08. minsan, naisip ko na hindi na paabutin ang blog ko ng 09.09.09. gusto ko na ring magfocus sa tunay kong buhay (labas ng cyberworld) kase marami talaga ang nakakaing oras ng pagi-internet ko. kaya marahil sinimulan ko na ring sibakin ang aking friendster at facebook accounts. iniisip ko kung alin ang susunod... plurk siguro. pero di muna. pag-iisipan ko pa ulit. itong blog ko...? hmm.. ewan ko lang. nakakapanghinayang din kase kung ititigil ko ito. antagal na eh.
at tama ka, hanggang ngayon ang motto natin: "we write to express, not to impress." ...actually, motto yan ng mga hindi sikat sa blogosphere. tayo yun. haha!
Yey, special mention din ako ng isa sa pinakamabilis magcomment na blogger! Ineedit ko palang may 1 comment agad. hehe
Minsan nga balak ko na sabihin itinerery ko sayo kasi baka nandun ka din sa place na yun! haha
@kosa,
agree. di ko mabuksan site mo lately!
dhianz: ang importante kasi ay yung nababalitaan naming mga mambabasa mo yung buhay mo... di man aminin, kahit papaano, eh naaattach tayo sa mga nagsusulat nito dahil feeling natin kilala na natin sila, kahit di pa.
kuya jon: sayang naman kung tanggalin mo yung blog mo... sana magbago pa isip mo.. dun mo lang pwede ikwento yung mga firsts ni baby girl Magat...
chyng: honga... dapat bigyan mo ko ng schedule mo para aksidenteng magkabangga tayo sa opisina... lolz
happy 300th post!!!!!
salamat!!!
wow, special mention! :D
salamat din parekoy sa patuloy na pagbisita sa akin. nawa'y tumagal pa ang blog mo hanggang 300,000 post!
congratz po s mahigit 300 posts..sana ako dn mkadmi dn..gudlak po s mga susunod p..
salamat din! hihihi
happy 300th! cheeaazz! hehe
sensya na hindi nakakapag reply. medyo busy lalo na ngayon next month taong gabi na. huhu.
kuri: andami naman... kaya ko kaya yun? lapit na dumating lilo...
ck leick: darating ka rin dyan...
ced: walang anuman!!!
jinjiruks: wag masyado malungkot... ako matagal nang panggabi... hehehe
pinapatawad na kita kahit di mo nabanggit na naseseksihan at nagagandahan ka saken. ahaha
naku na-tats naman ako sa special mention, gillyweed. salamat na marami! *bearhug*
Post a Comment