Mga Sumasampalataya

Feb 1, 2009

THE CURIOUS CASE OF THE SECOND DATE

Dahil magaling na ang tatay ko, naisip kong mag-inuman kami buong araw!!! Joke. But since wala na akong alalahanin ngayong araw na ito, naisip kong ituloy ang date kong naputol kahapon. Buti na lang wala ring ginagawa ngayon si date kaya lumabas kami.

Dahil impromptu nga itong date na ito, kaya nanuod na lang kami ng sine. The Curious Case of Benjamin Button. Gusto ko sana sabihin na nagustuhan ko yung pelikula, pero tinulugan ko ang siguro halos kalahati ng pelikula. So obviously slightly medyo di maganda ang umpisa nitong date na ito.

Di ko masasabing disaster itong labas na ito dahil hindi naman talaga. Mukha namang nag-enjoy si date sa pinanuod niya. Marami naman kaming napag-usapan. Tsaka ang pinakaimportante eh hindi siya nagshopping, at di ako napagod.

Kaya ngayon, habang fresh pa sa utak ko ang mga pinag-usapan naming dalawa, isusulat ko na.

Gillboard: Sorry ha, di ko alam bakit ako nakatulog kanina.
Date: Yeah, ang sarap nga ng tulog mo eh. kulang na lang magsnore ka.
Gillboard: Di naman ako humilik?
Date: Hindi naman, haha... di na kita masyado pinansin kanina, ang ganda ng story... sayang namiss mo.
Gillboard: Di ako mahilig talaga sa mga movies ni Brad Pitt.
Date: Hindi obvious. Hindi ka mahilig manuod ng sine noh?
Gillboard: Di naman. Mahilig naman... siguro di lang sa mga ganyang klase ng movies.
Date: Aaaah... how's your dad?
Gillboard: Okay na naman siya. Umuwi din siya kagabi. Kelangan lang daw rest, tsaka di na muna siya pinag-eexercise. Ikaw, kumusta naman yung work mo? Pumapayat ka...
Date: Hmmm... next question. Hahaha. Don't make me say bad words.
Gillboard: Toxic, huh? Okay...

Awkward silence siguro ng mga 2 minutes. Tinatapos yung kinakain. Pangiti-ngiti pag nagkakakitaan sa mata. Pero walang mga salitang lumalabas. Lilingon sa kaliwa. Sa kanan. Titingnan yung ibang mga kumakain sa loob ng restaurant (hindi Jollibee o McDonald's, okay?).

Date: Hmmm...
Gillboard: Huh?
Date: Huh, nothing. Didn't say anything. (sabay ngiti)
Gillboard: Okay.
Date: Di ka talaga madaldal noh?
Gillboard: Di ko lang siguro alam sasabihin sa mga ganito. Di sanay makipag-date.
Date: (funny face)
Gillboard: Or... di ko alam ang sasabihin ko, whenever I'm with you.
Date: Is that a pick-up line, Gil?
Gillboard: No-no-no. No-no-no.
Date: Gil, okay lang naman. I'm your friend, right. You can tell me anything.
Gillboard: Haha... Ang awkward... Di ko alam...
Date: Bakit naman awkward? Come on, we're two friends eating out. Isipin mo na lang kabarkada mo ako. What do you usually talk about?
Gillboard: Huh. Stuff.
Date: Yeah? We can talk about stuff (sabay ngiti)...

Marami kaming napag-usapan. Trabaho ko. Trabaho niya. Family niya. Friends niya. Friends ko. Blog ko (na ililihim ko muna ang url, unless magoogle niya).

And then we had to end the date. Kiniss niya ako sa cheek. Hindi yung besong magkaibigan. Yung pinatong yung labi sa cheek. Ganun din ako. Tapos hinatid ko siya sa sakayan ng taxi.

So this is how a date goes? A real one. Too bad it's just as friends. Or is it? Ang gulo no? Let's see where this goes.

31 comments:

Skron said...

You guys didn't talk about comics or games? Dude, you need to get rid of that chick, right away.

Although, you can apply the pygmalion effect on her and turn her into your "My Geeky Lady" or something.

Andy Briones said...

You fell asleep while watching Benjamin Button? Perfectly understandable, I mean I can't even force myself to watch that thing. I'm not exactly a big fan of Brad Pitt either, ehehe.

Mugen said...

Gillboard: Okay na naman siya. Umuwi din siya kagabi. Kelangan lang daw rest, tsaka di na muna siya pinag-eexercise. Ikaw, kumusta naman yung work mo? Pumapayat ka.

100 pogi points to ah!

Alam mo gusto ka niya. Interesado siya sa iyo eh. :) Make a move Gil.

Dhianz said...

awww... ang sweet naman nang date nilah... hmmm... friend nga lang bah.... walah lang... cuz if ur single and she's single... and u guyz luv to hang out w/ each other... eh di may chance na maging kayoh... at nakakatuwa naman si date moh... inintindi nyah na natulugan moh syah... pero kahit mejo may mga quiet moments kayo eh sya ang humirit at pina-feel sau nah parah nde kah ma-feel awkward eh juz treat her like a friend... at abah... may kiss pa sa cheek... pero ba't cheek lang?.. lolz... eniweiz... ang sayah... ingatz lagi kuya gillboard... GODBLESS! -di

~yAnaH~ said...

ahihhihi... wala na si date.
so, tell us...

was that a pick up line? ahihih
kyuryus cat here.. ahihihihi

it went well naman pala.. am sure masusundan pa yan..

hmmm, i wonder kung sang resto mo sya dinala.. hahaha

sorry..

echosera signing out... hahaha

ZsaZsa said...

anyway, i was reading this at bloglines and in the middle of the text, i channeled the inner coniotic in me and i said to myself, "OMG! it's so nakakakilig naman! this Gilbert he's mahiyain pala."

nakakatuwa ang date mo, it's like something out of a teeny-bopper movie. yung mga kwentong first date ng dalawang hs student tapos ang tahimik, pero pag-uwi super kilig naman at hindi makatulog. whahaha. ayiiiiii!

i don't want to watch TCCBB either, trailer pa lang it looks like it's already going to go on forever. i keep telling people that he's going to die as a dried up sperm. wahahha. an 80yo sperm... yeck.

gillboard said...

skron: she has a psp... di nga lang siya hardcore gamer. tsaka di rin naman ako naglalaro ngayon... hehehe

andy: only film i liked with Pitt in it is Fight Club. Have yet to see Seven again.

gillboard said...

mugen: ganun ba yun? hahaha... no moves from me.. friends muna... ilang weeks ko pa lang siya kilala. at pareho naming ayaw pa pumasok sa relationship.

dhianz: take it slow muna... mas masaya kung friends muna saka na yung like like.

gillboard said...

yanah: sa sbarro. para pareho kaming busog!!! kung may susunod pa? hmmm... siguro. sana. hehe

lavinia: di ko nga alam kung pano namatay si Benjamin... hehehe... ayaw niya ikwento, panuorin ko daw ulit. parang high school lang ba? hahaha... siguro kasi ngayon lang ako ulit nakipag date date after a VERY long time, kaya di pa sanay...

What a loser!!! lolz

MkSurf8 said...

naalala ko bigla yung ex-GF ko. blind date yun nag-umpisa. awkward moments pero may halong kilig

haay noon yun nung di ko pa naaninag ang makulay na bahaghari.. LOL ;-)

pero good luck bro!

gillboard said...

erm... thank you? hehehe...

kosa said...

wow..hanglufeet..lols
date na ba yun? sine.. kainkain.. kwentuhan? dapat naglakad lakad din kayo habang nagkukwentuhan...

taena.. suggestion lang.
peace

gillboard said...

yaan mo, pag may next time... gagawin ko yang suggestion mo... harhar

paperdoll said...

susyal! kala co ba jollibee lang? hahaha. . tameme ka pala eh. . pero nakakaimpress naman kasi gentleman ka. . akalain mong tulugan mo sa sinehan? haha. . sige gil. . aabangan co ang susunod na kabanata ng inyong friendship o whatsoever na story. . hahaha

gillboard said...

sure... balitaan ko kayo, kung meron mang kasunod... kung masusundan pa... hehehe

tsaka sa pagtulog sa sinehan, di ko gawain yun talaga... nagkataon lang siguro.

Dylan Dimaubusan said...

HUWAW!

Nikikilig ako sa mga ganitong scene, lalo na pag mahiyain yung guy! ehehe.

Di mo napigilang makatulog noh.. Ayus lang yan... Pag palagi mo siguro syang kasama di ka masyadong maiilang na.

You must've really really like her.

GO GILL!
cheers!

gillboard said...

malabo yung palagi kaming magkasama... regular ang mundo nun.. ako baligtad.. ok lang yung may naiilang factor.. method ko yun ng pagpapakyut!!! lolz!!!

-ang sagwa hehe

gravity said...

waaaah! nice and cute.=)
friendship is really a good starting point. =)

Yffar (^^,) said...

hi kapatid...

paadd naman po sa blog roll

www.rainbowbloggers.com


http://rainbowhalohalo.blogspot.com


salamat ng marami

pafollow na rin ng blog... na follow ko na iyo...


hehehhe

Dylan Dimaubusan said...

Ah. I see. Pa-cute style. Hokey lang yan. Basta natutuwa ko sa date nyo, kaya aabangan ko yung second date?.....

(Fingers crossed)
wahehehehe

azel said...

next time... sa mala-island naman kayo magdate... para mas romantic... abangan ko un ha?

the donG said...

i think this normally happens lalo na sa mga bago pa sa relasyon.

good luck gill!

The Scud said...

go with the flow ka na lang. huwag magmadali. take it slowly. build the friendship muna.

PUSANG-gala said...

next time---don't---or say---never mess up with your date---keke---gawin bang motel ang sinehan----


then again---k lang yan. kahit friends lang---tandaan mo---all great relationships start with friendship~~~~

gillboard said...

gravity: true... true... thanks

yffar: ok

dylan: technically 3rd date yung susunod... kung may susunod pa. hehehe

gillboard said...

azel: di ko pa ata kaya lumabas out of town... tipid mode ako ngayon. pero pag-iisipan ko yan. thanks

the dong: i dont think 'relasyon' is a term we should be using right away... lolz

scud: yep... that's what i have in mind.

pusang-gala: la tayo magagawa, nabore ako sa pelikula... yaan mo di nako papayag manuod ng drama pag lalabas kami... lolz

yoshke said...

There's no such thing as a "friendly" date!!!!

Kaya matuwa ka. K? Haha.

"hindi Jollibee o McDonald's, okay?"

Natawa ako dito, defensive!!!! Haha. Joke lang.

gillboard said...

hindi naman ako malungkot, tsaka di ako defensive.. di noh... la naman ako sinabi ah... nagpapaliwanag lang ako noh... masama ba yun...

lolz

MysLykeMeeh said...

Hmnn---The Case Of Speechless Gillboard Date!

---Next Attraction----

Abangan ko

aajao said...

ang detalye ng kwento.... para akong nagbalik sa college :D
(yeah... college, hindi highschool kase late bloomer ako) hahaha!

Rchrd said...

Make a move man! Heheh! Good sign na hindi ka niya iniwan sa loob ng sinehan nung tulog ka. It happened to me once. Ang kaibahan nga lang, nakitulog ang date ko sa balikat ko -- saya, diba?