Mga Sumasampalataya

Feb 9, 2009

BIG FAT LIAR

Sa puntong ito ng buhay ko, hindi na ako masyadong nagsisinungaling. At least hindi na yung malalaking mga kwentong wala namang katotohanan. Kung di man ako magsabi ng totoo, eto yung mga tinatawag nating little white lies. Yung tipong makakatulong para mapagaan yung loob ng isang tao, kagaya ng "parang bumabata ka ngayon ah" o kaya "bagay sa'yo yang gupit mo ngayon."

Hindi sa sinasabi kong sinungaling ako dati, dahil wala namang katotohanan yun. Siguro sabihin na nating medyo malawak lang talaga ang imahinasyon ko noong bata pa ako. Noon kasi, gumagawa ako ng mga kwento na at pinagkakalat ko sa mga kapitbahay, kaibigan at kaklase na para bang totoo ito.

Di ko alam kung bakit ko ginagawa yun noon... Siguro nagpapapansin lang ako, kasi wala naman talagang espesyal na nangyayari sakin noong bata ako, di katulad ng mga kaklase ko. Syempre kasi diba, minsan pag nagkukwentuhan kayo, lalo na pag puros kayo lalake, ayaw mo na magpapatalo ka. Ganun ako noon. Ngayon kasi, alam ko kapag di nagsasabi ng totoo ang isang tao, tsaka obvious kapag ako eh nagsisinungaling kaya di ko na to masyadong gawain.

Bakit ko ba ito kailangang gawin, bakit di ko na lang sarilinin? Blog ko to!!! Isusulat ko ang anumang gusto kong isulat. Walang pakialaman... Di ko kayo pinakikialaman kung anuman ang sinusulat ninyo. Hehehe... Pero seryoso, siguro gusto ko ng clean slate. Gaya nga ng sinasabi ni Papa Jack sa kanyang 'wild confessions' na programa sa radyo (yak jologs talaga!!!), kinukwento ko ito kasi wala na akong balak gawin ito ngayon.
  • Noong pre-school ako, napaniwala ko ang buong klase namin na bunso ako sa tatlong magkakapatid. Tuwing matatapos ang weekend, lagi nilang kinukumusta ang kuya at ate ko, na non-existent. Lagi kasi ako noong maraming kwento tungkol sa kanila, kung gaano sila kacool. Nagtapos kaming lahat ng preschool na hindi nalaman ang totoo. Except dun sa mga nakasama ko sa grade school na kaklase ko noon.
  • Para lang maging cool nung high school, pinagkalat ko noon na nasa front row ako nang nagconcert si Alanis Morrisette dito sa Pilipinas. Sa totoo lang, wala nga akong album niya. Ewan ko, naasar lang siguro ako kasi nakakainis yung kaklase ko na ang yabang-yabang, kaya ayun nagpapansin ako.
  • Noong grade school ako, meron akong imaginary na barkada. Di na kaibigang dwende. Pero mga kaibigang rich kids na sinasamahan ko tuwing weekend pag tinatamad akong sumama sa labas ng mga kaklase ko. Masyado na kasing sadsad para sakin yung di pinayagan na excuse, kaya ginawan ko ng kwento. Hanggang bawat imaginary friend ko eh nagkaroon na ng sarili niyang personality. Sa kwento lang naman. Ni minsan, eh hindi ako nakipag-usap sa mga imaginary people.
  • Eto, nakakahiya... di ko na lang papangalanan kasi sobrang jologs talaga. Noong high school ako, kwento ko sa mga kaklase namin na may pinsan akong artista. Meron talaga akong mga pinsan na mga modelo noon, pero yung ikinakalat kong pinsan ko... eh isa talagang showbiz personality. Yung katulong namin dati eh fan na fan niya, kaya lahat ng magasing nandun siya eh nabasa ko. Tapos yung factoids dun yung kinukwento kong pagkakakilala ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko yun, lalo akong namumuhi ako sa sarili ko... Napakajologs ko noong high school ako!!!

Ang pathetic!!! Sa totoo lang. Aminado ako. Napakajologs ko noon. Siguro nga, gusto ko noong magpapansin. O kaya'y magpa-impress sa mga kakilala, mga kaibigan. Maling-mali talaga iyong mga pinaggagawa ko noon.

Ang hirap kayang magsinungaling. Kasi minsan, para mapatunayang totoo yung sinasabi ko, kelangan kong magsabi o gumawa pa ng ibang bagay na wala talagang katotohanan, kasi nakakahiyang mabuko ka na di nagsasabi ng totoo. Lalo na dun sa huli.

Syempre nagbago na ako ngayon. Naisip ko kasi na hindi mo kelangang gumawa ng isang malaking kwento tungkol sa sarili mo para magustuhan ka ng isang tao. Isa akong mabait at matinong tao, at kung di yun nakikita ng iba, bahala sila, di ko naman kawalan yun. At saka, yung mga taong tumatanggap sa'yo despite sa mga kahinaan mo, yun yung mga taong dapat sinasamahan mo. Kasi wala namang sense yung magsinungaling ka, tapos di ka rin sasamahan pag nalaman nila na wala sa iyo yung hinahanap nila.

Para sa akin, mas mabuti pang ipakita mo yung totoong ikaw, at hayaan mong tanggapin ka nila. Kasi yun yung mga tipo ng taong hindi ka iiwan sa huli, kahit ano pa man ang mangyari.

30 comments:

paperdoll said...

wow. . . gusto co ung first sentence sa last paragraph, . . lol. . wak ka mag alala, hindi ka nag iisa. . hahaha. . mga kaklase co nga date naghihimatayhimatayan pa tapos kunwari sinasaniban eh. . . lol. .

naging ganyan din aco minsan. . pero gaya nga ng sinabi mo di co na kailangan gumawa ng malaking kwento para mapansin. . kapansinpansin na aco masyado sa mga panahong to, , , hahaha

siguro si jolina ang sinasabi mong pinsan nung high school. . . hahaha

gillboard said...

siguro si jolina ang sinasabi mong pinsan nung high school. . . hahaha

- HINDI RIN!!! Sikreto ko na lang yun... nakakahiya talaga!!!

paperdoll said...

nahiya ka pa! nung hs pa naman un. . hindi ka naman babatikusin. . curious lang aco. . kung hindi si jolina. . hmmmm. . baka si juday. . lol. . hindi naman siguro si gay at V. .hehe

gillboard said...

hahaha... magkamatayan na, di ako magsasalita!!!

. said...

Siguro naging kaklase kita nung elementary. Lol. Huwag ka mag-alala, maraming istirero noon. Mismong bestprend ko nga, sabi niya, napanood daw niya yung Ultraman sa channel 5 ng alas-dos ng madaling araw.

Ako naman si tanga, the following weekend, nakatunganga ako sa channel 5, inaabangan yung ultraman ng madaling araw.

Chyng said...

Haha, inferness impressive ha. Ang galing mo gumawa ng imaginary things/people!

Ok lang yan, at least cool ka nun bata! Pasikat! (--,)

btw, nasa Harbor Sq ulit kame kagabe. Andun kba?

Anonymous said...

teka lang gillboard... sigurado ka bang totoo ang mga kwentong kasinungalingan mo? hahahaha...
baka kase... alam mo na... nagsisinungaling ka na naman...
peaceeeeee....

Kosa said...

cool.. halos lahat nman yata ng KSP na bata eh ganun ang ginagawa eh..

hehe.. hndi ko sinasabing KSP ka nga pero feeling ko lang..hehehe peace
parang ganun din pala ang ibig sabihin nun..hehehe

sabi nga ng anino ni kosa, kahit magsinungaling ka kung kaya mong panindigan at pangatawanan.. yung tipong kahit gilitan ka ng leeg eh, pangangatawanan mo pa rin eh! ayus at ok lang..hehehe

yun ang pananaw ko..
yun lang pareko..
wala na.. yun lang talaga ehhhehehehe

Visual Velocity said...

Ibang level yung mga kuwento mo nung high school ka pa, ehehe. Favorite ko yung kay Alanis Morissette. Wala akong masabi, ehehe. Naalala ko nga yun; pinagkaguluhan nga si Alanis nung pumunta siya dito sa Pinas.

Ako rin, jologs rin ako nung high school. Ang problema, hindi ko ata na-outgrow ang pagka-jologs ko. Jologs pa rin ako ngayon. lulz

Eben said...

mabuti at nalusutan mo yung mga yan. hehehe.

Anonymous said...

hahaha! preschool ka pa lang may pagkapinocchio ka na! haha. teka hulaan ko, si juday or si jolens yung artista no? sila kasi yung super patok sa mga kasambahay nung panahon na yun. hehe

abe mulong caracas said...

yung namang pagggaw ng kwento ay posibleng pakinabangan...malay mo maging isa kang tanyag na nobelista balang araw!

basta wag ka lang gagawa nmg kwento na si ano eh inaano ni ano kahit di naman totoo hehehe!

gillboard said...

mugen: di ko naman ginaganun yung mga kaklase ko dati... sa totoo, ako yung nauuto. Ilang taon din akong naniwalang ang sky ang reflection ng dagat kaya ito blue.

chyng: wala muna akong mga gimik ngayon.. nagtitipid. lam mo na, birthday. hehehe. pero sa linggo, pupunta ata kami sa Subic ng barkada ko. Balloon festival dun or something.

gillboard said...

azel: uy, syempre totoo na yan. di ko na kelangan magsinungaling ngayon... people like me as me... lolz

kosa: seryoso, pinangatawanan ko yung kasinungalingan ko dati. humantong pa na nagforge ako ng autograph para sa kaklase ko noon!!! ang sagwa nga eh. hahaha

gillboard said...

andy: ay di naman ako jologs ngayon... hahaha!!! pero oo, si alanis, nakiuso lang ako nun. pero ang alam ko lang talaga na kanta niya yung Head Over Heels.

eben: oo naman. di lang ako sinungaling... madiskarte din!!! hahaha

gillboard said...

gravity: di naman ako ganun kajologs noon!!! at di ko aaminin kung sino yun... at hindi si juday o jolina yung sinabi kong kamag-anak ko!!! eeeeewwweeee...

abe: di naman ako chismoso!!! hehehe... onga, medyo nagagamit ko ang pagiging lolo basyong ko ngayon sa paggawa ng mga kwento...

MkSurf8 said...

mahilig din akong mang-uto at mang-trip at naniniwala talaga sila kasi mukha akong seryoso at di ko talaga binabawi ang sinasabi ko. kaya lagi akong nananalo sa poker.

gillboard said...

pareho tayo... ewan ko ba kung bakit seryoso masyado tingin sakin ng mga tao. hahaha

The Dork One said...

i think everyone goes to the same phase...

hehe ako rin dati kinalat kong kakilala ko si gladys reyes! wtf!

gillboard said...

alex: ako si... oops muntik na!!! hahaha

ENS said...

ok... so isa ka ngang malaking sinungaling noon...

ang importante... alam mong mali yun at nagbago ka na...

ang tanong ko ito???

mataba ka???

big FAT liar eh...

naitanong lang...
wala namang masama sa mataba...
hindi naman mataba ang mga demonyo di ba???

gillboard said...

di naman ako demonyo? san nanggaling yun... lolz

peripheralviews said...

Ang ibig sabihin nun, magaling kang mangumbinsi, kuya.. hehehe.

just dropping by!

ORACLE said...

"Para sa akin, mas mabuti pang ipakita mo yung totoong ikaw, at hayaan mong tanggapin ka nila. Kasi yun yung mga tipo ng taong hindi ka iiwan sa huli, kahit ano pa man ang mangyari."

Totoo yan! Ngunit mag-iingat. Hindi lahat handa tumanggap ng katotohanan...

kaya sa pagpapakatotoo. dapat handa ka rin tanggapin ang iba sa pagpapakita nila ng tunay nilang sarili...

napadaan...

ENS said...

demonyo=masama(epitome)

statement ko: wala namang masama sa mataba...

hindi masama=mataba

ergo...

hindi demonyo=mataba...

kaya kung mataba ka man o hindi...
hindi ka demonyo...

actually walang demonyo kasi tao ka...

(bakit ba ko nagexplain talaga!?)
ang gulo ko anu???
pasensya na...
ganito siguro ang wlang ibang magawa kundi ang walang gawin...

escape said...

isa itong astig post.

"Naisip ko kasi na hindi mo kelangang gumawa ng isang malaking kwento tungkol sa sarili mo para magustuhan ka ng isang tao.">>> sana nga madami makabasa nito.

Krisha said...

Always remember na at least you learnt from those mistakes diba..

Ok lang yan, dont put yourself down, pwede ka namang magbago everyday you wake up :)

gillboard said...

peripheral views: pwede rin... salamat sa pagbisita.

oracle: totoo yang sinasabi mo. Kaya pili rin yung mga taong sinasamahan ko.

rens: okay. sabi mo eh. hehehe

gillboard said...

the dong: salamat po!!!

krisha: di ko naman dinadown ang sarili ko... I love myself... in a non-narcissistic kind of way...

Anonymous said...

ah tama ka dun sa magtiis ka muna kahit kumukulo na ang dugo mo sa nangyayari sa career mo, carry na lang din. magtyaga muna sa work. mahirap talaga ang paghahanap ng trabaho ngaun. hehe, medyo na-enlighten ako, hehe.