Mga Sumasampalataya

Nov 18, 2008

WALANG MAISULAT

"Paano ba tayo naging magkaibigan?" tanong ni Sofia kay JP. "Seryoso JP, nagtataka ako kung paano tayo naging close, eh napakaantipatiko mo."

"Loko. Ako rin nagtataka kung bakit ako nagdididikit sa'yo, eh parang hindi ka nagsisipilyo!" sagot ni JP.

Kolehiyo pa lang nang magkakilala ang dalawa. Hindi sila nagkasama sa iisang pamantasan, pero naging magkaibigan dahil sa iisang barkada. Parehong nanggaling sa maykayang angkan ang dalawa. At dahil pareho ng mga hilig, kaya't naging magkalapit ang isa't-isa.

"Gago! JP ipapaalala ko lang sa'yo babae ako kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo," mahilig pagtripan ni JP si Sofia, kaya't madalas mag-away ang dalawa. Gayunpaman, sa kanilang barkada, silang dalawa ang pinakamagkadikit.

"Babae ka dyan? Tingnan mo nga braso mo, mas malaki pa kesa akin!"


"Sira! Bakit ka nga pala pumunta dito?" nakaupo ang dalawa sa bubong sa labas ng kwarto ni Sofia. Malamig ang gabi. Tanaw mula dito ang makikislap na Christmas lights na umaadorno sa mga bahay sa paligid nila. Makukulay, sumasayaw, masarap titigan.

"Wala lang. Wala akong magawa sa bahay eh. Dapat sasama ako kina Dino, kaya lang magdedate daw sila ni Carla, ilang naman kung makisingit pa ako. So naisip ko, may pagkaloser ka, kaya sasamahan na lang kita."

"Eh kung tinutulak kaya kita dito sa bubong nang mabalian ka?!"

"Wag naman, mababawasan ka ng gwapong kaibigan!" biro ni JP.

Napatigil si Sofia. Ngayon lang niya napansin na maganda pala ang ngiti ng kaibigan. Mukhang masaya siya ngayon. Noong una niya itong nakilala, may pagka-emo ang drama nito. Palaging galit sa mundo, at hindi marunong ngumiti. Walang ibang alam kundi magreklamo, at hindi nakukuntento sa anumang ibigay dito. Marami nang nagbago sa loob ng dalawang taon. Lahat nang ito'y napansin niya noong gabing iyon.

"Alam mo ba na kapag bilog ang buwan, minsan nag-iiba ang ugali ko?" sabi ni JP.

"Ano ka werewolf?!" biro ni Sofia kay JP. Napalakas ang tawa nito.

"Hindi ganun. Yung tipong pag masaya ako, mas doble yung saya ko. Pag tinotopak ako, sobrang kulit ko. Kapag malungkot ako, parang suicidal ako."

"Ah, babaeng may PMS?!" sabay tawa. Napansin ni Sofia na hindi tumatawa si JP. Tumingin ito sa buwan. Bilog ito noong gabing iyon. Maganda, napapaligiran ng mga makinang na bituin. Lumingon ulit si Sofia kay JP at napansin na nakatingin din ito sa buwan.

"Ano naman ang nararamdaman mo ngayon?" tanong ng dalaga.

Nakatitig pa rin sa buwan si JP. Nakangiti. Lumingon kay Sofia. Huminga siya nang malalim na parang nag-iipon ng lakas.

Tumabi ito kay Sofia at hinawakan ang kanyang kamay sabay sabing "masaya."

**********

Ito ang dahilan kung bakit medyo nakakadepress ang Pasko para sa akin... lumalabas ang pagkakeso ko. Hindi ko ito gusto!!! Kelan kaya ako magbabalik sa normal?! Parang mas gusto kong maging emo kaysa keso.

10 comments:

Kosa said...

wow... talented ah
maganda... nakakdala pareko..lolz
inlab? nga pala... nagsabi na ba ng aylabyu si JP kay sofia? lolz ingat lang sya.. kase naranasan ko nayan...

alam mo yung kanta ng parokya ni edgar na MINAMAHAL KITA? lolz parang ganyan yung kwento nyan... pakinggan mo minsan..

Abou said...

ha ha cheesy. sweet naman ha ha ha

Admin said...

Wala ka nang maisulat niyan....

Well, it's good to hear about your friendship... Sweet kasi from the very start..

UtakMunggo said...

ay mas type namin ang lalaking keso kesa emo. anuber. tsk..

gillboard said...

kosa: salamat... hahanapin ko sa imeem yang kanta na yan... hmmm...

abou: malamig na kasi... sisihin ang lamig!!!

richard: sarcastic ba yan? hehehe

munggo: ganun ba? sige, magpapakacheesy na lang ako from now on!!!

Chyng said...

masarap magcelebrate pag may someone to share with! (naki-keso)

gillboard said...

chyng: nang-inggit pa!!! waaaaah!!!

Dabo said...

very nice gil! napaka cheesy pero simpleng malinamnam

. said...

Balikan ko ito bukas men. Maraming salamat nga pala sa concern mo sa karamdaman ko. Ingat ka lagi.

gillboard said...

dabo: salamat ng marami...

joms: no prob... pagaling ka..