Kahapon pa ako nag-iisip ng maisusulat sa blog na ito, pero wala talagang pumapasok. Gusto ko isulat yung tungkol sa susunod na Featured Friend ko, pero puros kabastusan ang nasa utak ko. Napuno ko na rin pala ang listahan ng paborito kong guy flicks para sa Top Films ko, kaya lang, nakakatamad maghanap ng mga litrato. At dahil nasa tabi ko ang banyagang boss ko, tagalog lang ang pwede kong isulat. Akala niyo sasabihin ko na di ako pwede mag-internet noh? Makapal lang talaga mukha ko... I love my job!!!
Kaya ngayon ay papatulan ko ang tag na pinadala sa akin ni ate utakmunggo (visit niyo pala site niya kung gusto niyo maaliw)... Naks kung magplugging, akala mo madaming readers. bwahahahaha!!!
Anyway, at dahil gusto ko namang magkalaman ng bago ang blog ko kahit papaano, ayun nga sasagutin ko yung tag niya. Wag kayo mag-alala mukhang mas mahaba pa ang intro ko kesa dun sa sagot mismo.
NEAR DEATH EXPERIENCE
Obvious naman siguro na wala pa ako masyadong seryosong ganitong kaganapan sa buhay ko. Kasi kung meron man, malamang di na masama ang ugali ko. Ika nga nila eh near-death experiences are life changing ones.
Sa tanang buhay ko, isang beses pa lang ako namalagi sa ospital. Noong Grade 3 ako, dahil sumuka ako nang maamoy ko ang lola kong minsan lang sa isang linggo kung maligo (I love you lola!!! mwahugz!!!). Simpleng lagnat lang daw ang sakit ko noon. Ayus lang, nakalibre ako ng Chocolait, na madalas noon ay binibili lang sakin pag bertday ko.
Sa alaala ko, isang beses lang talaga ako natakot na muntik kunin ni Lord. Bata pa ako noon, at sikat na sikat pa ang Puerto Azul. Summer vacation yun, tapos isinama ako ng kapitbahay namin dun matapos nila akong dalhin sa Matabungkay. Behave na bata daw kasi ako noon.
Nagsushooting noon sina Gabby Concepcion at Snooky Serna ng Bukas Sisikat Din Ang Araw para sa Regal Films. At dahil, ngayon lang nakakita ng artista, yung mga kapitbahay namin eh nagmamadaling pumunta kung saan ang shooting. At dahil medyo malayo ang lalakarin, naisip ng magaling na kapitbahay namin na bumaba dun sa may bangin para mas mabilis na makarating, ako naman si utu-uto sa kanya sumama.
Ayun, nadulas ako at tuluy-tuloy na bumagsak sa baba. Siguro mga 2 minuto rin akong knocked out nun. Nabagok ulo ko. Pero generally, okay naman daw. Ngayon ko lang narealize, kaya siguro di nako matalino nung grade school eh dahil nadamage ang utak ko.
Nagkasugat ako ng malaki sa mukha dahil dun. Yung tipong parang yung mukha ni Heart Evangelista dun sa teleserye niya dati. 1/4 ng mukha ko, nabalutan ng peklat. Ngayon ko lang narealize, eto siguro ang dahilan kung bakit di ako masyadong kagwapuhan ngayon. Konti lang. Feeling ko nga noon, nang makita ako ni Snooky, medyo natakot siya sa akin. O nandiri. Ewan.
Yun lang. Sa awa ng Diyos, di na yun nasundan. At sana hindi na masundan pa.
Hmmm... sino kaya itatag ko dito? Alam ko na, kasi napansin ko, noong nakaraang mga araw, wala rin maisip itong tao na ito na isulat, kaya gumawa ng fairy tale... si manikang papel... you're tagged!!!
10 comments:
wahaha. . sa akin lang pala naka tagged to. . sigesige. . kukunin co na mamaya. .
mejo tatangatanga ka rin pala nung bata ka. . hehe. .joke lang. . buti na lang at hindi masyadong malala mga nangyari seo :P
especially for you talaga yan!!! hehehe
Hi there! Bago lang sa mundo na ganito.
Just hoping you could visit my blog!
QuestionMike
gillyweed! tenchu for doing this tag. bangin lang pala ang katapat mo my prend. nakow. (pero wala naman akong nakitang peklat sa mga litrato mo?! nakapagpabelo ka na siguro ano. hehe)
hopped from ate UM.
Serious ka ba dun sa peklat? kawawa ka naman... Di naman cguro natakot si snooky... baka naalaala nya lang yung role nya sa Blusang Itim (joke).
The good thing is, you're alive! Ako rin may peklat... Im emotionally and mentally scarred.
Sigh....
mike: may tanong ako... sana sagutin mo... hehehe
munggo: nadaan sa cebo de macho..
krisjasper: dati malaki, wala na ngayon, salamat sa Diyos. Pero deformed ng konti mukha ko. hahaha
hello gilbert, online buddy, and multiply contact! (oh, and rcbc-mate!)
pati yung blog mo sa multiply binabasa ko! ;)
NDE, uso to ah. kay AXEL, eto din topic nia... hhmmm
@Chyng >> ahahaha, nitag lang ako nun eh... Naks nabanggit mo pa name ko dito ah...
@ Gillboard >> eto pala yung sinasabi mong parehas tayo... Yung pagkabagok ng ulo...
chyng: na tag lang siguro yung mga yun.
axel: hehe salamat kay chyng, napadpad ako sa tahanan mo.
Ahahaha, oo na-tag lang kami nun...
Si Chyng pala ang may sala ah... lolz...
Post a Comment