Mga Sumasampalataya

Nov 26, 2008

SA IYONG NGITI AKO'Y NAHUHUMALING


Kung akala niyo, itong post na ito ay isa nanamang keso post, nagkakamali kayo ng bigtime!!! Hindi na ako magpopost sa ngayon ng mga kilig-kilig posts kasi nandidiri ako sa sarili ko sa mga pinagsususulat ko.

Gusto ko sana magsulat ng tungkol sa mga games na pinamili ko, kaya lang kahapon pag-uwi ko galing sa pamimili ng mga kasuotan eh hapung-hapo ako at di na nakapaglaro. Kaya ayun, wala tuloy ako maisulat ngayon. Siguro next week na. As for now, papatulan ko ang tag ni Gas Dude.

Kelangan ko lang paganahin ang utak ko ngayon dahil magtatatlong oras na akong nakatunganga dito sa opisina (kaya ko mahal na mahal ang trabaho ko). Para sa mga katrabaho ko na nakakabasa nito exag lang ito, nagtatrabaho ako!!! Tingnan niyo pa ako...

So anyway, kung hindi ako nagkakamali, ang tag ay 10 bagay na nagbibigay sa akin ng ngiti. Hmmm... mahirap kasi may singaw ako ngayon at talagang masakit at nakakaiyak kapag pinipilit kong ngumiti. Pero itatry ko. Actually, hindi siya humihingi ng explanation kung bakit ako napapangiti pag naiisip ko ang mga ito... sinipag lang akong magsulat.

1. BAKED ZITI NG SBARRO
Simula ng bumalik ako galing ng New Zealand eh sobrang laki ng tinaba ko. Kaya ngayon, bawal ang kanin, kumain ng marami at magpakabondat. So ibig sabihin nito, eh wala munang Sbarro. Pero kapag naiisip ko itong malinamnam na pagkain na ito... To hell with weight loss!!! Mmmmmm... sarap!!!

2. XBOX 360
Pipigilin ko ang sarili ko kasi baka isang mahabang post ang maisulat ko dito para lang sa xbox 360. Kung ngayon ka lang napadpad dito sa blog ko, maikwento ko lang ang maikling anecdote na ito. Simula Hulyo eh nasira yung console ko. Apat na buwan ang hinintay para lang magkaroon ng pera pampaayos lang nito, sabay malalaman ko na may shop sa Ortigas na nag-aayos nito sa halagang P1800, eh ang akala ko noon P6000 ang paayos nito. So ayun, ngayon adik nanaman ako!!! Anim na games nga pala ang binili ko kahapon!!!!

3. BAGONG DAMIT
Seryoso, hindi ako sanay na namimili ng sarili kong damit. Kaya siguro may pagkamanong ang porma ko, eh kasi dati madalas umaasa lang ako sa mga padalang polo ng mga tiyahin ko. Asa ka pang in sila sa bagong style diba. Simula nang malipat ako sa Marikina at nakasama sa ilang mapopormang kaibigan, natuto akong bumili ng damit na sakto lang sa size ko. Kasi sa Amerika, kapag large ang binili mong damit, eh ibig sabihin nun kasing laki mo si Jimmy Santos. Eh hello 5'6 lang ako. Kaya ang saya saya ko kapag nagsusukat ako ng mga magagandang damit... at nabibili ko ito.

4. PUMAPAYAT KA
Gaya ng sinabi ko nung una, pagbalik na pagbalik ko mula NZ ilang buwan na ang nakakaraan, eh lahat na lang ng tao sinabihan akong lumolobo. Kaya simula noon, todo gym at diet ako. Kaya ngayon palakpak tenga ako sa tuwing nasasabihan ako na 'uy ang laki na ng pinayat mo ah.' Isa na ring dahilan kaya mahal na mahal ko ang trabaho ko eh dahil libre dito ang gym, may trainer ka pa. Parang impyerno ang pakiramdam pag naggygym ako, pero sulit naman. Hahahaha

5. SI KRAS
Madaming nagpapangiti sakin na hindi ninyo makikita dito sa listahan na ito dahil sobrang keso!!! Pero dahil wala naman ako masyadong maisip kaya isisingit ko siya dito ngayon. Hindi ko alam ang pangalan niya, kasi wala akong lakas ng loob na makipag-usap sa hindi ko kilala pero siomai, nahuhumaling ako sa kanya. Hindi naman siya tipong kagandahan talaga, pero anlakas ng appeal para sakin. Unang-una nagbubus siya so ibig sabihin, hindi siya high maintenance. Sabay may dimples pa. Hay.

6. COMICS
Anim pa lang hirap na ako ah. Oh eto, ang isa sa mga hobbies ko. Hindi nako bumibili ng paisa-isang issue ngayon kasi mahal. So ang ginagawa ko, yung mga trade paperback na ang binibili ko. Huli man ako sa kwentuhan, at least in the know pa rin ako (may internet naman). Pwede ako tumambay sa tindahan ng komiks buong araw nang hindi lumalabas. Tatlo lang naman talaga ang kadalasang pinagkakaabalahan ko, comics, internet at pabango. Noong mga nakaraang buwan, dito lang napupunta ang pera ko. Pero kung mababasa niyo lang ang mga kwentong nilalabas ngayon... di rin mawawala ang ngiti nyo pag nakita niyo ang bida bugbugin ang kalaban niya.

7. END NG TRABAHO
Gaano man ako kasaya sa trabaho ko, wala ng mas sasaya pa para sa akin kapag tapos na ang araw ko. Yung tipong mag-gygym ka na lang bago umuwi. Tapos pag-uwi mo, maglalaro ng konting Fallout 3 bago matulog. Hay. Enough said.

8. MAHABANG TULOG
Dahil ngayong linggo, kulang ako dito ilalagay ko sa mga bagay na nagpapangiti sa akin ang isang mahabang mahabang tulog. Hindi yung tipong di na ako magigising, kasi patay na ako nun. Pero yung kumpletong tulog 8-9 hours ng tulog. Yung may magandang panaginip. Tapos di ka gigisingin sa gitna ng tulog mo para itanong lang kung gising ka (I love you lola!!!). Sobrang ganda ng araw ko kapag may ganitong tulog ako.

9. KAKORNIHAN
Sa totoong buhay hindi ako magaling sa comedic timing. Yung mga joke ko sa mga kaibigan ko eh kadalasang napagkakamalang seryoso. Siguro pag naging stand-up comedian ako wala kayong maririnig sa audience kundi tunog ng mga kuliglig, pero ang hilig kong makinig sa mga korni na jokes. Yung cellphone ko puno ng mga jokes. Tapos kung tumawa ako, parang hindi na sisikat ang buwan mamayang gabi. Ganun ako kababaw.

10. MGA EKSENA SA BUS
Hindi dahil sa manyak ako ha. Pero natatawa ako sa mga eksena ng PDA. Ewan ko ba. Hindi naman ako nalilibugan sa kanila, kaya lang nakakatuwa lang silang tingnan. Tapos maririnig mo isang minuto nagsasabihan ng 'i love you' tapos mamayamaya may maririnig mo na lang nag-aaway na sila. Tapos si lalake yayakapin ng mahigpit si babae, then si babae yayakap din naman, sabay palo sa likod. All that habang pinapanuod mo ang pirated copy ng My Only U, or Quantum of Solace.

Hindi talaga ako mahilig pumatol sa mga tags. Para sakin kasi, parang may mali kapag pinipilit kang magsulat ng mga bagay na hindi ka naman interesado. Pero naaappreciate ko na kahit papaano ay nababanggit ang pangalan ko sa blog ng mga katulad kong adik sa pagbablog. Kaya kung may nagtag man sa akin at hindi ko nagawa, sorry naman. Hayaan niyo, pag may time ako at walang magawa, papatulan ko lahat, kahit yung mga noong Hunyo pa nagtag sakin. Hehehe.

At dahil binasa mo itong post na ito... tagged ka!!! Kailangang ipasa mo ito sa lahat lahat (as in LAHAT) ng kakilala mong may blog!!!





Bwahahahahaha!!! Joke!

18 comments:

Kosa said...

bwahahaha.. lols
dun lang ako napapangiti sa mababaw na kakornihan... lols di ako mapapangiti ng kahit na anong damit... o anu mang materyal na bagay.lols

di ka ba napapangiti kapag nakikita mo yung muka mo? lols joke lang... o baka nman natatakot ka? lols joke joke joke...peace

The Gasoline Dude™ said...

Ayos! At least kahit papaano eh hindi na puro kakesohan ang post mo. *LOLz*

Aba, peyborit ko din ang Baked Ziti ng Sbarro. Saka dati, mahilig din akong magbabad sa Filbar's. Me comics collection din ako dati kaso hindi ko na naituloy wala na ko pera eh. Hehehe. = D

Salamat sa pagsagot ng tag. Apir! Uhm. = D

pusangkalye said...

hmmmm...galing ka pala sa NZ ha. at mahilig sa Sbarro---to be honest ako nga never tried eating there...hehe. But you should strat buying clothes for yourself and not let other people decide for your own fashion or else u will be a fashion victim. not that I am fashionable pero at least I only have me to blame. At saka ikaw mas nakaka-alam higit sa lahat.......

ako---sawang sawa na sa 8-9 hours of tulog. I wanna be super busy again. Palit tayo.hehe

. said...

Kapag ginawa ko itong tag na ito, magiging senti na naman ako. Lol.

Krisha said...

hahahaha bakit naman nakakadiri kung mag post ka ng mga sweet? ganda nga e.


wow malaki ba pinayat mo? tips naman sa diet hahahhahhaha

MysLykeMeeh said...

PDA! Haha--

Disturbing baga para sayo? ehh, parang drama naman dun sa kanila! tsaka event ng love story ng buhay nila!

My only U , sa Pinas ba yun showing?

Take care!

Chyng said...

I love Baked Zitti in white sauce! (lalo na if my boyfriends brings it to me on a fri-date) sarap!

Uhm tagging. I dont like it too, pero our fellow bloggers want to know you more kaya i appreciated it. So paminsan dapat pagbigyan ang tags. dba Gilbert?

gillboard said...

kosa: hindi ako napapangiti... napapahanga!!! bwahahaha... syempre, kasi puros ganun na lang ang sagot ng mga ibang pumatol sa tag na ito... para maiba naman

gas dude: pareho tayo ng dahilan kaya tumigil ako ng pagbili ng mga komiks. pero mukhang mapapabili ako ulit ngayon... mahirap pigilan ang bisyo!!!

gillboard said...

pusang g: yep, ako na bumibili ng damit ko ngayon tsaka pantalon para sakto naman sakin yung mga sinusuot ko...

mugen: walang masama maging senti... maganda nga daw yun... at least sure ka na may feelings ka at di ka manhid...

gillboard said...

krisha: gym lang at diet... yun lang ginagawa ko ngayon...

mys lyk meeh: yep sa pinas pa lang to. Kay toni g at vhong navarro.

chyng: agree naman ako kaya minsan, pumapatol din ako sa mga tags... sa totoo lang 1 week na akong craving sa sbarro!!!

UtakMunggo said...

whew. hehe

xXx

yung number 9 mo gusto ko rin niyan. champion ako diyan. hehe

ka bute said...

AHA! nakikiusyoso ka sa mga lovers sa bus ha. hehehe. (--,)

paperdoll said...

ang payat mo ngayon. . lol

taena napapangiti din aco ng salitang yan! syet! HAHA

gillboard said...

munggo: actually... ano nga uli yung 9? hehehe

ka bute: di ako chismoso... naririnig ko lang. I mind my own business bwahahaha

paperdoll: masaya yan talaga kapag napapansin ang pagganda ng katawan.

Anonymous said...

bili ka na lang ng cheeso de bola.:D advance merry christmas.

on kakornihan, hmm, same here. mababaw ang kaligayahan. pagtumawa ako dinig hanggang northpole at magigising ang mga polar bear sa paghhibernate nila. napapatawa ko din ang mga kaibigan ko, na hindi ko nalalaman. haha!

on XBOX
ngayon alam mo nang naholdap ka nang pinabayad k ng 6,000 pesusesuses! sa greenhills alam ko may gumagawa din ng mga gadgets tulad nyan..

aajao said...

baked ziti lang din lagi ang order ko sa Sbarro. haha

gillboard said...

dylan: buti na lang di ko tinuloy yung 6k. malamang nga, naholdap ako nun.

aajao: baked ziti, or lasagna!!! yum

Neri said...

uyy baked zitti! peborit ko rin un! (pero tagal ko na ring di kumakain sa labas ehe)

kapampangan ka ba? ba't alam mo ung salitang manong? :D