Mga Sumasampalataya

Jan 24, 2009

REPOST: TANGA

Ano nga ba ang depinisyon ng tanga?

TANGA /ta-'ngah/ (adjective)
- isang taong walang alam kundi mangolekta ng kaibigan tapos magrereklamong single
- lalaking mahilig mambabae at nagugulat pa everytime ayaw pagtiwalaan ng mga nililigawan
- ex mong iniwan ka for some reason then biglang magpaparamdam ulit after some jurassic years
- babaeng ilang beses na naloko sa pareparehong dahilan pero di matutu-tuto
- bading na pamen, na nagrereklamo na walang jowa
- taong nanakit ng feeling, tapos magtatanong kung nakasakit ba siya.
- taong gagawa ng kalokohan sa bahay ng magulang tapos hindi naglolock ng pintuan.
- taong magsusulat ng mga sikreto sa blog, tapos magtataka bakit alam na sa opisina mga ginagawa niya
- o kaya naman taong nagkukwento ng mga lihim sa isang taong tsismoso/tsismosa
- taong kain ng kain sa mcdonald's o jollibee tapos magtataka bakit hindi siya pumapayat

*****

Pasensya na, wala talaga akong maisip na maisulat ngayon, at medyo antok pa. Ewan ko ba, masaya naman ako at malaki ang sinuweldo ko kahapon. Dagdag ipon nanaman ito!!!

Nakuha ko nga pala yan sa isang quote na ipinadala sakin may ilang taon na ang nakakaraan. Naaliw lang ako, kasi dati tinamaan ako sa ilang mga nakasaad dun, kaya ipinost ko sa blog ko.

Pero di nanaman ako tanga ngayon. Hehehe.

May maidadagdag ba kayo sa depenisyon ng tanga?

Ngapala,

HAPPY CHINESE NEW YEAR sa lahat ng kaibigan nating mga singkit!!!

27 comments:

jimbo said...

- umamin kahit hindi pinapaamin. ang ending imbes na maging maganda ang iyong hangarin dahil umamin ayun nagkanda loko loko pa. kaya it's better to lie than make away. hehe

Chyng said...

Magpautang ng 25K sa Ex, pero di mo ramdam na pineperahan ka lang.

gillboard said...

sino kaya pinatutukuyan niyong dalawa? hmmm... lolz

Kosa said...

tange- yung mga taong alam na nga na masama eh ginagawa pa! tapos iiyak iyak kapag nagkamali.. tae sila..
hehehe
peace!!

Kosa said...

hahaha 'appy chinese new year din!
tapos araw na ng mga puso!!

yahoooo

gillboard said...

Not looking forward to Valentine's Day... may pasok ako nun eh... hehehe

UtakMunggo said...

added definition:

tanga - yung dumudukot ng tiket sa bag na kanina pa pala naiwan sa tren.

hihi.. sumali na naman sa eksena eh no.

***

don't worry, hindi tayo kaunti sa mundong ito. the whole world is made up of our kind. yung mga hindi tanga ang minority kaya wala silang karapatang mabuhay dito sa mundo. hahahah

aajao said...

lol. kung wala kang pasok sumasabay ka sa mga nagdi-date sa valentines day? hassle sa dami ng mga tao nun. haha

hindi ako chinese pero greet na rin kita... Kung Hei fat Choi! :)

pusangkalye said...

haha--I guess that's one hell of definination for tanga---buti nalang wl ako sa mga description mo meaning, di ako tanga---keke---yup. happy new year thos ewho are using the lunar calendar

Jinjiruks said...

awtz. sensya na tao lang. sobrang tanga ko talaga.

Anonymous said...

ouch! natamaan naman ako dun sa mga depinisyon ng tanga. hahaha.

. said...

Bukas na ba ang Chinese New Year?

Marlon Celso said...

Nakakatawa naman kahit re-post, hindi ko pa nga to nabasa dati. lols!
Blog hopping! nice ONe!

Marlon of

http://perspektib.blogspot.com
http://marlonofmanila.blogspot.com

Mac Callister said...

haha di pa pala ako tanga kasi wala pa ko dun sa mga un

Anonymous said...

ako ata yung unang una ah?!

sapul agad.

Eben said...

dun ako sa last na definition. masiba sa pagkain tapos reklamo ng reklamong tumataba. hehehe.

Happy Chinese New Year gillboard!

FaerieTeL said...

tanga:
taong inaya ng date ng gusto niya kaso pinairal ang pagkademure, tpos magtataka bt wla xang date sa valentines..
ahahaha..:D

kung hei empatsoy.haha^_^

Anonymous said...

uhmmm.. tanga yung katulad nung isang tao sa plurk.. haha

RJ said...

"taong gagawa ng kalokohan sa bahay ng magulang tapos hindi naglolock ng pintuan."

aray ko! hahaha!

paperdoll said...

malaki pala sweldo moe. . manlibre ka naman. . !haha

wala acong maisip na idadagdag jan eh. . pwede ba aco na lang mismo idagdag mo jan? lol

Unknown said...

awww!
isa akong tanga!
haha.! :]]

escape said...

daming tatamaan. pero hindi nila alam na natatamaan na sila.

Anonymous said...

malaki pala sweldo ha, paambon ka naman! haha


"taong magsusulat ng mga sikreto sa blog, tapos magtataka bakit alam na sa opisina mga ginagawa niya"

haha, may mga kilala akong ganito. HINDI AKO AH. Uso ang password-protect sa wordpress kaya hindi ako. :P

PaJAY said...

TANGA-lahat ng lalaking gusto at nag asawa na..

lolz..

peace..

tanga rin ako e...lolz..

my-so-called-Quest said...

happy new year! hehehe
dun ako sa post sa taas dapat magcomment pero di ako makarelate. aheheh. dito na lang ako magcocomment!

teka, malaking sweldo? manlibre naman o! heheh di mo na pla kelangan sumideline e! ahehe

tinamaan ako sa last definition! hahaha

MysLykeMeeh said...

lolz-- nakakatawa yet so true!..

nakaka-aliw basahin!

Yah, maraming tanga dito sa mundo--sometimes ako ganun din--napakatanga! hahaha

enrico said...

ang tanga sakin ay yung taong pumapayag na lokohin sya kahit harap harapan basta wag lang sya iwan. tapos sumasama pa ang loob nya sa mga kaibigan nya dahil ayaw ng mga ito sa gf/ bf niya dahil niloloko sya.