Mga Sumasampalataya

Jan 16, 2009

HABANG WALA PA SIYA...

Tutal malapit na ang Valentine's Day, sigurado akong marami nanamang mga tao ang madedepress dahil hanggang sa pagkakataong ito eh single pa rin sila. Maaaring magiging isa ako dun sa mga taong yun... maaaring rin namang hindi. Depende siguro kung totopakin ako sa araw na yun o hindi. Pero sa ngayon, masasabi kong nasa tamang katinuan pa ako't di ako magdadrama sa araw ng mga puso.

Ang post na ito eh siguro masasabi kong para sa mga kagaya kong single ngayon para di masyadong nadedepress habang naghihintay o naghahanap sa taong para sa atin. Ipapaalala ko lang po na hindi ang pagkakaroon ng lovelife ang dahilan kaya tayo nabubuhay sa mundo. Isa ito sa nagbibigay kulay sa buhay natin, pero di ito ang rason kaya tayo nandito. Hanggang sa marealize niyo yan, sigurado ako di mawawala ang depression sa buhay niyo.

Ayokong magpreach, dahil hindi ako pari. Kaya sisimulan ko na... Ito ang mga maaaring nating gawin habang tayo'y single pa.

MAG-IPON
Medyo self-indulgent itong post na ito, dahil eto eh mga bagay na dapat kong gawin din. Hindi sa di ako nag-iipon, medyo malaki-laki na rin ang naiipon ko, simula last year. Anyway, syempre gusto nating pagnakilala na natin yung taong para sa atin eh medyo stable na tayo, para naman di na kailangang maghintay ng matagal bago natin dalhin sa dambana ang ating sinisinta. Kaya ngayon, habang wala ka pa namang ginagastusan masyado, eh magsimula ka nang magtabi para sa inyong kinabukasan. Alam naman nating lahat na major pogi points para sa mga babae ang lalaking may pera.

MAKIPAGKILALA KUNG KANI-KANINO
Habang wala pang magbabawal sa'yo na makipag-date kung kani-kanino eh lumabas ka at iexplore ang iyong mga options. Kaya masarap maging single eh dahil hindi ka natatali sa iisang tao. Kung hindi ka pa sigurado na ang kasama mo ang 'the one' eh maaari ka pang maghanap ng walang nasasaktan. Kung di mo kayang makipagdate, maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Magandang foundation sa isang relationship kung nagsimula kayo bilang magkaibigan.

GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN
Habang wala pang pipigil sa inyo, gawin ninyo ang mga gusto ninyong gawin sa buhay niyo. Kung gusto mo magtravel, ngayon ang best time habang wala ka pang iiwanan at papasalubungan. Habang wala pang mangongonsensya sa inyo, go na kayo magbunjee jumping, mountain trekking, sky-diving, scuba diving, manuod ng sine, buong araw na inuman with friends o kahit ano na gusto ninyo. Malaya kang gawin ang gusto mo. Wala ka pang pagpapaalaman at magbabawal sa'yo. Magandang maexperience mo ito ngayon, para kung may syota ka na, may mga activities na kayo para sa mga date ninyo.

WORK
Pag busy-busyhan ka sa trabaho o sa kahit ano, madali mong makakalimutan yung pagiging single mo. Kasi may ibang nag-ooccupy sa isip mo. Maganda to kasi at least hindi ka malulungkot. Siguro mapapagod ka, pero at least kapalit naman nun pera, diba? Sabi nga nila, kung di ka swerte sa pag-ibig, malaking pag-asa na sa ibang bagay ay susuwertehin ka. Malay mo, baka sa trabaho mo yun mapupunta. Habang wala pa siya, eh mabigyan ka ng headstart para maging stable sa buhay. Pero, wag masyadong lunurin ang sarili sa trabaho. Ika nga nila, kelangan din natin ng work-life balance.

Eto eh mga mungkahi ko lamang, pero obvious naman ito. Madalas lang nakakaligtaan ng ibang tao dahil nagmumukmok at hindi pa nila nakikita ang kanilang life partner. Iniisip ko lang, na imbes magdrama sa buhay eh gawin nating productive etong mga panahon na ganito. Para pagdating Niya, eh wala na tayong hahanapin pang iba.

**********

On another note, ang aking katrabaho ay naghahanap ng bibili ng isang townhouse na binebenta niya. Basahin niyo na lang 'to. Kung interesado kayo, itext o tawagan niyo si Grace sa number sa baba...

Someone is trying to sell their house for a very cheap price. Almost 60 square meter Duplex Townhouse 3 bedrooms, 2 toilet and bath, kitchen, an extra space at the backside of the house. If you are interested please call or text me. You will be amazed by the price. You can contact me at 09053478448. An investment to make. Start investing while the prices are down!

18 comments:

Chyng said...

Oh, a month to go nalang pala Heart's Day na ulit. And it will fall on a Saturday! Day Off it is!

True, pag busy ka sa work, di mo na maiisip yang lovelife. Actually ang hirap nga humanap ng quality time for partner. Kaya habang single, OT lang ng OT! Woohoo!

Mugen said...

Kailangan ko to. Ako pa naman yung medyo nahihirapan pa rin mag-adjust sa katotohanang hawak ko na ang sarili kong buhay.

gillboard said...

chyng: OT nga ko sa araw na yan... yung mga karellebo ko kasi, mga may jowa!!! Life sucks... hehe

joms: actually, tong post na 'to para din sakin.. singles unite tayo... lolz

Ycej eiram said...

This post is really good. Bagong single lang din ako. Got off a 3 year relationship. This really helps.

MysLykeMeeh said...

oi..mura ba? Talagang talaga? ! As in mura? lolzz--

Nakz--Valentines Day is just a day! wala akong problema dun!

gillboard said...

ycej: that's good to hear. thanks.

lyke meeh: actually, di ko rin alam.. hehe.. pinost ko lang.. hehehe

kosa said...

nice tips..
tama ka sa lahat ng punto mo pareko!
hehehe.. oo nga nman!

teka yung townhouse, saan located yun? di mo nman binanggit..

gillboard said...

kosa: Imus Cavite daw po...

MarcoPaolo said...

I agree... habang single... mag-ipon ng mag-ipon at mag-invest at gawin ang gusto mong gawin... kasi pag dumating na yong "someone" na para talaga sayo... hindi ka na magsisisi kasi nga nagawa mo na lahat ng gusto mo... at syempre mejo less na ang paghihirap mo dahil may mga investment ka na at may ipon pa... kaya tiyak di magugutom ang magiging pamilya mo...

-Marco Paolo-

PUSANG-gala said...

kaw ha--nagtinda kapa talaga dito~~~jok.


------nwyas
nice tips. tama. you can do a lot of things while waiting for your someone----why is eevrybody in a hurry anyway?

if you don't hurry, you will realize that singleness is blessedness~~

gillboard said...

marco: tsaka para na rin, may maipagmalaki ka sa magulang ng gelps mo kung sakaling mamamanhikan ka na... hehe

pusang-gala: di naman ako nagtinda... favor lang gawa ko for a fwend.. i'm utu-uto like that talaga... lolz

Skron said...

Great post. The reason I stay single because of all those things. Save, Select & Collect (chicks), and read comics or play games without somebody telling you to stop.

Abou said...

nakikinita kong magiging single uli ako sa susunod na mga araw

hay

Dhianz said...

waaahhh... graveh!... hayz... oo nga eh... nakarelate...tsk! 'un lang po... Godbless! -di

Eben said...

ok na ok sa mga tips! sa ngayon #1 at #4 ang priority ko.

btw, may nilalako din akong H&L, sa Pasig naman yun.

Dylan Dimaubusan said...

di kasi certified single si pusang gala eh...haha..

great way not to spend for someone, hehe, makakapag ipon!
marami namang pwedeng gawin at hindi limitado ang itineraries mo pag walang commitments, ang tanong is how long will you stay that way?

tho infinity and beyond?

gravity said...

mabuhay ang mga single! haha. =)

UtakMunggo said...

may i just say... all those things you've mentioned will eventually lead you to the one. eh alangan namang out of thin air lang siyang magpapakita sayo. ano yun, mamaw? haha