Mga Sumasampalataya

Jan 19, 2009

MANILA ZOO

After almost twenty years, napagtripan ng aking mga friends na bumisita sa Manila Zoo. At dahil nga ganun katagal, eh napapayag akong sumama noong Sabado.

Grade 2 ako nang huli kong napuntahan ang Manila Zoological Park. Ang daming nagbago. At totoo nga ang sinasabi ng ilang tao, na nakakadepress puntahan ang zoo na iyon. Parang ang lulungkot ng mga hayop dun.

Una, karamihan sa mga hayop doon eh mag-isa lang. Walang kapares. Para sa akin, nakakulong ka na nga, wala ka pang kasama. Ang lungkot kaya nun. Tapos yung ibang hayop dun, parang may kapansanan. Makakakita ka ng buwayang tabingi ang bibig, yung ostrich parang nakakalbo, tapos yung kabayo, parang bulag. Nakakaawa talaga ang kalagayan ng mga hayop doon. Kung sobrang emosyonal na tao lang ako, malamang umiyak nako.

Ang laki na talaga ng pinagbago ng Manila Zoo ngayon. Hindi na siya kasing saya kung ihahalintulad noong aking kabataan. Maraming kulungan na ngayon ay wala nang laman. Wala na yung giraffe, yung mga leon na dati eh nahahawakan ko pa yung balahibo. Maraming unggoy. Pero at least, di yung katulad ng dati na mahilig manghagis ng ebak nila.

Ano kaya ang nangyari dito, at naging ganito ang kalagayan ng dati'y pinakamasayang pinupuntahan ng mga kabataan. Budget ba? Wala bang suporta ng gobyerno? Hindi talaga marunong mag-alaga ang mga taong nangangalaga sa buong park na ito? O sadyang tarantado yung mga bumibisita dito?

Nakakalungkot lang, dahil wala akong ibang alaala sa zoo na ito kundi puros magagandang mga alaala. Sana lang gawan ng paraan ng ating gobyerno na maibalik ang dating ganda ng pook na ito.

Hindi naman sa puros panget na lang ang nakikita ko dun sa lugar na yun. Actually, meron din namang magaganda. Andun yung boat ride, na sa pagkakaalam ko, eh wala noong bata pa ako. Mukha namang pinagaganda nila yung lugar, kahit na alam mong medyo luma na yung buong parke. Nakakatuwa yung pakulo dun sa mga ibon. Pwede ka magpapicture sa mga ibon, may bayad nga lang. Mura lang yung entrance niya. Ang cute nung baby na unggoy. Tapos meron na ring kinder zoo na medyo interactive na siguradong sigurado akong wala noong bata pa ako.

Ilan lang na sana'y ayusin ng zoo na ito:

- May nakita akong buwaya na may chewing gum na nakadikit sa paa niya.
- Sana lagyan ng mga signs o kaya'y board na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga hayop na nakakulong doon.
- Nakita namin kung paano hilahin nung nag-aalaga dun sa Horseback riding part ng zoo yung miniature horse. Parang askal lang. Nakakaawa.
- Tapos yung ibang bumibisita dun, grabe kung magtapon ng basura nila dun sa loob ng kulungan ng buwaya. Parang feeling nila siguro kasi panget yung hayop, eh ok lang na tapunan ng basura.

Nakakapanghinayang. Sa sobrang nakakadepress yung mga nakita ko doon, parang nawalan ako ng ganang bumalik dun. Sana lang mayroong magpatakbo sa lugar na yon na talagang may malasakit sa mga hayop.

24 comments:

Skron said...

I know, man. I was 4, maybe 5, when I first went to the Zoo. It was a lot of fun. But when I went back there in 1993, it's just depressing. I couldn't imagine what 15 years did to that place.

gillboard said...

May mga bagong animals naman, pero nakakalungkot lang yung iba kasi ampayat, tapos mag-isa lang. hay.

The Gasoline Dude™ said...

Andun pa ba 'yung gorilyang nandudura? Nyahaha. = P

Meron ding zoo dito sa Singapore, kaso 'di ko pa napupuntahan. Baka either this week or next week. Gusto ko makita 'yung mga white tigers na (kumain?) pumatay ng tao. Hehehe.

gillboard said...

alam ko alang gorilla. matagal na sigurong patay yun. actually, 3 hayop lang yung talagang nagustuhan ko dun. yung nag-iisang elepante na nagsasayaw, yung supladong tigre, tsaka yung dambuhalang buwaya.

Dhianz said...

...nalungkot naman akoh.... kala koh masayang post kc zoo eh... i'm not a big fan of zoo noon... i remember noong bata ren akoh... nakapunta kme sa zoo cuz we had a field trip... pero dehinz koh na gano maalala...mejo marami pa namang hayop... naaaliw kme non... sa malabon zoo atah 'un noon... naalala koh lang... pinapahawakan samen 'ung ahas atah 'un or sawa... don't really know.. but of course nde koh hinawakan... takot akoh.. nde koh ma-take... pero sad tlgah 'ung scenario na sinabi moh... i guess budget from government ang kulang... tapos kulang sa suporta sa mga tao... i feel sad kapag ganyan trinatrato ang mga hayop... itz just really sad... d2 sa mundo koh... binibigyan importansya ang mga hayop...like d' zoo that we went too months ago... 'ung food court nilah walang mga lids nor straw kc baka itapon san san nang mga tao... at yeah disiplinado naman mga tao at nde silah nagtatapon nang mga basura nilah kung saan saan...at nde solo flight mga animals.. may kasama silah... oh yeah.. i guess dyan sa manila zoo... nde ren silah gano inaasikaso nang mga nagtatake care at nagwowork sa zoo.. i guess those people are lazy or maybe they don't get paid enough para gawin ang dapat nilah gawin... i wish i could do somethin' about it... or mag-volunteer job noh... hayz... itz sad... daz all for now.... Godbless! -di

gillboard said...

and i don't think na maraming tao ang nakakaalam ng mga nangyayari dito. sana may mga tao talaga na kayang tulungan tong zoo na'to na ibalik yung dati niyang sigla.

lam ko medyo malabo dahil krisis ngayon at masyadong magastos ang magmaintain ng zoo.

siguro, tulong na lang natin eh yung bisitahin siya, para kumita ng kaunti.

Eben said...

"nakakulong ka na nga, wala ka pang kasama." - parang workplace ko lang 'to ah. LOL

nakakalungkot naman...nung umuwi ako last month dapat pupunta kami dyan sa Manila Zoo dahil hindi pa ako nakakapunta dun, kaso naiba ang plano namin.

Sana hindi pa huli ang lahat para maisalba ang pinakamatandang zoo sa Asya...sayang e.

gillboard said...

eben: "nakakulong ka na nga, wala ka pang kasama." - parang workplace ko lang 'to ah. LOL

lam mo, naisip kong sasabihin mo yan... hehehe

MysLykeMeeh said...

aye?? ganun? kawawa naman pala yung kabayung parang nabulag! baka naibulsa yung budget--o di kaya kinamkam--pambihira naman o!

gillboard said...

ayokong isiping ganun yung ginawa sa budget. hopefully not.

seriously, kung mayaman lang ako, magbibigay ako ng pondo sa Manila Zoo. Suki ako nyan noong preschool ako.

The Dork One said...

ugh! yeah daming pinagbago

kakmiss dati napapakain ko pa yung giraffe!

bring 80's back!

pusangkalye said...

buti ka nga---ako---never----sabagay---laking bundok namn na ko so dina kailangan makapunta kasi sawa nako sa mga kahayupan---pero yun nga. wawa naman mga animals---kung baga---ianmpon ka pero impyerno yung napuntahan yung umampon su~~~

Anonymous said...

Wow, na-miss ko naman ang manila zoo. huling punta ko diyan eh highschool pa ata ako.

Gtrabe, naawa naman ko bwayang tinatapunan ng basura.
Andun pa ba yung elepanteng malaki o patay na?

Sana pinagtutuunan din ng pansin ng gobyerno yung mga ganyang parks sa bansa ano?
hehe

. said...

Last year nag blog ako about manila zoo. Pareho tayo ng napakiramdaman. Buhay pa ba yung mag-isang orangutan dun. Yun ang pinakakinalungkot ko ng husto. Dying race na nga sila, nakakulong pa.

Haay. Thanks dude for reminding me that zoos are not for animals. It shows how brutal humans could be.

my-so-called-Quest said...

bat ganun, alam ko pumunta na ko dati sa manila zoo. pero wala ko maalala. siguro kelangan ko din bumisita? ahehehe

pero sana yan ang iimprove ng gobyerno. sana...

MkSurf8 said...

yung elepante i think mas matanda pa sa akon ;-)

gillboard said...

alex: yun din yung una kong hinanap sa Manila Zoo, kaya lang, ala nang giraffe.

pusang-gala: nakakaawa talaga sila. iniisip ko, kung nakakapagsalita lang yung mga hayup na yun, ano kaya sasabihin nila?

sam juan:isa na lang yung elepante dun, dis siya gaanong malaki. di ko lang alam kung yun yung dati pa na elepante.

gillboard said...

mugen: yep, buhay pa naman siya, pero nung pumunta kami, natutulog na. kaya di masyadong pinansin.

ced: yun nga, siguro tulong na lang natin sa zoo yung bumisita dun paminsan-minsan.

marksurf8: siguro. di ko matandaan kung yun pa rin yung elepante nang huli akong nandun... 1991 pa ata yun. hehe

warfairy said...

Engilberto regalo ko!

gillboard said...

anong regalo ka diyan? manlibre ka muna abriol!!!

escape said...

kakalungkot nga isipin na ganun na lang sya. may mga ginawa namang pagbabago pero alam ko mahal talaga ang mag maintain ng zoo. kaya sana bibigyan sila ng pondo at makakakuha ng mga magagaling na tao para tumulong sa zoo.

gillboard said...

dasal ko yan simula nung sabado.

Anonymous said...

waaah! kawawa naman yung mga animals! may manila zoo pa pala. 1992 pa yung huling punta namin dun. wala na yung giraffe! yun pa naman ang pinakatumatak sa utak ko. saaaad.

gillboard said...

gravity: may higanteng statwa naman dun ng giraffe.life size. hehe