Tapusin na natin itong serye ng aking mga kwentong mag-aaral. Etong huling apat na taon ng pagkakaroon ko ng baon ang aking pinakapaboritong baitang ng pag-aaral. Marahil eh dahil sa sobrang nagkaroon ako ng kalayaan dito kesa nung nasa hayskul at elementarya ako. Malayo ang bahay ko sa pinag-aaralan ko, kaya pwede kong gawin ang gusto ko, na hindi natatakot na may magsusumbong sa magulang ko sa mga kalokohang pinaggagagawa ko (as if naman meron).
Pero, ang isa sa nagustuhan ko, eh nagbalik ang talino ko. Noong nakaraan eh medyo nalunod ako sa gitna ng nagdadamihang mahuhusay na mga kaklase, pero nung kolehiyo ako, eh madalas na akong napupunta sa Top Ten at nagkakaroon ng certificate sa pagiging Dean's List.
Pero kahit ganun, eh medyo feeling ko eh out of place ako. Paano naman kasi, noong mga panahong iyon, eh tahimik akong tao at mahiyain ng sobra, pero ang kurso na kinuha ko eh Marketing Management, na HINDI para sa mga maninipis ang balat. Sabi ko, dadaanin ko na lang sa aking creativity ang kursong ito. Pero nagpapasalamat pa rin ako, kasi kung di dahil dun, di ko matututunang makihalubilo sa ibang tao.
O siya, ang haba nanaman ng intro ko, umpisahan na natin to...
FIRST YEAR COLLEGE
Mga bagong mukha, pero parehong kasarian pa rin ang mga nakahalubilo. Ibig sabihin nito, mula grade one hanggang 4th year college, eh all-boys ang paaralan ko. Dito ko unang narealize na hindi ako marunong makihalubilo sa mga babae, nang magkaroon kami ng soiree, eh halos isang oras kaming hindi nag-uusap ng kapartner ko. As in titigan all around lang. Siguro, dahil hindi rin kasi kagandahan masyado si Cindy, kaya di ko siya pinapansin. Pero kahit na, that's not an excuse.
Unang taon pa lang, eh napasama na ako sa isang road trip kasama ng aking mga kaklase. Nagpunta kami sa resort ng kaklase kong si Richard Mari (mag-eevolve yan... just wait and see). Di ko na alam kung ano yung topic ng subject namin, kung bakit namin naisip mag roadtrip, pero alam ko nagswimming lang kami, at nagtrekking dun sa Laguna. At ang project namin eh wala talagang kinalaman sa ginawa namin. Wala lang, getting to know each other moments lang ang naging drama namin.
Mga taong tumatak ang personality para sa akin... sina Tedd (di mo alam kung talagang henyo ba, kasi parang maypagkamay sayad din ang ugali minsan), Jerome (na lider-lideran ng buong klase), Brian (ang pinakaclose ko na kaibigan ng buong college life ko), Arvee (na mistulang fan ko, na sobrang taas ng tingin sakin, ewan ko kung bakit) at si Pox (nag-iisang tao na galing sa parehong high school na pinanggalingan ko.
SECOND YEAR COLLEGE
Isang araw noong kolehiyo, eh naisipan ng homeroom class namin, na magkaroon ng Family Day nang magkakilanlan ang mga pamilya naming mga magkakaklase dahil block section kami. Isinama ni Tedd ang pinsan yang Bb. Pilipinas winner na si Colette. Dun sa party, may misa, at pag may misa, may Ama Namin. Syempre diba holding hands ang drama pag yun ang kinakanta. Si JR, ang pinalad na katabi ni Colette. Ang loko, ngayon lang nakatabi sa isang pageant winner eh nanginginig sa kabuuan ng kanta. As in ang kamay eh parang tinamaan ng Intensity 7 na lindol sa panginginig.
Eto ang taon na una kaming nagkaroon ng seryosong term paper project at defense. Dahil nga medyo nerdy ang perception sakin ng mga kaklase ko, eh ako ang nagsulat ng papel namin, tapos ang mga kaklase ko ang nakakuha ng mas mataas na puntos kasi ako tahimik lang nung defense. Sabi ko, di na mauulit yung ganun, kaya iba na ang team na sinasamahan ko matapos nun.
Nagsimula na rin akong magkaroon ng nightlife nitong taon na ito. Kasi literal na gabi na natatapos ang klase namin. Alas-9 ng gabi!!! Dahil mukhang mayaman si Richard, eh ilang beses siyang nahold-up sa Recto. Mangilan-ngilan na rin sa mga kaklase ko ang nagkakotse.
As usual nainggit ako, kaya nag-aral akong mag-drive. Pero tinigil ko rin ang pangarap na magkaroon ng kotse, nang isang beses habang nagpapractice ako, eh muntik na akong patayin ng tatay ko. Galit siya dahil excited akong ipark yung kotse namin, di pa pala bukas yung gate.
THIRD YEAR COLLEGE
Nakaalitan ko ang isa kong mabuting kaibigan na si Pau dahil sa pila sa McDonald's. Pero nagkabati din kami kapaskuhan. Tapos nag-away nanaman kami ilang buwan after nun, sa parehong kadahilanan. Akala mo, pagdating mo ng College eh mawawalan ka ng mga kaibigang parang bata mag-isip.
Hindi ko naenjoy masyado ang Christmas break noon dahil yun yung panahon na natuto akong magyosi. Ang tapang ko noon, at unang stick ko eh Philip Morris. Kinagabihan, nagsimula akong lagnatin. Isang linggo bago ako gumaling. Di na ako humithit ng yosi matapos nun (juts na lang).
Eto rin ata yung taon na sumali ako sa Weakest Link. Naging celebrity ako sa klase namin dahil dun. Pero di dahil sa nanalo ako, kundi dahil natanggal ako sa katangahan ko. Hindi yun dahil sa wala akong nasagot, pero may nangyari dun sa palabas na naging dahilan kaya ako ang nagwalk of shame.
Si Richard Mari, na naging Richard, ngayon ay tinatawag na ngayong Marie. Tuluyan nang nagladlad ang loko. Nagsimula na rin akong mangolekta ulit ng komiks nitong mga panahon na ito. Nakikipagpustahan ako sa nanay ko na sa tuwing makakakuha ako ng average na 1 point something sa aking mga grado, eh may baon increase ako na pinambibili ko lang ng komiks.
FOURTH YEAR COLLEGE
Height ng katarantaduhan years ko ang huling taon ko sa kolehiyo. Dahil konti na lang ang units ko sa klase nitong mga panahon na ito, eh may mga araw na wala akong pasok. Pero umaalis pa rin ako, para magkaroon ng baon na ginagamit ko lang para manuod ng sine. Dumami rin ang mga imaginary projects ko, para makahingi lang ng konting increase sa baon ko, para pambili ng komiks. Oo na, masama na ugali ko noon, pero sinisigurado ko naman na napapalitan yang mga panggagago ko, kasi buong taon eh Dean's Lister ako.
Nagsimula na rin akong mag-ojt sa isang bangko sa Makati. Ang trabaho ko noon eh maggupit ng mga clippings tungkol sa kahit anong may kinalaman sa mga bangko. Taga-xerox. Tagabilang ng mga kiddie bags na pinamimigay sa mga nagbubukas ng kid's account sa bangko. Taga-solve ng hindi mabuong salita ng mga katrabaho sa Text Twist at higit sa lahat, ang pangunahing manunulat sa Newsletter ng buong kumpanya. Nang nawala ako, nawala na rin ang newsletter.
Ito rin yung taon na natuto akong maglaro ng baraha. Nagpapaiwan sa klase hanggang hatinggabi dahil naglalaro kami ng mga kaklase ko ng pusoy dos, tong-its, bluff at monkey-monkey. Lahat yun may pustahan.

Napagtripan din ako ng mga kaklase ko nitong taon na ito na gawing officer ng klase. Nominado ako sa halos lahat ng posisyon noon, pero talo hanggang sa posisyon ng secretary. Paano ba naman, yung mga kalaban ko dun sa pagiging presidente at bise eh mga gwaping, ano naman laban ko dun. Tapos sa pagkasekretarya, kalaban ko bading, di ko alam kung bakit ako nanalo dun, eh ang panget kaya ng sulat ko. Pero okay lang, pandagdag din sa resume ko yun.
Nagtapos ako nitong taon na ito na may medalya, kaya sobrang proud sakin ng aking angkan. Tatatlo pa lang kaming nakatapos ng kolehiyo sa loob ng apat na taon. Yung iba, kundi nagdrop out, eh inabot ng 6 o 7 taon bago nakatapos. Pero, habang yung iba kong pinsan eh nag-abroad para magtrabaho, naging modelo, nag-asawa ng mayaman... tapos ako bagsak call center.
18 comments:
naku ok lang yan na sa call center noh kesa naman tambay.
oo naman... la naman ako reklamo... hehehe
i miss my college days. ang dami kong hindi nasubukang gawin during that time. puro lang ako aral at part time job.
well nakikita ko naman na wala ka reklamo sa work mo, ayaw mo na nga iwanan di ba? hehehe.
nope.. no plans at the moment.. hehehe
ako rin college ang pinaka enjoy sa lahat ng level para sa kin...
loser kasi ako nung highschool
sumali ka pala sa weakest link! fan ako nun hehe
"Nominado ako sa halos lahat ng posisyon noon, pero talo hanggang sa posisyon ng secretary.">>> hehehe... pang asar to ah.
Haha napakadaming ironies ng buhay college mo ah! Hehehe. :)
makulay ang college layp mo..
Dumami rin ang mga imaginary projects ko, para makahingi lang ng konting increase sa baon ko, para pambili ng komiks. Oo na, masama na ugali ko noon, pero sinisigurado ko naman na napapalitan yang mga panggagago ko, kasi buong taon eh Dean's Lister ako.
i-justify talaga eh,haha! kasama na ata talaga yan sa buhay estudyante,ung iba nga lang sa kalokohan lang naman ginagamit ang mga "increase".
alex: i think weakest link ang highlight ng college years ko... lolz
the dong: di naman masyado... ok lang, dapat nga treasurer ang posisyon ko, kaya lang inulit yung botohan. ayoko humawak ng pera.
mugen: onga eh. pero sa totoo lang, dun talagang nabuo ang pagkatao ko. Kung ano ugali ko ngayon, mostly nakuha ko noong college.
teresa: ganun nga talaga ata kabataan ngayon. May nakita pa nga akong isang estudyante ng CEU na pinatungan ng 10k yung tuition niya, pambili lang ng celphone.
Kumpletuhin mo nga.
.. tapos ako bagsak call center where nagpapayaman ng bigtime while blogging nad plurking! Laban kayo?
Tama Gilbert? *winks*
may point ka... hahaha!!!
hahha..nagyon ko lang nabasa at napasaya ako ng entry na ito. Nakakatuwa naman ng college life mo at pati pag-aaway sa pila sa mcdo, naalala mo pa.
@chyng: gawain mo rin yan no?..hehe
may blog entry ako about sa iyo, nasa draft pa nga lang..
namiss ko tuloy ang college life dahil sa mga kwento u---those days are fun days indeed. miss ko na ang pumasok lang at gumastos at maghintay ng allowance__~~~keke
kakamiss talaga ang college days. daming mga adventures for me gaya ng lumusong kame sa baha na hanggang tuhod and makakita sa overpass ng snatchan up close and personal. hehe UST kase yung school ko nung college.
dabo: matalas talaga memory ko sa mga ganyang bagay.
pusang-gala: ako rin. namiss kong di mamroblema sa pera.
jimbo: buti na lang, mataas ang mendiola at di nagbabaha, ala akong naaalala na tumawid ako sa baha noong college ako.
ang haba naman ng sulat na to--para akong nakabasa ng 'Maalala mo Kaya'---nakzz---
Si Richard naging Marie? Aye! Talaga ano? Hindi na mapigilan yan ngayon? Last na napanood ko sa TV sa Rogers---nakita ko si Rustom ba yun? Padilla---? naku babae na --talaga!
Aye--bading!---anyways, if i don't have a job back home--call center din ako bagsak
lyk meeh: mas kaunti na nga yung bading nung college ako... 3 or 4 lang yata... pero nung hs, grabe, 1/4 ng klase namin,ganun.
Post a Comment