Mga Sumasampalataya

Jan 10, 2009

BROS BEFORE HOES

Yan ang golden rule ng mga lalakeng magkakaibigan. Ang ibig sabihin nito eh di pwede talunin ng isang lalake ang babaeng natipuhan, syota o ex ng kaibigan niya. Ang pagsuway sa utos na ito ay kadalasang nagsisimula ng away sa isang barkadahan o kaya nama'y kung mamalasin, ang katapusan ng isang magandang pagkakaibigan.

Hindi ko alam kung saan nagsimula ang rule na ito, at hindi ko ko naiintindihan kung bakit ganun lang katindi ang nagiging resulta ng pagsuway dito.

Ang sabi nila ito ay respeto. Naiintindihan ko siguro kung syota na nasulot. Yun tahasang pambabastos talaga yun. Pero kung yung tipong type pa lang. Binabakuran pa lang. Wala pang kung ano mang namamagitan sa dalawang tao. O kaya nama'y sa ex. Bakit kelangang pati yun, hindi pwedeng talunin ng isang kaibigan?

Unahin natin yung una. Type mo pa lang. Binabakuran. Hindi pa liniligawan. Marahil sa mga panahong iyon eh natotorpe ka pa. Pero bakit hindi na pwede kung gusto rin siya ng isa pang kaibigan? Hindi ba pwedeng ang babae ang pumili? Papaano kung hindi naman talaga gusto ng babae ang kaibigan mo at ikaw ang tipo niya, pakakawalan mo na lang ba ang pagkakataon bilang respeto sa kaibigan mo?

Ganun din marahil kapag ex ang pinag-uusapan. Paano pag alam niyo nang wala na naman talagang pag-asang magkabalikan pa kayo ng ex mo, hindi mo pa rin ba pahihintulutan maging maligaya ang kaibigan mo dahil sa rule na 'to?

Sa tingin ko, napakababaw na dahilan ito upang tapusin ang samahan ng dalawang magkaibigan. Isang babae. Tatapusin mo ang ilang buwan, ilang taon ng malalim na pagkakaibigan dahil sa isang bagay na pwedeng daanin sa matimtimang usapan. Marahil isa itong pagsubok sa kung gaano katatag ang inyong samahan, pero hindi ko kayang tanggapin na eto ang dahilan para tapusin ang lahat sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

Sa tingin ko pride lang ang pinaiiral ng isang taong ito ang binibigay na dahilan. Hindi niya marahil matanggap na hindi siya ang gusto ng babaeng nililigawan o hiniwalayan. Di ko tinatangging masakit na merong taong mas bagay para sa kanya kesa iyo, pero ganyan talaga ang buhay. Tanggapin mo na lang yon, at isiping may iba pang magbibigay sa'yo ng tunay na kaligayahan. Huwag mong ipagkait sa kaibigan mo ang saya dahil nasaktan ka. Para sakin kasakiman yun.

Sa kaibigan naman, kung nanalo ka huwag mo masyadong ipamukha sa kanya. Kelangan mo ring malaman na talagang masakit para sa isang tao na malaman niyang hindi siya para dun sa taong gusto niya. Tandaan mo, magkaibigan pa rin kayo.

Sa tingin ko, kaya naman maiwasan ang ganung bagay kung sa umpisa pa lang ay mapag-uusapan na ito. Kung type mo rin ang gusto ng kaibigan mo, sabihin mo agad at huwag mong sulutin kung nakatalikod ang karibal mo. Dun nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan at nagtatapos ang pagkakaibigan.

Ewan ko ba, wala naman talaga akong karapatan magsulat ng mga ganito. Wala lang siguro akong maisulat ngayong araw. Eto kasi ang problema ng kaibigan kong si Lester.

Happy birthday bro!!!

10 comments:

lucas said...

hehe! alam ko the same rules applied to girls "hoes over bros"...but i agree. bitter yung mga taong pinagbabawalan ang kanilang kaibigang maging sila ng mga ex nila. kasi pano kung nag-workout yung relationship--sapol ang ego nila.hehe!

dun naman sa mga nambabakod, dapat may the best man wins! hehe! it\s just fair..pero mas maganda kung may disclosure pero hindi naman tlaga kailangan :)

Anonymous said...

usapan namin ng best buddy ko na hindi mangyayari sa amin to. hehe.
sabi nya kasi. "definitely, my taste is different from yours". totoo naman kasi! hahaa

pero tama ka dun, sabihin na lng agad.

Kosa said...

lols.. kahit kelan talaga nakakatuwa yung mga post mo..
ang masasabi dtio SA TOPIC NATO, WALANG PAKIALAMANAN!!!! SANA...

Anonymous said...

sarap magsoundtrip dito

Anonymous said...

i remember my college bestfriend. he knew for a fact that i really liked this girl. and the next thing i knew, they were already together. end of friendship? nah. marami pang iba dyan.haha

. said...

Tanong ko lang dude, maatim mo ba na makita ang minamahal mo na kayakap ang kaibigan mo?

Maatim mo ba na katropa mo eh kalaban mo sa attention ng isang tao?

Parang ang hirap nun. Kahit ako, sumusunod sa kasabihang "ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan." Hindi man ako straight pero sa amin, matinding issue ang bagay na ito.

Unknown said...

nako.. nangyri na sakin yan..
bute di nmn kami nasira nung kaibgan ko.haha.

ingaats tsong! :]

gillboard said...

lucas: yeah, i think girls have that too, pero di masyadong sineseryoso unlike with guys. Nirereto pa nga nila minsan friends nila sa ex nila.

ced: maganda yun, iba kayo ng type... pero minsan pag tinamaan ka ni kupido, ala nang type type. hehe

gillboard said...

kosa: hmmm...

joshmarie: sige lang makinig ka lang... sensya na at di napapalitan ang music... nakakatamad

gillboard said...

gravity: that's nice to hear. sana lahat ng friends ganyan.

mugen: di ko sinasabing madali yun... pero kung ang dating kay Pedro ay hindi na sa kanya ngayon, kelangan ba na di bigyan si Juan ng pagkakataon na mahalin yung iba?

jeszieboy: salamat sa pagbisita sa blog ko, at sa pag-iwan ng kumento!! buti at di kayo nagkasira ng kaibigan mo