RULES:
Okay, as you all know I'm just a guy, so most of the things that you'll be reading would be input of MEN (not boys). You are free to disagree and post your ideas on the comments area. If you want to answer with your own post about the subject, and you want me to post it in my blog, e-mail your reply post at jao_224@yahoo.com and I will post this in my blog with your name as a guest writer.
I want this to be interactive, so hopefully you'll leave your comments right away. And please, don't be violent or threatening with your posts/replies. Let us all be civil here.
TOPIC:
Kwentong hiwalayan sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan. Ang tanong sino ang mas magaling tumanggap ng hiwalayan, ang babae o ang lalake? Ang tanong na ito ay para sa mga taong nanggaling sa isang seryosong relasyon. Hindi sa mga laru-laro lamang. Naiintindihan ko na minsan depende rin ito sa dahilan ng hiwalayan kung sino ang mas mahusay na magdala sa mga pagkakataong ito.
Tingnan natin ang mga puntos:
LALAKE:
Naglalasing... tumataba o pumapayat... madalas ay nawawala... pero mas madalas na kinikimkim sa sarili ang sakit na nararamdaman.
Mas mabilis mag-move on ang mga lalake, at kahit na linoko ng babae, eh kailanman ay hindi isusumpa ang mga ito.
MInsan pa nga ay manunuyong muli, hanggang sa humiling ang babae ng restraining order.
May pagkakataon din na kapag ang lalake ay iniwan, lalong nagiging tarantado... natututong manggago ng babae bilang pangganti sa umiwan sa kanya.
BABAE:
Di tumitigil sa pag-iyak na para bagang nababaliw... ang babae kapag iniwan, ay hindi rin titigil sa kakadakdak na minsan pa nga'y pagmumukhaing kontrabida ang kanyang kasintahan.
May mga pagkakataon na ang babaeng iniwan ay pumapanget... at minsan pa nga'y isusumpa lahat ng mga kalalakihan sa buong buhay nila.
Ang babae, pag nagkahiwalayan, sasabihin sa sarili ang tanga-tanga niya... pero pagsinuyo, bumibigay agad... tapos maghihiwalay ulit sa parehong dahilan... tapos sisisihin ulit ang sarili...
Ang babae, kapag iniwan umaabot ng taon ang pagiging depressed... at kadalasan, hinahayaang maapektuhan ang ilang aspeto ng buhay niyang hindi naman dapat naaapektuhan.
**********
Yeah, I know. Creative juices still not functioning. I'm trying to rewrite some of the other posts that I've written prior to the whole virus thing. Indulge me for this... hopefully this will only be temporary. I don't really want to abandon this blog.
Ayokong makisali sa mga umiwan ng kanilang mga blog... hehehe
10 comments:
sa post mong 'to parang mo na ring sinabing parehas lang may sapak ang babae't lalake.
sakin cguro emotionally mas strong ang babae,tsaka diagree ako dun na pumapangit ang babae pag-iniiwan,actually ung iba pag iniwan na dun pa lang nila nalalaman na may salon pala at pwede pa lang mag pa hot oil o rebond.lol
mas madaling mag-move on ang mga babae, ayun sa statistics mas marami ang bilang ng lalaking nagpapakamatay kesa sa mga babae (ang babae kasi imbes magpakamatay, pumapatay na lang. lol). psychologically speaking, mas mataas ang E.Q ng mga gurls.
Ang mga guys naman kc tahimik most of the time kaya akala mo oks na oks n, pero nung ka, naghahanda na pala ng suicide note.
Anyways, depende pa rin. may mga feeling kc na mahirap kalimutan, kahit tumambling ka pa jan.sabi nga ni donna cruz, "kapag tumibok ang puso, lagot ka na! siguradong huli ka!".
pero kahit iniwan, tuloy pa rin ang buhay!
tuloy pa rin ang blogging! db?
o tama na, masyado na kong interactive dito.
have nice day!
mabuti naman at hindi ka nakisali sa mga nagsara ng blog. naku jusco po.
at tungkol naman sa post mo. ah nako.
NO COMMENT. oo na para akong tanga pero ayaw kong magcomment sa mga ganyang bagay at yan naman lahat ay totoo.
teka - yun pumapangit ang babae HINDI NAMAN! baket ako gumaganda daw? sabi ng tatay ko :D
cheers bibiBoie! :P
i wouldn't pretend to know things from a man's point of view, kaya heto ang two cents' worth ko about women:
first comes the panget phase. siyempre, ang eyebags ni girl eh pwede nang gawing coin purse diba? papangit rin ang kanyang balat at mawawalan ng glow, dahil wala siyang sapat na rest at tulog. yung buhok niya, lagi nalang naka-ponytail dahil walang luster at bounce. yung puso niya, durog. depressed na depressed siya para gumawa ng kahit na anong bagay.
tapos, maghahanap ng magko-commiserate sa kanya si girl. syemps, go signal ito sa kanyang mga bff na mag-whatever therapy: spa, parlor, resto, sine, shopping, atbp.
gaganda na ulit si girl. dahil gusto niyang makita ni guy kung ano ang wala siya ngayon.
tuloy ang takbo ng buhay.
:D
parehas lang. depende kung sino mas emotional. Kadalasan kung sino emo siya mukhang talunan. LOL
mas madaling magmove on... kaya pala ang ibang babae, kahit 3 taon ng break.. bitter pa rin... hahaha
@ utakmungoo. *kanta mode* so true, funny how it seems. hahaha. may nakalimutan ka mam. parating nakasimpleng top at pedal pants ang suot. nyahahaha. omg naman! ako nga, naka jogging pants at loose shirt lang ngayon eh! nyahahaha. kainiiiiis. :)) hahahaha! naman eeeeh. :))
Depende siguro yun kung sino magaling magdala ng emotions after the break-up. Usually wala naman sa gender yan.
hehe ayos to ah
natamaan ako. ahuuuuhuhuhuhu
pero hmmm. depende nga kung sino. sabi nila sa relasyon merong isa na mas higit pa na nagbibigay at nagmamahal. at kadalasan. sila ang totoong nasasaktan.
o e away na lang!
joke.
great notions here!
nice day gillboard! ;)
Post a Comment