Mga Sumasampalataya

Aug 10, 2008

KULANG PA RIN

So naayos na ang PC ko... Dapat yay diba?! Pero feeling ko kulang pa rin siya. Wala na lahat ng dinownload ko. Wala na lahat ng files na sinave ko. Wala na lahat ng pictures namin... Basta ang panget ng hitsura ng pc ko. Ang hirap maging tanga pagdating sa computer... Anlalaki ng mga font sa screen ko. Ang panget magscroll up and down ng mga windows. At ang porn!!! Wala na ang mga porn!!! (joke lang)

Yung mga naisulat ko para sa blog ko wala na... Yung pagka ganda-gandang draft ko para sa Featured Friend ko, nabura na... yung listahan ng mga natitirang Top Films ko, nakalimutan ko na. Gustuhin ko man na ulitin, parang nakakatamad kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi siya magiging kasingganda ng una mong naisulat.

Wala ng games na nakasave sa pc ko... wala na si Hangaroo... ang Warcraft... yung walang kwentang mga nakainstall. Parang nakakatamad na mag download... Parang nawala yung pinakaprecious na bagay sa buhay ko tapos napalitan ng 2nd-rate-trying-hard-pussycat. Nakakalungkot...

A VERY SPECIAL DAY

On a lighter note, nagkita kami kahapon ni Jaja at ng ilang piling mga kaibigan. Masaya!!! Nakakaaliw... Naiwan ko yung chocolate na pasalubong sa akin, pero ayus lang... Sayang kasi masarap pa naman yun... Salamat nga pala Payat (kahit di na masyado ngayon... hehehe). Nakaleave kasi siya hanggang this week kaya naisipan naming lumabas.

Nanuod kami ng A Very Special Love. Ang galing!!! Nakakatawa siya!!! Di ko ineexpect na maaaliw ako sa isang pelikulang tagalog na kagaya nito. Ang experience ko kasi kay John Lloyd eh yung unang pelikula lang nila ni Bea na sobrang corny. Pero ito, ang ganda... jologs na kung jologs pero bagong favorite ko itong movie na ito... number 2 na lang yung Got 2 Believe nina Claudine and Rico. Hahaha!!!

Trivia lang, alam ko di kayo interesado, pero ikukwento ko na rin. Nung araw na nag-apply ako sa Option B (sa John Clements sa LKG), nakita ko nun si John Lloyd Cruz. Yun pala nagsushooting sila dun sa building na yon. Wala lang... Naaalala ko kasi na suot niya yung damit sa isang scene noong nakita ko siya. Sayang, kung sinundan ko siya, di sana naging extra ako dun. Yak!!!

PINAKAMASAYANG LAKAD

Ang pinakamasayang mga lakad talaga ang mga lakad na hindi planado. Noong nagkita kami una, 3 lang kami. Tapos nanuod kami ng sine. Pagkatapos nun, pumunta kami sa bahay ng isa pa naming kabarkada, naghanap ng maaaya. Tapos noon eh dumiretso kami ng Timog para makipagkita sa iba pa naming mga kabarkada. Alas-4 na ng madaling araw ako umuwi!!!

Kulang man ang barkada namin kagabi, masaya pa rin. Ang kulit!!!

Nga lang, yung budget ko na dapat hanggang para sa susunod na linggo, ubos na... Mangungutang nanaman ako, pero sulit naman yung pinaggastusan. In tact pa rin yung barkada namin.

HELP!!!

Yun nga... tatanga-tanga ako pagdating sa computer, so andaming kulang. Kung meron man isang tao diyan na may mabuting kalooban na maaari akong tulungan na ayusin yung ilang mga bagay dito sa pc ko. Mag-install ng mga games o kaya'y ayusin yung hitsura ng mga font size ng mga nakalitaw sa pc ko... Papasalubungan ko ng dodo ng cow pagbalik ko from NZ...

Basta, grabe na 'to!!! Ang daming kulang ng pc ko... para siyang naging retarded... ang laki-laki ng font size. Parang di ina-accept yung printer (kahit wala namang ink). Mahirap talagang maging bobo sa computer... Ewan ko ba kung paano ko naipasa yung mga kursong ito noong nasa kolehiyo pa ako (ah oo nga pala, kasi ang galing ko dati sa paint!!!).

Pero seryoso ako... sana may mabuting kaluoban diyan na maaaring makatulong sa akin...

12 comments:

Mugen said...

Nangyari na sa akin yan dati. Ang ginawa ko, kahit medyo unnecessary, bumili ako ng extra hard disk para sa mga important files ko.

Balak ko pa bumili ng external disk para talagang absolutely walang makakanakaw ng mga precious documents ko. hehe.

gillboard said...

bibili na lang ako ng umd para sa mga blogposts and pics ko... hay...

Roland said...

umd, dba dance grp un? hehe, yeah mas okay yung may copy ka ng lahat ng files mo sa usb.

Paper Tilapia said...

^^UMD === oo nga, yun din ang naisip ko... ~~~Always! I wanna be with you! And tenenententen! And we'll say harmony, harmony, oh love!!!~~~ Universal Motion Dancers ito!


*** Eh pano yan??? Mahiyain din ako??? :p


Aha ha aha hahaha. (^_^)v

leviuqse said...

ugh!!!

ang hirap tlga pag di techie!

dabo said...

clueless din ako sa mga computer hardwares eh huhuhu

--- --

pero obvious naman na masaya ka!

dabo said...

@mugen: precious documents+ hehehe
parang matinding combination yan ah..eheheh

Tisay said...

hahah! ano yung joke lang? joke lang na nawala yung porn, o joke lang na may porn ka? hahah!

onga dapat may back-up ka ng lahat ng important files mo. ako apat ang flashdrives ko kasi di pa ko maka-afford ng external na harddisk. hehehe! basta ma-back up lang yung mga pino-photoshop ko happy na ko. hehehe! good luck sa pc mo.

gillboard said...

tisay: yung pangalawa siyempre... hahahaha

JedMeister said...

yehey! ayos na pla pc mo... :)

bumibisita! :)

Chyng said...

mag-install ka ng drivers.

teresa said...

haha..sayang ang mga porns!

hay naku...wa din ako knowing sa computers,naturingang nagmamanage ng comp.shop.haha!

-churvah