Ang sumusunod ay mga maiikling kwento ng katatakutan na aking narinig mula sa mga kaibigan, kamag-anak at sa radyo na gusto kong ibahagi sa inyo.
***************
1995: 12:30am. Matutulog na kami noon nang may biglang kumatok sa gate namin. Nang silipin ko sa bintana, 2 kapitbahay namin na mukhang takot na takot. Pinapasok sila ng nanay ko. Mukhang pagod yung dalawa. Nang tanungin ng nanay ko kung ano yung nangyari, at bakit sila nagkakaganun...
Naghahanda raw silang matulog din, galing sila sa amin dahil may bisita kaming kamag-anak nila. Nang takdang papatayin nila yung ilaw, may nakita silang lalaking duguan na pilit hinihila yung grills ng bintana nila. Nang sinigawan ni Kuya yung lalaki, tiningnan daw sila ng masama, at tumakbo palabas. Hinabol ng dalawa yung lalaki, pero paglabas nila ng bahay, wala silang nakitang tao.
Imposibleng hindi nila maabutan yun dahil mataas yung bakod nila at di kayang akyatin dahil walang maaapakan. Walang mapagtataguan yung lalaki kung sakaling nakatakbo siya sa kalsada. At imposibleng makaakyat sa bubong yung mama, dahil magcocause yun ng ingay. Saka lang naisip ng kuya ko na baka multo yung nakita nila, kaya dagli silang tumakbo papunta sa amin.
***************
May isang lalaking pumunta sa isang party sa isang village sa Quezon City. Sa sasakyan palang, eh hindi na maganda ang pakiramdam niya. Para bang may nagbabantay sa kanya. Parang may mabigat sa dibdib, na hindi niya malaman ang dahilan.
Dumating naman siya sa bahay ng kaibigan niya, pero dahil maraming bisita ito, napilitan siyang magpark ng sasakyan sa dulo ng kalsada, kung saan medyo madilim. May mga tao sa may kalsada, pero ang taong nakaagaw ng pansin niya eh yung babaeng nag-iisa sa tabi ng sasakyan ng isang kakilala niya. Inisip ng binata na isa nanaman ito sa mga babaeng pinaglalaruan ang damdamin ng kaibigan niya.
Pero nanginig siya nang magkita sila sa mata. Ang dalaga ay nanlilisik sa pagtitig sa kanya. Lalong bumigat ang pakiramdam ng binata. Umiwas na lang ito sa pagtingin at naglakad patungo sa bahay ng kaibigan. Pumasok na ang mga tao sa paligid na kanina'y nakita niya. Nang ilang hakbang na lang siya sa tahanan ng kaibigan, lumingon ito upang tingnan ang sasakyan niya.
Nagulat ito nang makita ang babae sa loob ng kotse niya na hanggang sa pagkakataong iyon ay nakatingin pa rin sa kanya ng masama. Tumakbo ito papunta sa mga kaibigan upang magsumbong at ibalita ang tungkol sa nakita. Pagbalik nila sa labas, wala nang tao sa sasakyan.
Doon na natulog ang binata sa bahay ng kaibigan.
***************
Sa dati kong opisina sa Ortigas, sa sleeping quarters ng mga babae, maraming kwento ng kababalaghan akong narinig. Ang sabi ng aking mga katrabaho, may tatlong multo na naninirahan doon. Isang lalake, isang babae at isang batang babae.
Isang gabi, alas siyete nang dumating sa opisina para matulog ang isa kong kaibigan. 2 pa lang ang taong natutulog doon. Pumuwesto siya sa higaan na malapit sa bintana. May ilang minuto na siyang nakahiga, pero hindi pa rin siya dinadapuan ng antok, hanggang sa umabot ang alas-9. Yun ata yung simula ng shift ng dalawang kasama niya. Wala pang ibang dumarating upang matulog, kaya naiwan siyang mag-isa.
2 oras mahigit na siyang nakahiga, pero di pa rin siya makatulog. Umiiba-iba siya ng pwesto ng paghiga pero wala pa ring nangyayari. "Wag kang malikot!" narinig niyang may bumulong sa kanya. Bumangon bigla ang kaibigan ko sa takot, at lumabas. Di niya kayang magstay sa loob ng mag-isa.
Naghintay siya sa labas na may pumasok upang matulog. At nang may dumating na 3 pang babae para matulog, pumasok na ulit siya. Di pa nagtatagal ng makaidlip siya na may gumigising sa kanya. Inaalog ang balikat niya, at ng maalimpungatan, napansin niyang walang ibang tao. Tulog ang tatlo niyang kasama. Pero antok na antok na siya kaya hindi na niya pinansin yun. Kunsabagay, maaaring panaginip niya lang yon.
Paggising niya bago magsimula ang trabaho, nang tingnan niya ang telepono niya, may nareceive itong isang picture message. Ito eh litrato niya habang natutulog ito. At nagmula yung message sa number niya.
***************
There are more things in heaven and earth, Horatio,
Than are dreamt of in your philosophy.
-Hamlet
15 comments:
hohmyzeusdemet!!
katakot naman yung huling kwento. =( magisa pa naman ako ngayon d2 sa bahay. waaaaahhhh! ahihihi!!
kinabahan ako dun ah. corny na kung korni... basta matatakutin ako.. sobra. lalo na pag meagtxt sa akin ng ganyan. kainis! huhuhuhu!
my gosh.. katakot naman to. it's late pa naman d2. But i will read this again bukas para at least umaga. lols.
Anyway, Just passing by here and have a lovely day ahead. Hope to see you in my blog soon.
Cheers,
Outback-Pinay
Cheeky-Pinay
Waaaah. Totoo ba to? Bakit fiction ang nasa label?
tisay: dedicated talaga for you tong entry na to!!! hehehe
mico: walang masamang matakot...
yums: sige balik ka bukas... hehehe
mugen: wala lang, para may mailagay ako sa label na fiction. pero di ko rin naman kasi alam kung nagsasabi ng totoo yung mga nagkwento nito... yun lang. =D
hahays...spooky...hehe...
my gally gas beng beng..
uy mahilig akong magbasa at mangealam ng blog ng iba tuwing kalaliman ng gabi..at medyo nalokah ako habang binabasa ko ito nyaaaaaaaahhhhh
napalunok tuloi ako. matatakuting sibuyas pa man din ako. amf. :D
dude, may talent ka... ayaw mong kausapin si anino (check my blog roll)... magshare kayo ng thoughts.
Ako din natakot.waaaah
ano ba yan nawala ang lunkot ko at lalo ko napuno ng takot! hahahaha. eh di nga ko makapanood ng full length movie na horror kahit kwento eh!!
nyay! sh*t gilberto! kinilabutan nm ako sa sliping quarters huh! buti n lng wala n tyo dun.. dating border p nmn ako.. pero 22o my mga gabi tlga na mbigat mtulog sa sliping quarters lalo na pg sa flor k ntulog and kita mo ung ilalim ng beds! parang my bgla titngin! waaaaah! creepy! buti n lng dayjob n ko! so much for callcenter sliping quarters! haha!
I lke it pre
nice story!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
gawa ka ult
hayzz kakaboring unhg kwen2 ala na bang mas nakakatakut.
kuya mag post ka pa po ng madaming nakakatakot na story, lalo na ngaun malapit na halowwen
scary nman wg snang mangyari skin un mahilig pa naman ak0ng m2log ng walang ilaw at wlang kasama s kwarto
Post a Comment