Naisip ko lang ito habang nag-iisip ako ng magandang opening para sa aking featured friend na si Jaja. Opo, mauumpisahan ko na mamaya yung artikulong ukol sa kanya. Maaaring bukas o sa makalawa ay malalathala na siya dito.
Pero draft pa lang ang nagagawa ko, kaya ipagpaumanhin ninyo muna kung ito ang isusulat ko. Hindi sa nagiging mapanghusga ako, pero meron talagang mga tao na kahit anung gawin ko, eh alam kong hindi magiging malapit sa akin. Siguro naranasan niyo na rin yung sinasabi ko. Yung tipong sa unang tingin pa lang, kahit di niyo pa sila kilala eh kumukulo na ang dugo ninyo. Di ko alam kung dahil ba ito sa kanilang pananamit, o dahil matining ang boses nila, o talagang ang mga aura namin ay sadyang magkaiba kaya nahihirapan akong lumapit sa kanila.
Di ko alam kung bakit medyo sarado ang utak ko sa mga ganitong klaseng tao, na sa palagay ko eh tama na yung unang impresyon na nakuha ko sa kanila. Pero alam kong hindi ako nag-iisang ganito. Ayaw man nating aminin, may mga pagkakataon talaga na hindi nating maiiwasang mairita sa mga taong hindi natin kilala.
Lalo pa siguro kung nasusulsulan tayo ng iba nating kaibigan tungkol sa mga hindi nila kanais-nais na mga kaugalian. Ang mga sumusunod ay ang mga taong para sa akin ay mahirap pakibagayan. Opo, laitero po ako.
ASIN: Isang taong hindi marunong maglagay ng deodorant at madalas may ilog na gumuguhit sa may bahagi ng kilikili o kaya nama'y may lawa sa likurang bahagi ng kanilang kasuotan. Bakit asin, kasi feeling ko, na kapag ang pawis nila ay natuyo, ito ay nagiging asin. Wala akong balak na sila ay amuyin. pero para sa akin, tama lang na lumayo ako sa kanila.
NAGMAMARUNONG: In short, epal. Yung mga taong mahilig makisali sa mga diskusyon, at kadalasa'y nagbibigay ng opinyon na tila sila lamang ang nakakaintindi. Yung tipong, mga taong mahilig magtaas ng kamay para lang mapansin, kahit minsan yung mga tanong nila eh walang kinalaman sa inyong pinag-uusapan. Borderline ng pagiging sipsip. Siguro insecure lang ako, pero ang sa akin, kung gusto ko magpa-impress, eh dadaanin ko sa sipag at sa husay sa larangan na aking papasukin, at hindi sa pagtatanong ng mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag o kaya'y walang katuturan.
MS. KILAY: Para sa akin, kapag ako tiningnan mo mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay mo eh wala ka na. Lalo pa kung cheesebread yung mukha mo. Mabait ka man o hindi, para sa akin di ka na karapatdapat pag-ukulan ng panahon, dahil sigurado akong hindi tayo magkakasundo. Medyo ganun ako, pero hindi halata. Di ko gawaing matahin ang isang tao kagaya ni Ms. Kilay. Nagagawa ko yun, oo. Pero hindi halata... discreet kumbaga.
AUTISTIC: Hindi yung mga may kapansanan. Kundi yung mga taong kahit matino ang pag-iisip eh mayroong sariling mundo. Yung kapag nagsusulat, ay may naririnig kang kasabay na mga sound effects. O kaya nama'y nagsasalita ng mag-isa. Kadalasa'y mahilig sila magdrawing ng anime at may pagka emo ang hitsura... o goth ba? Ewan. Hinahayaan ko na lang sila sa sariling mundo nila... tutal dun naman sila masaya.
LAKAS MO: Eto ang weirdo talaga. Sobrang paniwala siguro sila sa nanay nila noong panahon na sinasabihan silang guwapo sila, kahit alam ng lahat na kabaligtaran ito sa totoong buhay. Oo, hanga ako sa kanilang lakas ng loob, pero naiirita ako sa pagiging manhid nila. Hindi nila napapansin na pinagtatawanan sila ng lahat ng tao dahil parang palaging sila'y lakas-tama. Yun bang tipong, mas natututwa sila kapag pinapansin sila kahit na pinagtatawanan sila.
BOBO: Sa mga taong ito nauubos ang pasensya ko. Natural na mahaba ang pisi ko, pero kapag napagpaliwanagan ka na sa pinakasimpleng paraan eh hindi mo pa rin makuha... lumayo ka na. Ayoko talaga sa mga taong slow. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na nagtuturo sa ibang tao, pero kung hindi ka marunong makinig at hindi ka madaling makaintindi, kawawa sila sa akin.
Hindi masama ang ugali ko. Kung alam kong hindi ko makakasundo ang isang tao, hindi ko na pipilitin ang sarili kong lumapit sa kanila, dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na magsalita. Mas gugustuhin ko pang maging suplado kaysa maging plastic.
9 comments:
true true! i can totally relate! yup i admit i am like that too. pihikan kase ako when it comes to choosing my friends... pero at the end of the day, 'lam mo, isa lang ang masasabi ko, "KEBER!!!" hehehe!
Sobrang badtrip ako sa may Attention Deficit Disorder. Mahina ang tolerance ko sa taong mahilig magpapansin, lalo na't hindi naman kapansin pansin.
Badtrip rin ako sa mga lalaking nagmamaganda ng wala naman sa tamang lugar. Kadalasan iniiwan ko yung mga ganun sa lakad.
naka relate din ako,ng bonggang bonga,haha!
marami na akong experience na ganyan..at ramdam ko na rin agad sa unga kita pa lang kung makakasundo ko ang isang tao,instinct kumbaga.
ayw ko ng may umeepal sakin kaya hindi rin ako umeepal sa iba..golden rule lang un.
hahaha! natuwa nman ako dito.
nakarelate din, ako minsan unang tingin pa lang alam ko na kung gusto ko kaibiganin oh hindi. karaniwan ayoko. ahaha! kaya ako nasasabihan na snob. pero hindi naman talaga. =P
haha natawa ko dito =)
ako din nakakarelate. sa totoo nga merong yung sa piktyur ko lang nakita naasar na ko. ewan ko kung bakit ako asar dun sa taong yun. di naman kami magkakilala personally at pic niya lang nakita pero iritang irita ako sa kanya. gusto ko siyang umbagan. haha
ayoko din yung titignan ako na taas ang kilay. sarap ibarubal sa sahig ang muka ng mga ganung tao.
wahaha! my mga naicp n ko kung cno b sa mga kilala ntin yung ganun?!! mrmi sa carlson! wala lng ako maicp na asin! at naicp mo p yun eiiww! meron kb fren na ganon?! e aircon nmn sa ofis! haha! ntatawa ko! naalala mo ung my crush kay maybs, pasok n pasok sa "lakas mo"!! hahaha!
shams: actually, siya yung lakas mo!!! hahaha
si asin, someone from college!!!
Naku..
mukhang may pinag iinitan ka pareng gillboard ah?..
hehe.
nakarelate ako dito. Ganyan din ako minsan pero minsan iniiwasan kong mang lait para sa kapayapaan ng sandaigdigan.
palakpakan.
Post a Comment