Wala nanaman ako masabi, pero dahil ako ay nag-commit na gagawa ng 100 journal entries ngayong taon, eh nagsusulat ako ngayon sa'yo... Nang bilangin ko ang mga kailangan kong gawin para magawa ko yung isa sa mga pangako ko na gagawin ko ngayong taon, nalaman ko na kailangan magsulat ako dito ng isang entry tuwing makalawa... In english, every other day(di ko kasi alam kung tama ang ginagawa ko)...
***
Dito sa programa ko, napansin ko na ang mga ahente ko na may mga hitsura eh may dala-dalang mga mabibigat na problema... Hindi ko na syempre sasabihin kung ano yung problema nila... Pinagkatiwalaan nila ako... Dapat tama lang ang ginagawa ko... Napaisip tuloy ako... Buti na lang hindi ako masyadong kagwapuhan...
***
May bagyo nga pala ngayon dito sa Pilipinas... Ang balita pa nga eh kasing lakas ito ng bagyong Katrina sa Amerika... Isa lang ang ibig sabihin nito... MASARAP MATULOG!!! Kaya lang may pasok... Balang araw talaga, di ko papasukan yung kompanya ko ng isang linggo... Ano kaya ang gagawin ni Janie sakin?
***
Gusto ko manuod ng sine... Wala namang magandang palabas... At wala din akong kasama... Kung may mag-aya sa akin sa Sabado, bakit hindi... Malamang wala din kaming panuorin...
***
Malapit na ang Thanksgiving sa Canada... Ibig nitong sabihin na meron nanaman kaming medyo mahaba-habang pahinga... Ang saya nga eh, kasi ang programa ko, may inihandang bonding session nanaman... magbobonding yung iba sa Enchanted Kingdom, Batangas, at Baguio... Malamang lalong magiging close ang mga agents ko nito...
***
Record breaking talaga ito... Apat na buwan na kaming nag-oovertime... 6th day overtime... ang ibig lang naman sabihin nito ay lumalaki ang hinihinging oras sa amin... Magaling kasi ang programa namin... Sana lang madagdagan ang pahinga naming lahat... Haaay... Pagod na kaming lahat... Pagod na pagod sa kakaovertime...
No comments:
Post a Comment