Mga Sumasampalataya

Sep 9, 2006

ENTRY 48: MEAN BOY

fSo nakasakay ako kanina sa fx pauwi, and then there was this girl na empleyado ng SM Sucat na feeling nagmamaganda... Di ba ang ilang fx eh yung aircon lahat nasa gitna, ang ginawa nung epal na babae tinapat sa kanya yung aircon, as in sa kanya lang... Nakakaasar diba? Mabuti na lang nakapagtimpi ako kanina... Inisip ko na lang na babae siya... Pero sa isip ko, gustung-gusto ko siyang awayin... She's not pretty... at empleyado lang siya ng SM, minimum wage earner... HELLO!!! Arrrgh!!! Nakakagigil!!!

*****

New office policy...
Napapansin ko kasi, na dumadami ang nagdadahilan ng kung anu-ano para hindi magtawag sa trabaho... Pumapasok kayo para magtrabaho at hindi magpahinga... Kaya ngayon, kung di mo kayang magtawag, umuwi ka na lang... Para di sayang pinapasweldo namin sa inyo... bawal na ang nakameeting sa clock... Kung di mo kayang magtawag, GO HOME...

*****

Si tatay...
Hindi pa rin nagsasawa sa kaka-magic sing... Kaligayahan niya yun... Pero naman kung wala ka ng boses, sana itigil na ang pagkanta!!! Mahal ko mga magulang ko, di ko lang talaga kaya na nag-iingay sila... Medyo maganda kasi sound system sa bahay, at kapag nagmamagic sing ang isang tao eh, naririnig hanggang kanto yung sounds... Ang tatay ko, araw-araw kung kumanta, at medyo full volume pa ang speakers... Wala namang boses... Nagsawa na siya sa kakakanta ng Matt Munro at Frank Sinatra (after 3 months)... kaya ngayon lahat na ng kanta eh sinusubukan niya... Ilang daan din yun... Nakasarado na pintuan at bintana ng kwarto ko, naririnig ko pa rin yung paos at pekeng palseto niyang boses... Iniisip ko tuloy kung ano sinasabi ng mga kapitbahay namin tungkol sa kanya... Idadagdag ko lang, madalas siyang magpractice sa bahay ng mga maghahatinggabi... Milagro na lang na hindi pa binabato yung bahay namin... I love you daddy...

*****

Dala ng walang tulog...
Wala akong tulog masyado ngayon kaya medyo 'cranky' ako... Patawad po... Di ako talaga ganito... Siguro mawawala ito pagpunta namin mamaya sa Enchanted Kingdom... Pero mukhang malabo, lalo kasi akong hindi makakatulog nun... Medyo nagdadalawang isip nga ako ngayon.. Ako lang ata yung lalaki na sasama dun... Inutang ko pa yung pangpunta ko don... Wag na lang kaya ako sumama? Hmmm...

*****

Nagbabakasakali lang...
Gusto kong magleave ng isang linggo... Di kaya ako ibitin ng patiwarik ni Janie? Subukan ko kaya... Pang-asar lang... Kaya na naman ata nilang patakbuhin 'tong programang ito nang wala ako... May balikan pa kaya akong posisyon? Ayoko, wag muna... Tikman ko muna yung increase ko... Sana malapit na 'yon para makapagleave na ako... Pupunta talaga ako ng Bora... Kahit ako lang mag-isa...

*****

Bwiset...
Ang dalas ko nang nakakarinig ng mga kantang pampasko... Nakakadepress... 3 buwan pa bago magpasko!!! Ang kinatutuwa ko lang sa mga panahon na ganito eh yung linggu-linggong fireworks display na nagaganap sa Ayala at ngayon sa Mall of Asia... Yun lang... Wala ng iba...

*****

Isa pang bwiset...
Mag-aalas onse na... Isa-isa ng dumarating ang mga text messages ng mga ahente ko... Hindi raw sila makakapasok ngayon...
  • May sakit ang anak ko (medyo valid, kasi kahapon pa ito... pumasok lang kahapon)
  • Binaha daw sa area nila (medyo malakas kasi ulan ngayon... biglaan)
  • Baka may dengue yung kapatid (k, fine)
  • Di daw maganda ang pakiramdam (pinakagasgas na excuse)
  • Namamaga ang tonsils (di sanay magtawag)

Dahil dyan, buong buwan nanaman kaming mag-oOT... Tanggalin ko kaya lahat ng absinero sa programa ko? Parang gusto kong maging diktador dito ngayon... Magbago kaya ang ugali ng mga ahente ko? Buong gabi ako ngayon gagawa ng mga warnings... Tutal mean boy na naman ako ngayon... PANININDIGAN KO NA ITO...

No comments: